You are on page 1of 3

POLUSYON SA TUBIG

 Domestic Wastewater – maruming tubig na nagmumula sa mga kabahayan. Halimbwa


nito ay ang maruming tubig na ginamit sa paghuhugas ng mga pinagkainan na direktang
itinatapon sa mga kanal, ilog o dagat.
 Industrial Wastewater – mula naman ito sa mga pabrika at negosyo ngunit dahil sa
magastos ang prosesong ito, hindi iti sinusunod ng mga maliliit na negosyo.
 Agricultural Wastewater – ito ay pinaghalo-halong pestisidyo, pataba at dumi ng hayop
mula sa mga kabukiran. Pinaaagos ito sa mga kanal na sa kalauna’y napupunta rin sa mga
ilog.
 Basurang Plastik – aminin man natin sa hindi lahat tayo’y nasubukan nang iwanan ang
ating mga pinagkainan kahit saan. Dahil dito, maaaring mahangin ito at mapunta sa mga
kanal o ilog.
SULIRANING IDINUDULOT NG POLUSYON SA TUBIG
 Ang pagkonsumo ng kontaminadong tubig ay masama sa kalusugan. Maaari itong
maging rason sa pagkakaroon ng sakit kagaya ng cholera, diarrhea at polio. Maaari
ring mga pangmatagalang sakit kagaya ng kanser at maging pagkamatay.
 Pinapatay rin ng polusyon ang mga organismong pantubig. Nagreresulta ito sa
pagkaunti ng kanilang populasyon at kapag nangyari ito, maaaring kakaunti o di kaya
nama’y wala na tayong makakain pang mga sariwang isda.
 May negatibong epekto rin ang polusyon sa ekonomiya. Dahil sa patuloy na
pagkaunti ng kanilang populasyon, kaunti rin ang kinikita ng pamahalaan sa
industriya ng pangingisda.
EPEKTO NG TUMATAAS NA KARAGATAN
1. Pangangailanagn sa Espasyo – dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng mga karagatan,
unti-unting lumulubog ang maraming lugar sa mundo. Dahil ditto, mababawasan ang
lupang maaaring gamitin ng mga tao upang tumira at magreresulta rin ito ng
overpopulation sa isang lugar.
2. Pinsala ng Bagyo – Dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng karagatan, mas dumadalas
ang pagbaha na minsan ay tumatagal pa nang ilang araw kagaya na lamang nang
nangyari sa Busan, South Korea kamakailan lang. Mas mataas at mapaminsala rin ang
nililikhang daluyong ng mga bagyo.
3. Produksiyon ng Pagkain – naaapektuhan din ng tubig-dagat ang kalidad ng ga lupang
sakahan. Kapag nababad ng matagal ang isang tanim sa tubig, maaari itong mamatay at
mababawasan ang produksiyon ng pagkain sa mundo.
4. Suplay ng Malinis na Tubig – hindi natin maaaring inumin ang tubig-dagat dahil
maaaring kontamido ito dahil sa mga bagay na itinatapon ng tao rito. Bago ito
mapakinabangan, kailangan muna nitong dumaan sa deslination na isang masalimuot at
magastos na proseso.
PG. 13
Hindi kona alam kung anong araw ngayon ngunit masasabi kong sa bawat araw na
lumilipas sa taong ito, tila lumalaki rin ang posibilidad na maaga akong mawala sa mundong ito.
Sa tuwing sumisilip ako sa aming bintana, ako’y napapabuntong hininga na lamang dahil sa
isiping kakaunti na lamang ang aming pagkain dahil sa natabunan na ng tubig ang aming mga
pananim at halos wala ka naring makitang mga kalsada. Wala na ang dating mga pook-pasyalan
rito sa amin dahil lumipat na sila sa mas mataas na lugar upang roon ipagpatuloy ang kanilang
negosyo.
Sa loob ng isang taon, hindi lang iisa ang nararanasan naming mga bagyo kundi marami.
Labis-labis rin ang pagbaha na nakakapagpadumi sa aming paligid at naiipon rin ang mga basura
pagkatapos nito. Sa tuwing may bagyo, mapapadasal ka na lamang na sana kinabukasan, may
matitirhan ka pa dahil sa lakas nang hangin na maaaring tumangay sa bubong ng aming bahay.
Sana’y may pagkaaktaon pa akong bumalik sa panahon kung saan normal pa ang lahat
ngunit alam kong imposible itong mangyari. Sana pala’y noon pa lang pinahalagahan kona ang
ating kalikasan upang hindi ganito kalupit ang ganti nito sa atin.

CROSSWORD
1. Bulkang Taal
2. Southern Leyte
3. Albay
4. Palawan
2. Sendong
5. Tuguegarao
6. Yolanda
7. Celebes
MODULE
1. Bagyong Haiyan
2. Joseph Fourier
3. 75%
4. Republic Act No. 9729
5. Republic Act No. 8435
6.
7. Republic Act No. 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2004
8. Climate Change
9. Climate Change
10. Global Warming

You might also like