You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BUGTONGNAPULO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BUGTONGNAPULO, LIPA CITY
_______________________________________________________________________________

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao


Learning Delivery Modality Modular Distance Learning

Paaralan Bugtongnapulo INHS Baitang 7


LESSON Guro Asignatura
Ma. Fatima B. Abacan Edukasyon sa Pagpapakatao
EXEMPLAR Petsa Marso 22-26, Marso 29- Markahan Ikatlong Markahan
Abril 2, 2021
Oras Huwebes/1:00pm-4:30pm Bilang ng Araw 4 araw

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at
pagpapahalaga.
2. Natutukoy ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at
ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito.
3. Napatutunayan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga
mabuting gawi batay sa mga moral na pagpapahalaga ay
patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).
4. Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at
birtud na magpapaunlad ng kanyang buhay bilang nagdadalaga/
nagbibinata.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapahalaga at
birtud
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral angpagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
at birtud na magpapaunlad ng kanyang buhay bilang
nagdadalaga/nagbibinata.
C.Pinakamahalagang Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at
Kasanayan sa Pagkatuto pagpapahalaga.
(MELC) (Kung
mayroon,isulat ang Natutukoy ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at ang mga
pinakamahalagang tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito.
kasanayan sa pagkatuto o
MELC Napatutunayan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting
gawi batay sa mga moral na pagpapahalaga ay patungo sa paghubog
ng mga birtud (acquired virtues).

Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na


magpapaunlad ng kanyang buhay bilang nagdadalaga/ nagbibinata.
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon,isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)

Address : Bugtongnapulo, Lipa City, Batangas 4217


Telephone Number: (043) 417-5472
Email Address : bugtongnapulonhs74@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BUGTONGNAPULO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BUGTONGNAPULO, LIPA CITY
_______________________________________________________________________________

II.NILALAMAN Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud

III.KAGAMITAN PANTURO

A.Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay -


ng Guro
b. Mga Pahina sa Worktext pahina blg: 1-7
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina saTeksbuk -
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang DLP, laptop, powerpoint presentation, mga larawan
Panturo para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV.PAMAMARAAN

A. Panimula Alamin

 Iisa – isahin at ipaliliwanag ng guro ang mga nakatakdang


layunin para sa aralin upang higit itong maunawaan ng mag-
aaral. Maaari rin nila itong basahin sa pahina 1 ng kanilang
worktext.
 Sasagutan ng mga mag-aaral ang Unang Gawain: Paunang
Pagtataya na makikita sa pahina 1-2 ng kanilang worktext. Sa
gawaing ito, babasahing mabuti ng mga mag-aaral ang mga
pahayag. Pagkatapos, pipiliin nila ang titik ng pinakawastong
kasagutan at isusulat ito sa kanilang sagutang papel.
Subukin
B. Pagpapaunlad
 Matapos sagutan ng mga mag-aaral ang Unang Gawain,
sasagutan din nila ang Ikalawa at Ikatlong Gawain. Sa
ikalawang gawain, kokopyahin nila sa kanilang sagutang
papel ang concept map na makikita sa pahina 2. Pagkatapos
nito, magbabahagi sila ng sariling pananaw o kahulugan
kaugnay ng pagpapahalaga at birtud at sisipiin nila ito sa

Address : Bugtongnapulo, Lipa City, Batangas 4217


Telephone Number: (043) 417-5472
Email Address : bugtongnapulonhs74@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BUGTONGNAPULO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BUGTONGNAPULO, LIPA CITY
_______________________________________________________________________________

kanilang concept map. Sa ikatlong gawain, sasagutang ng


mga mag-aaral sa kanilang mga papel ang mga katanungan
na makikita sa pahina 3.

Tuklasin

 Upang mas higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin


at tumatak ito sa kanilang mga puso’t isipan nang sa ganoon
ay maisabuhay nila ito ng maayos, kailangan nilang basahin
ang lahat ng konseptong may kinalaman sa paksa tulad ng
“Kahulugan ng Pagpapahalaga”, “Dalawang Uri ng
Pagpapahalaga”, “Mga Katangian ng Dalawang Uri ng
Pagpapahalaga”, at “Kahulugan, Uri at Katangian ng Birtud”.

 Para mas higit na mapayabong pa at mahasa ang


C. Pakikipagpalihan
inaasahang kaalaman, kakayahan at pag-uugali (KSA) ng
mga mag-aaral na may kinalaman sa paksang ito, kailangan
nilang sagutan ang mga sumusunod na gawain:

Isagawa

a. Gawain 4 – Sa gawaing ito, kokopyahin ng mga mag-


aaral sa kanilang mga papel ang tsart na makikita sa
pahina 5-6 ng kanilang worktext. Pagkatapos, gamit ang
tsart, tutukuyin nila ang mga kilos o gawi nila na
lumalabag sa apat na birtud na inilarawan ni Aquinas,
pagpapahalagang dapat isagawa, mga pagkilos na
gagawin upang malinang ang birtud, at mabuting resulta
ng paglinang sa mga ito.
Linangin

b. Gawain 5 - Sa gawaing ito, aalalahanin ng mga mag-


aaral ang pinakahindi nila makakalimutang karanasan na
napagdaanan nila sa kanilang buhay. Susuriin nila kung
paano nila nailapat ang mga taglay na birtud at
naisabuhay ang iba’t-ibang pagpapahalaga. Itatala nila
ang kanilang tugon sa kanilang mini journal.

Tayahin
D. Paglalapat
 Upang matasa kung tunay ngang naunawaan ng mga mag-
aaral ang kanilang binasa at sinagutang mga paunang
gawain, sasagutan din nila ang Gawain 6 na makikita sa

Address : Bugtongnapulo, Lipa City, Batangas 4217


Telephone Number: (043) 417-5472
Email Address : bugtongnapulonhs74@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BUGTONGNAPULO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BUGTONGNAPULO, LIPA CITY
_______________________________________________________________________________

pahina 6-7. Sa gawaing ito, babasahin at unawaing Mabuti


ng mga mag-aaral ang mga katanungan at pagpipilian na
makikita sa pahina 6-7. Pipiliin nila ang titik ng
pinakawastong kasagutan at isulat ito sa kanilang sagutang
papel.

 Isusulat ng mga mag-aaral sa journal o malinis na papel ang


V. PAGNINILAY lahat ng kanilang natutunan at naramdaman matapos
mapag-aralan ang paksang ito.

Inihanda ni:

MA. FATIMA B. ABACAN


Guro sa ESP 7

Binigyang pansin ni:

CRISTY M. UNTIVEROS
Punong-guro

Inaprobahan ni:

EVANGELINE B. ESCABEL
PSDS-Junior High School

Address : Bugtongnapulo, Lipa City, Batangas 4217


Telephone Number: (043) 417-5472
Email Address : bugtongnapulonhs74@gmail.com

You might also like