You are on page 1of 1

EsP 10 Q3: Modyul 7: Ang Pangangalaga sa Kalikasan 7. Global warming at climate change.

Ang patuloy naman ng pagtaas ng temperatura


bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa
Most Essential Learning Competencies: ating atmospera ay tinatawag na global warming. Ang global warming na ito ay
A. Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa nagdudulot ng mahabang tag-init na nauuwi sa malawakang tagtuyot o El Niño o kaya
kalikasan. Koda: EsP10PB-IIIg-12.1 naman ay malawakan at matagal na pag-ulan o La Niña.

B. Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan sa pangangalaga sa 8. Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali
kalikasan. Koda: EsP10PB-IIIg-12.2 ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o
kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay. Ang urbanisasyon naman ay ang
Pagtalakay: patuloy na pag-unlad ng bayan na maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad
ng mga mall at condominium unit.
Sa kwento ng paglikha ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao, ang kapangyarihan na
pangalagaan ang kalikasan na Kaniyang nilikha. Mga hakbang upang makatulong sa pagpapanumbalik at pagpapanatili sa kagandahan at
kasaganahan ng mundo na ang makikinabang ay ang tao.
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may
buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman at lahat ng iba’t ibang uri 1. Itapon ang basura sa tamang lugar.
ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Bahagi rin ng kalikasan ang hangin, lupa,
tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay man o wala, kapag sumusuporta sa 2. Pagsasabuhay ng 4R’s (refuse, reduce, re-use, recyle).
pagpapatuloy ng buhay ang mga nabubuhay na nilalang ay maituturing na bahagi ng 3. Pagtatanim ng mga puno.
kalikasan.
4. Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagpatupad nito.
Ang ugnayan o tungkulin ng tao sa kalikasan ay makikita sa kung ano ang
ugnayan natin sa ating kapuwa at Diyos. Subalit sa pagdaan ng panahon, mukhang nag- 5. Mabuhay ng simple.
iba ang pagtingin at pagtrato ng mga tao sa kahalagahan ng kalikasan. Sa pag-aakala ng Kung ang mundo ay tinatawag nating “Mother Earth” ay ating ina, igagalang
tao ang siyang may karapatan sa kalikasan kung kaya’t walang habas niya itong sinira at din natin ito. Hindi natin ito pagsasamantalahan. Lahat ng bagay sa mundong ito ay
minaltrato. Ginawa niyang sentro ang kaniyang sarili sa kalikasan kaya inabuso niya ito. ating kapatid. At kung ang mga ito ay ating kapatid, iingatan at aalagaan natin.
Narito ang mga pagmaltrato at paglabag na ginagawa ng tao na tuwirang
taliwas sa pangangalaga sa kalikasan.
1. Maling pagtatapon ng basura.
2. Illegal na pagputol ng mga puno.
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa.
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan.
5. Labis at mapanirang pangingisda.
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, ilegal na pagmimina, at quarrying.

You might also like