You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region I
Province of Ilocos Norte
VINTAR ACADEMY, INC.
Junior High School

KABUUANG PAGSUSURI (SUMMATIVE ASSESSMENT)


ESP 10

Name: _____________________________________________ Iskor: _____________


I. PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng
kasabihan?
a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
b. Kamukha ng tao ang Diyos.
c. Kapareho ng tao ang Diyos.
d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
2.Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
3.Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
a. isip
b. kilos-loob
c. pagkatao
d. damdamin
4.Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili
a. isip
b. kilos-loob
c. pagkatao
d. damdamin
5.Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay
inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
a. isip
b. kilos-loob
c. emosyon
d. Karunungan
6. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay
ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
b. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
c. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang
mahubog ito upang kumiling sa mabuti.
d. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling
pagpapasiya.
7. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at
agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na
pinakamataas na batayan ng kilos?
a. Ang Sampung Utos ng Diyos
b. Likas na Batas Moral
c. Batas ng Diyos
d. Batas Positibo
8. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang
mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
c. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura
d. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya
9. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
a. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
b. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
c. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
d. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
10. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
a. Bahala ang tao sa kanyang kilos b. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
c. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos d. Makabubuti sa tao na kumilos nang tama
11. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?
a. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya
b. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral
c. Dahil nakasanayan na nating manalangin
d. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos
12. Saan nagmula ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa mabuting pagkilos?
a. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang
b. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay
c. Nagmula sa ipinamana ng magulang
d. Nagmula sa mga natututunan sa paaralan
13. Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?
a. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan
b. Kapag kumikilos tayo ayon sa utos ng may likha
c. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin
d. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan
14. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti?
a. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
b. Talikuran ang mga pagkakamali
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay
d. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
15. Alin sa mga sumusunod ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa?
a. Puso b. Likas na Batas Moral c. Konsensiya d. Kilos-loob
II. Panuto: Basahing maigi ang mga pangungusap. Punan ng akmang salita ang bawat patlang upang mabuo ang mga batayang
konsepto ng ating aralin. Hanapin ang salita sa kahon ng pagpipilian.

dangal konsensiya kilalanin liwanag edukasyon tama


taliwas katotohanan kaalaman obligasyon pananagutan

16. Ang ___________ ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali.


17. Ang konsensiya ang nagsilbing “_________” isip ng tao at nagpapaalala sa kanya sa gawaing taliwas sa kabutihan.
18. Nakadepende ang paghusga ng konsensiya sa tama o mali sa kaalaman ng tao tungkol sa _______________.
19. Kung mabuti ang ikinilos, ibig sabihin nito na ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay __________ at kung masama ang
ikinilos, nangangahulugan ito na ________ sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman.
20. Nawawala ang __________ ng konsensiya kapag “ipinagwawalang-bahala ng tao ang katotohanan at kabutihan.
21. Mahalagang magkaroon ka ng ______________ upang ituwid ang iyong pagkakamali matapos mong malaman ang
katotohanan.
22. Ang tao ay may likas na kakayahang _____________ ang mabuti at masama.
23. _____________ ng tao na pangalagaan ang kaniyang sarili upang mapanatili itong malusog ayon sa prinsipyo ng Likas na
Batas Moral.
24. Kaakibat ng kalikasan ng tao na naisin na magkaroon ng anak ay ang responsibilidad na bigyan ng ___________ ang
kaniyang anak.
25. Obligasyon ng tao na hanapin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ______________.
III. PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA
o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.
2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na
nilalang ng Diyos.
3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa
PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang TITIK ng iyong sagot sa HANAY B.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
6. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. kamalayan
nakapagbubuod, at nakauunawa b. instinct
7. kakayahang makaramdam sa isang c. panloob na pandama
karanasan at tumugon nang hindi d. memorya
dumadaan sa katwiran e. imahinasyon
8. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na
sa isip at palawakin ito pandamdam
9. kakayahang kilalanin at alaalahanin
ang nakalipas na pangyayari o karanasan
10. ito ang paningin, pandinig, pangamoy, at panlasa

You might also like