You are on page 1of 6

BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

ST
1 Summative Test (Unang Lagumang Pagsusulit) in ESP 10
Unang Markahan

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: ____________


Paaralan: _______________________________ Petsa: __________________________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong
kuwaderno.
1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan
ito ng kahulugan?
A. maghusga B. mag-isip C. makaunawa D. mangatwiran
Para sa bilang 2 at 3
Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa
pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.
2. Bakit kaya ni Rona na kotrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili B. malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. may kakayahan ang taong mangatwiran D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
3. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
A. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan
niyang
gawin
B. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi
C. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit
D. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa
tamang
direksiyon
4. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang
kahulugan nito?
A. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
B. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito
C. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
D. walang sariling paninindigan ang kilos-loob
5. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
A. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
B. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito
C. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
D. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
6. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?
A. ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
B. ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito
C. ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
D. may kasama ako na makakita sa katotohanan
7. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
A. kakayahang mag-abstraksiyon B. kamalayan sa sarili
C. pagmamahal D. pagmamalasakit
8. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat
tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
A. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
B. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa
C. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
D. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
9. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
A. hustisya B. paglilingkod C. pagmamahal D. respeto
10. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin
ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang
buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o
kapakanan. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?
A. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
B. kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
C. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
D. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
11. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
B. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
D. Ito ay sukatan ng kilos
12. Ang sumusunod at mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa lipunan
B. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas
yumayaman
ang kaalaman at karanasan ng tao
C. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay
D. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak
13. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang
subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa
kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
A. Ang Sampung Utos ng Diyos B. Batas ng Diyos C. Batas Positibo D. Likas na Batas
Moral
14. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman
kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na
masama?
A. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
B. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
C. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
D. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
15. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
A. pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
B. pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
C. pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
D. pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
2ND Summative Test (Ikalawang Lagumang Pagsusulit) in ESP 10
Unang Markahan

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: ____________


Paaralan: _______________________________ Petsa: __________________________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa
iyong kuwaderno.

1. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa Kalayaan


a. batas moral b. dignidad c isip d. konsensya
2. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti. Ano ang tinutukoy na mabuti?
a. ang kakayahan ng tao na pumili ng mabuti
b. ang magamit ang kalayaan sa tama ayon sa inaasahan
c. ang pagkakaroon ng Kalayaan
d. ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
3. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang___________.
a. dignidad b. isip c. kilos-loob d. konsensya
4. Uri ng panloob na Kalayaan na kung saan may laya kang naisin o di-naisin ang isang kilos o gawi.
a. kalayaang gumusto b. kalayaang magmahal c. kalayaang pakultad d. kalayaang tumukoy
5. Uri ng Kalayaan na kung saan may laya kang tukuyin kung alin ang iyong nanaising kilos o gawi.
a. kalayaang gumusto b. kalayaang magmahal c. kalayaang pakultad d. kalayaang tumukoy
6. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng Kalayaan maliban sa:
a. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwaliian na naganap sa loob ng kanilang kompanya.
Saksi
siya sa pandaraya na ginawa ng kanyang matalik na kaibigan. Sa kabila nag pakiausap nito na
manahimik na lamang siya ay sinabi parin sa kanyang boss na nagging dahilan ng pagkatanggal ng
kanyang kaibigan sa trabahu.
b. Inilaan ni Anthony an malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kanyang kaalaman
at karunugan. Alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon ang kanyang
pamailya at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang mga kakayahan.
c. Nasaksihan ni Robert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga magulang. Ang
alam ng mga ito ay pumasok ito araw-araw sa paaralan ngunit sa halip napupunta ito sa computer
shop. Dahil alam niyang labis itong mapapagalitan, hindi niya ito isinumbong dahil ayaw niya itong
masaktan.
d. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya ang
kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang ma kapatid sa kanyang ginawa. Dahil dito, gumawa
siya ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali.
7. Ang mga sumusunod ay palatandaang mapanagutan ang paggamit ng Kalayaan maliban sa:
a. hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
b. naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
c. naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
d. nakahandang harapin an anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya
8. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang Kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang
kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upag makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit
b. Ang Kalayaan ng tao ay katulad ng kilos-loob na nakabatay sa dikta ng isip.
c. Malaya ang tao na gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng particular na bagay o kilos.
d. Lahat ng nabanggit
4
9. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang
negatibong pag-uugali?
a. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
b. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
c. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.
10. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan.
Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at
ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong
ito, nawala ang kanyang______________.
a. dignidad bilang tao b. karapatang pantao c. panlabas na Kalayaan d. panloob na Kalayaan
11. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para
sa kanyang sarili?
a. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa
pagkakamali ngunit dito sila matututo ng mahalagang aral.
b. Ang pagkakataong ibinigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-
unawa at pagmamahal at hindi pamimilit.
c. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang
pagpapasya sa hinaharap.
d.Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan
ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
12. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
a. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin
ng kaniyang buhay sa mundo.
b. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya
ang kalayaan.
c. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa
pangangailangan
ng sitwasyon.
d. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang
nakahahadlang dito.
13. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa n mabuti”. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tao ay nilika ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa
ng naayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusa ng tao.
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang Kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang
mabuti at masama.
14. “Ang Kalayaan ng tao ay hindi lubos”. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral.
b. Hindi na malaya ang tao at hindi siya maaaring pumili batay lamang sa kanyang nais.
c. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
d. Lahat ng nabanggit
15. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin.
Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao.
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa
ang mga ito.
c. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob.
d. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng Kalayaan
BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
rd
3 Summative Test (Ikalawang Lagumang Pagsusulit) in ESP 10
Unang Markahan

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: ____________


Paaralan: _______________________________ Petsa: __________________________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa
iyong kuwaderno.

1. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
2. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
b. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
c. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga
d. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
3. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na
tumatanda na
b. Isang pilantropong lagging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang
tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
4. Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang dignidad, maliban sa isa:
a. Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili.
b. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo. Tayahin
5. Ang mga sumusunod ay may hakbangin tungo sa panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng
katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan, maliban sa isa:
a. Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan.
b. Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.
c. Pagtanggap sa sariling limitasyon.
d. Pagtawag sa isang moral na tagapayo.
6. Ano ang pianakaangkop na kahulugan ng salitang dignidad? Ito ay ang____________.
a. antas ng iyong edukasyon o sa iyong relihiyon
b. kalagayan at posisyon mo sa lipunan
c. kulay ng iyong katawan
d. pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga ng paggalang mula sa kanyang kapwa
7. Ang tao ay nilikha ng Diyos na bukod-tangi sa lahat ng nilalang dahil ang tao ay__________.
a. binigyang isip, kilos-loob at kalayaan
b. matalino at maganda
c. may kakayahang mag-abstrak at magmahal
d. nilikhang kawangis ng Diyos

5
8. Ang mga sumusunod ay ang paglalarawan ng “Golden Rule” o Gintong Aral, maliban sa:
a. “gawin mong batayan ang pakikitungo ng kapwa sa iyo”
b. “kung ano ang hindo mo gusto ay huwag gawin sa iba”
c. “makipag-ugnayan na may pagmamahal”
d. “pakisamahan at pahalagan ang tao bilang tao”
9. Saan nakabatay ang pakikipagkapwa?
a. sa kalayaan ng iba b. sa karangalan ng iba
c. sa karangyaan ng iba d. sa Karapatan ng iba
10. Ang konseptong dangal o karangalan ay ipinagkaloob na pagpapahalaga. Ito ay walang pagkakaiba sa
konsepto ng___________.
a. dignidad b. dunong c. hiya d. puri
11.Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. Isa-isip ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
b. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
c. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
d. Respetohin ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
12. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
b. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
c. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga
d. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
13.Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking pera bilang puhunan ng isang empleyado na
tumatanda
na
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang
tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
14.Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang dignidad, maliban sa
isa:
a. Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili.
b. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo.
15.Ang mga sumusunod ay mga hakbang tungo sa panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng
katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan, maliban sa isa:
a. Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.
b. Pagtanggap sa sariling limitasyon.
c. Pagtawag sa isang moral na tagapayo.
d. Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan

You might also like