You are on page 1of 2

Ang mga sumusunod ay ang 10 halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:

1. Climate Change

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga dapat at


tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at madalas, ito ay
lumalala. Halimbawa ay ang pagkakaroon ng mainit na temperature sa buwan
na dapat ay malamig.

2. Polusyon

Ang polusyon ay ang presensya sa kapaligiran kung saan ito ay nagdudulot ng


masamang epekto. Ang halimbawa nito ay polusyon sa tubig, sa lupa, sa
hangin at sa liwanag, na madalas ay dulot ng lubos na paggamit ng mga tao
sa kayamanan o kagamitan nang hindi inaayos ang pagtapon nito.

3. Global Warming

Ang Global Warming ay ang pagtaas ng temperature ng mundo. Kada isang


daang taon ay napansin ng mga ekperto na tumataas ang tipikal na
temperature ng mundo. Kapag ito ay nagpatuloy sa pagtaas, matutunaw ang
mga yelo sa hilaga at timog na bahagi ng mundo, tataas ang lebel ng tubig at
maaring magkaroon ang mga tao at hayop ng malalang sakit.

4. Problema sa solid waste

Ang problema sa solid waste ay dahil sa hindi wastong pagsasaayos at


pagtapon ng mga basura. Hindi nahihiwa-hiwalay ang mga kagamitang
pwede pang gamitin at ang mga basura ay nakahalo sa isa't isa. Maaring
magdulot ito ng sakit at pagkabaha.

5. Deforestation

Ang deforestation ay ang suliraning pangkalikasan kung saan lumiliit ang bilang
mga puno o kagubatan. Nangyayari ito dahil sa hindi wastong pagputol ng
mga puno at hindi rin napapalitan ang mga napuputol na puno. Nasisira ang
kagubatan at mula dito, maaring magdulot ito ng pagkabaha at mawala ang
tirahan ng mga hayop.
6. Pagnipis ng Ozone Layer

Ang pagnipis ng Ozone Layer ay dahil sa labas na carbon dioxide sa ating


planeta. Kapag labis na naging manipis ang Ozone Layer, lalong tataas ang
temperature ng planeta, magiging mas mainit at maaring magkaroon ng sakit
ang mga tao at hayop at tumaas ang lebel ng tubig.

7. Pagkawala ng Biodiversity

Ang kaganapang ito ay epekto ng mga naunang suliraning pangkapaligiran.


Dahil dito, maapektuhan rin ang ating mga pagkain at tirahan ng mga hayop.
Maaring mas maraming hayop ang maging extinct o tuluyan nang mawala sa
mundo.

8. Pagkasira ng Lupa

Ang pagkasira ng lupa ay maaring dulot ng kakulangan sa puno, sa polusyon


at iba pang mga suliraning pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan ang mga
halaman at ang ecosystem.

9. Urbanisasyon

Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa pagiging urbanidad ng isang lugar mula sa


pagiging rural. Dahil dito, lumalaki ang populasyon, maaring lumaki din ang
lugar na nasasakupan nito kung saan maaring maapektuhan ang ating
kapaligiran. Mas pipiliin ng iba na tayuan ng mga gusali ang isang lugar kaysa
sa ipreserba at alagaan ang kapaligiran.

10. Kaingin Syste

Ang kaingin system o kaingin ay ang pagputol o pagsunong ng mga puno at


kagubatan. Ito ay may masamang epekto sa kapaligiran dahil pinipigilan nito
ang pagtubo at paglaki ng mga puno at ang usok ng pagkasunog ay
makakaapekto sa Ozone Layer.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1553044#readmore

You might also like