You are on page 1of 2

Lina Gayeta Lasquety National High School Ikalawang Markahan

ESP 8

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa SAGUTANG PAPEL.

1. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin sa mabuting pakikipagkapwa?


a. pag-unawa at paggabay b. pagmamalasakit at pagmamahal c. panghihimasok at pagsali
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan. c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya. d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa
3. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan
4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa
at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura
5.Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa _______________.
a. kakayahan ng taong umunawa c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
6. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.
a. kusa at pananagutan b. sipag at tiyaga c. talino at kakayahan d. tungkulin at Karapatan
7. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwal
8. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba c. kanilang pagtanaw ng utang na loob
b. kakayahan nilang makiramdam d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
9. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipagugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
10. Kahit bata pa ang anak ni Aling Nena ay tinuturuan na niya ito kung paano magnegosyo. Anong aspeto ng pag-unlad ang
naidudulot nito sa kaniyang anak?
a. politikal b. intelektuwal c. panlipunan d. pangkabuhayan
11. Paano mailalarawan ang tunay na pakikipagkaibigan?
a. bunga ng pagmamahal at pagpapahalaga c. naglalarawan sa bawat taong iyong makasasalamuha sa araw-
araw
b. bunga ng atraksyon ng isang tao sa kanyang kapwa d. isang relasyon na nabuo dahil sa pangangailangang moral at
pisikal
12. Ang paglalagay ng sarili sa sitwasyon ng ibang tao ay mabisang paraan upang maintindihan ang damdamin ng bawat isa. Ito
ay isang kilos na nagpapakita ng _______________________
a. pakisama b. pag-unawa c. pakiramay d. pagtanaw ng utang na loob
13. Sa panahon na nararanasan natin ang the new normal, hindi man madalas nagkakausap, mahalaga pa rin na magkaroon ng
bonding sa pamamagitan ng paggamit ng social media o kaya naman ay manood ng paboritong pelikula at pag-usapan ito
pagkatapos. Anong kilos ang ipinapakita rito?
a. pagdamay b. pag-unawa c. pakisama d. utang na loob
14. Hindi matutumbasan ang kasiyahang nararamdaman sa panahong kasama mo ang iyong kaibigan. Ito ay nagpapakita ng
anong kilos?
a. pagdamay b. presensya c. pagtanggap d. gawin ang bagay nang magkasama.
15. Ano ang ibig sabihin ng empathy?
a. pakikisama sa kaibigan c. paglagay ng sarili sa damdamin ng kaibigan
b. pagbibigay oras sa kaibigan d. pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan ng kaibigan
16. Paano makatutulong ang pagtukoy ng mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pagkakaibigan? Sa pamamagitan ng;
a. nagtagumpay na kaibigan c. mapanatiling buo ang pagkakaibigan
b. matukoy kung sino ang totoo. d. mapanatili ang pagmamahal at katatagan ng pakikipagkaibigan
17. Hindi masamang pagtuunan ng oras at panahon ang kaibigan. Mahalagang magkaroon ng pisikal o virtual na pag-uusap ang
magkaibigan upang linawin ang mga bagay-bagay. Anong kilos ng pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan ang ipinapakita rito?
a. pagdamay b. pakikisama c. pagtanggap d. gawin ang bagay nang magkasama
18. Ano ang magiging palatandaan sa gawi ng tao kapag siya ay malungkot?
a. masayang kausap c. nagagawa nang maayos ang gawain
b. mahilig magkuwento d. walang ganang kumilos at mapag-isa
19. Paano masasabing naimpluwensiyahan ng emosyong pagkagalit ang pagpapasiya ng isang taong may suliranin?
a. kapag masayang kausap c. kapag naguguluhan kung tinatanong
b. kapag umiiyak kung tinatanong d. kapag iritado at sarkastikong sumagot
20. Likas na mahiyain si Jade at wala siyang kumpyansa sa sarili ngunit inatasan siya ng kanyang guro na maging tagapag-ulat
sa isang pangkatang gawain. Napapayag man siya ngunit nang magpaliwanag sa awtput ng kanyang pangkat ay nagkautal-
utal siya sa pagsasalita. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang ikinikilos
ni Jade?
a. Si Jade ay hindi tumayo dahil nahihiya siya.
b. Si Jade ay mahusay magpaliwanag sa kanilang awtput.
c. Si Jade ay nakautal-utal sa pagpapaliwag sa kanilang awtput.
21. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng mga sumusunod, maliban sa:
a. Pagkakaroon ng kritikal na pag- iisip
b. Pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
c. Pagiging matapat, maunawain at kayang magbigay ng inspirasyon sa iba
22. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsensiya na gagabay sa kanya sa pagtupad
ng kanyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Pakikipagkapwa b. Pagpapahalaga c. Kakayahan sa trabaho d. Kakayahang mag- organisa
23. Ang inyong pangkat ang unang tagapag-ulat. Sa di inaasahang pagkakataon ay tinawag na kayo ng iyong guro upang
magsimula ngunit hindi pa dumarating ang kaklaseng nagdala ng inyong iuulat. Lumapit ka sa inyong guro at humingi pa ng
ilang minuto upang hintayin ang kasamahang nahuli sa klase subalit hindi ka pinagbigyan. Ano ang nararapat na ikilos mo
bilang isang lider o tagasunod?
a. Pagagalitan ang kaklaseng nagdala ng inyong iuulat.
b. Kakausapin nang maayos ang kaklase na maging responsable sa mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanya.
c. Iiwanan ang pagiging lider at pipiliing maging isang tagasunod.
24. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang maging matagumpay ang pangkat?
a. Hindi pagtupad sa mga iniatang na tungkulin.
b. Pagiging handa sa mga pagtitipon at pakikilahok nang aktibo sa mga gawain
c. Pagsuway sa mga patakaran at mga napag-usapan ng pangkat.

25. Paano malilinang ang kakayahan ng mapanagutang tagasunod?


a. Pagiging handa sa mga gawain at maging aktibo sa mga pagtitipon.
b. Pakikinig sa sariling opinyon.
c. Pagkakaroon ng selos sa namumuno.

26. Bakit mahalagang magkaisa ang lider at tagasunod sa isang samahan?


a. Para mas mapadali ang paglutas sa mga problemang kakaharapin ng pangkat at mapagtagumpayan ang mga
layunin.
b. Para maipakita ang pagtutulungan sa samahan.
c. Para magkaroon ng maganda at matibay na ugnayan.
d. Para mas maunawaan ang pagkakaiba ng isa’t-isa.

27. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa:
a. Pagiging tapat sa paglilingkod sa pangkat.
b. Pagkakaroon ng konsensya sa paggawa ng hindi ikabubuti ng pangkat.
c. Pagpapakita ng pagtutulungan sa pagsulong ng mga layunin ng samahan.
d. Pagiging bulag at pipi sa maling gawain ng mga kasamahan.

28. Habang naglilinis si Lea sa loob ng klasrum ay aksidenteng nasagi ng kanyang bag ang masetera sa mesa ng kanyang guro
kaya nabasag ito. Sa takot niya ay naisipan niyang hindi sabihin ang kanyang nagawa. Alin sa mga sumusunod na patunay
na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang pasya ni Lea?
a. Naisipan ni Lea na huminto nalang sa pag-aaral. c. Naisipan ni Lea na hindi sabihin ang kanyang nagawa.
b. Binilisan ni Lea ang paglilinis para makauwi na siya. d. Sasabihin ni Lea sa guro na may gawa ang kaklase

29. Napapayag si Alex sa alok ng kakilala na maging kasosyo sa negosyo nito. Nang matanggap ng kasosyo ang perang tatlong
milyon ay kinabukasan lumayas ito at hindi na nagpakita pa. Dahil dito iniwan siya ng kanyang asawa kaya ganoon na
lamang ang kanyang pagkalugmok, panay ang kanyang pag-inom ng alak at tila wala sa sarili. Alin sa mga sumusunod na
patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong kawalan ng pag-asa ang ikinikilos ni Alex?
a. mas lalong yumaman si Alex. c. masaya si Alex kasama ang asawa.
b. lumago ang negosyo ni Alex. d. panay ang pag-inom ng alak at tila wala sa sarili si Alex.

30. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?


a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
d. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

You might also like