You are on page 1of 5

Recto, Ronniel D.

2nd Year BSED-FILIPINO


G. John Lenon Rayos COG 3- Malikhaing Pagsulat

“Dunong sa seyensa ay pagpapatunay na ang puno ay buhay.”


PAGBABALANGKAS:
PAKSA: PUNO
I. Panimula
“Ang buhay ay weather weather lang” nakilala ang linyang ito
ni Kuya Kim sa segment ng T.V patrol sa weather forecast
noon. Subalit ano nga ba ang kaugnayan nito sa talakaying
kalikasan partikular na sa isang likas na yaman na puno?
Maaaring sadya o hindi sadya ang pagkawala o pagka-ubos ng
maraming puno sa ating kalikasan, maaaring epekto ng illegal
na pagputol ng puno, o tawaging deforestation, dahilan upang
magkaroon ng pabago-bagong klima sa ating bansa.

II. Papel ng puno sa ating kalikasan maging ang Sanhi at


bunga ng pagkaubos ng mga ito.
A. Mga pakinabang at kahalagahan ng puno
1. Sa maraming pagkakataon, malaki ang naging ambag
ng mga puno sa ating kapaligiran hindi lamang pang
personal maging pangkabuhayan ng bawat mamamayan.
2. Ang pangunahing kahalagahan ng mga puno ay
namamalagi sa pagkakaroon ng chlorophyll,
pinapayagan nito ang isa sa pinakamahalagang
biochemical na mekanismo na kilala bilang
photosynthesis na isagawa, na responsable para sa
pagbibigay ng mas maraming oxygen hangga't maaari,
ang prosesong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pagsipsip ng carbon dioxide ng carbon mula sa
atmospera, ay pinoproseso sa loob ng halaman
kasama ang pakikipag-ugnayan sa tubig na dinadala
ng katas na hinihigop ng mga ugat, sa wakas ay
naglalabas ng kinakailangang oxygen na ginagawang
organikong bagay ang hindi organikong bagay.
3. Ayon sa mga eksperto, malaki ang kahalagahan ng
puno sa ating kapaligiran at kalikasan. Ang
pagtatanim ng puno ay kasama sa mga solusyon upang
labanan ang climate change. Ang mga puno ang
humihigop ng mga sobrang carbon dioxide na
naiimbak nito sa katawan at naglalabas naman ito
ng oxygen na kailangan naman ng mga tao at hayop.
Ayon sa pag aaral ang mga puno ay humihigop din ng
amoy at mga gases tulad halimbawa ng nitrogen
oxides, ammonia at sulfur oxide at sinasala rin ng
mga puno ang mga particulate matters sa hangin sa
pamamagitan ng mga dahon at balat ng kahoy nito.
Batid ng lahat na ang mga puno tulad ng bungang
kahoy ay pinangagalingan ng pagkain at ang mga
puno rin ay ginagawang tirahan ng mga ibon at ng
ibat-ibang uri ng hayop at insekto.
B. Sanhi ng pagkaubos ng mga puno
1. Makikita sa kaliwa’t kanang bahagi ng mga
kabundukan ang pagkaubos ng mga puno dahil sa mga
personal na kahilingan ng mga tao. Una na rito ay
ang tinatawag na deforestation na kung saan
patuloy na inuubos ng mga kapwa ang mga puno upang
magtayo ng mga imprastraktura o ano pa mang
dahilan na kanilang pakikinabangan. Dagdag pa
rito, ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan
o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng
iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural
kalamidad (FAO, 2010). Nagsimula noong 1500s ang
sinasabing deforestation sa 27M ektarya ng
kagubatan ngayon ay 7.2M na lamang ngayong 2013
(Philippine Climate Change Commission, 2010).
2. Ang Illegal logging ay tumutukoy sa Ilegal na
pagputol sa mga puno sa kagubatan Ang walang habas
na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t ibang
suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at
pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop.
3. Apektado ang kagubatan particular ang mga puno sa
pagmimina dahil kadalasang dito natatagpuan ang
deposito ng mga mineral tulad ng limestone,
nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin
ang mga puno upang maging maayos ang operasyon ng
pagmimina. Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan
ng tao at ng iba pang nilalang sa kagubatan ang
mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga
nahukay na mineral. Ayon sa DENR, mayroong 23
proyekto ng pagmimina ang matatagpuan sa
kabundukan ng Sierra Madre, Palawan, at Mindoro
C. Bunga ng pagkaubos ng mga puno
1. Ang climate change ay maaaring isang natural na
pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o
napapalala dulot ng gawin ng tao. Sa 2016 edisyon
ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein,
Dorsch, & Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas
bilang pang-apat sa sampung bansa na
pinakanaapektuhan ng Climate Change. • Ito ay
dahil mas lumalakas, dumadalas, at nagiging
unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na
kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na
ulan na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate
change. Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga
kasama (2008), na nararanasan na sa Pilipinas ang
epekto ng climate change. Patunay nito ang madalas
at matagalang kaso ng El Niño at La Niña,
pagkakaroon ng malalakas na bagyo, malawakang
pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at forest
fires.
III. Kongklusyon
Ang puno ay s’yang buhay nating mga mamamayan sa iba’t
ibang aspekto man natin ito tangkilin o alagaan. Sa
pagdaong ng marami at mahabang panahon hindi natin
maikakaila na kung bakit tayo ngayon humihinga, o bakit
tayo ngayon ay nabubuhay sa tulong ng hangin mula sa
puno na minsan nating hindi inaalagaan. Isa lamang sa
lubos na kapakinabagan natin sa puno ay ang buhay na
isinasabuhay natin ngayon. Hindi magiging madali para
sa atin na harapin ang bawat epekto ng pabagobagong
klima dulot ng kapabayaan nating maubos ang mga puno sa
ating kapaligiran.

Mga Sanggunian:

Velasco, A. (2016). Plant a Tree with JG Summit. HEADLINES NEWS


TODAY.

Adelante, (2019). SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste


Management, Deforestation, at Climate Change. Country delegate to
the European Commission.

https://jgspetrochem.com/plant-a-tree-with-jg-summit/

https://www.postposmo.com/tl/kahalagahan-ng-mga-puno/

https://www.slideshare.net/Grasyabels/suliraning-pangkapaligiran-
solid-waste-management-deforestation-at-climate-change

You might also like