You are on page 1of 2

DEPORESTASYON

Ang deporestasyon ay ang paglinis sa mga kagubatan sa pamamagitan ng pagtrotroso o pagsusunog ng


mga puno. May mga ilang dahilan kung bakit nangyayari ang deporestasyon: lansakang pagputol ng mga
punongkahoy sa mga kagubatan at sa mga komunidad, para gawing malaking negosyo ito. Ito ay
maaaring ibenta bilang isang kalakal o hinangong uling at ginagamit ng mga tao, habang ginagamit
bilang isang pastulan, taniman ng mga kalakal, at tirahan ang mga kinalbong lupain. Dahil sa mga bagay
na ito ay nabubuwal at namamatay ang mga puno. Ang masaklap ay hindi ito kaagad-agad mapapalitan.
Maaari itong magdulot ng kasiraan ng tahanan ng mga mamamayan.

Ito ay tinuturing na suliranin dahil.


Maraming negatibong epekto ang magdudulot nito sa kapaligiran. Dahil sa pagkawala ng kagubatan,
nawawalan rin ng habitat ang mga hayop na isa sa nagiging dahilan ng pagkaubos ng lahi ng mga hayop.
Dahil sa pagkawala ng mga puno, patuloy na umiinit ang panahon dahil hindi na sapat ang dami ng mga
puno upang palitan ng oxygen ang carbon dioxide. Nagiging dahilan rin ito ng pagbaha at landslide dahil
wala nang mga ugat ng punong sumisipsip sa tubig ulan at kumakapit sa lupa. Ito ay nagdudulot nang
malawakang pinsala sa kabuhayan ng mga tao.

Kung sakali mang magkabaha o magka landslide ito ang mga pagahahanda na nararapat gawin sa
harap ng kalamidad:
PAGBAHA
Alamin ang warning system at signal sa inyong barangay o munisipyo.
Obserbahan ang sitwasyon ng lugar at makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA.
Pakinggan ang opisyal na warning signal na ibibigay ng kagawad na sumasakop sa lugar.
Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng damit, kumot, pagkain,
maiinom na tubig,gamot, posporo, kandila, flashlight, radyong de-baterya, banig, at iba pa.
Maiging nakabalot ang mga ito saplastik.
Itago o ilagay sa plastik ang mga mahahalagang dokumento at papeles

LANDSLIDE
Ang landslide ay walang babala. Sa mga pagguhong sanhi ng paglindol, ang lindol mismo o mga
aftershock nito angmagsisilbing babala. Dahil walang babala, wala ring sapat na oras o panahon upang
makalikas.
Iwasan ang mga natukoy na mapanganib na lugar hanggat maaari. Iwasang magtayo ng
anumang
istruktura sa mga lugar na ito.
Magbuo ng sistema ng babala sa komunidad para sa lindol at mga dulot nitong hazard katulad
ng landslide.
Magbuo ng Evacuation Plan para sa mga lugar na may banta ng panganib. Tiyaking
makapagtukoy ng mgaligtas na relocation site.
Magtayo ng mga warning stations at palagian itong bantayan upang makapagbigay ng babala
kungkinakailangan.
Piliing mabuti ang paglalagyan ng mga rain gauge upang ito ay makakuha ng sapat na dami ng
ulan.Regular itong i-monitor upang maging wasto ang basehan ng warning signal. Ito ay
kailangangmabantayang mabuti upang hindi masira at magsilbi para sa wastong gamit ng taong
bayan. Magsagawa ngpagsasanay sa mga taumbayan hinggil sa pagbasa ng rain gauge.
Maiging laging may nakahandang mga relief good ang lokal na pamahalaan sapagkat mataas
angposibilidad na makulong o maisolate ang ilang mga barangay dahil sa pagguho ng mga
bundok.
Gawing batas ang pagbawal sa pagtotroso at magkaroon ng programa o polisiya sa pagtatanim
ng mgapunong-kahoy

Upang maiwasan ang mga ganitong suliranin ay dapat.

1. Gawing pagbawal ang paputol ng mga kahoy sa gubat.


2. Isagawa ang reforestation kung saan ay ang pagtatanim ng mga bagong puno upang palitan ang
mga punong pinutol.
3. Kung magiging legal man ang pagputol dapat nilang taniman ng bago upang di maubos ang mga
punong kahoy

Ito naman ang winika ng DENR patungkol sa suliranin


When we started our National Greening Program (NGP), mas madami ang denuded area o ang mga
lupang kalbo kesa sa forested area ...ang objective po namin with our National Greening Program is to
reverse the situation The DENR aims to increase the number of forested lands to 7.95 million hectares
and decrease the number of denuded lands to 7.85 million hectares. If we achieve this, our National
Greening Program will take its own life...the price of a seedling can be lowered to P3 or P4, The DENR
will continue its strict implementation of Executive Order 23 which bans commercial logging in the
country. It is said that since the EO 23s implementation in 2011, the DENR managed to significantly
reduce the number of illegal logging hotspots. We need not stretch our resources, we need to protect
what we already have, Paje said

Ang ahensya ng pamahalaan na makatutulong sa solusyon ng deporestasyon ay ang DENR. Ang target
daw nila ay paramihin ang forested area kesa sa mga lupang kalbo. Plano din nilang ipagpatuloy ang
striktong pagsasagawa ng Executive Order 23 na ipagbawal ang commercial logging sa bansa

You might also like