You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Pangalan:________________________ Section:__________ Iskor:___________


Directions: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at panuto.

Test I. MULTIPLE CHOICE: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

______1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
a. mag-isip b. makaunawa c. maghusga d. mangatuwiran
______2. Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na
siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang
sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili c. May kakayahan ang taong mangatuwiran
b. Malaya ang taong pumili o hindi pumili d. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
______3. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa
tamang direksiyon
b. Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan
niyang gawin
c. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang
pagkakasakit
d. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.
______4. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.”
Ano ang kahulugan nito?
a. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
b. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
d. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito;
______5. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.
b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip.
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip.
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyong naihahatid dito.
______6. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin
nito?
a. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito.
b. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.
c. May kasama akong nakakita sa katotohanan.
d. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
______7. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
a. kakayahang mag-abstraksiyon c. pagmamalasakit
b. kamalayan sa sarili d. pagmamahal
______8. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-
abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag
(calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
______9. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
a. pagmamahal b. paglilingkod c. hustisya d. respeto
______10. Ang hayop ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang
kilalanin ang bagay na nakikita, tunog o amoy ng kanyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan
sa kanyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa
kanyang kabutihan o kapakanan. Mula sa mga pahayag, para saan ang kakayahang ito ng hayop?
a. Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila.
b. Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili.
c. Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito.
d. Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao.
______11. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________.
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan
______12. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
b. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
d. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
______13. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip b. umunawa c. magpasya d. magtimbang ng esensya ng mga bagay
______14. Paano ang tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
______15. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit.
Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay
palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni
Rolando sa pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang
pagkakamali.
c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
______16. Ayon kay Robert Edward Brenan, may tatlong kakayahan na magkakapareho ang hayop at tao
maliban sa a. pagpapasya b. pagkagusto c. pandama d. pagkilos
______17. Ang isip (intellect) ay laging tinutungo ang ___________________.
a. kapayapaan b. kabutihan c. katotohanan d. kagandahan
______18. Nilalayon ng kilos-loob (will) ay ang paggawa ng _________________.
a. kapayapaan b. kabutihan c. katotohanan d. kagandahan
______19. 4. Alin sa tatlong kakayahan ng tao at hayop na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon?
a. pandama b. pagkagusto c. pangatwirand. paggalaw
______20. Paano naiiba ang tao sa hayop?
a. May isip upang makaunawa at maghusga.
b. May kakayahang kilalanin ang mga bagay sa kanyang kapaligiran.
c. Makagagawa nang paraan upang makuha ang kanyang ninanais.
d. Makahanap ng paraan upang pangalagaan ang kanyang sarili.
______21. Kung ikaw ay naguguluhan sa iyong pagpapasya dahil sa nagtutunggaliang katwiran sa iyong
isipan, maaaring ________________.
a. ituloy pa rin ang pasya at bahala na sa resulta at epekto nito
b. gayahin mo na lamang ang pasya ng iba
c. huwag ka nang gumawa ng pasya
d. konsultahin ang iyong magulang, kapatid at sa iba pang ekspert
______22. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
a. kamalayan sa sarili b. pagmamalasakit c. pagmamahal d. kakayahang mag-
abstraksiyon
______23. Ang mga sumusunod ay parehong kakayahan ng tao at hayop maliban sa
isa: a. pandama b. pagkagusto c. manghusga d. paggalaw
______24. Kaninong kaisipan ito: Ang pagmamahal ay ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay
ang iba’t-ibang pagkilos ng tao?
a. Sto Tomas De Aquino b. Max Scheler c. Mother Teresa d. Fr. Roque Ferriols
______25. Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.
Ano ang kahulugan nito?
a. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
b. Walang sariling paninidigan ang kilos-loob
c. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
d. Hindi maaring maghiwalay ang isip at kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.
______26. Ano ang tawag sa kakayahan o katangian ng tao na maramdaman ang pagmamalasakit sa kapwa?
a. umiiral ng nagmamahal (ens amans) c. kamalayan sa sarili
b. kakayahang mag-abstraksiyon d. may kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
______27. Sa paanong paraan tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. pagdaan ng mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
c. tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
d. pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

______28. Alin sa sumusunod ang tungkulin ng tao sa kanyang isip at kilos loob?
a. Tungkulin niyang sanayin, paunlarin at gawing ganap ito.
b. Tungkulin niyang kilalanin, sanayin at gawing ganap.
c. Tungkulin niyang kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap.
d. Tungkulin niyang kilalanin at sanayin.
______29. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang ______________.
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan
______30. Ano ang nagbunsod sa taong tumulong at maglingkod sa kapwa?
a. pagmamahal b. pagmamalasakit c. kamalayan sa sarili d. kakayahang mag-abstraksiyon
______31. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-
abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag
(calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
______32. Ayon kay Max Scheler, may kakayahan ang taong maramdaman at gawin ito sa katangian ng tao
na umiiral na nagmamahal, Ano ang katumbas ng pahayag na ito sa wikang Latin?
a. amor omnia vincit b. salve c. ens amans d. semper fidelis
______33. Binubuo ng ______________ at _____________ ang kabuuang kalikasan ng tao.
a. isip at intellect b. materyal at ispirituwal c. pandama at emosyon d. dasal at
pananampalataya
______34. Ang ________________ ay ang kakayahang panloob ng tao na lumihka ng larawan sa kaniyang
isip at maaaring palawakin.
a. imahinasyon b. instinct c. kamalayan d. memorya
______35. Ang ________________ naman ay isang panloob na pandama nang pagkakaroon ng malay sa
pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa.
a. imahinasyon b. memorya c. instinct d. kamalayan
______36. Ang katotohan ay ang “tahanan ng mga katoto” na naging pahayag ni.
a. Santo Tomas de Aquino b. Manuel Dy c. Aristoteles d. Fr. Roque Ferriols
______37. Ano ang isa pang panloob na pandama ng tao ay ang kakayahang maramdaman ang isang
karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katuwiran?
a. imahinasyon b. memorya c. instinct d. kamalayan
______38. Lahat ng nilikha ng Panginoon na kawangis niya at bukod-tangi ay may dignidad. Sino-sino ang
mga sumusunod ang mayroong dignidad?
a. lahat ng tao c. lahat ng nananalig sa Diyos
b. lahat ng nilikh ng Diyos d. lahat ng naniniwala na sila ay tao
______39. Lahat tayo ay may natatanging katangian. Bakit tayo bingyan ng Maykapal ng natatanging
katangian?
a. upang hindi maapi c. upang makapag hanap-buhay
b. upang makatulong sa iba d. upang magkaroon ng mga mahal sa buhay
______40. Ano ang pinaka bukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos?
a. lahat ng mga tao c. lahat mga may hininga
b. lahat ng may puso d. lahat ng mga sumusunod sa mga utos ng maykapal
______41. Sabihin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama at mali.
Una: Tayo ay nakatatanggap ng labis-labis na biyaya mula sa panginoon.
Ikalawa: Hindi natin palaging nararamdaman ang mga biyayang atingnatatanggap.
a. parehong mali ang dalawang pangungusap
b. parehong tama ang dalawang pangungusap
c. Ang unang pangungusap ay tama ngunit mali ang ikalawa.
d. Ang unang pangungusap ay mali subalit tama naman ang ikalawa.
______42. Bakit tayo nakararamdam ng kakulangan sa ating buhay? Sabihin kung alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang tama at mali.
Una: Hindi natin napapansin ang mga biyayang ating natatanggap.
Ikalawa: Wala tayong biyayang natatanggap.
a. parehong mali ang dalawang pangungusap
b. parehong tama ang dalawang pangungusap
c. Ang unang pangungusap ay tama ngunit mali ang ikalawa.
d. Ang unang pangungusap ay mali subalit tama naman ang ikalawa
______43. Nang nilikha ng Diyos ang tao, ano ang dalawang mahalagang bagay na taglay natin kung kaya
tayo ay tinatawag na ‘naiiba’?
a. isip at kilos-loob c. kilos-loob at pagmamahal
b. Iisip at pagmamahal d. pagmamahal at kilos-loob
______44. Ano ang maaari mong itanong sa iyong sarili upang matuklasan ang iyong natatanging katangian?
a. “Bakit ako ginawa ng Diyos?”
b. “Anong kakayahan ko ang makapagpapasikat sa akin?”
c. “Ano ang gusto kong ginagawa na maaaring makatulong sa ibang tao?”
d. “Paano ko magagamit ang aking natatanging katangian upang magka pera?”
______45. Ano-ano ang naibibigay sa atin ng pagkahumaling sa mga social media
sites tulad ng facebook? Sabihin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama at mali.
Una: Nagkakaroon tayo ng realistikong paningin sa buhay ng iba.
Ikalawa: Nagiging updated tayo sa mga nangyayari sa ating paligid.
a. parehong mali ang dalawang pangungusap
b. parehong tama ang dalawang pangungusap
c. Ang unang pangungusap ay tama ngunit mali ang ikalawa.
d. Ang unang pangungusap ay mali subalit tama naman ang ikalawa

Basahin ang maikling kwento sa ibaba at sagutan ang bilang 46 hanggang 48 na aytem.

Si Dinah ay labing-anim na taong gulang. Siya ay nalulungkot dahil pagkagising niya sa umaga ay
agad niyang nakita ang post ng kanyang kaklaseng si Emmaline. Ang huli pala ay nilibre ng kanyang tita sa
isang sikat na fastfood chain noong nakaraang araw. Habang kumakain ng agahan na niluto ng kanyang ina
ay nakita naman niya ang bagong my story ng kanyang kaklase na nagpapakita ng bagong cellphone na
natanggap nitong regalo.

______46. Ano ang dahilan ng pagkalungkot ni Dinah? Sabihin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap
ang tama at mali.
Una: Wala na siyang nanay.
Ikalawa: Wala siyang makain na agahan.
a. parehong mali ang dalawang pangungusap
b. parehong tama ang dalawang pangungusap
c. Ang unang pangungusap ay tama ngunit mali ang ikalawa.
d. Ang unang pangungusap ay mali subalit tama naman ang ikalawa
_____47. Bakit hindi maaaring ikumpara ang personal na kalagayan ng isang tao sa iba base lamang salaman
ng kanilang social media account? Dahil;
a. Hindi lahat ng makikita rito ay totoo.
b. Hindi naman totoo lahat ng makikita dito.
c. Hindi tunay na mga tao ang nag po-post sa social media.
d. Hindi sumasalamin ng buong buhay ng isang tao ang nakikita sa kanilang social media.
_____48. Base sa sitwasyon sa itaas, ano ang nangyayari sa isang tao kung kanyang ikukumpara kanyang
ang personal na sitwasyon sa mas magandang nakikita sa buhay ng iba? Sabihin kung alin sa mga
sumusunod na pangungusap ang tama at mali.
Una: Mapagtatanto na pantay ang lahat sa paningin ng Diyos
Ikalawa: Nararamdamang siya ay pinagkaitan ng Diyos
a. parehong mali ang dalawang pangungusap
b. parehong tama ang dalawang pangungusap
c. Ang unang pangungusap ay tama ngunit mali ang ikalawa.
d. Ang unang pangungusap ay mali subalit tama naman ang ikalawa
______49. Sabihin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama o mali tungkol sa mababang
pagtingin sa sarili.
Una: Maaaring itong maialis ng mga mabubuting salita lamang.
Ikalawa: Nakatutulong sa paglaban nito ang pagtuklas ng natatanging kakayahan.
a. parehong mali ang dalawang pangungusap
b. parehong tama ang dalawang pangungusap
c. Ang unang pangungusap ay tama ngunit mali ang ikalawa.
d. Ang unang pangungusap ay mali subalit tama naman ang ikalawa.
______50. Maaari bang alisin sa isang tao ang kanyang dignidad?
a. Hindi, dahil malulungkot ito ng lubos.
b. Hindi, kasi hindi naman niya ito ibibigay.
c. Hindi, lalo na kung wala din naman talagang dignidad ang tao.
d. Hindi, dahil ito ay likas sa tao at hindi kailanman maaaring alisin.

-end of the test-


God bless!
Prepared by:

OBRIEH JOY S. ADLAWAN


Subject Teacher

Reviewed by:

JUDIE E. DELA CRUZ


School Principal-I

You might also like