You are on page 1of 3

PANGPANG NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangpang, Sibalom, Antique

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 8


I. Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.
1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa ___.
a. kakayahan ng taong umunawa b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang
paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura
5. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwal
6. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga
samahan.
a. kusa at pananagutan b. sipag at tiyaga c. talino at kakayahan d. tungkulin at karapatan
7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
b. kakayahan nilang makiramdam
c. kanilang pagtanaw ng utang na loob
d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
d. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipagugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
1. Ang sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa pagkakaibigan maliban sa:
a. Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa
b. Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan
c. Sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa kaniyang
sariling pananaw
d. Natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga kaysa sa isang ordinaryong
kakilala lamang
2. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na
pagkakaibigan?
a. pagpapayaman ng pagkatao
b. simpleng ugnayang interpersonal
c. pagpapaunlad ng mga kakayahan
d. pagpapabuti ng personalidad
3. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa
a. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi ng sarili
b. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba
c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa
pangmatagalang panahon
d. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at
nagtitiwala sa atin
4. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa
kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakaibigan sa
katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang:
a. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
b. Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad
c. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
d. Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
9. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban sa:
a. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
b. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
c. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag- kaibigan sa kabila ng ilang di
pagkakaintindihan
d. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling
ugnayan at ugnayan ng iba
10. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
a. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
b. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito
c. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
d. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
1. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya sa pagsusulit
para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili
niya ang angkop na kurso para sa kaniya?
a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa
naman niya ang pagsusulit c. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang
panahon sa pag-iisip 168 d. pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi
magsisi sa huli 2. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan.
Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na masayang
magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila. Umiwas ka na muna dahil sa iyong palagay
ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit sa kaibigan mo.
Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)? a. nakaiiwas sa pananakit sa sarili at
sa kapwa b. napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba c. nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
d. nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin 3. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala
ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan
ng pagre-relax? a. paglakad-lakad sa parke b. paninigarilyo c. pagbabakasyon d. panonood ng sine 4. Ito
ay kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy,
nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang pag-iisip. a. kilos b. mood c. emosyon d.
desisyon 5. Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa paaralan.
Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay
nagulat at nakaramdam ng takot. Tinalasan ni Ana ang kaniyang pandinig at binilisan ang kaniyang
paglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling
maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon? a. makapag-iingat si Ana 169 b. mapoprotektahan na ni Ana
ang sarili c. hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada d. makaiiwas sa mga nakatatakot na
sitwasyong maaaring maranasan muli 6. Pangarap ni Joey na maging katulad ang kaniyang hinahangaang
guro. Ngunit sinasabi ng kaniyang magulang kung siya ay magiging Accountant ay madali siyang aasenso
gaya ng kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang bansa. Malungkot si Joey sa di pagsang-ayon ng
kaniyang magulang sa nais niya. Ngayon na siya ay nasa unang taon sa kolehiyo sa kursong Accountancy
nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong ito. Komportable siya sa kaniyang mga
ginagawa. Ano ang nakapagpabago sa kalagayan ng kaniyang emosyon? a. ang kaniyang mood b. ang
naparaming nararamdaman c. ang mga pagsubok na naranasan d. ang dikta ng kaniyang isip 7. Ito ay
nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman a. ang ating mga opinyon b. ang ating
mga kilos o galaw c. ang ating ugnayan sa kapwa d. ang mabilis na pagtibok ng ating puso 8. Nasaktan mo
ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos? a.
nailabas mo ang iyong sama ng loob b. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa c. gumaan ang iyong loob
dahil ikaw ay nakaganti d. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid 9. Paano ka makaiiwas sa
pananakit ng taong dahilan ng iyong galit? a. suntukin na lamang ang pader b. kumain ng mga paboritong
pagkain c. huwag na lamang siyang kausapin muli d. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit
ng damdamin ng iba 170 10. Kinausap ng kaniyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang
kaniyang pagsisikap upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil hindi
naging kasiya-siya ang kaniyang grado sa nakaraan. Nag-aalala ng lubos si Hilda dahil baka hindi siya
makapasa. Sa ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang dapat patibayin upang
mapagtagumpayan ang pagsubok na ito? a. sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon b. tanggapin
na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito c. magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na
kakayanin niya ito d. humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase

You might also like