You are on page 1of 5

1. Ano ang mitolohiya? Bakit napabahagi ito sa ating panitikan?

Ang Mitolohiya ay isang anyong panitikan kung saan karaniwang tumatalakay sa mga diyos o diyosa at
nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Kadalasang ang mga normal na karakter
ay naniniwala o sumasamba sa mga diyos at diyosa na kanilang pinaniniwalaang gumawa ng mga bagay-
bagay sa kanilang kapaligiran. Ito rin ay koleksyon ng iba’t-ibang mga akda ng mga tao na nagnanais pa
na pag-aralan ng mabuti o alamin ang iba’t-ibang kwento na mayroon sa isang lugar o sa isang
komunidad.

Ang mitolohiya ay bahagi ng mayamang panitikan ng mundo noon pa mang sinaunang panahon.
Tulad ng mga alamat at iba pang kuwentong-bayan, ang mga mitolohiya o mito ay naglalarawan sa
kultura ng sinaunang panahon na nakasulat sa anyong tuluyan o prosa. Naglalaman ang mga mito ng
mga salaysay tungkol sa pamumuhay ng mga karaniwang tao at ang ugnayan ng mga ito sa kanilang
kinikilalang mga diyos at diyosa. Nagsasalaysay rin ito ng kuwento ng pinagmulan ng daigdig at ng mga
tao.

2. Paano nagsimula ang mitolohiya sa Pilipinas?

Ang mitolohiya sa Pilipinas ay nagsimula noong unang panahon bago pa dumating Espanyol at ipinakilala
ang Kristiyanismo. Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang
nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat at kuwentong bayan. Si
Bathala ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino
ay halu-halo dahil sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-
diyusan. Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at
pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Hangang ngayong ang
paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang
Pilipino lalona sa mga probinsiya.

3.Paano naiiba ang mitolohiya sa Pilipinas at sa ibang bansa tulad ng Gresya?

Malaki ang pagkaibahan ng mitolohiya sa Pilipinas at sa ibang bansa ng tulad ng Gresya. Sa Pilipinas, ang
mitolohiya ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahihiwagang nilalang, at mga diwata.
Sinasalamin ng mito sa Pilipinas ang paniniwala o sariling relihiyon ng mga sinaunang Pilipino, na kung
saan ay ang Animismo, pagsamba sa kalikasan at Paganismo. Kaugnay rito, ang salaysay at pamahiin
hinggil sa mga masasalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ang mga mahihiwagang
nilalang na pinaniniwalaan ng mga Pilipino ay ang mga aswang, duwende, kapre, maligno, manananggal,
tikbalang, tiyanak, at lolong. Gayundin ang mga hayop dahil mayroong maalamat na mga hayop ang
nilikha ng mga Pilipino o kanilang pinaniniwalaan; bakunawa, ekek, kapre, manaul, sarimanok, sigbin,
sirena, siyokoy, tikbalang, at tiyanak. May mga mabubuting ispirito at masa-samang ispirito sa
mitolohiyang Pilipino. Ang mga diyos at diyosa sa mitolohiyang Pilipino ay sina Bathala, Idionale, Anion
tabo, Apolaki, Hanan, Mapolan Masalanta, Libongan, Libugan, Limoan, Tala, Lakapati, Pati, Lakambakod,
Mayari, Lakambini, Lingga, Mangkukutod, Agawe, Hayo, at Lisbusawen. Si Bathala ang
pinakamakapangyarihang diyos sa lahat ng mga diyos. Si Bathala na kinilalang Panginoon ng mga Pilipino
ay may pagkakatulad sa diyos ng mga Indones na si Batara Guru at ng mga Indiyano na si Shiva.

Samantala, ang mitolohiya sa Gresya karaniwang tumatalakay sa mga diyos lamang. Sa Gresya naman ay
isang bahagi ng kanilang relihiyon ang kanilang mitolohiya at pati na rin sa buong mundo, na kilala nga
bilang Hellenismos. Ang mitolohiya sa Gresya ay pinag-aaralan ng mga modernong skolar nang sa gayon
ay maunawaan ang kalikasan ng mismong paggawa ng mito. Ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa
sinaunang Gresya sa isang tradisyong tulang-pabigkas. Ang mitolohiyang Griyego ay sumasalamin sa mga
artipakto, ilan sa mga gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Kaugnay sa mitolohiya ng
Gresya ang Greek trinity, ito ay ang tatlong kaharian ng daigdig. Ito nga ay ang Langit na pinamumunuan
ni Zeus, ang karagatan na pinaghaharian ni Poseidon, at ang underworld na pinaghaharian ni Hades.Ang
mga diyos at diyosa naman sa Mitolohiyang Griyego at Romano ay sinaZeus, Hera, Athena, Aphrodite,
Eros, Artemis, Apollo, Poseidon, Hades, Dionysius, Hermes, Hephaestus, Ares, at Persephone. Si Zeus
ang hari ng lahat. Ang mga Diyos at Diyosa sa Pilipinas at sa ibang bansa ay magkakaiba.

Mitohiya

Pilipinas Gresya

 Binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga  Karaniwang tumatalakay sa mga diyos
mahihiwagang nilalang, at mga diwata. lamang.

 Sinasalamin ng mito sa Pilipinas ang  Isang bahagi ng kanilang relihiyon ang


paniniwala o sariling relihiyon ng mga kanilang mitolohiya at pati na rin sa buong
sinaunang Pilipino, na kung saan ay ang mundo, na kilala nga bilang Hellenismos.
Animismo, pagsamba sa kalikasan at
Paganismo.

 Kabilang ang salaysay at pamahiin hinggil  Pinag-aaralan ng mga modernong skolar


sa mga masasalamangkang mga nilalang at nang sa gayon ay maunawaan ang
nilikha ng mga Pilipino. kalikasan ng mismong paggawa ng mito.
Ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa
sinaunang Gresya sa isang tradisyong
tulang-pabigkas.

 Ang mga mahihiwagang nilalang na  Sumasalamin sa mga artipakto, ilan sa


pinaniniwalaan ng mga Pilipino ay ang mga mga gawang sining, lalo na iyong mga
aswang, duwende, kapre, maligno, pintor ng mga plurera.
manananggal, tikbalang, tiyanak, at lolong.
Gayundin ang mga hayop dahil mayroong
maalamat na mga hayop ang nilikha ng
mga Pilipino o kanilang pinaniniwalaan;
bakunawa, ekek, kapre, manaul,
sarimanok, sigbin, sirena, siyokoy,
tikbalang, at tiyanak.

 Ang mga diyos at diyosa sa mitolohiyang  Ang mga diyos at diyosa naman sa
Pilipino ay sina Bathala, Idionale, Anion Mitolohiyang Griyego at Romano ay
tabo, Apolaki, Hanan, Mapolan Masalanta, sinaZeus, Hera, Athena, Aphrodite, Eros,
Libongan, Libugan, Limoan, Tala, Lakapati, Artemis, Apollo, Poseidon, Hades,
Pati, Lakambakod, Mayari, Lakambini, Dionysius, Hermes, Hephaestus, Ares, at
Lingga, Mangkukutod, Agawe, Hayo, at Persephone. Si Zeus ang hari ng lahat.
Lisbusawen.

 Si Bathala ang pinakamakapangyarihang  Sa mitolohiya ng Gresya ang Greek trinity,


diyos sa lahat ng mga diyos. Si Bathala na ito ay ang tatlong kaharian ng daigdig. Ang
kinilalang Panginoon ng mga Pilipino ay Langit ay pinamumunuan ni Zeus, ang
may pagkakatulad sa diyos ng mga Indones karagatan na pinaghaharian ni Poseidon,
na si Batara Guru at ng mga Indiyano na si at ang underworld na pinaghaharian ni
Shiva. Hades.

4.Magbigay ng isang kwentong may kaugnayan sa mitolohiya. Ano ang naging resulta nito?

Hydra ang Diyosa ng Karagatan

May isang nayon na malapit sa dagat na kung saan ay masaganang naninirahan ang mga mamamayan
dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanila nang dyosa ng karagatan na nag-ngangalang Hydra. Maayos rin
na pinamumunuan ng dyosa na si Hydra ang buong karagatan ipinanatili niyang maayos at malinis ang
kanyang kaharian. Pinapalago nya ang mga lamang dagat at sinisiguro niyang may sapat na pagkukunan
ang mga mangingisda para sa kanilang ikabubuhay.Kasangga ng dyosa ang kanyang nag-iisang anak at
tagapagmana na si Zalle.

Sa mahabang panahon ay mapayapang namumuhay ang mga taga-lupa at mga nilalang sa karagatan
dahil na rin sa respeto na ipinamalas nila sa isa’t-isa. Batid din ng mga tao na mahigpit na ipinagbabawal
ng dyosa ng karagatan ang sino man na tumuntong sa isang bahagi sa silangan na kung saan may iba’t-
ibang uri ng isda. Ngunit hindi nila alam kung anong dahilan nito dahil wala pang tao na nakakapunta sa
isla na ito. Hindi nila alam na ito ay may malawak na lawa sa gitna na pinalilibutan ng mahabang
bulubundukin na malulusog.Sa banal na lawangito nag titipon-tipon ang mgalamangdagatupang mag
parami, kaya ito ginagawang sagrado ni Hydra at tinatawag itong Isla Beiri.

Ngunit sa paglipas ng panahon sumaba yrin ang pagbabago ng sistema ng pamumuhay ng mga
tao.Maging ang kanilang disiplina ay nagbago na din.Karamihan sa mga mangingisda ay hindi na
kuntento sa kanilang nakukuhang mga lamang dagat, at dahil sa pagiging makasarili nila nilabag nila ang
patakaran ng dyosa at nanguha sila ng lamang dagat na higit pa sa pinapayagan ng dyosa ng
karagatan.Dahil sa kagustuhan nila na mag karoon ng maraming pera napagdisisyunan ng grupo ni Evan,
isa sa mga mangingisda, at mga sakim na tao na pumalaot patungo sa Isla Beiri.Habang papunta sila sa
Isla Beiri namangha sila sa malinis at magandang tubig na kinalalagyan nila ngayon.Mas lalong nabighani
ang gruponi Evan pagkatapak palang nila sa Isla Beiri.Kitang-kita nila ang buhangin na pinong-pino at
kulay puti.Bago man sila makarating sa lawang nasabi marami muna silang pinagdaanan.Sa pagtawid nila
sa bulubundukin ,nagalak ang mga ito sa gubat na may malulusog na bunga at ang mga kakaibang
insekto at hayop ang kanilang natuklasan.Bago sila maka dako sa nasabing lawa na ipinagbabawal ng
dyosa may tinahak silang mahabang kweba at napangiti ang mga ito dahil sa nakitang mga krystal na
halos napapalibutan na ito sa buong kweba.Nang maka-labas sila sa kweba naantig sila sa lawang nasabi,
mas malinis at malinaw ito kesa sa nakita nilang tubig bago makarating dito, talagang nakikita ang
pagkilos ng iba’t-ibang uri ng isda sa lawang iyon.Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang grupo nila Evan sabay-
sabay nilang inilabas ang mga dinamita nilang dala upang mapabilis ang kanilang paghuli ng mga lamang
dagat. Hindi nila alam na nakamasid si Zalle, anak ng dyosang si Hydra, si Zalle ang nangangalaga sa Isla
Beiri na ipinagkatiwala sa kanya ng Ina. Agad itong pumaroon sa kanyang ina at sinabi ang mga nakita. At
dahil sa sinabi ni Zalle nagalit si Hydra at pinatawag ang mga alagad niyang mga sireno at sirena at
pumunta kung saan nandoon ang grupo nila Evan. Nagulat ang grupo nila Evan dahil hindi nila ito
inaasahan. Napaatras sila at nangatog dahil sa hindi nila inaasahan, nang biglang magsalita ang
dyosa,”Dahil sa pagsuway nyo sa patakaran ko na panghihimasok sa lawang ito at ang paggamit ng
dinamita kayo ay parurusahan ko.Simula ngayo nhindi na ako mag bibigay pa ng sapat na lamang dagat,
kung ano nalang ang natitira sa inyong isla na lamang dagat ay inyong pararamihin

Habang tumatagal ay nawawalan nang mga isda sa dagat. Sa kadahilanang pagsuway ng mga
mangingisda sa patakaran ng diyosa ay napatawan sila ng parusa at ito na nga ang kinakatakutan nila
ang pagbibigay ng sapat na huli para sa kanilang pamilya. Makalipas ang isang buwan tuluyan nang
nawala ang mga sa isda sa dagat, umabot sa puntong wala nang makain ang mga pamilya ng mga
mangingisda, gutom na gutom na sila at nagkakasakit, kinakain na lamang nila ay ang mga tira-tirang
isda sa karagatan na hindi karaniwang kinakain ng mga tao.

Hindi na kaya ng mga tao ang walang mga isda kaya lahat ng tayo ay nagtipon at nag-usap para humingi
ng kapatawaran sa dyosa, gumawa sila ng isang ritwal para sa pagbibigay tawad sa mga dyosa, dahil sa
ginawa nila ay nagpakita ang diyosa sa dalawang batang tiga isla at sinabihan sila na sa pinapatawad na
sila ng diyosa at ang dalawang bata ay agad agad itong tumakbo sa kanilang mga magulang at sinabi nila
ang sinabi sa kanila ng diyosa ito ay agad ibinalita sa buong isla.
Makalipas ang mga araw ay unti-unting nagkakaisda sa kanilang isla at ito ay ikinatuwa ng mga
mangingisda at mga tiga isla, muling nagpasalamat ang buong tiga isla at lagi na silang gumagawa ng
isang ritwal ng pasasalamat para sa diyosa, at nagpapasalamat sila sa pagbigay ng pangalawang
pagkakataon na binigay ng diyosa.

You might also like