You are on page 1of 5

QUARTER 4 (WEEK1)

EsP-10
Pangangalaga sa Kalikasan

Ayon sa Banal na Aklat ng Genesis Kabanata 1 talatang 27-30, binigyan ng Diyos ang tao ng
kapangyarihan upang maging tagapangalaga at tangapangasiwa ng kanyang inilikha at kasali dito ang
kalikasan ( Stewardship).
Ang tao ang siyang may pinakamataas na uri na inilikha ng Diyos at kaakibat nito ay ang tiwalang
ibinigay niya para bantayan at alagaan ang kanyang inilikha. Subalit sa pagdaan ng panahon, naging marupok
ang mga tao at hindi ginamit sa tama ang tiwala at kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal.
Hindi inisip ng mga tao na ang kalikasan ang bumubuhay sa atin.
Dahil dito, unti unting nilabag at sinira ng mga tao ang tamang pamamaraan sa pangangalaga ng ating
kalikasan. At naging dahilan ng pagkawasak nito ng dahan dahan. Nawalan na ng pagpapahalaga ang mga
tao sa kanyang paligid. Nagsimula na siyang umabuso sa kanyang paligid sa pamamagitan ng maling pagtrato
sa mga ito.

Mga hindi inaasahan at hindi magandang pangayayari sa kalikasan na naging dahilan ng pagkawasak at
pagkawala ng maraming buhay at ari-arian sa sanlibutan.

1991 - Mt. Pinatubo ( Zambales)


2015 - Mt. Kanlaon (Negros
Oriental/Occidental)
2020- Mt. Mayon ( Albay)
2020 - Mt. Taal (Batangas)

Pagbabago sa klima at panahon na dulot ng pagtaas ng greenhouse gases.


December 28, 2019 - Apayao
January 03, 2020 - Eastern Visayas
February 13, 2020 - Southern Leyte Village
2009 - Ondoy
2012-Pablo
2013-Yolanda

Ilan lamang ito sa mga hindi nating inaasahang pangyayari o suliranin na nararanasan sa ating kalikasan.

Ano kaya ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito? Ito ba ay isang likas na kaganapan
lamang o di kaya ay may malalim itong dahilan o di naman kaya may nilabag tayong mga patakaran o
alituntunin ng ating kalikasan?

Alamin natin kung ano ba ang naging papel nating mga tao sa mga pangyayaring ito.

Hindi Tamang Pagtatapon ng Basura Ang pagtapon ng basura kung saan saan ay isa sa mga nagiging
dahilan ng pagbaha sa ating kapaligiran. Bumabara ang mga daloy ng tubig sa mga imbornal at sa mga kanal.
Kung kayat pagdating ng malakas na ulan, maraming lugar sa ating lipunan ang nakakaranas ng pagbaha.
Nang dahil sa wala nang paglagyan o pagtapunan ng basura ang mga tao ay nawawalan na ng
disiplina at pagpapahalaga sa kapaligiran. Nawala na sa isipan ng mga tao ang masamang maidulot nito sa
kalikasan. Ang ganitong gawain ay nagkakaroon din ng masamang epekto sa ating kalusugan sapagkat
nagdudulot ito ng polusyon sa hangin na kung saan kapag nilanghap natin ito, ay maari tayong magkasakit.
Nakakalungkot isipin na ang ating kapaligiran ay hindi na binigyan ng tamang pagaalaga at
pagpapahalaga at ito’y ginawa nang parang isang malaking basurahan at tambakan ng mga bagay na hindi na
nagagamit ng tao.

Pagputol ng mga Punong-Kahoy sa Kagubatan Ang walang pahintulot at iligal na pagputol ng mga puno ay
may malaking epekto sa ating kapaligiran at kalikasan. Kung patuloy ang ganitong gawain hindi na tayo
makakalanghap pa ng sariwang hangin na siyang bumubuhay sa ating lahat.
Ang mga punong kahoy din ang nagiging proteksiyon natin sa malakas na ulan upang maiwasan ang
pagbaha. Ang mga ugat nito ang siyang sumisipsip sa tubig na dulot ng malakas na pag-ulan. Nararapat na
matutunan ng mga tao na pangalagaan at pahalagahan ang mga punong kahoy sa kapaligiran.

Maling Pamamaraan sa Pangingisda Napakalawak at napakayaman ng ating karagatan. Ito’y isang biyaya
na ibinigay sa atin ng ating Maykapal. At isa sa mga yaman na meron ang ating karagatan ay ang mga isda na
siyang ikinabubuhay ng nakararami. Subalit nang dahil parin sa kawalan ng pagpapahalaga sa mga biyayang
ipinagkaloob ng Maykapal may mga ilan sa mga ating mangingisda ang gumagamit ng mga pampasabog tulad
ng dinamita at mga nakakalasong kemikal upang makahuli ng isda.
Hindi lubusang iniisip ng mga tao na sa ganitong paraan ng pangingisda ay inuubos at sinisira nila ang
mga yamang dagat na siya ring ikanabubuhay ng nakararami.
Pagtatayo ng mga Malalaking Pabrika, Pag-quarry at Pagmimina Saksi tayo sa mga malalaking pabrika at
establisiemento na itinayo sa mga lugar na dati ay lupang sakahan. Naging dahilan ito upang bumaba ang
supply ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng bigas, asukal, gulay at iba pang tinatanim
ng mga magsasaka.
Bagamat, naririnig natin sa mga balita at paminsan nakaranas din tayo ng pangyayaring bigla na
lamang gumuguho ang mga lupain sa paligid lalo na sa mga bulubunduking lugar, ito ay dahil sa quarrying na
ginagawa ng mga tao. Nagbubungkal at nagpapasabok ng mga bundok ang mga kompanya upang
makahanap ng mga yamang mineral tulad ng ginto, pilak, nickel at iba pa.
Ang mga gawaing ito ay nagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga sa kalikasan dahil sa mga
masamang epekto nito. Lahat ng mga suliraning nabanggit sa itaas ay may malaking epekto sa ating kalikasan
na nagdadala ng polusyon sa tubig, hangin at lupa. Datapwat ito rin ay nagdudulot ng masama sa ating
kalusugan, sapagkat nilalanghap natin ang hangin sa ating paligid na siyang nagbibigay ng buhay sa atin. Sa
mga yamang tubig, at yamang lupa tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan araw-araw lalo na ang
ating pagkain. Kung patuloy ang ganitong mga gawain, ano pa kaya ang mangyayari sa ating kalikasan at ano
kaya ang mangyayari sa ating kinabukasan.
Patunay na inaabuso at nilalabag ng mga tao angkapangyarihan at tiwalang ibinigay ng Maykapal na
maging tagapangalaga ng kalikasan.
Inuutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan at hindi maging tagapagdomina nito para sa
susunod na henerasyon”
Sa kwento ng paglikha binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihan na alagaan ang kalikasan at hind
maging tagapagdomina nito.

KAPANGYARIHAN AT KALAYAAN Napakaswerte ng tao sapagkat binigyan niya tayo ng dalawang


mahalagang bagay, at ito ay ang Kapangyarihan at Kalayaan. Anon nga ba ang ibig sabihin nito? Anong
kapangyarihan kaya at anong kalayaan kayo ito?
Nang dahil sa maling pagkakaintindi ng mga tao sa dalawang salitang ito na ibinigay ng maykapal,
hindi napangalagaan ng maayos ang kapaligiran. Ang kapangyarihang ipinagkaloob sa tao ay nakita niya
bilang isang karapatang gamitin ang kalikasan ng walang pakundangan at naayon sa kanyang kagustuhan.
Hindi isinaalang-alang ng tao na ang kapangyarihan niya na gamitin ang kalikasan ay may kaakibat na
pananagutan. Malaya tayong gawin kung anumang nais nating gawin sa kalikasan. Sumakatuwid, may
kalayaan tayong gawin o gamitin ang kalikasan.
Ngunit dapat nating isipin kung ano yung nakakabuti para sa ating kalikasan, sapagkat ano na lang ang
mangyayri sa ating kinabukasan. Huwag nating angkinin ang bagay na hindi naman natin pag-aari, dahil ang
kalikasan ay para sa lahat.
Ang paggamit sa kalayaan ay napapalooban ng paggawa ng mabuti. Kung ang paggamit natin sa kalayaan ay
hindi para sa ikabubuti ng nakararami, ang ibig sabihin nito ay ang kalayaang ginamit mo ay hindi tunay na
kalayaan. Ang paggamit at pangangalaga sa kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi isa itong pananagutan
na bigyang pansin na nagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat. Oo nga’t malaya kang pumutol ng puno,
ngunit sa pagputol mo nito ay walang maaapektuhan? Maaari mong hulihin ang lahat ng isda sa dagat
sapagkat kaloob ito sayo ng Diyos, ngunit tama ba ang pamamaraang ginamit mo ng tunay na pangangalaga
sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha
ng Diyos ang kalikasan.
Nararapat ding tandaan na ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos kabilang na ang tao ay
magkaugnay. Kung kaya’t anumang mangyari sa isa ay maari ding maganap sa iba o kaya naman
makaapekto sa iba.
Ang pangangalaga sa kalikasan ay kinakailangang gawin at sundin hindi lamang sa ating pansariling
dahilan kundi para sa susunod na henerasyon. Huwag nating parating isipin ang sarili nating kapakanan, Ang
tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay mamayan ng
iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. Ang tungkulin nating ito ay hindi lamang para sa mga
taong namumuhay sa kasalukuyan sa panahong ito kundi higit sa mga taong maninirahan dito sa susunod na
panahon at henerasyon. Sa pangangalaga sa kalikasan ay maari tayong matulungan ng mga batas na
nangangalaga sa kalikasan. Ngunit, karaniwan, ang batas ukol dito ay walang ngipin.Hindi ito nasusunod dahil
sa maling pagpapatupad at pag-aabuso dito, lalo na sa mga taong nasa kapangyarihan.
Ang paggamit ng kapangyarihan at pera ng ibang indibidwal para sa pansariling benepisyo ay isa rin sa
pangunahing dahilan kung bakit hindi matigil-tigil ang problema ng bansa sa tamang pangangalaga ng
kalikasan.
Ang Sampung- Utos para sa kapaligiran na ginawa ni (Obispo Giampaolo)

Crepaldi, Kalihim ng Pontifical Council for Justice and Peace. Ito ay ang mga prinsipyong gagabay sa

ating lahat upang mapangalagaan natin ang ating kalikasan ng tama.

1. Ang Tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng Kaniyangmga nilikha
ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain
ng pagliligtas.
Nangangahulugan ito na ang pananagutan ng tao tungo sa kalikasan ay igalang at hindi gamitin para sa
sarili niyang kagustuhan.

Ang pangangalaga na kailangan niyang gawin ay nararapat na naaayon sa kagustuhan o layunin ng Diyos
nang likhain Niya ito. “Ano ang maaari mong gawin bilang isang mag-aaral upang ang utos na ito ay maisabuhay at
mabigyang katauparan?” Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi gawain at responsibilidad lamang ng iilan. Ito ay
isang hamon para sa sangkatauhan at gawaing panlahat sapagkat ang kalikasan ay para sa kabutihang panlahat.

“Ano kaya ang pwede mong maitulong dito?”

2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay

sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao. Ang tao at ang kalikasang nilikha ng Diyos ay hindi
pangkaraniwan, hindi ordinaryo kaya’y walang saysay na bunga ng ebolusyon. Ang bawat nilalang ng
Diyos, tao man o kalikasan, ay hindi kailanman maaaring tratuhin ng mga kasangkapan o gamit lamang na
maaaring manipulahin at gamitin nang hindi naayon sa tunay nitong layunin. Ang tao lalo higit ay itinuturing
na kamanlilikha ng Diyos at tagapangalaga ng lahat ng Kaniyang nilikha. Ang pagtanim ng mga halaman sa
isang bukirin o bakanteng lote at pag-aalaga ng mga ito ay pagpapahayag ng ating tungkulin bilang mga
kamanlikha ng Diyos. “Ikaw bilang isang mag-aaral at mamamayan, paano mo ipahahayag ang iyong pagiging
kamanlikha ng Diyos?”

3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang paggalang sa kalikasan na para rin sa
lahat, kabilang na ang mga henerasyon ngayon at nang sa hinaharap. Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi
gawain at responsibilidad lamang ng iilan. Ito ay isang hamon para sa sangkatauhan at gawaing panlahat sapagkat
ang kalikasan ay para sa kabutihang panlahat. “Ano kaya ang pwede mong maitulong dito?”

4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna ang etika at dignidad ng tao
bago ang makabagong teknolohiya. - Ang ibig sabihin nito ay kahit na maraming nagagawa ang teknolohiya para sa
atin, halimbawa mga imbensyon para mas mapadali ang buhay at

ligtas, ay kinakailngan pa din isipin ng tao na hindi niya pwedeng gamitin ang mga bagay sa kalikasan na ayon
lamang sa kanyang kagustuhan at sariling kapakanan. Dapat ang layunin niya ay naayon pa din sa kung ano
ang gusto ng Panginoon na para sa ikabubuti ng nakararami. “Ikaw paano mo ginagamit ang mga
teknolohiyang meron ka na galing sa kalikasan?”

5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao. - Ang paggamit dito ng tao ay
hindi kailanman mali, maliban na lamang kung ginagamit ito na taliwas sa kung ano ang kaniyang lugar at
layunin sa kapaligiran.Ang kalikasan ay kaloob ng Maylikha sa mga tao na dapat gamitin nang may katalinuhan
at pananagutang moral. - Maaring baguhin ng tao ang kalikasan ngunit ito’y nararapat na may angkop na
pagkamalikhain at responsibilidad, sapagkat ito mismo ang kanyang tahanan.

6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naayon sa politika ng ekolohiya. - Ang halaga at tunguhin ng
bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang-pansin at timbangin nang maayos. Nakapaloob sa
utos na ito na nararapat pagtuunan ng pansin o kaya ay isaalang-alang ng tao ang integridad at ritmo ng kalikasan
sa bawat pagpapaunlad na gusto natin dito.

7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa pangkalikasang tanong na


dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may
pagkakapantay-pantay. - Ang pagmamalasakit sa kalikasan ay nangangahulugan na ang bawat isa sa atin ay
marapat na aktibong gumawa para sa pangkalahatang pag-unlad ng mga tao lalo na sa pinakamahihirap na rehiyon
o bahagi ng mundo. - Ang lahat ng nilikha ng Diyos lalo na iyong mga nagagamit ng tao ay nararapat na gamitin na
may katalinuhan at kaalaman. Higit sa lahat, ang mga likas na yamang ito ng daigdig ay nararapat na ibahagi sa
bawat isa sa paraang makatarungan at may pagmamahal. “Ikaw paano mo ibinabahagi sa iyong kapawa ang mga
yamang meron ka sa iyong kalikasan?”

8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa pamamagitan ng


pang-international na pagkakaisa at layunin. - Ang pagtutulungan o kolaborasyon ng bawat isang lahi sa
pamamagitan ng pangmundong kasunduan na itinataguyod ng international na mga batas ay mahalaga upang
mapangalagaan ang kapaligiran.

- Ang mga batas na ito at pagkakaunawaan ay nararapat na gabayan ng mga nararapat na gabayan ng mga
pangangailangan sa kabutihang panlahat. Marapat lamang ito sapagkat, ang lahat ng tao ay mamamayan ng iisang
mundo, dahil nabubuhay sa iisang kalikasang lalang ng Diyos para sa ating lahat.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay na
nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng iba. - Ito ay nangangahulugang pagtalikod
sa kaisipang konsyumerismo. - Ang uri ng pamumuhay ng bawat isang tao ay kinakailangang sang-ayon sa mga
prinsipyo ng pagtitimpi, pag-aalay, at disiplina hindi lamang sa sarili kundi maging sa panlipunang lebel.

Bilang mag-aaral ano ang mga halimbawang maaari mong ibigay upang maipakita ang pagbabago sa uri ng
iyong pamumuhay? Inuubos mo ba ang tubig na inilalagay mo sa baso? Nirereport mo ba ang leaking faucet?
Pinapatay mo ba ang ilaw sa silid na walang gumagamit? Sinusulatan mo ba ang likod ng papel na puwede pang
sulatan?”

10. Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng paniniwala na
ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong responsibilidad. Ang ating pagtingin at
saloobin para sa kalikasan ay nararapat na mag-ugat sa pasasalamat at paggalang sa Diyos na siyang lumikha at
patuloy na sumusuporta nito. Ang pagtingin, pangangalaga, pagmamahal, at paggalang sa kalikasan ay nararapat
na nakaugat sa pasasalamat sa Diyos na Siyang lumikha sa lahat ng ito. - Kapag kinalimutan ng tao ang Diyos, ang
kalikasan ay mawawalan ng kahulugan at mauuwi sa kahirapan.

Unang Gawain (4th Quarter)


Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon: ______________________
Panuto: Tukuyin ang uri ng paglabag sa pangangalaga sa kalikasan ayon sa larawan.

1. __________________________ 2. ___________________________ 3. __________________________

4. ____________________________ 5. ___________________________ 6. __________________________

Gawain 2. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga yaman ng ating kalikasan. Paghambingin mo sila ayon sa
sarili mong kosepto o karanasan. At magbigay ng paliwanag kung bakit ganito ang iyong nagging konsepto.
(Gamitin ang likod ng inyong papel kung kinakailangan.

Dagat Noon Dagat Ngayon Paliwanag

_______________________ _______________________ _______________________


_ _ _

Ilog Noon Ilog Ngayon Paliwanag

_______________________ _______________________ _______________________


_ _ _
Kagubatan Noon Kagubatan Ngayon Paliwanag

_______________________ _______________________ _______________________


_ _ _

Kapaligiran Noon
Kapaligiran Ngayon Paliwanag

_______________________
_ _______________________ _______________________
_ _
Tanong:
1. Ano ang natuklasan mo pagkatapos mong gawin ang gawain? Ipaliwanag

You might also like