You are on page 1of 5

IKAWALANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Name: _____________________________ Grade and Section:_______________________ Date:________________

Direksyon: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot bago ang bilang.
1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan
b. may inklinasyon na maging mapag-isa
c. may kakayahanag lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala
d. may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay _______________.
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya
c. pagtrato nang may paggalang at respeto
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
3. Maipakita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa ______.
a. kakayahan ng taong umunawa
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaangat sa lipunan
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
4. Ang pagkakaroon ng iba-ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtaguyod ng _______ bilang paglilingkod sa
kapwa at sa kabutihang panlahat:
a. hanapbuhay
b. libangan
c. pagtutulungan
d. kultura
5. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napaunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. panlipunan
b. pangkabuhayan
c. pulitikal
d.Intelektuwal
6. Nalilinang ng tao ang kanyang ___________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiiisa at pakikibahagi sa mga samahan
a. kusa at pananagutan
b. sipag at tiyaga
c. talino at kakayahan
d. tungkulin at karapatan
7. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino kaysa ibang tao
d. Pakikitungo sa iba
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
9. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa:
a. hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi sa isang pagbabahagi ng sarili
b. nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba
c. bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.
d. Nararamdam mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin
10. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
a. lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
b. makakamit ang tunay na pagkakaibigan sa paulit-ulit na pagdanas dito
c. nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
d. nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
11. Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng ________.
a. Ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga
b. pagkakaroon ng kasintahan
c. Pagkakaroon ng inspirasyon
d. Pagkakaroon ng direksiyon sa buhay
12. Ayon kay Andrew Greeley, ang mabuting pagkakaibigan ay _____________.
a. matibay na pundasyon at mabisang sangkap sa maraming uri ng ugnayan sa pagitan ng mga tao sa lipunan.
b. may malalapitan sa oras ng pangangailangan
c. may kakwentuhan at kapalagayan ng loob
d. nakakalikha ng mabuting pagtingin sa sarili
13. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang pagkakaibigan ay maituturing na isang _____.
a. birtud
b. bisyo
c. biyaya
d. yaman
14. Ayon kay San Augustine, ang pagkakaibigan ay ________.
a. Pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalikasan ng tao.
b. Napakalungkot na aspeto ng tao
c. Makabuluhang pagpapahalaga sa katarungan
d. mabuting ugnayan at pagkakaintindihan
15. Sa aklat ni Joy Carol na “The Fabric of Friendship”, tinukoy ang maraming bagay maliban sa isa:
a. Nakalilikha ng mabuting pagtingin sa sarili
b. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig
c. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
d. Nahuhusguhan ang kahinaan ng kaibigan
16. Hango sa aklat ni James at Savary na “The Heart of Friendship”, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang:
a. Presensiya
b. Paggawa ng bagay nang magkasama
c. Katapatan
d. Pag-iisip ng masama
17. Sabi ni George Washington, ang tunay na pagkakaibigan ay _________
a. dumadaan muna sa ilang matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang
b. puno ng kaligayahan, walang problema
c. makasama sa lahat ng kalokohan
d. walang iwanan
18. Ang harmony ay nangangahulugan ng ________.
a. Pagkakaroon ng kaisahan
b. magkakaiba ng opinyon at pananaw
c. kaguluhan
d. katahimikan
19.Ang reciprocity ay nangangahulugan ng ________.
a. kakayahang maibalik ang ibinibigay ng kapwa
b. matugunan ang sariling pangangailangan
c. makatugon sa pangangailangan ng iba
d. personal na interes ang nangingibabaw
20. Napauunlad ng EQ ang tao. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing elemento ng EQ maliban sa isa:
a. Hindi kontrolado ang emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala sa sariling emosyon
d. Motibasyon
21. Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdulot ng panandaliang
kasiyahan o paghihirap ng tao.
a. pandama
b. kalagayan ng damdamin
c. sikikong damdamin
d. Ispiritwal
22. Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao.
a. pandama
b. kalagayan ng damdamin
c. sikikong damdamin
d. Ispiritwal
23. Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid na nakakaimpluwensiya ng kalagayan ng kaniyang damdamin.
a. pandama
b. kalagayan ng damdamin
c. sikikong damdamin
d. Ispiritwal
24. Ito ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
a. pandama
b. kalagayan ng damdamin
c. sikikong damdamin
d. Ispiritwal
25. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagamat nakapasa siya sa pagsusulit para sa iba-ibang
kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili niya angkop na kurso para sa kaniya?
a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda
b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit
c. Huwag munang mag-aral ng kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip
d. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli
26. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan. Pakiramdam mo ikaw ay
nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili
upang kausapin sila. Umiwas ka na muna sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil
matindi pa rin ang iyong galit sa kaibigan mo. Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi?
a. nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
b. napatutunayan ang kabutihang sarili sa iba
c. nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
d. nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin
27. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa
mga sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
a. paglakad-lakad sa parke
b. paninigarilyo
c. pagbabakasyon
d. panonood ng sine
28. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan at
narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang pag-iisip.
a. kilos
b. mood
c. emosyon
d. desisyon
29. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman:
a. ang ating opinyon
b. ang ating mga kilos at galaw
c. ugnayan sa kapwa
d. mabilis na tibok ng puso
30. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. nailabas mo ang sama ng loob
b. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
c. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
d. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid
31. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
a. suntukin na lamang ang pader
b. kumain ng mga paboritong pagkain
c. huwag na lamang siyang kausapin
d. isipin na lamang na sadyang may taong nakakasakit ng damdamin
32. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkaibigan dahil sa _______.
a. pag- unawa sa iba
b. kakayahang makiramdam
c. pagtanaw ng utang na loob
d. pagiging emosyonal
33. Ang sumusunod na pahayag tungkol sa diyalogo, maliban sa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diayalogo sa pamamagitan ng wika
b. Umiiral ang diayalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa
d. Naipapahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga
34. Ang empathy ay nangangahulugang:
a.pag-unawa sa kapwa
b. pagkakaisa
c. pagtutulungan sa gitna ng mga pagsubok
d. pagpapahalaga
35. Ang charity ay nangangahulugang:
a. pag-unawa sa kapwa
b. pagkakaisa
c. pagtutulungan sa gitna ng mga pagsubok
d. pagmamahal
36. Ang justice ay nangangahulugang:
a. pagkapantay-pantay
b. pagbigay ng nararapat para sa tao
c. batas
d. kalayaan
37. Ang pakikipagkapwa ay napapatatag ng mga birtud ng ______________ at ____________.
a. katarungan at pagmamahal
b. kalayaan at karapatan
c. kayamanan at pag-aari
d. tungkulin
38. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan
b. may inklinasyon na maging mapag-isa
c. may kakayahanag lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala
d. may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan
39. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay _______________.
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya
c. pagtrato nang may paggalang at respeto
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
40. Maipakita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa ______.

Prepared by:

ABEL MARIO M. ELERIA


Teacher II

Reviewed by:

BELINDA M. MEJIA
ESP Coordinator

Approved by:

MANUELA M. ECLEO
Principal
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

KEY ANSWERS

1. A
2. C
3. C
4. C
5. B
6. C
7. C
8. B
9. B
10. B
11. A
12. A
13. A
14. A
15. D
16. D
17. A
18. A
19. A
20. A
21. A
22. B
23. C
24. D
25. D
26. A
27. B
28. C
29. B
30. D
31. D
32. C
33. B
34. A
35. B
36. B
37. A
38. C
39. C
40. C
41. A
42. B
43. C
44. D
45. A
46. B
47. C
48. D
49. BONUS
50. C

You might also like