You are on page 1of 12

Sirang Kaisipan, Sirang Kapaligiran - A Photo Essay from

Bulacan

Ano nga ba ang ”Solid Waste Management”? At ano ang signipikong ambag nito sa
ating bansang parang isang malaking basurahan? Bakit tayo hirap na hirap gawin ito?
Iyan ang mga katanungan na nais nating bigyan ng kasagutan. Ang Solid Waste
Management ay ang tawag pagsasaayos ng mga basura, kung saan magiging isa itong
benepisyo para sa sangkatauhan, isa sa mga paraan para maisaayos ang mga basura
ay ang paggamit ng 3r’s o Reduce, Reuse at Recycle, kung saan isa sa tatlong paraan
ang maari mong gawin para maisayos ang mga basura, Reduce, kung saan iyong
babawasan ang paggamit ng basura sa umpisa pa lamang, Reuse kung saan iyong
gagamitin hanggat maari pa ang ilan sa iyong mga gamit, at Recycle kung saan
bubutingtingin mo ang ibang gamit na maari pang gawin na ibang bagay halimbawa ay
gagawin mong parol ang mga bote ng softdrinks. Kung ating magagawa ang mga
bagay na ito ay maaaring magbenepisyo ng sobra sobra ang ating bansa dahil
mababawasan ang mga basura, ngunit dahil sa likas na katamaran ng mga tao ay
mahihirapan tayong isakatuparan ang 3w’s.

Kaisipan
Basura, bakit nga ba ang daming basura sa kapaligiran? Dahil ba ito sa taumbayan?
Sitwasyon? Gobyerno? Sapagkat maraming rason para sa mga kalat dito sa sarili
nating bansa, ang pinaka rason dito ay ang pag iisip o kultura ng mga Pilipino. Ano nga
ba ang kultura ng mga Pilipino sa basura? Para sa mga Pilipino ang pagtatapon ng
basura ay hindi ikinahihiya, hindi katulad sa ibang bansa kung saan ang pagtatapon ng
basura kahit isang maliit na balat ng kendi pa iyan ay ikinagagalit ng karamihan. Ngunit
hindi lamang ito ang nag-iisang kultura ng Pilipinas kapag pinag uusapan ang basura.

“Basura na iniwan sa gilid ng bahay pagkatapos ng inuman”


Sto. Nino, Plaridel, Bulacan

Isa sa halimbawa nito ay ang pagtatapon ng mga basura kung saan saan at kapag
“nadispose” na nila ito kunwari sa likod ng kanilang mga bahay, sa bakuran, sa gilid ng
ilog. Sa lugar kung saan hindi nila makikita yung basura, doon sila nagtatapon.
Maaaring dahil ito sa katamaran, kung saan wala silang pagsasaalang-alang sa mga
kahihinatnan nito.
Dahil dito inaprubahan ng Opisina ng Pangulo ang isang batas noong Enero 26, 2001,
na gumagamit ng iba’t ibang paraan katulad ng pagbibigay ng mga gabay upang
maiwasan ang basura, pagtitiyaga ng wastong paghihiwalay at pagkolekta ng basura,
pagprotekta ng pampublikong kalusugan at ng kalikasan, at pagpapatupad ng parusa
sa mga hindi sumusunod sa mga ito. [1]. Ngunit epektibo ba ito? Kung ito ay ipinatupad
noon, makikita ba ang pagbabago na ginawa nito sa kapaligiran ngayon?

“BAWAL MAGTAPON ng BASURA DITO”


Sto. Nino, Plaridel, Bulacan

Makikita sa larawan na ito ang kamalayan ng taumbayan. Maaari rin nating masagot
ang tanong na nabanggit kanina, Oo mayroong pag-unlad at pagbabago na nagawa
ang batas na ito. Ngunit nasa gawi parin ng tao kung kaya nilang magbago at magising
para sa hinaharap. “Hindi ko naman ito problema, bakit aasikasuhin ko pa ito?” at “May
naglilinis naman nyan” ang marahil na nasa isip ng iba, at ang sagot dito ay, magiging
problema mo ito dahil ang mga masamang epekto nito ay maaaring magbigay panganib
sa ating lahat.
“Basura na wala sa tamang basurahan”
Hangga, Paombong Bulacan

Ang mga namumuno rin sa ating lugar ang mga rason kung bakit hindi nababawasan
ang kalat dito sa ating kapaligiran. Maraming taong napipilitan na mag tambak ng
basura dahil sa kakulangan ng basurahan, hindi natutupad o mga pinangakong
“services” na wala namang kibo katulad ng pangongolekta ng basura sa bawat tahanan,
at hindi paglaganap ng kamalayan sa masa. Maipapakita rin dito ang kaisipan na kapag
mayroong basura dito, pwede nang magkalat, maaaring magsimula ito sa plastik na
nasa lapag at matapos sa isang malaking burol ng basura.

Sapat ba ang disiplina at mga napatupad na batas para hindi magalit ang mga Pilipino?
Naaayon sa litrato sa ibaba na, kahit mayroon nang batas hindi parin ito nasusunod,
mukhang inaalipusta pa nga ito ng mga tao sa pagtapon sa tabi ng karatula. Kailangan
nang magbago ang kultura ng mga Pilipino lalo na sa basura, isa sa mga ito ay ang
“Throw-away” mentality na ayon kay Reynaldo C. Lugtu, Jr. at Amado De Jesus,
bumibili tayo ng mga produkto na wala nang silbi pagkatapos gamitin ng isang beses
lamang [2][3]. At dahil sa mentality na ito maraming mga face mask, shampoo sachet,
at iba pang basura ang bumubuo sa mga basura na makikita natin sa ating kapaligiran.

“Paalalang walang silbi”


Hangga, Paombong Bulacan

Kalupaan

Agnaya Plaridel Bulacan Sto. Nino Plaridel Bulacan Mahabang Labak St.,
Paombong Bulacan

Maglakad ka lamang sa bangketa ng Pilipinas, siguradong makakakita ka ng basura.


Matagal nang nagtatapon lamang ng basura ang mga PIlipino sa gilid ng mga kalye at
sa mga lugar na hindi dapat tapunan. Makikita sa mga imahe sa taas na kahit saan ay
nagkaroon ng mga tambak na basura. Sa gilid ng bahay, at sa gilid ng mga bangketa
makikita ang mga ito, kahit na walang nagsasabi na ito’y maaaring gawin. Dumudumi
ang ating kapaligiran, at mas lalong dinagdagan ng mga tambak ng basura kagaya nito.

Hangga, Paombong Bulacan

Ang larawan sa itaas ay isa pang halimbawa ng tambak ng basura sa kahit anumang
lugar sa Pilipinas. Sa halip na maging disenteng ang mga lugar na ito sa paningin ng
mga dumadaan, at maging malinis, at sariwa ang malanghap na hangin ng mga tao. Sa
dami ng pagtatapon ng basura sa isang lugar, o kung saan saan man, naakala itong
mga tamang tapunan at ito’y mas lumalaki. Nakikita rin ang mga tambak ng basura sa
mga lugar na tiniyak na bawal ang ganitong kilos, partikular sa mga lugar na may
“Bawal magtapon dito”.

Katubigan
Kasabay ng ating kalupaan ay naapektuhan rin ng pagsasawalang bahala ng
pagtatapon ang mga anyong tubig. Makikita sa mga larawan na ang lahat ng mga ito ay
halos ginawa ng tambakan ng basura. Kalimitang ginagawa itong tapunan dahil sa mata
ng tao ay “aanudin rin yan, di nayan makikita.”. Mula sa maliliit na plastic hanggang sa
mga sirang parte ng bahay ay tinatapon dito. Ang mga katubigan na madalas makikita
sa mga pamayanan ay ang mga patubig, at mga kanal.

Simulan natin sa kanal. Sa larawan sa itaas ay mapapansin natin na dito na


nakatambak ang mga sako ng basura at semento. Meron ring larawan ng isang kanal
na sira na at ginawa na lamang basurahan. Ang pinaka malaking epekto ng mga sira at
baradong kanal ay ang pagbaha. Mapapansin natin na kahit hindi gaanong malakas
ang ulan ay may baha parin sa ibang lugar. Ang dahilan nito ay ang pagkawala ng mga
dadaluyan sana ng tubig tuwing umuulan.
Minsan ng naikwento sa atin ng mga nakatatanda na sila ay nagingisda sa mga patubig
at ilog noon. Dati raw, ang mga ilog at patubig ay napapaliguan pa nila,
napaglalabahan, at nakukuwanan ng isda. Ngunit ngayon, ang mga ilog na dati ay puno
ng buhay ay puno na ng basura. Halos wala ng mga isdang nabubuhay sa mga
ganitong patubig at ilog dahil kahit ang diaper ng sangol ay tinatapon dito.
Nakakapangilabot isipin na kahit ang mga patubig, ang mga pinanggagalingan ng tubig
para sa mga sinasaka, ay may mga basura narin.

Hinaharap
Halang, Hagonoy City

Kung ating hindi susubukan manlang o mas nakabubuti kung ating tukuyang
mawawaksi ang kalat sa paligid, ganitong katulad sa mga litrato ang mangyayari sa
ating bansa, o di kaya ay posible ren na maging isang kagimbal-gimbal na
kahahantungan ng mundo, puro kalat ang iyong makikita sa paligid, na pwedeng
umabot sa punto na imbis na ang iyong maririnig sa mga awitin ay “bahay kubo, kahit
munti ang halaman doon ay sari-sari” ang iyong maririnig ay “bahay kubo, kahit munti,
ang mga kalat roon ay paligid-ligid. Kung hindi tayo kikilos ay magiging parang isang
malaking “landfill” ang ating bansa, na sa ngayon ay tinuturing nang ganon ng ibang
bansa na mas makapangyarihan pa sa atin.
Hagonoy City

Ngunit kung hindi man bansang puro kalat ang magiging hinaharap natin ay walang
katapusan o araw araw na baha dahil sa hightide na pinalala ng “global warming” na
basura rin ang pulo’t dulo, at pagbabara ng mga kanal dahil sa mga kalat na hindi
tinapon sa tamang tapunan. Sa ating bansa ay masiyadong umuso ang pagsisiga kung
kaya’t hanggang ngayon ay walang humpay pa rin itong ginagamit ng sangkatauhan
kahit alam nila sa kanilang sarili na masama ito, hindi lamang para sa kalikasan ngunit
maging sa ating mga mortal na tao ren. Ang pagbabaha ay hindi isang biro, dahil ito ay
mahirap o mahal solusyonan o wakasan, dahil mahal ang pagpapatamabak na
kailangan gawin upang hindi kayo bahain, at mahirap ang maglinis ng baha.
Tulad ng naisaad kanina, ang pagsisiga ay nakasasama parehong para sa kalusugan at
kapaligiran natin, kung kaya’t atin itong ipagpapatuloy ay Malaki ang tyansa na lumala
ang “global warming” o ang patuloy na pag-init ng mundo dahil sa “greenhouse gasses”,
kung ating ipagpapatuloy ang pagsisiga ay tiyak na mas magiging malala pa ang init na
ating iindahin sa mga susunod na panahon, na kung sa ngayon pa lamang ang sobrang
init na, paano pa kaya sa susunod pang mga taon kung ipagpapatuloy na magsiga ng
mga taong matitigas ang mga kokote.

Konklusyon

Sa kasalukuyan, ang pinipili nating gawin ay ang mga temporaryong solusyon. Oo, sabi
nga na nagsisimula ang lahat sa maliit na bagay, ngunit kaakibat nito ay dapat kumikilos
parin tayo para sa ikabubuti ng lahat. Hindi sapat ang mga karatula kung ang kaisipan
ay sira. Walang magagawa ang mga batas kung wala namang susunod. Sana, sa
hinaharap ay mas bigyan itong pansin ng buong bansa, at mas lalo na ng gobyerno.
Dahil sa ngayon ay umaasa tayo sa isa't isa, ngunit wala rin naman tayong ginagawa.
REFERENCES:

[1] https://www.officialgazette.gov.ph/2001/01/26/republic-act-no-9003-s-2001/
[2]https://mb.com.ph/2021/06/22/throw-away-mentality/?amp
[3]https://business.inquirer.net/313242/the-culture-of-waste/amp

You might also like