You are on page 1of 3

APOSTOLIC VICARIATE OF CALAPAN PAROCHIAL SCHOOL QUARTERLY ASSESSMENT

First Quarter
Mina De Oro Catholic School, Inc. S.Y. 2022-2023
“Parochial Schools: Evangelized and Evangelizing Communities Where Minds and Hearts Meet”

QUARTERLY ASSESSMENT
(Edukasyon sa Pagpapakatao 10)

Pangalan: _________________________________________________________________ Pangkat: ________________________________________


Guro: ____________________________________________________________ Petsa: ________________________________________________________
I. A. Punan mo ng tamang salita ang bawat patlang para mabuo ang sanaysay. Hanapin ang tamang sagot sa loob ng
kahon.

tapat madaraig masama batas moral


Kamangmangan di madaraig paghuhusga maling gamit
Pananagutan panahon mabuti
Kaalaman magkamali pasisikap

Iyong natutunan na ang likas na (1.)_________________ ay “Gawin ang (2.)_________________ at iwasan ang
(3.)_________________.” Hindi nagbabago ang likas na batas moral. Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa
pangangailangan ng situwasyon.
Maaaring (4.)_________________ ang paghuhusga ng konsiyensiya ngunit hindi lahat ng (5.)_________________ nito ay
maituturing na masama. May mga pagkakataong hindi ito kinikilalang masama dahil sa (6.)_________________ ng tao. Ang
kamangmangan ay kawalan ng kaalaman sa isang bagay. Lumilitaw ito sa mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang ating
(7.)_________________.
Kung ang kamangmangan ay (8.)_________________, hindi nagsikap ang taong malampasan o kaya’y binalewala niya ito,
hindi nababawasan ang kanyang (9.)_________________. Kung ang kamangmangan naman ay (10.)_________________, binabawasan
nito kung hindi man tinatanggal ang pananagutan ng isang tao sa kanyang maling pasya o kilos.
B. Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng
kahulugan?
a. mag-isip b. makaunawa c. maghusga d. mangatuwiran
_____2. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
a. kakayahang mag-abstraksiyon c. pagmamalasakit
b. kamalayan sa sarili d. pagmamahal
_____3. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
a. pagmamahal b. paglilingkod c. hustisya d. respeto
_____4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip b. umunawa c. magpasya d. magtimbang ng esensya ng mga bagay
_____5. Ang isip (intellect) ay laging tinutungo ang ___________________.
a. kapayapaan b. kabutihan c. katotohanan d. kagandahan
_____6. Nilalayon ng kilos-loob (will) ay ang paggawa ng _________________.
a. kapayapaan b. kabutihan c. katotohanan d. kagandahan
_____7. Alin sa tatlong kakayahan ng tao at hayop na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon?
a. pandama b. pagkagusto c. pangatwiran d. paggalaw
_____8. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?
a. maiiwasan ang landas na walang katiyakan c. makakamit ng tao ang kabanalan
b. masusugpo ang paglaganap ng kasamaan d. maisasabuhay ang mga moral na alituntunin
_____9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang
di maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o
hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.
____10. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
c. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
d. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
____11. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?
a. mapalalaganap ang kabutihan. c. maaabot ng tao ang kanyang kaganapan.
b. makakamit ng tao ang tagumpay. d. mabubuhay ang tao nang walang hanggan.
____12. Ang likas na Batas Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay
nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:
a. obhektibo b. unibersal c. walang hanggan d. di nagbabago
____13. Ang likas na Batas Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na
may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. obhektibo b. unibersal c. walang hanggan d. di nagbabago
____14. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Ito ay sukatan ng kilos. c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.
b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan. d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.
____15. Ang sumusunod at mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
c. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.
d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at
karanasan ng tao.

Prepared by: (NAME OF THE TEACHER)


APOSTOLIC VICARIATE OF CALAPAN PAROCHIAL SCHOOL QUARTERLY ASSESSMENT
First Quarter
Mina De Oro Catholic School, Inc. S.Y. 2022-2023
“Parochial Schools: Evangelized and Evangelizing Communities Where Minds and Hearts Meet”

II. Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
____1. Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng
kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang
damdamin?
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili c. May kakayahan ang taong mangatuwiran
b. Malaya ang taong pumili o hindi pumili d. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
____2. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.
b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip.
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip.
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyong naihahatid dito.
__3. Ang hayop ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin ang bagay na
nakikita, tunog o amoy ng kanyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kanyang buhay. Mayroon din itong
pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kanyang kabutihan o kapakanan. Mula sa mga pahayag, para saan ang
kakayahang ito ng hayop?
a. Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila.
b. Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili .
c. Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito.
d. Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
___4. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito
dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito
raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
Para sa bilang 5 at 6, basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.
Sina Rosa at Susan ay matalik na magkakaibigan. Ngunit isang araw nagalit si Rosa kay Susan at gusto niya itong
pagsalitaan ng masasakit na salita ngunit naisip niya na baka masira ang kanilang pagkakaibigan. Kaya nagdesisyong siyang
kausapin ito ng mahinahon at alamin ang totoo.
___5. Bakit kaya ni Rosa na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
a. matakot siyang mawalan ng kaibigan. c. may kakayahan siyang mangatwiran at magpasya
b. malaya siyang piliin ang uri ng kaibigan d. may kakayahang pumili para sa kanyang kapakinabangan
___6. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan niyang gawin.
b. Ang tao ay kailangang maging maingat sa pagpili ng kaibigan na hindi ka sisiraan.
c. Ang kakayahang taglay ng tao ay hindi maaaring pantayan ng hayop dahil natatangi ang tao.
d. Ang pandama at emosyon ay magagawang kontrolin ng tao at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
___7. Si Ana ay may kapansanan sa paningin dahil sa malubhang sakit nang siya ay maliit pa. Ngunit sa kabila ng kanyang
kapansanan, natuto siyang bumasa at sumulat. Nagtapos siya ng elementarya hanggang kolehiyo na may karangalan sa tulong
ng kanyang mapagmahal na magulang at matitiyagang guro. Ano ang pinatunayan ni Ana?
a. Ang pagmamahal at pagtitiyagang turuan siya ang salik ng tagumpay.
b. Ang limitasyon ng kanyang kapansanan ay nalampasan sa pamamagitan ng pagsisikap na makatapos ng pag-aaral.
c. Ang kanyang kapansanan ay naging hadlang upang magtagumpay.
d. Ang kanyang mga kakayahan ay nalinang dahil sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.
___8. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito
nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
b. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya
c. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.
d. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
___9. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming
pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang
sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong
pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya.
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin at nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang
alituntunin.
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama
____10. Si Juan ay nakakita ng isang batang pulubi sa kalye. Binigyan niya ito ng limos dahil sa awa. Ngunit nalaman niya
paglipas ng ilang araw na ang batang binigyan ng limos ay lulong pala sa paglalaro ng kumpyuter at pagsusugal. Anong uri ng
kamangmangan ang ipinakita ni Juan?
a. kamangmangan madaraig c. kamangmangan na di-madaraig
b. kamangmangan maawain d. kamangmangan katangahan
____11. Lumaki si Kinneth sa isang pamilyang makadiyos. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming
mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang
sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti.
Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni Kinneth.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya.
b. Ipagpaliban muna ang pasiya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin.
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.

Prepared by: (NAME OF THE TEACHER)


APOSTOLIC VICARIATE OF CALAPAN PAROCHIAL SCHOOL QUARTERLY ASSESSMENT
First Quarter
Mina De Oro Catholic School, Inc. S.Y. 2022-2023
“Parochial Schools: Evangelized and Evangelizing Communities Where Minds and Hearts Meet”

___12. Sobra ang sukling natanggap ni Erlene nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang
kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang
ginamit ni Erlene?
a. tamang konsiyensiya c. purong konsiyensiya
b. maling konsiyensiya d. mabuting konsiyensiya
Para sa bilang 13-15:
Ang pagbebenta ng pekeng kagamitan sa mga pampublikong merkado ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas
nakatitipid kaysa bumili ng orihinal. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang
bentahan nito at marami ang natutulungan.
____13. Ang situwasyong ito ay nagpapatunay na:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan.
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay.
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsiyensiya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
____14.Anong proseso ng paghubog ng konsiyensiya ang dapat gamitin mula sa
situwasyong nasa itaas?
a. kilos-loob b. isip c. kamay d. puso
____15.Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit sa situwasyon?
a. tamang konsiyensiya c. purong konsiyensiya
b. maling konsiyensiya d. mabuting konsiyensiya
III . Basahin at unawain ang bawat sitwasyon pagkatapos ay magpasya kung ano ang nakahihigit sa iyo gamit ang
iyong isip (intellect) at kilos-loob (will). (10pts)
1. Family reunion ninyo. Darating ang iyong lolo, lola at mga pinsang galing sa ibang bansa. Sila ay
malalapit sa iyo. Ngunit sa araw ding ito gaganapin ang tree planting ng inyong guro. Layunin ninyong
taniman ng mga puno ang nakakalbong kagubatang malapit sa inyo. Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Alam mong mahihirapan ang iyong magulang na tustusan ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Nangako ang
iyong ama na gagawin niya ang lahat, makapagaral ka lang. Ngunit inalok ka ng trabaho ng iyong
kaibigan pagkatapos mo ng sekundarya. Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

IV. Panuto: Kung ipagpalagay na ikaw ay binigyan ng libreng limang oras upang gawin ang iyong gustong gawin, saan at paano
mo ito gugugulin. Iguhit ang mga gustong gawin sa limang libreng oras sa loob ng kahon. Gawing malikhain ang iyong
paggawa. Ipaliwanag kung alin sa iyong mga kilos o gawi ang nagpapakita ng tunay na kalayaan at isulat ito sa ibaba ng
kahon.(10pts)

GOD BLESS!

Prepared by: (NAME OF THE TEACHER)

You might also like