You are on page 1of 2

GRADE 10 DILIGENCE/PERSEVERANCE

March 23, 2023


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

ARALIN: PANGANGALAGA SA KALIKASAN

Ayon sa Aklat ng Genesis, kabanata 1, talatang 27 – 31, nilalang ng Diyos ang tao ayon
sa Kaniyang sariling larawan bilang lalaki at babae. Binasbasan sila ng Diyos at binigyan ng
tagubilin na magparami. Kaakibat ng pagbabasbas na ito ay ang utos na punuin ang daigdig at
magkaroon ng kapangyarihan dito lalo na sa lahat ng Kaniyang nilalang.

TANDAAN: Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan na pangalagaan ang


kalikasan na kanyang nilikha.
Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay.
Samakatuwid, tayo ay binubuhay ng kalikasan
Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan
Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na tuwirang
taliwas sa pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito at pagkatapos ay suriin mo
ang iyong sarili kung kabilang ka sa mga kabataan na gumagawa rin ng mga ito
1. Maling Pagtatapon ng basura
2. Iligal na pagputol ng mga puno
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
5. Malabis at mapanirang pangingisda
6. Ang pagko-covert ng mga lupang sakahan,iligal na pagmimina, at quarrying
7. Global warming at climate change
8. Komersiyalismo at urbanisasyon

Ang tao bilang tagapangalaga ng kalikasan


Inuutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan at hindi maging tagapagdomina nito
para sa susunod na henerasyon. Ang kapangyarihang ipinagkaloob sa tao ay nakita niya bilang
isang karapatang gamitin ang kalikasan nang walang pakundangan at naaayon sa kaniyang
kagustuhan. Hindi kailanman isinaalangalang ng tao na ang kapangyarihan niya na gamitin ang
kalikasan ay may kaakibat na pananagutan.
Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang
panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan
Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang
lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. Ang
tungkulin nating ito ay hindi lamang para sa mga taongnamumuhay sa kasalukuyan sa
panahong ito kundi higit sa mga taong maninirahan dito sa susunod na panahon at henerasyon.
Ang Sampung Utos para sa Kalikasan
1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng
lahat ng Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at
pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na
maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad
3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang
paggalang sa kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon
ngayon at ng sa hinaharap.
4. Sagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna
ang etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao.
Ang paggamit dito ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung
ginagamit ito na taliwas sa kung ano ang kaniyang lugar at layunin sa kapaligiran
o ecosystem.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang
halaga at tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na
bigyang-pansin at timbangin nang maayos.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa
pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman
sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang
protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng
pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at
pagkontrol sa sarili at ng iba. Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang
konsyumerismo.
10. Ang mga isyung pagkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon
bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung
saan mayroon tayong responsibilidad.
Ang mga sumusunod ay mga karagdagang hakbang upang makatulong sa
pagpapanumbalik at pagpapanatili sa kagandahan at kasaganaan ng mundo na ang
makikinabang ay ang tao.
1. Itapon ang basura sa tamang lugar
2. Pagsasabuhay ng 4R.
3. Pagtatanim ng mga puno.
4. Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagpatupad nito.
5. Mabuhay ng simple

You might also like