You are on page 1of 3

ALMAGRO NATIONAL HIGH SCHOOL

Almagro, Samar

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 8


PANGALAN:______________________________________________ BAITANG: __________________________MARKA: _________
GURO: _________________________________________________ PETSA: ____________________
I. PAGPIPILIAN. Basahin at intindihin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin ang tamang Sagot. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.

____ 1. Ang marapat na pakikitunngo sa kapuwa ay _______


A. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
B. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya
C. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad
D. pagkaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa
____ 2. Maipapakita ang makabuluhang pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa ________.
A. kakayahan ng taong umunawa
B. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
C. espesyal na pagkagiliw sa nakaangat sa lipunan
D. pagtulong at pakiramay sa kapuwa
____ 3. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtaguyod ng ________ bilang paglilingkod sa
kapuwa at sa kabutihang panlahat.
A. hanapbuhay B. libangan C. pagtutulungan D. kultura
____ 4. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
A. Panlipunan B. Pangkabuhayan C. Politikal D. Intelektuwal
____ 5. Nalilinang ng tao ang kaniyang _______ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiiisa at pakikibahagi sa mga samahan.
A. kusa at pananagutan
B. sipag at tiyaga
C. talino at kakayahan
D. tungkulin at karapatan
____ 6. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapuwa dahil sa ________.
A. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
B. kakayahan nilang makiramdam
C. kanilang pagtanaw ng utang-na-loob
D. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
____ 7. Ano ang nakakahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapuwa?
A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapuwa
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
D. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
____ 8. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
A. Naipapakita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
B. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
C. Nagkakaroon pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
D. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
____ 9. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. “Bakit ba nahuli kana naman?”
B. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
D. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
____ 10. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng pag-iisip ng mapanuri?
A. Panlipunan B. Pangkabuhayan C. Politikal D. Intelektuwal
____ 11. Ang dokumentaryong ipinalabas sa British Broadcasting Corporation noong Enero, 2008 ay pinamagatang ______
A. Total Isolation B. Partial Isolation C. Total Redemption D. Total Reset
____ 12. Ayon sa isang eksperimento, ang tao ay nakakaranas ng ________ kapag ikinulong sa madilim na silid.
A. guni-guni (hallucination) B. memory gap C. kababalaghan D. memory loss

____ 13. Nararapat na may lakip na ________ ang pakikipag-ugnayan natin sa kapwa.
A. pagmamahal B. paggalang C. respesto D. paggalang at pagmamahal
____ 14. Ang katagang “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” ay kilala sa tawag na?
A. Golden Law B. Golden Rule C. Golden Rule of Law D. Golden Justice
____ 15. Ang sumusunod ay mga prinsipyo sa paspapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa, maliban sa
A. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapuwa
B. Pagpapahayag ng mga damdamin
C. Pagtanggap sa kapwa
D. pagbintang ng kasalanan sa iba
____ 16. Ayon sa/kay ________ , ang pagkakaibiganay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa
pagmamahal o pagpapahalaga.
A. Aristotle B. William James C. Emerson D. Webster’s Dictionary
____ 17. “Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang
panahon.” Ito ay ayon sa/kay?
A. Aristotle B. William James C. Emerson D. Webster’s Dictionary
____ 18. Ang sumusunod ay uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle, maliban sa
A. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
D. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kagustuhan
____ 19. Alin ang mas mabisa at pangmatagalang uri ng pagkakaibigan?
A. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
D. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kagustuhan
____ 20. Aling uri ng pagkakaibigan ang madaling mawawala kapag wala na siyang inaasahang tulong mula sa iyo?
A. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
D. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kagustuhan

II. TAMA o MALI. Basahin ang sumusunod na bilang. Isulat sa patlang ang T kung Tama at M kung Mali.

_____ 21. Ang taong sanay mapag-isa ay hindi na kailangang makisalamuha sa ibang tao.
_____ 22. Walang epekto sa isang tao ang palagiang pag-iisa.
_____ 23. Ayon sa isang pag-aaral, mahirap gumawa ang isip ng tao kung walang liwanag.
_____ 24. Ang pangmatagalang pagkakait ng pagkakataon sa isang tao na makipag-ugnayan ay may negatibong at
masamang epekto sa kanyang pagkatao.
_____ 25. Ang tao ay hindi maituturing na isang panlipunang nilalang.
_____ 26. Hindi mo kailangan ang iyong kapwa upang matugunan ang iyong mga pangangailangan.
_____ 27. Maiintindihan mo lang ang kalagayan ng isang tao kung nararanasan ng kanyang pinagdadaanan.
_____ 28. Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang nag-iisa at hindi ang mamuhay nang may kasama.
_____ 29. Makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa.
_____ 30. Ang mabuting pagtrato at pakikitungo sa kapwa ay pinaniniwalan na napakahalaga.
_____ 31. Madaling makakahanap ng taong makakasundo mo sa lahat ng bagay.
_____ 32. Hindi natin maituturing kapwa ang mga taong ating kaaway o kagalit.
_____ 33. Ang pakikitungo sa kapwa ay nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
_____ 34. Lahat ng tao ay nangangailangan na patay na pakikitungo.
_____ 35. Ang pagtanaw ng utang-na-loob ay mabisang paraan sa pakikipagkapwa.
_____ 36. Ang pagkakaroon ng Crab Mentality ay nakakatulong tungo sa magandang pakikitungo sa kapwa.
_____ 37. Nakakatulong sa pag-unlad sa aspektong intelektuwal ang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at
makatarungang panlipunan.
_____ 38. Ang aspektong pangkabuhayan ay napapaunlad sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng sarili
at ng kapwa.
_____ 39. Nagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa kung ang iyong pagtulong ay may katumbas ng
kapalit.
_____ 40. Ang kabutihang panlahat ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagkakasundo ng iba’t ibang yunit ng lipunan.
_____ 41. Ang pagmamalasakit sa ikabubuti sa ng sarili ang nagiging dahilan ng pagkakaisa upang makamit ang kabutihang
panlahat.
_____ 42. Nakakatulong ang pagsali sa isang samahan o organisasyon upang magkakaroon ng kaisahan at katiwasayan sa
loob ng pamayanan.
_____ 43. Nakakatulong ang komunikasyon o dayalogo upang maipahayag ang iyong ninanais at nararamdaman.
_____ 44. Hindi lahat ng tao ay may angking kakayahan o namumukod-tangi.
_____ 45. Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga birtud ng katarungan at pagmamahal.

III. PAGPAPALIWANAG. Basahin at unawain ang bawat katanungan. Ipaliwanag ang iyong sagot.

46-48. Ipaliwanag ang kasabihang “A friend in need is a friend indeed.” (3 points)

49-50. Ipaliwanag ang kasabihang “No man is an island.” (2 points)

ROLDAN D. BANTAYAN JR.

Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao

You might also like