You are on page 1of 8

“MAGBABAGO NA SI BUBOY”

( May Akda : ROMELA M. NAVARRO )

Aw ! Aw ! Aw ! Galit na galit si Bantay sa usok na pumapaitaas.


Sinunog ni Buboy ang mga basurang iniutos sa kaniya ng nanay . Ang sabi ng nanay ay
itapon sa compost pit ang mga tirang pagkain at mga balat ng gulay at prutas. Binigyan din
siya nito ng isang sako at binilinan siyang doon ilagay ang mga bote, plastik at mga lata.
Ngunit gustong–gusto ni Buboy ang magkaskas ng posporo at gustong-gusto rin niyang
pinagmamasdan ang mga basura habang nasusunog ang mga ito. Splashh! Napalingon si
Buboy sa pinagmulan ng sinaboy na tubig. Naku! Buboy mabuti na lamang at natanaw
kaagad kita, hindi ba’t bawal na ang pagsusunog ng basura? Ilang beses na natin itong
tinalakay sa paaralan at ilan beses ko na rin itong ipinaalala sa iyo? Malumanay na
pagpapaliwanag ni Karlo sa kaibigan.
“Maluwag naman ang aming bakuran kaya hindi naman lumalabas ang usok”,
pangangatwiran pa ni Buboy.

“May batas na sa pagsusunog ng basura, lumiban ka kasi ng ipinaliwanag ito ng ating


guro noon”, mabilis na sagot ni Karlo sa kaibigan. Magkapit-bahay sina Buboy at Karlo.
Magkamag-aral din sila
magmula ng sila ay tumuntong sa paaralan, dahil dito ay naging matalik na magkaibigan
sila. May mga ginagawa si Buboy na si Karlo lamang ang nakakaalam bilang kanyang
matalik na kaibigan.

Alam niyang si Buboy ang nagtapon ng mga kalat sa kanal sa harap ng bahay ni Aling
Cora. Galit na galit ang Ale noon, pinilit niya si Buboy na kumuha ng pandakot at walis at
alisin ang itinapon sa kanal. Nang minsan naman ay isiniksik nito ang plastik ng
pinagkainan sa ilalim ng upuan, dali-dali niya itong kinuha at pinilit itong itapon sa
basurahan. Itinapon naman nito sa basurahang may nakasulat na nabubulok kaya siya na
ang naglipat ng plastik sa basurahang may nakasulat na di- nabubulok. Nalulungkot si
Karlo sa pag-uugaling ito ng kaibigan, mabait naman kasi at masipag si Buboy. Ano kayang
pangyayari ang
magtuturo ng aral dito?

“ Aray ko! nanay! nanay! Dinig sa buong paligid ang hiyaw ni Alena,
nakababatang kapatid ni Buboy. Dali-daling naglapitan ang nanay at tatay nila kay Alena.
Kami rin ay patakbong lumapit. Namutla si Buboy ng makita ang malakas na daloy ng dugo
sa paa ng kapatid. Natapakan ni Alena ang nakabuklat na lata na nalaglag mula sa mga
basurang ipinatatapon ng nanay.
Malaki ang sugat at kinailangang tahiin sa ospital. Umiiyak si Buboy na tumingin sa akin,
nabasa ko sa kaniyang mga mata ang matinding pagsisisi na alam kong naganap na ang
malaking pagbabago sa aking matalik na kaibigan.
Nagustuhan mo ba ang kuwento? Ikaw ba ay kasingbait na kaibigan ni Karlo?

1. Sagutin ang mga tanong.

a. Sino ang kaibigan ni Karlo?

b. Ano ang inabutan ni Karlo na ginagawa ni Buboy?

c. Ano ang sinabi ni Karlo kay Buboy?

d. Bakit nalulungkot si Karlo sa mga gawi ni Buboy?

e. Sa iyong palagay magbabago na kaya si Buboy dahil sa nangyari sa kaniyang kapatid?

2. Mula sa kuwentong “Magbabago na Si Buboy”, punan ng angkop na salita ang patlang mula sa kahon .

bote batas plastik lata di- nabubulok

1. Ipinagbabawal sa ________________ ang pagsusunog ng basura.

2. Inilipat ni Karlo ang plastik na itinapon ni Buboy sa basurahan ng ____________.

3. Ipinalalagay ng Nanay ang mga _____________, _____________, at ______________sa sako upang maihiwalay
ang mga ito.

Tayahin: Punan ang patlang ng angkop na salita. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Itapon ang ___________________ sa tamang tapunan.


a. laruan b. basura c. larawan

2. Ihiwalay ang mga ________________________ na basura sa hindi nabubulok na basura.


a. maaayos b. mapuputi c. nabubulok

3. _____________________ ang kailangan sa wastong pagtatapon ng basura at upang makatulong na maisalba


ang Inang kalikasan.
a. Disiplina b. Kagandahan c. Kaibigan

4. Ang mga halimbawa ng mga basurang nabubulok ay mga tirang pagkain, tuyong dahon at
_________________.
a. plastik b. balat ng prutas at gulay c. babasaging bote

5. Ang boteng plastik , lumang gulong at Styrofoam ay mga halimbawa ng mga basurang _____________.
a. nabubulok b. hindi nabubulok c. ibinabaon sa lupa
Punan ang patlang ng bituin kung isinasagawa mo ang nakasaad sa pangungusap at bilog kung hindi mo naisasagawa
ang isinasaad ng pangungusap.

_______ 1. Inililigpit ko ang aking mga kagamitan kahit hindi ito ipaalala ng aking mga kasama sa bahay.

_______ 2. Itinatapon ko ang plastic na pinag-inuman ko ng Buko Juice sa basurahang may nakalimbag na nabubulok.

_______ 3. Pinupulot ko ang mga kalat na aking nadadaanan sa paligid at itinatapon ko ito sa tamang tapunan.

_______ 4. Nagtatapon ako ng balat ng prutas sa kanal dahil nabubulok naman ito lalo na kung walang nakakakita.

_______ 5. Tinitiyak ko na maayos kong naitapon ang papel na aking pinaggamitan sa basurahan at hindi ito nalaglag
lamang sa sahig.
Suriin

Ang wastong pagtatapon ng basura ay mahusay na paraan upang makaiwas


sa mga sakuna sa tahanan. Sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura sa tahanan
magsisimula ang paghilom ng mundo sa polusyon. Ang pagsusunog ng basura
ay hindi mabuting paraan upang mabawasan ito, sapagkat ang usok mula sa
mga bagay na sinunog ay lubhang mapanganib sa ating kapaligiran at
kalusugan.

Nabubulok at Hindi Nabubulok


Ang nabubulok at hindi nabubulok ay ang mga uri ng basura. Sa salitang Ingles
ay biodegradable at non-biodegradable. Mahalaga na ihiwalay ang mga basurang
nabubulok sa hindi nabubulok nang sa ganon ay nagagawa ng wasto ang pagtatapon ng mga
basura.
Ano ang ba ang mga basurang nabubulok at di nabubulok?
Nabubulok
Ang nabubulok o biodegradable ay ang mga basura na maaaring magamit bilang fertilizer o
pataba sa lupa.
Mga Halimbawa

 dahon
 balat ng prutas
 dumi ng mga hayop
 tira tirang pagkain
 patay na hayop
 papel
 kahoy

Hindi Nabubulok
Ang hindi nabubulok o non-biodegradable naman ay nahahati sa tatlong klase:

 Recyclable Waste
 Residual Waste
 Special Waste

Ang recyclable waste ay ang mga bagay na pwede pang pakinabangan muli bilang ibang
produkto.
Mga Halimbawa

 plastik na bote
 lata
 bakal

Ang residual waste naman ay ang mga basura na hindi na pwedeng gamitin muli.


Mga Halimbawa

 upos ng sigarilyo
 balat ng candy
 diaper
 napkin

Ang special waste ay mga basura na may mga kemikal at nakakahawang sakit na pwedeng


makasama sa kalusugan.
Mga Halimbawa

 baterya
 lata ng pintura
 basag na bumbilya

sanhi at solusyon sa basura


Mayroong dalawang sanhi ng pagkakaroon ng basura
1. Walang tamang pag kolekta ng basura
2. Walang disiplina sa sesegregate o pag hihiwalay-hiwalay nito.
Solusyon sa pagkakaroon ng basura
1. Pagbawas ng basura lalo na ang mga di nabubulok

 Dapat mag bigay ng batas ang mga namumuno na huwag nang gamitin ang mga
cellophane o mga di nabubulok na sisidlan bagkus dapat nilang isulong ang bayong,
basket o papel sa paglalagyan ng mga pinamili ng mga mamimili.

2. Itapon sa tamang basurahan ang mga basura


 May mga tao talagang sadyang walang paki-alam sa kanilang paligid at sa kalikasan
kaya naman sila ay nagtatapon ng basura kung saan saan nila gusto. Halimbawa nito ay
ang pag tapon ng basura sa mga ilog at dagat na kung saan nagdudulot ng masamang
epekto sa buhay ilang at maging sa buhay ng tao.

3. Gumamit ng mga recyclable packaging

 Dapat ding isulong ng mga negosyante at pamahalaan na gumamit ng mga packaging


na puwede pang magamit muli upang mabawasan ang basura. Halimbawa: mga baso
sa kape, baunan sa mga biskuwit at iba pa.

4.  Mag recycle
nabubulok
1. balat ng prutas
2. sirang pagkain o bulok na pagkain
3. balat ng itlog
4. tinik ng isda
5. mga dahon
hindi nabubulok
1.glass bottle
2. tincans
3.news paper
4.mga metal
5. plastic wars at mga batteries

Ang maling pagtapon ng basura ay nagdudulot ng malaking epekto sa ating kapaligiran.


Maraming maaapektuhan sa hindi tamang pagtapon ng basura dahil ito ay nagbibigay ng
maraming uri ng sakit sa mga tao at sa hayop. Nadadala ng hangin ang dumi mula sa basura
kaya mabilis kakalat ang dumi nito na magdudulot masamang epekto sa makakalanghap nito at
ikasisira rin ito ng ating kalikasan. Marami na ang nagkasakit at namatay dahil sa maling
pagtapon ng basura kaya isang katalinuhan na itapon ang basura sa tama at kapag ginawa iyon
mapapanatili natin ang kagandahan ng ating lupa at magdudulot ito ng magandang epekto sa
lipunan o komunidad.
Kahalagahan ng 3R’s
Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili
nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang
nagdidikta sa kaayusan o “pagiging balance” ng ating kapaligiran
at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang
na nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang mga tao ang
kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at
halaman na kasama nating namumuhay dito ay nangangailangan din ng
mabuting pamumuhay. Kung hindi mapananatili ang balanseng sistema
nito, maaaring magdulot ito ng mga problema hindi lamang sa ating
panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating.
Ang process ng recycling ay paraan upang mabawasan kung hindi man
matanggal ang problema natin sa waste disposal . Maraming paraan
upang magawa natin ito at ang pinakasimpleng paraan ay magsimula
na ngayon. Maaaring kaunti lamang sa atin ang nakaaalam ang mga
paraan na aking binabanggit, kaya nga ako nagdesisyon na gumawa
ng ganitong sulatin upang maibahagi ang aking mga natutunan sa
paaralan na aking pinapasukan. Maging halimbawa sana ito upang
ma-encourage ang bawat tao na gawin din ang aking nasimulan.
Sa mga basurang itinatapon ng walang control sa araw-araw, dahan-
dahan nating sinisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong
ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang ating
nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang
problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa
mga products na ating binibili sa araw-araw, maaari nating
simulan ang recycle upan g mapababa ang basura na likha ng mga
ito. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay maaari pang
irecycle upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong
malikha sa ating mundo.
Kung hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat. Ngayon
na ang panahon upang maisaayos ang problem natin sa basura at
maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang pamumuhay ng
mga darating na henerasyon.

Ang process ng recycling ay paraan upang mabawasan kung hindi man


matanggal ang problema natin sa waste disposal . Maraming paraan
upang magawa natin ito at ang pinakasimpleng paraan ay magsimula
na ngayon. Maaaring kaunti lamang sa atin ang nakaaalam ang mga
paraan na aking binabanggit, kaya nga ako nagdesisyon na gumawa
ng ganitong sulatin upang maibahagi ang aking mga natutunan sa
paaralan na aking pinapasukan. Maging halimbawa sana ito upang
ma-encourage ang bawat tao na gawin din ang aking nasimulan.

You might also like