You are on page 1of 23

IKAanim na linggo

Modyul 7:
Emosyon
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Napangangatuwiranan na:
a. Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng
pagtataglay ng mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad
ng sarili at pakikipagkapwa.
b. Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay
nakatutulong upang harapin ang matinding pagkamuhi,
matinding kalungkutan, takot at galit.

2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan


nang wasto ang emosyon
PAGGANYAK
PANUTO: IBIGAY ANG DAMDAMING NAramdaman
SA BAWAT LARAWAN NA MAKIKITA SA IBABA.
Ang buhay ay punong- puno ng makukulay na karanasan
at pakikipag- ugnayan na nagbibigay sigla at kahuLugan
dito. Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang damdamin
ang pinakamahalagang larangan sa pag- iral ng tao. Ang
damdamin ay kagyat na may kaugnayan sa mga
obhetong tinatawag na mga pagpapahalaga.
Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang
mga damdamin; di tuluyan ang pagkontrol o pamamahala
sa mga ito, sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang
mga sanhi o epekto (pagsasakatawan, kilos). Sang-ayon
sa lohiko ng damdamin ni Pascal, isinasalarawan ni
Scheler ang kaayusan at magkakaibang antas ng buhay-
damdamin ng tao.
apat na uri ng damdamin
1. Pandama (Sensory feelings) – ito ay tumutukoy sa limang karamdamang
pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panadaliang
kasiyahan o paghihirap sa tao.
2. Kalagayan ng damdamin (Feeling State) – ito ay may kinalaman sa
kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao.
3. Sikikong damdamin (Psychical feelings) - ang pagtugon ng tao sa mga
bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang
kalagayan ng kaniyang damdamin.
4. Ispiritwal na damdamin (Spiritual feelings) – ito ay damdamin na
nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag- asa at
pananampalataya.
Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban na Education in
Values: What, Why and For Whom: (1990, ph. 51).

Mga Pangunahing Emosyon


Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)

Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)

Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)

Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)

Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)

Pagkagalit (anger)
Ayon ay Feldman (2005,ph. 346) sa pamamagitan ng emosyon ay:
 Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at
nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip.

 Natutukoy ang higit na angkop na kilos kung


sakaling maramdaman muli ang damdamin.

 Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag - ugnayan


sa kapwa.

Ang emosyon na hindi napamahalaan nang maayos ay maaaring hindi maganda ang
impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong may krisis, suliranin, o
pagkalito.
Literasiyang damdamin - tumutukoy sa
dalawang bagay. Una, kakayahang alamin at
unawain ang mga sariling emosyon; at
pangalawa , matukoy at maramdaman ang
damdamin na angkop o akma lamang sa
sitwasyon na kinakaharap.
Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad nina Salovey,
Gardner, at Goleman ang kahalagahan ng pamamahala
sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa. Kapag napagtagumpayan ng tao ang
pamamahala ng kaniyang emosyon, nangangahulugan na
mataas ang kaniyang EQ o Emotional Quotient na kilala
rin sa tawag na Emotional Intelligence.
Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad nina Salovey,
Gardner, at Goleman ang kahalagahan ng pamamahala
sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa. Kapag napagtagumpayan ng tao ang
pamamahala ng kaniyang emosyon, nangangahulugan na
mataas ang kaniyang EQ o Emotional Quotient na kilala
rin sa tawag na Emotional Intelligence.
Limang pangunahing elemento ng EQ
1. Pagkilala sa sariling emosyon
2. Pamamahala sa sariling emosyon
3. Motibasyon
4. Pagkilala at pag - unawa sa damdamin ng
iba
5. Pamamahala ng ugnayan
Anumang emosyon ay mahalaga. Ang pamamahala natin dito ay
maaaring makabubuti o makasasama sa ating pakikipagkapwa. Ngunit, sa
pamamagitan nang wastong pamamahala ng mga ito, napauunlad natin
ang ating pakikipagkapwa. Mahalaga na makapagbalangkas ka ng
pamamaraan upang makayanan at mapagtagumpayan mo ang mga
emosyon bunga ng iyong pinagdaraanan at mga karanasan.
Mga mungkahing paraan upang
mapamahalaan ang Emosyon
a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o mas
pipiliin kong gumawa ng makabubuti?”

b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na


mayroon pang higit na magandang mangyayari.

c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman,


kapangyarihan, at pagiging tanyag kung hindi sa kakayahan na
mamuhay nang may pagpapahalaga at dangal.

d. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na


mayroon tayo, tao man o bagay.

e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong


maaari mong pagkatiwalaan at mahingan ng tulong.
Hangad ng bawat isa ay magkaroon ng matiwasay,
masaya, at makabuluhang buhay sa pamamagitan
nang mabuting ugnayan sa sarili at sa kapwa. Kaya
nararapat lamang na sa araw-araw nating
pamumuhay ay piliing maigi ang mga bagay na
pagtutuunan nang higit na pansin. Mahalaga na
magtiwala sa sarili, sa kapwa at sa Diyos sa
paggawa ng pagpapasiya tungo sa ikauunlad ng
iyong pakikipagkapwa.
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Ano ang kahulugan ng emosyon at ang mga uri nito?

2. Ano ang tungkulin ng emosyon sa pagpapasiyang gagawin ng tao?

3. Ano-ano ang mga hakbangin na maaaring maisaalang-alang upang


mapamahalaan natin nang wasto ang ating emosyon?

4. Ano ang kabuluhan ng birtud sa wastong pamamahala ng iyong


emosyon?

5. Paano mapauunlad nang wastong pamamahala ng emosyon ang iyong


sarili at ang iyong pakikipagkapwa?
Paghihinuha ng
Batayang Konsepto
Ang ______________ pamamahala ng _______________

sa pamamagitan ng pagtataglay ng

AY NAKATUTULONG SA

NG
Pagtataya #4
Makikita sa canvas
TAKDANG ARALIN #6
PAGNINILAY
1. Magbalik tanaw ka ngayon AT Isipin ang mga emosyon na madalas
mong maramdaman na nagdudulot ng mga hindi magagandang epekto sa
iyo at sa iba.

2. Isulat ang mga ito sa loob ng bawat bahagi ng bilog.

3. sa bawat kahon, tumukoy ng mga maimumungkahing


paraan upang mapamahalaan mo ito kapag muli itong
maramdaman.
.

1. 1.
2. 2.
3. 3.

1. 1.
2. 2.
3. 3.
Maraming Salamat!

You might also like