You are on page 1of 6

AP Grade 10 , Jalajala NHS

AWIT-SURI Inihanda ni: G. MARLEX M. ESTRELLA, MAEd

Panuto: Suriin ang inihandang awit sa ibaba at sagutin
ang mga pamprosesong tanong.

"Masdan Mo Ang Kapaligiran"

Asin
Wala ka bang napapansin May mga puno pa kaya silang aakyatin
Sa iyong mga kapaligiran May mga ilog pa kayang lalanguyan
Kay dumi na ng hangin Bakit 'di natin pag-isipan
Pati na ang mga ilog natin Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan
At malayu-layo na rin ang ating narating Darating ang panahon, mga ibong gala
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Ay wala nang madadapuan
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man Lahat ng bagay na narito sa lupa
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Mayro'n lang akong hinihiling 'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin Mayro'n lang akong hinihiling
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Ang mga batang ngayon lang isinilang Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
May hangin pa kayang matitikman

Source: https://www.azlyrics.com/lyrics/asin/masdanmoangkapaligiran.html
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang paksang tinatalakay sa awit?
2. Sa anong isyu ito napapabilang, isyung personal o isyung panlipunan? Bakit?
3. May hamon ka bang natukoy para sa iyo at mamamayan ng bansang Pilipinas sa isyung inilahad sa awit?
3. Ano ang kalagayan ng kapaligiran sang-ayon sa awit? Sa iyong palagay totoo ba ito sa kasalukuyan? Paano mo
nasabi?
4. Ano ang iyong naging damdamin/saloobin sa kalagayan ng kapaligiran?
5. Anong aksyon ang maaari mong gawin upang maging bahagi ng solusyon sa suliraning nailahad ng awit.

Sagot:
_______________________________________________________________________________________________

Learning Goal of the Day #LGOD
Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas
 Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran

Aralin 2 : Ang mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran

Kung Alam mo Lamang!
Sa gawaing ito ay matutunghayan ng mo ang mga pangunahing impormasyon na may kinalaman sa kahalagan
ng likas na yaman at kasalukuyang suliraning pankapaligiran. Basahin at unawain ang nilalaman nito. Sa bawat
matatapos na paksa ay sumulat sa kwaderno ng pinakamahalagang detalyeng iyong nalaman.
Gaano nga ba kahalaga ang likas na yaman? Natutuhan mo

1 sa pag-aaral ng Ekonomiks na isa ang likas na yaman sa

tinatawag na salik ng produksiyon. Mahalaga ito dahil dito
kumukuha ng mga hilaw na materyales upang gawing produkto
at pinagmumulan din ito ng iba’t ibang hanapbuhay. Sa katunayan, humigit kumulang sa 65
milyong Pilipino ang umaasa sa likas na yaman para mabuhay. Ilan sa mga pangunahing
hanapbuhay nila ay ang pagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos 20% ng Gross
Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong 2014. Kasama din dito ang 1.4% mula sa Bawasan ang Polusyon sa Bawat Nasyon
Poster/03/05/2019facebook
yamang-gubat, at 2.1% mula sa pagmimina. Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay
isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo ay nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino
Ngunit, sa kabila nito ay tila hindi nabibigyang-halaga ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan
ay malaki ang suliranin at hamong kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa
kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalaakas na
bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha. Sa huli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan para mabuhay
ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay. Ilan sa mga suliranin at
hamong pangkapaligiran sa Pilipinas ay ang sumusunod:

Suliranin sa Solid Waste

2 Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal
na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula
sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette,
2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura
kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang
isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average (National
Solid Waste Management,2016). Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga
tahanan na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na
bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste Management Status Report,2015)
Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste. Isa
na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.
Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga
ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay na
lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga
insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit.
Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang nagsusunog
ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa hangin.
Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste collector dahil
kailangan nilang magsagawa ng waste segregation bago
dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite,
problemang maaari sanang maiwasan kung mahigpit na
ipinatutupad sa mga kabahayan at mga pampublikong lugar
ang waste segregation.
Pagkasira ng mga Likas na Yaman

3 Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman.

Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa
direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang pagtatanim at
pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang
sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa
mula sa mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa. Sa
kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nito,
tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa
pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad.

Suliranin sa

4 Yamang
Gubat
Maraming
benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan.
Ito ang tahanan ng iba’t ibang mga nilalang na
nagpapanatili ng balanse ng kalikasan,
mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil
kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din
ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba
pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan (Philiipine Tropical Forest Conservation
Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na maubos o masira ang kagubatan ng Pilipinas kung
magpapatuloy ang deforesataion.
Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng United Nations, ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o
permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad (FAO, 2010).
Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan ang noo’y 27 milyong ektarya ng kagubatan ay
naging 7.2 milyong ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine Climate Change Commission, 2010). Sa katunayan
sa ulat ni dating DENR officer-in-charge Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24% kagubatan ng Pilipinas ay pangalawa
sa pinakamaliit sa mga bansa sa Timog silangang Asya (Andrade, 2013). Higit na mababa ang ulat na inilabas ng
European Union Joint Research Centre kung saan gamit ang satellite-based image, nasabi nila na mayroon na lamang
19% ang kagubatan ng Pilipinas (Country delegate to the European Commission, 2009).

1
2

Share Mo Lang
Panuto: Ipasagot ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. Pagbasehan ang ginawang pagbabasa at pagtukoy ng
mga pumakaw na impormasyon.

1. Sa isklang 1-10, pinakamataas ang 10 at pinakamababa ang isa, Gaano kahalaga ang likas na yaman para sa iyo?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2. Pumili ng emoticon ng inang kalikasan, sang-ayon sa kalagayan ng kapaligiran sa Pilipinas. Ipaliwanag kung bakit?

3. Sino-sino ang may pananagutan sa ganitong kalagayan?

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
4. Sino-sino naman ang maaring magpabuti sa kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas? Paano?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

ENRICHMENT ACTIVITY
Sanhi at Bunga

Gamit ang isang gabay, tukuyin an gang sanhin ang bunga ng mga sumusunod na kalagayang pangkapaligiran.
Gamiting gabay ang haimbawa at pumili ng 3 mula sa 5.

Pagkamatay ng
Pagtatapon ng
Kontaminasyon isda at halaman,
basura at
ng tubig sa ilog pagkalason ng
kemikal
tao

Sanhi Kalagayan Bunga

pagbaha

pagbuburak sa lawa.

pagkawala ng mga hayop

(extinction)
coral bleaching

polusyon sa hangin

climate change

Status Report
Panuto: Pagkatapos mong pagyamanin ang kaalaman sa kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas ay gagawin mo
naman ang status report activity na higit na magpapataas ng iyong kamalayan sa kalagayan ng kapaligiran mismo sa
ating lugar. Maaaring pumili sa mga sumusunod.

Tubig ng lawa Halaman sa gubat sapa Hayop sa gubat Kalidad ng hangin

Mga Paalala sa Gawain

1. Pumili ng isa mula sa kahon.
2. Maaaring ang detalye ay bunga na pananaliksik sa internet, aklat, interbyu o direktang obserbasyon.
3. Hwag kalimutang iugnay ang mga datos sa pambansang kalagayan ng kapaligiran sa Pilipinas.
4. Maaaring magpatulong sa nakatatandang kapatid, magulang, kamag-anak o eksperto sa pamayanan.
5. Gawing maigsi o direkta ang mga kasagutan

Gabay na tanong Kasagutan

(Magbanggit ng mga datos tungkol sa
likas na yaman na napili ng inyong
pangkat)

Kahalagahan:
(Ipaliwanag ang kahalagahan ng napiling
likas na yaman. Suportahan ito ng mga
datos.

Suliranin:
(Suriin ang mga suliraning nararanasan
sa kasalukuyan at epekto nito)
Mga Pagkilos:
(Magsaliksik tungkol sa mga programa
ng pamahalaan at iba’t ibang sektor
tungkol sa likas na yamang napili)
Konklusyon:
(Magbigay ng konklusyon kung bakit
patuloy na nararanasan ang mga
suliranin sa likas na yaman)

Sanggunian: Learners Module, Blando R. C. et al, Kontemporaryong Isyu, LM

You might also like