You are on page 1of 11

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 8

PAUNANG PAGSUSULIT
Pangalan: _________________________Antas /Pangkat: _______________ Skor : ______________

I. Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titk ng pinakaangkop na sagot.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t-ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na
pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. Paaralan b. Pamilya c. pamahalaan d. barangay
2. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang c. pagtatanggol ng pamilya ssa kanilang karapatan
b. Pagkakaroon ng mga anak d. mga patakaran sa pamilya
3. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t-ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa
4. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil sa kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa
5. Ang karapatan para sa ______ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan
a. Kalusugan b. Edukasyon c.buhay d. pagkain at tahanan
6. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
a. Pagtanggap b. Pagmamahal c. katarungan d. pagtitimpi
7. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. Pagtitiwala c. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. Pagtataglay ng karunungan d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
8. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay ________ .
a. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal
b. Makapgpapanatag sa ugnayan ng mag-asawa
c. Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
d. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
9. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
b. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindo nito alam kung anu-ano
ang akaraptan at tungkulin nito
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.
10. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunan nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kanilang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kanilang pangangailangan
11. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay _______.
a. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
b. Nakasalalay sa kalagayang pang-ekenomiya
c. Pagtrato sa knya ng may paggalang at dignidad
d. Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakta ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.’
c. ‘Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Tatlumpung minute na akong naghihintay sa iyo.”
13. Ang sumusunod na pahayag ay totoo sa diyalogo, maliban sa:
a. Naipapakita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsaliksik ng kasysayan
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag0ugnayan sa kapuwa
d. Naipapahayag ng tao sa kaniyang kapuwa ang tunay na pagkalinga
14. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan c. politikal
b. Pangkabuhayan d. intelektuwal
15. Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng __________ bilang paglilingkod sa
kapuwa at sa kabutihang panlahat
a. Hanapbuhay c. pagtutulugan
b. Libangan d. kultura
16. Ano ang pangunahing dapat na magpayaman upang maging possible ang pagbuo ng malalim na pakikipagkaibigan?
a. Pagpapayaman ng pagkatao c. pagpapanlad ng mga kakayahan
b. Simpleng ugnayang interpersonal d. pagpapabuti ng personalidad
17. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa:
a. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapuwa kundi isang pagbabahagi gng sarili
b. Ang pakikkipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba
c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon
d. Ang pskikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inpirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin
18. Alin sa mga sumusuno ang nagpapakita ng kahalagan ng pamumuno/
a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
b. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
c. Nakatatnggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magandang proyekto
d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan
19. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ________________
a. Awtoridad na maipatupad ang mga Gawain upang makamit ang layunin ng pangkat
b. Impluwensya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin
c. Karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat
d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan
20. Mas marami an kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa _____________
a. Paggalang sa awtoridad c. Parehong paniniwala at prinsipyo
b. Pakinabang na tinatanggap d. Mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider
21. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng
kaniyang mga Gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa?
a. Kaakayahan sa trabaho c. Mga pagpapahalaga
b. Kakakyahang mag-organisa d. Pakikipagkapuwa
22. Ano ang tamang pagpapakita ng pagpapasalamat/
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapuwa kahit naghihintay ng kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapuwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapuwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
23. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mon a dapat bigyan ng dagliang pansin
c. Ito ay ang pagbibigay ng serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan
24. Alin ang tand ng isang taong may pasalamat/
a. Si maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahahalagahan ang mga mabubuting
natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong parin siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan
c. Nag-aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang pangarap
d. Lagging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban
25. Ang birtud na pasasalamat ay Gawain ng
a. Kalooban b. Isip c. damdamin d. konsensiya
26. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon ky Santo Tomas Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapuwa
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng ksbutihang ginawa sa iyo
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapuwa sa abot ng makakaya
27. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.
a. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
b. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo
c. Pagbibigay ng halaga sa isang tao
d. Pagkilala sa mga taong nagging bahagi ng buhay
28. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya/
a. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya c. Nabubuklod nito ang mga henerasyon
b. Napagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib
29. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa
a. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapuwa
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao hindi upang masisi, maparusahan at masaktan
d. Hindi mon a kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang
kwento
30. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
a. Pambubulas b. Pandaraya c. fraternity d. gang
31. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
b. Paghahanap ng mapagkatuwaan d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase
32. Ano ang nararapat na tugon ng paaralan sa pambubulas?
a. Hindi iintindihin natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan
33. Bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity o gang?
a. Wala silang mapaglaanan ng kanilang oras
b. May kikilala sa kanila bilang kapatid
c. Kulang sila ng atensyon mula sa kanilang mga magulang
d. Marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot sila sa gulo
34. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat
a. Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay
b. Nakatutulong ito sap ag-unawa sa mg gumagawa ng karahasan sa paaralan
c. Nakatutulong ito sa paghahanap ng paraan paano mapansin at mahalin ng iba
d. Naktutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-aaral
35. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa paaralan?
a. Upang makatuon sa pag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aaral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
36. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan sa mga Pilipino?
a. Makapglibang b. Makapag-aral c. makapgtrabaho d. makapgshopping
37. Ano ang pananaw mo ukol sa konsepto ng Migrasyon?
a. Ang migrasyon ay ang pamamasyal sa isang lugar para maglibang
b. Ang migrasyon ay ang paglakbay at pagtira saa ibang lugar o bansa, sa kadahilanang gusting magkatrabaho at
makapanirahan sa ibang bansa
c. Ang migrasyon ay ang paglipat-lipat o paglalakbay sa mga iba’t-ibang bansa upang bumisita sa mga kamag-anak
d. Ang migrasyon ay ang pagtitipon-tipon at pamamasyal para mabisita ang mga kamag-anak sa ibang bansa
38. Ano sa iyong pananaw ang tunay na dahilan ng migrasyon?
a. Kakulangan ng mapapasukang trabaho at mababang pasahod para sa mga manggagawang Pilipino
b. Kagustuhang makapundar ng mga bahay at kagamitan
c. Kagustuhang makarating at makapamasyal sa mga iba’t-ibang lugar
d. Upang mabayaran ang lahat ng pagkakautang
39. Ano ang iyong pakahulugan sa transnasyunal na pamilya?
a. Ang ama ang siyang pangunahing naghahanap-buhay para sa pangangailangan ng pamilya
b. Ang ina ang naghahanapbuhay para maitaguyod ang mga pangangaiilangan ng pamilya, katuwang ang asawa
c. Ang pagkakaroon ng kaunting anak dahil sa pagpaplano ng pamilya
d. Amg mga miyembro ng pamilyang naninirahan sa Pilipinas, ang ina o ama ay nasa ibang bansa para makapgtrabaho
40. Ano ang negatibong epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino para sa iyo?
a. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
b. Ang pagbabago ng tradisyunal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
c. Ang pagtangkilik sa mga gawang dayuhan
d. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid
41. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
a. Ang asawang naiiwan sa pamilya c. Ang mga anak
b. Ang pamilya d. Ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
42. Ano ang isang mabisang paraan para maiwasan at mapaghandaan ang isa sa mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino
ukol sa paghihiwalay ng mag-asawa
a. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t-isa
b. Pagkakaroon ng metatag na pagmamahalan, respeto at tiwala sa isa’t-isa
c. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
d. Ang pagkakaroon ng mga counselling centers
43. Ano ang iyong mararamdaman kapag ang iyong magulang ay kailangang magtrabaho at mapalayo sa inyong pamilya?
a. Magagalak sa pag-aabroad dahil sila ay makapagpupundar ng mga ari-arian at maiaangat ang pamumuhay
b. Ang pagkalungkot dahil sila ay mapapalayo sa mga asawa at anak, sa kabila ng ito ay para sa kanilang ikauunlad
c. Kasiyahan dahil makakapamasyal sa mga magagandang lugar na mapupuntahan dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa
d. Mag-aalala dahil sa gagastusing pera para makapg-abroad
44. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapuwa tao”, ano ang ibubunga nito sa isang tao kung
ito ay kaniyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapuwa tao
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapuwa
d. Madaling matanggap ng kapuwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
45. Hindi nakaliligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama
tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at metatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
46. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pgpapahalaga sa mga gawaing espiritwal maliban sa:
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. Maglaan ng tiyak na panahon upang making ng mga aral ng pananampalataya
d. Ituon ang pansin sa ganap nap ag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
47. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
d. Pagtiyak na malinaw sa mga ank ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan
48. Maipapakita ang makabuluhang pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa ____________
a. Kakayahan ng taong umunawa
b. Pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. Espesyal na apgkagiliw sa nakaangat sa lipunan
d. Pagtulong at pakikiramay sa kapuwa
49. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapuwa dahil sa ________
a. Kakahayan nilang umunawa sa damdamin ng iba
b. Kakayahan nilang makaramdam
c. Kanilang pagtanaw ng utang na loob
d. Kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
50. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapuwa
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapuwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
d. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

You might also like