You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

QUARTER 1 INTEGRATED ASSESSMENT


(APEsPFILIPINO)
PERFORMANCE TASK NO. 2
Pangalan: SANTOS, CRISTINE D.
Baitang at Pangkat: 10-ARISTOTLE

Ang Pangangalaga sa Kapaligiran ay Hindi Isang Utos,


Bagkus ay Responsibilidad mo Bilang Tao!
Inang kalikasan. Ito ay isa sa mga pinakamahalaga at pinakamagandang biyaya na inilaan sa atin
ng ating Diyos na Maylalang. Ang inang kalikasan o ang ating kapaligiran ay napaka-importante sa
ating mga tao sapagkat dito tayo nakatira at dito natin nakukuha ang lahat ng ating mga
pangangailangan tulad ng pagkain. Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng mga bagay na
ibinibigay nito sa ating lahat, patuloy pa rin tayong gumagawa ng mga bagay na ikinasisira ng ating
sariling tahanan.

Gaya ng nasabi sa naunang talata, ang ating inang kalikasan ay patuloy na nalalagay sa panganib
sa kadahilanang hindi natin napapansin na ang mga maliliit na maling bagay na ating ginagawa ay
nagkakaroon na pala ng malalaki at kabaha-bahalang problemang nakaaapekto sa ating kapaligiran.
Ang mga kabaha-bahalang problemang ito ay kinikilala natin bilang mga hamong pangkapaligiran.
Bweno, ano nga ba ang mga hamong pangkapaligiran ito? Ang mga hamon o suliraning
pangkapaligiran ay mga suliranin o napapanahong isyu na kinakaharap ng ating kapaligiran na
nagdudulot ng hindi magagandang resulta rito. Ilan sa mga halimbawa ng mga hamong
pangkapaligiran ay ang suliranin sa solid waste, deforestation o paghahawan ng kagubatan, pagmimina
o mining, pagku-quarry o quarrying, polusyon, at maging ang climate change. Kahit na hindi isa-isahin
ang mga suliraning ito ay malamang na mayroon na tayong ideya tungkol sa mga ito.

Ngayong malinaw na kung ano ang mga hamong pangkapaligiran at nakapagbigay na ng mga
halimbawa nito, ano naman ang naidudulot nito sa ating paligid? Bagamat hindi pinapansin ng ibang
tao, mas malinaw pa sa sinag ng araw ang mga epektong dulot ng mga suliraning nabanggit.
Napakalaki ng epekto ng mga ito sa ating kapaligiran, sa katunayan ay mas tumitindi ang pagkasira o
pagkawasak ang ginagawa nito sapagkat mapapansin natin na binabago nito ang sistema ng ating
panahon, nababalita rin sa telebisyon ang tungkol sa pagkatunaw ng mga gleysyal na yelo o glaciers na
siya namang nagreresulta sa pagtaas ng lebel ng tubig sa mga karagatan, nakaaapekto rin ito sa mga
halaman at hayop na nakatira sa kagubatan at katubigan sapagkat nasisira ang mga ecosystem at ang
kanilang natural habitat. Karagdagan pa, mas madalas na tayong makaranas ng mga malalakas na
bagyo at iba pang sakuna tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil nga wala na ring mga puno.

Nakakatakot isipin ngunit kailangan nating tanggapin na anumang ginagawa natin sa ngayon ay
sa atin rin mismo babalik, hindi na nakapagtataka kung bakit dinadagsa tayo ng mga bagyo, sakit, at
kalamidad. Hindi maikakaila na ang sitwasyong ito ng ating inang kalikasan o kapaligiran sa ngayon ay
karaniwan nang kaugnay ng mga hindi tamang gawain nating mga tao. Marami ang mga dahilan kung
bakit patuloy at walang katapusang umiiral ang mga hamong pangkapaligiran na siyang sumisira sa
ating mundong tinitirahan, pangunahin dito ay dahil sa kawalan ng disiplina at pagiging iresponsable
ng mga tao. Dahil sa pagiging pabaya at pang-aabuso natin sa mga likas na yaman at iba pang bagay sa
ating kalikasan, nauubos at nawawala ang mga likas na yamang maaari pa sanang magamit ng mga
henerasyon sa hinaharap. Ang patuloy na paglaki ng ating populasyon ay isa ring sanhi ng pagkasira ng
kapaligiran sapagkat ang mga demand ng tao ang siya mismong nagiging sanhi ng ilang mga gawaing
nakakasira sa kalikasan. Ang patuloy na pagpuputol ng puno, pagsusunog ng kagubatan, pagmimina ng
mga yamang-mineral, at pagtitibag, paghuhukat o pagbabarena upang makakuha ng mga bato ay mga
proseso at mga gawain ng tao na tunay ngang nakakatulong sa pamayanan at kabuhayan ng ilan ngunit
mas lamang pa rin ang pinsalang dala nito sa kapaligiran. Ang mali at hindi disiplinadong gawi natin sa
pagtatapon at paghihiwa-hiwalay ng ating mga basura ay isa ring sanhi ng patuloy na pagkasira ng
magandang kapaligiran natin dahil imbis na maging malinis ang itsura ng paligid ay natatabunan at
nakakalatan ito ng basura, ito rin ang nagiging sanhi ng mga baha at polusyon. Kasama rin sa mga
dahilang ito ay ang hindi tamang pagtatapon ng mga kemikal at mga oil mula sa pabrika at kabahayan
sa mga daluyan ng tubig, at maling paraan sa pangingisda o pang-aabuso sa mga yamang-karagatan
tulad ng dynamite fishing at labis-labis na panghuhuli ng mga isda na nagdudulot ng pagkasira ng mga
coral reefs at maging ng polusyon sa tubig. Panghuli, ang sobrang paggamit sa mga fossil fuels at pati
na rin ang pagsusunog ng mga basura ay nagpoprodyus ng usok na nagiging sanhi ng polusyon sa
hangin at nagpapanipis sa ating ozone layer.

Maliban sa mga nabanggit na resulta ng suliraning pangkapaligiran sa ating paligid, masasabing


ang mga ito rin ay nakakaapekto sa ating mga tao. Ang mga pangyayaring ito ay nagsasapanganib sa
ating buhay, kaligtasan, at maging sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang mga ito ang
kadalasang nagiging sanhi o maaaring humantong sa pagkakasakit at pagkamatay ng mga tao. Dulot ng
mga sakuna at pinsala ng mga hamong pangkapaligiran, lumalaganap ang iba’t-ibang klase ng sakit,
malnutrisyon, at iba pang mga suliraning panlipunan. Ito ay nakakaapekto sa kabuhayan ng mga
mamamayan tulad ng pagsasaka at pangingisda, at kapag ang pang- araw-araw na kabuhayan ng mga
tao ay naapektuhan, ito rin ay nakakaapekto sa ekonomiya ng ating bansa. Nakakaapekto ito sa
mismong ekonomiya ng ating bansa dahil kapag may mga sakuna, lumiliit o bumababa ang
produksyon dulot ng mga pinsala sa kagamitan o sa mga pinagkukunang-yaman na gagamitin para rito.
Kahit na sabihing ang ibang gawain ng tao ay nakakapagprodyus ng mga kagamitan na
napapakinabangan natin sa pagprodyus ng iba pang produkto, hindi pa rin nito maaalis o mababawi ang
negatibong pangmatagalang pagkaluging dulot nito sa ating ekonomiya sa hinaharap.

Hihintayin pa ba nating mahuli ang lahat bago tayo kumilos? Bilang mga tao, dapat tayo ang
magtulong-tulong upang maiangat mula ang lumulubog na kalagayan ng ating kapaligiran at inang
kalikasan sapagkat tayo rin ang siyang magdurusa pagdating ng araw. Aminin natin na napakahirap
ngang solusyunan ang mga bagay na ito ngunit may mga simpleng bagay tayong magagawa nang sa
gayon ay mas mapabuti ang lagay ng ating pamumuhay nang walang iniisip na problema may
kinalaman sa ating kapaligiran. Maging matalino tayo sa pagkonsumo ng enerhiya at mas tangkiliking
gumamit ng mga renewable sources ng enerhiya sa pagpapa-andar ng mga gamit o materyales natin sa
bahay. Ikalawa ay ang paggamit natin ng mga transportasyon, mas magandang gumamit ng mga
sasakyan o limitahan ang paggamit sa mga sasakyang nagpoprodyus ng maitim na usok at carbon dahil
ito ay eco-friendly. Gaya ng paulit-ulit na sinasabing solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran,
pamahalaan natin ang ating mga basura nang maayos, maging disiplinado at alamin ang tungkol sa
5R’s na ginagamit sa pagbabawas ng mga basura natin. Dapat nating limitahan o bawasan man lang
ang pagkonsumo o paggamit natin ng mga fossil fuels gaya ng langis at coal, at gayundin ay dapat na
mag-implementa ng striktong patakaran ang namamahala may kinalaman sa mga pabrika na
pangunahing pinagmumulan ng mga kemikal na tinatapon sa mga anyong-tubig at mga usok na
nakakaapekto sa hangin na ating nalalanghap. Isa pa, makisali tayo sa mga gawaing pagtatanim ng
ating barangay o komunidad. Sa ating panahon ngayon, napaka-imposible na malimitahan na ang
pagpuputol ng mga puno dahil nga sa lumalaking populasyon natin ngunit kahit papaano ay magtanim
tayo ng mga puno at bakawan kapalit nito dahil hindi lang nito napapalinis ang hangin, nagsisilbi rin
itong proteksyon natin sa mga bagyong dumadaan sa ating bansa. Ang mga karagatan ay ang
pinakamalaking imbakan ng greenhouse gases at eksepsyonal na taga-suporta ng mga sistema para sa
kabuhayan at para mabuhay ang mga nilalang sa mundong ito lalo pa’t malaki ang ambag nito sa
sirkulasyon ng tubig na isa sa pangunahing pangangailangan natin kung kaya’t bilang mga responsable
at disiplinadong mga tao, dapat rin natin itong pangalagaan sa pamamagitan ng paglilimita sa sobra-
sobrang panghuhuli sa mga isda at iba pang lamang-dagat, at hindi pagtatapon rito ng mga basura o
pagtulong sa mga clean-up drive.
Kung ako nama’y mabibigyan ng kapangyarihang tulad ng sa mga “superhero” na aking nakikita
sa telebisyon at nababasa sa mga libro, gagamitin ko ang aking kalayaan upang piliin ang kakayahang
makakita ng mga pangyayari sa hinaharap at kakayahang makabasa ng isip at makipag-usap gamit ang
isip. Gamit ang aking kakayahan na mabasa ang laman ng isip ng mga tao sa aking paligid, malalaman
ko ang mga iniisip nila may kinalaman sa mga bagay na may kinalaman sa lagay ng ating paligid. Sa
pamamagitan nito ay magkakaroon ako ng ideya tungkol sa kung ano ang mga iniisip nila tungkol sa
ating kapaligiran, kadalasan kasi sa mga tao ay may mga sariling rason kung bakit hindi nila nasusunod
ang ilang mga patakarang pinatutupad para maging mas malinis ang paligid na hindi nila masabi sa
mga kinauukulan at maging sa ibang tao. May mga mamamayan ring may magagandang naiisip na
programa o aksyon upang mas mapabuti ang lagay ng ating kapaligiran ngunit dahil pinangungunahan
sila ng hiya at tingin nila’y wala naman silang karapatang magsabi at mangielam dito ay nananahimik
na lang sila, hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito sa kasalukuyan upang gamitin ang
kapangyarihan kong makabasa ng isip upang malaman ko ang plano nila at marinig ang boses ng bawat
mamamayan na pilit nilang itinatago dahil malamang na sa tingin nila ay hindi naman ito malaking
bagay. Alam natin na ang mga hamong pangkapaligiran ay napakahirap solusyunan kaya naman ang
mga impormasyon, hinaing at mga ideyang nakalap ko gamit ang aking kapangyarihan ay aking
ipagbibigay-alam rin sa mga awtoridad o sa mga namumuno nang sa gayon ay magtulong-tulong
kaming gumawa ng kongkreto at angkop na plano upang wakasan ang mga hamong pangkapaligiran.
Syempre ay sasabihin ko rin sa mga namumunong ito na ang mga ideya ay nagmula sa mga taong-
bayan, mahirap at masamang umangkin ng isang bagay na alam mong hindi naman ikaw ang gumawa
o hindi sa iyo nanggaling, kailangan na bigyan rin ng pagpapahalaga ang mga mamamayan dahil sa
kanila naman nagmula ang mga ideya at panibagong solusyon na nagbigay pag-asa sa paglutas ng mga
hamong pangkapaligiran. Ang aking kapangyarihan naman na makakita ng mga pangyayari sa
hinaharap ay gagamitin ko upang malaman ko ang mga posibleng mangyari sa mundo o sa lugar na
aking tinitirahan at nang sa gayon, katuwang ng mga awtoridad, ay makabuo na agad ng mga matitibay
na plano at makapag-implementa na kami ng mga patakaran at programang na kailangang sundin ng
lahat. Dahil sa kapangyarihang taglay ko ay may mataas na tyansa na maniwala ang mga tao sa akin at
sundin nila ako kung kaya’t hindi ko palalagpasin ang pagkakataong iyon upang ipagbigay-alam sa
lahat ang mga bagay na nakikita kong mangyayari sa hinaharap upang magkaroon sila ng ideya at
mamulat na kung hindi ititigil ng mga tao ang mga maling gawi na kanilang ginagawa sa pang-araw-
araw na pamumuhay nila, mas masisira ang kalikasan at tuloy-tuloy lang na iiral ang mga hamong
pangkapaligiran na tiyak na magpapahamak sa kaligtasan nating mga tao. Sa pamamagitan ng mga
kapangyarihang ito ay mapapakilos ang mga tao na gawin ang mga bagay o solusyong iminungkahi ko
sa nauna nang talata.

Ang ating kinabukasan ay nasa mismong mga kamay natin, ngayong alam na natin ang
kasalukuyang sitwasyon ng ating kapaligiran sa gitna ng mga kinakaharap nah among pangkapaligiran,
huwag sana tayong magbulag-bulagan. Ang pag-asa at muling pagkabuhay ng kapaligiran at inang
kalikasan natin ay naka-angkla sa atin lalo pa’t tayo ang higit na nakikinabang ng mga bagay na mula
rito. Maging responsible at mabuti tayong mamamayan, huwag nating hayaan na tuluyang mawala ang
lahat ng bagay sa atin bago tayo gumawa ng aksyon hinggil dito. Magsama-sama tayong gumawa ng
paraan tungo sa pagbabago ng lagay ng ating kapaligiran, huwag lamang tayo basta umasa sa iba lalo
pa’t lahat tayo ay may gampaning dapat nating panagutan bilang mga tao.

LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE STANDARD


Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong
AP 10 pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.

Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa:
FILIPINO 10 • Sariling karanasan • pamilya • pamayanan • lipunan
• daigdig

Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na Kalayaan, tumugon sa
ESP 10 tawag ng pagmamahal at paglilingkod.

Instruction/Situation

Sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay, ipaliwanag mo ang kasalukuyang sitwasyon ng ating kapaligiran sa gitna ng iba’t ibang
hamong pangkapaligirang ating nararanasan at tukuyin ang mga gawi ng tao na naging sanhi o dahilan ng pagkasira nito.

Ipagpalagay mo na ikaw ay may kalayaang magtaglay ng kapangyarihang katulad ng mga napapanood at nababasa mong “ superhero” upang
wakasan ang mga hamong pangkapaligiran. Ano at paano mo ito isasagawa sa kasalukuyan upang iwasto ang mga kamaliang nakagisnan?
RUBRIKS NG PAGMAMARKA
(Pagsulat ng Sanaysay)

Pamantayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos Iskor


Nilalaman Detalyado ang paglalahad ng Hindi gaanong detalyado ang Hindi nakitaan ng
(AP) mga ideya at plano sa paglalahad ng mga ideya at plano detalyadong ideya at plano sa
pagtugon sa hamong sa pagtugon sa hamong pagtugon sa hamong
pangkapaligiran tungo sa pangkapaligiran tungo sa pangkapaligiran tungo sa
pagpapabuti ng pamumuhay pagpapabuti ng pamumuhay ng pagpapabuti ng pamumuhay
ng tao. tao. ng tao.

Organisasyon/ Wasto ang gramatika at Magkakaugnay ang mga Hindi maunawaan ang mga
Pangkalinawan magkakaugnay ang mga pangungusap tungkol sa epekto pangungusap tungkol sa
(Filipino) pangungusap tungkol sa ng suliraning pangkapaligiran sa epekto ng suliraning
epekto ng suliraning sarili, pamilya, pamayanan, pangkapaligiran sa sarili,
pangkapaligiran sa sarili, lipunan at daigdig. pamilya, pamayanan, lipunan
pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig.
at daigdig.

KAANGKUPAN NG Malinaw at komprehensibong Hindi detalyado at ang Hindi angkop ang mga kilos
KILOS nailahad ang mga angkop na paglalahad ng mga angkop na o pagpapasya sa mga hamong
(Edukasyon sa kilos o pagpapasya sa mga kilos o pagpapasya sa mga pangkapaligiran na tutugon
Pagpapakatao) hamong pangkapaligiran na hamong pangkapaligiran na sa tawag ng pagmamahal at
tumutugon sa tawag ng tumutugon sa tawag ng paglilingkod
pagmamahal at paglilingkod pagmamahal at paglilingkod

Kabuoan

Inihanda nina:
Claudine L. Bartolome Joy Margarett U. Arsasua
Almarie S. Baybay Jade Anita B. Pascual
Jocelyn C. Flores Emerita T. Feaster

You might also like