You are on page 1of 3

CLIMATE CHANGE O PAGBABAGO NG KLIMA

climate change o pagbabago ng klima


 ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases (GHG) na nagpapainit
sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng
pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng
dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.
 ay isang estado ng pagpapalit ng mga salik ng ating panahon at klima tulad ng temparatura ulan at
hangin(wind pattern) na nagiging sanhi ng ilang pagbabago sa knodisyon ng atmospera.
 araw- ang isa sa PINAKAMAHALAGANG PINAGMUMULAN NG ENERHIYA AT siyang nagdadala
ng klima ng mundo.
 ayon sa pag-aaral, ang solar variability o pagbabago sa init ng pinakakawalan ng araw ay may direktang
epekto sa pagbabago ng klima.

greenhouse gases

dahil sa patuloy na pagtaas ng GHG tulad ng


methane,
chlorofluorocarbons(CFCs) at
carbon dioxide sa atmospera, mas nahihirapan ang ating mundo na pakawalan ang init na nagmumula sa
araw.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.

Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng
lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases(GHGs).
ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng
gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga
bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE

Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.

 Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:


- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
 Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.
 Video Presentation on Green for Health: Plant a Tree "Protecting Health from Climate Change"

Ang cholera disease ay nakukuha sa pagkonsumo ng pagkain o inumin na kontaminado ng


bacterium na tinatawag na vibrio cholerae. Nagkakaroon ng ganitong impeksyon kapag ang
kinonsumo ay naapektuhan ng dumi ng taong mayroon ding impeksyon. Ang karaniwang sources nito ay:

Maduming water supply;

1|Page Cathyrine D. Laciste


Yelo na gawa sa tubig gripo;
Pagkain at inumin na inilalako sa kalsada;
Hindi maayos na paghuhugas ng prutas at gulay;
Mga gulay na lumaki sa kontaminadong tubig na may dumi ng tao; o
Isda o seafood na hindi maayos ang pagkakaluto.

Gaano kataas ang risk ng pagkakaroon ng cholera disease?

Sa Pilipinas, dahil laganap ang pagbabaha sa mabababang lugar, mataas din ang kaso ng mga Pilipinong nada-
diagnose nang may cholera. First quarter pa lamang ng 2018, may 111 nang reported cholera cases – dalawa rito ang
nauwi sa kamatayan. Ito ay isang seryosong sakit na kailangang kilalanin, bigyan ng atensyon, at gawan ng ibayong
pag-iingat.

Epekto Ng Climate Sa Ating Lipunan

 ang pagbabago ng klima o climate change ay isa sa mga pinakamahalagang usapin sa ating lipunan dahil
sa sumusunod na kadahilanan
1. Sakop ang buong mundo sa usapin ng pagbabago ng temperatura
2. Ang pagbabago ng temperatura ay bumabago sa uri o paraan ng ating pamumuhay
3. kung hindi makakaangkop ng mabuti, magiging dahilan ito ng tuluyang pagkasira ng
kapaligiran at pagkamatay ng maraing tao.

1. Abnormal na temperatura dulot ng El niňo at la niňa


2. Patuloy n natutunaw ang mga polar caps na sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig
3. Pagbabago sa lagay ng panahon na nagiging dahilan ng pagkasakit ng tao at pagkasira ng likas na yaman.
4. Patuloy na pagtaas ng dami ng ulan.

Epekto Ng Climate Sa ekonomiya

1. Ang natutunaw na lupa ay may malaking epekto sa agrikultura lalo na sa pagpapalay.


2. Ang malalakas na ulan at bagyo ay direkta ring nakakaapekto sa agrikultura.
3. Ang pagbabago ng klima ay nagdudulot din ng pagkalat ng epidemya sa mga pananim, hayop at lamang
dagat
4. Ang patuloy na pagpapalit ng klima ay nagdudulot din ng pagkasira ng mga imprastraktura, pasilidad at iba
pang bagay na nakakatulong sa konomiya.
5. Dahil apektado ang agrikultura, mababa rin ang supply ng raw materials para sa mga industriyang
gumagawa ng mga produkto o kalakal.

Epekto Ng Climate Sa Pamahalaan


1. apektado rin nga malakas na pag-ulan at agbagyo ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan tulad
ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan at iba pang serbisyo nito sa lokal at pambansang lebel.
2. Ang matitinding bagyo ay nagdudulot ng mga pagkasira ng mga imprastratura at pasilidad tulad ng mga
daan,tulay, gusali, irrigation system, power system at marami pang iba. Malaking bahagi ng national budget
ang napupunta sa pagmementena at pagsasaayos sa mga ito.
3. malaking budget din ang inilalaan bilang calamity funds para sa mga lugar na apektado ng mga kalamidad.
4. ang pamahalaan din ang unang nasisisi kapag hindi nakapagbigay ng agarang serbisyo o tulong ang mga
ahensiya tulad ng NDRRMC at DSWD.

Magsanay:
Bakit mahalagang usapin ang pagbabago ng klima?

2|Page Cathyrine D. Laciste


Sa iyong pananaw, bakit nagaganap ang pagbabago ng klima?Magsagawa ng karagdagang pagsasaliksik
ukol sa iba pang epekto sa bansa sa pagbabago ng klima at punan ang graphic organizer sa ibaba.

Mga Simpleng Paraan Upang Labanan ang Epekto ng Climate Change

1.Magtanim ng puno at halaman


2.Magpalit ng bumbilya.Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs
3.Magtipid sa paggamit ng koryente.
Buksan ang mga bintana at hayaang makapasok ang natural na liwanag at hangin sa tahanan.
Iwasang gumamit ng aircon.
4.Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi ginagamit.
5.Magtipid sa paggamit ng tubig.
6.Maging praktikal sa paggamit ng sasakyan. Maglakad kung kinakailangan.
7.Huwag magsunog ng anumang basura.
8.Magrecycle.Iwasang gumamit ng plastic bags sa halip, gumamit ng recyclable bags.

MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

Ayon sa ekperto sa kapaligiran, nahahati sa apat ang suliraning pangkapaligiran

1. Point pollution
 inilalarawan nito ang mga nahahawakan (tangible) na sumisira ng direkta sa mga pinagmumulan ng
likas na yaman.tulad ng mga anyong lupa at tubig. hal. basura sa ilog o dagat.
2. Non-point pollution
 polusyon na dulot ng mga bagay na posibleng tunawin at mabago samahabang panahon
ha. CO2 na galing sa kapaligiran
3. Stock pollution

4. Fund pollution

3|Page Cathyrine D. Laciste

You might also like