You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
BANOYO NATIONAL HIGH SCHOOL
Banoyo, San Luis, Batangas

Lagumang Pagsusulit sa EsP 7 Blg. 1


2nd Quarter
Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________
Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: _____________
A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na gamit, katangian, at tunguhin ay halimbawa
ng ISIP o KILOS-LOOB.
__________1. Mangatwiran __________6. Pag-gawa
__________2. Mapanagutang-kilos __________7. Magsuri
__________3. Pag-unawa __________8. Pagpapasya
__________4. Katotohanan __________9. Kabutihan
__________5. Pagtulong __________10. Pakikiramay

B. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay
makatutulong sa pagbuo ng wastong pasya at MALI kung hindi.
_______11. Tukuyin o alamin ang iyong layunin o nais na resulta.
_______12. Pag-alam sa mga panuntunang moral.
_______13. Mangalap ng iba’t ibang impormasyon na magiging batayan mo sa
pagtitimbang ng mga pagpipilian.
_______14. Alamin ang magiging bunga o masamang epekto ng bawat pagpipilian.
_______15. Pumili, magdesisyon o gumawa ng pasya.
_______16. Pagsasabuhay ng mga prinsipyong nakaangkla sa moralidad.
_______17. Suriin o pagnilayan kung ang nagawang pasya ay tama.
_______18. Palagiang pagbabasa ng mga libro o anomang babasahin na makapagpapaunlad
ng kaisipan.
_______19. Pagninilay-nilay sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid.
_______20. Pagsisikap na mamuhay nang may pagpapahalaga sa kapwa.

C. Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang sumusunod na konteksto. Piliin ang
sagot mula sa kahon.

cum kilos konsiyensiya scientia gawa

likhain Diyos puso isip kalayaan

Ang (21)____________ ay nagmula sa dalawang salitang Latin na (22)____(with)


at (23)__________(knowledge). Ang ibig sabihin nito ay “with knowledge” o may
kaalaman. Ito ay nangangahulugan na kung ang isang tao ay may kaalaman sa isang
bagay, naipakikita niya ito sa pamamagitan ng kaniyang (24)___________. Namamalas
ito ng mga taong nakapaligid sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga (25)______.

Likas na Batas Moral. Ang batas na ito ay taglay mo at ng lahat ng tao mula
nang ikaw ay (26)_________. Nakatanim na sa iyong (27)______at (28)______ ang batas
na ito na siyang tumutulong upang maunawaan mo ang tama at mali. Dahil ikaw ay
nilikha na kawangis ng(29)___________, taglay mo ang kabutihan at karunungan na
nagmumula sa Manlilikha. Kaakibat ng kabutihan at kamalayan na na ito ay ang
(30)____________na ipinagkaloob sa iyo. Ang kakayahang pumili ang nagdudulot sa iyo
na makagawa ng masama o mabuti.

Binigyang pansin ni: Ihihanda ni:

JOSELITO M. CUASAY CARLA LYN MAE P. CUERDO


OIC/Ulong Guro I JENIFER D. CORNEJO
ADELIA M. ENRIQUEZ
Mga Guro, EsP 7

BANOYO NATIONAL HIGH SCHOOL


Banoyo, San Luis, Batangas
Banoyonhs.2003@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
BANOYO NATIONAL HIGH SCHOOL
Banoyo, San Luis, Batangas

Lagumang Pagsusulit sa EsP 7 Blg. 2


2nd Quarter
Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________
Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: _____________

A. Panuto: Basahin ang mga pahayag. Piliin ang letra ng pinaka-angop na kasagutan.
Isulat ang letra sa patlang.
___1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi
nagtatapos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang
paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
___2. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng
pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat.
Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang
nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa
sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang
pagkakamali.
c. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang
sarili.
d. Lahat ng nabanggit
___3. Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
___4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng esensiya ng mga bagay
___5. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
a. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
___6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at
makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki,
kumilos at dumami.
___7. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag
laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming
mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti.
Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa
pagkilala sa mabuti at masama.
___8. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?

BANOYO NATIONAL HIGH SCHOOL


Banoyo, San Luis, Batangas
Banoyonhs.2003@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
BANOYO NATIONAL HIGH SCHOOL
Banoyo, San Luis, Batangas

a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan


b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit
___9. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
___10. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang
restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit
isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsiyensiya c. Maling konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya d. Mabuting konsiyensiya
___11. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito
ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na
Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo c. walang hanggan
b. Unibersal d. di nagbabago
___12. Maaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa
patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsiyensiya magiging
manhid na ito sa pagkilala ng tama.
___13. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
___14. Ang sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas-moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
___15. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng
tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay
nangangahulugang:
a. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
b. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o
kilos.
c. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kaniyang pagiging mapanagutan sa
paggamit ng kanyang kalayaan
d. Lahat ng nabanggit
___16. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.
a. Isip b. dignidad c. Kilos-loob d. Konsiyensiya
___17. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang
pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya
sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na
pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang
_________________.
a. Karapatang pantao c. Panloob na kalayaan
b. Dignidad bilang tao d. Panlabas na kalayaan
___18. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at
magpasya para sa kanyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga
isasagawang pagpapasya sa hinaharap

BANOYO NATIONAL HIGH SCHOOL


Banoyo, San Luis, Batangas
Banoyonhs.2003@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas
BANOYO NATIONAL HIGH SCHOOL
Banoyo, San Luis, Batangas
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa
pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na
magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa
pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.
___19. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa
paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao
ang mabuti at masama
___20. Ano ang nagbibigay hugis o direksiyon sa kalayaan?
a. Isip b. konsiyensiya c. batas-moral d. Dignidad
___21. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na
biyaya ng Diyos sa iilang tao.
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at
magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap
ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal.
___22. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
___23. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
___24. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
___25. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na
tumatanda na
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng
kanyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

B. Panuto: Magbigay ng maikling repleksyon tungkol sa gintong aral (Golden Rule). (26-
30)
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.”

Binigyang pansin ni: Ihihanda ni:

JOSELITO M. CUASAY CARLA LYN MAE P. CUERDO


OIC/Ulong Guro I JENIFER D. CORNEJO
ADELIA M. ENRIQUEZ
Mga Guro, EsP 7

BANOYO NATIONAL HIGH SCHOOL


Banoyo, San Luis, Batangas
Banoyonhs.2003@gmail.com

You might also like