You are on page 1of 5

5 halimbawa ng mga sumisimbolo sa Kulturang Pilipino

Ang kalabaw ay sumisimbolo sa Pilipinas dahil ito ay masipag at malakas tulad


ng mga Filipino na kung saan ang mga Filipino ay likas na masipag sa mga ibat-ibang
gawain. Likas rin silang malalakas dahil kahit ano mang mga problema at sakuna na
kanilang kinahaharap nakakayanan parin nilang bumangon at ngumiti.

Ang bahaghari ay sumisimbolo ng pag-asa na kung saan pagkatapos ng


malakas na ulan may lilitaw na bahaghari na naging palatandaan na tapos na ang ulan
at sisikat na ang araw. Mahahalintulad ito sa buhay ng mga Filipino na kung saan kahit
anong problema ang kanilang kinahaharap tulad ng lindol, bagyo at kahirapan sa buhay
hindi parin sila nawalan ng pag-asa na isang araw malalampasan rin nila ang mga
hamon sa buhay na kanilang kinahaharap.
Ang puting kalapati ay sumisimbolo ng pag-ibig at kapayapaan. Ang simbolong
ito ay kalimitang nakikita sa relehiyong Judism, Kristyanismo at Paganism halimbawa
nito kapag ang mag kasintahan ay nag isang dibdib nagpapakawala sila ng puting
kalapati na nag sisimbolo sa kanilang pagiibigan ginagamit din itong mga sunda lo pang
simbolo ng kapayapaan.

Ang bahay kubo ay sumisimbolo ng pamumuhay ng buhay sa bukid sa Pilipinas.


Ito ay nag papakita na kahit sampling pamumuhay meron ang mga Filipino mag
ipinagmamalaki nila ito dahil mas payak ang kanilang pamumuhay at masagana sa
likas na yaman na makikita sa paligid nito. Nagpapakita rin itong isang palatandaan ng
pagka Filipino dahilang mga Filipino ay masaya na sa sampling pamumuhay.
Ang bibliya ay sumisimbolo ng pananampalataya at pagiging makadiyos. Likas
sa ating mga Filipino ang pagiging palasimba dahil sa oras ng mga problema na ating
kinahaharap at hindi tayo nawawalan ng pag-asa at nakakalimot na manalangin dahil
may isang panginoon na tutulong sa ating mga problema at ating masasandalan.

Reference:
Brainly.com
m.facebook.com/LEASRI
www.google.com
m.facebook.com/gunitapilipinas
pozitimag.ru
dakilapinoy.com
tagaloglang.com

5 kulturang niyakap ng Pilipino mula Sa Mga


Dayuhang Bansa
1. Halos araw-araw nag sisimba ang mga Pilipino lalo na sa araw ng
lingo. Ito ay mula sa mga Espanyol noong sinakop nila angPilipinas
at ipinalaganap ang Kristyanismo.

2. Pagdaraos at paghahanda tuwing kapistahan. Ito ay mula sa mga


Espanyol sa pagkat naniniwala sila na kailangan magkaroon ng pista
Upang ang biyaya ay ipagkakaloob ng mga santo.

3. Pagkahilig sa mga pagkaing pansit, suman ,siopao ,munggo at iba


pa.

4. Ang paggamit ng sandatang pumuputok at ng kalendaryo ay


nagmula o impluwensya ng Arabe.

5. . Ang Sistema ng pagpapantig ng mga salita ay impluwensya mula sa


mga Indian halimbawa nito ay sumusunod: Pamahalaan.-
pa.ma.ha.la.an, Kultura-kul.tu.ra at Maharlika- ma.har.li.ka.

Reference:
De Leon, M. Hunyo 3, 2015”paglaganap ngkristyanismo”.Aralin 6 –
pagbabagosalipunan at kulturasapanahonngespanyol.
Https://www.slideshare.net
Anonymous, Nobyembre 17,2019 “kuturangpinoyImpluwensyangibanglahi.
Saksi- mgabalitangtotoongayon.Https://www.saksingayon.com
Caoli, D. Hulyo 12,2010 mgaimpluwensyangmgadayuhan.
Https://www.slideshare.net
TAKDANG GAWAIN
SA
KULTURANG POPULAR

GROUP 2

BONIFACIO, KINNETH

DELFIN, MARY ROSE

GALAGAR, SUELEN

PLANTO, DIANNA MAE

PALMA, MARIA MERCEDES

You might also like