You are on page 1of 6

2.

5 Mga Prosidyur ng Pag-aaral

Upang mapalawak ang kaalaman tungkol sa mga e-pabula at e-mitolohiya bilang kagamitang
awdyo-biswal sa pagtuturo sa Ikapitong Baitang ay isinagawa ng mga mananaliksik ang mahalagang
hakbang upang malikom ang mga kinakailangang datos at impormasyon na may kaugnay sa pag-aaral na
ito.

Unang Yugto: Yugto sa Pagkalap at Pagpili ng mga Pabula at Mitolohiya ng Tribong Manobo mula sa
piling lalawigan ng Rehiyon ng Caraga

1. Pagkalap ng mga Orihinal na Pabula at Mitolohiya sa Tribong Manobo.Ang mananaliksik ay


nangalap ng mga orihinal na pabula at mitolohiya mula sa mga natipong poklor at nagdadag pa
ng mga orihinal na poklor mula sa mga nakakatanda ng Tribong Manobo. Ang mga nakalap na
mga poklor ay ginawan ng kompilasyon. Pagkatapos matipon ang mga nakalap na mga orihinal
na poklor ay masusi ito sinuri at isinalin mula sa orihinal na wika ng bawat panitikang nakalap
patungo sa wikang Filipino bilang tunguhing wika. Gamit ang krayterya sinuri ng mga
mananaliksik ang mga poklor ng Tribong Manobo upang makapili ng limang (5) pabula at limang
mitolohiya na ginawang digital na siyang pangunahing produkto sa kasalukuyang pag-aaral.

2. Pagpili ng mga pabula at mitolohiya ng Tribong Manobo mula sa mga nakalap. Gamit ang
nabuong krayterya pinili mula sa mga nakalap na pabula at mitolohiya ang mga pabula at
mitolohiya ay ginawang e-pabula at e-mitolohiya. Ayon sa diksyonaryo, ang pabula ay isang
maikling kuwento na nagmula noong unang panahon kung saan ang mga tauhan ay hayop na
nagsasalita samantalang ang mitolohiya ay agham o pag-aaral hinggil sa mga alamat at mito (UP
Dictionary Filipino (2010). Ginamit ng mananaliksik ang elemento ng maikling kwento para sa
pabula at ang elemento ng mitoholohiya sa pagbuo ng tseklist. Ang mga krayterya para sa
pabula ay ang mga sumusunod: Una, may mga tauhang hayop na kumikilos at nagsasalita na
parang tao; Ikalawa, may tagpuan; Ikatlo, may malinaw na banghay; Ikaapat, makikitaan ng
tunggalian; Ikalima, makikitaan ng mahalagang kaisipan, implikasyong kultural at mga aral; at
Ikaanim, ang pabula ay nakalap mula sa indibidwal na nakatira sa mga lokalidad ng Caraga.

Narito naman ang krayterya para sa pagpili ng mitolohiya: Una, ang mga tauhan ay mga
diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Ikalawa, may kaugnayan ang tagpuan
sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon. Ikatlo, may banghay malinaw na banghay na
kakakitaan ng kapana-pabanik na aksyon at tunggalian, tumutalakay sa pagkakalikha ng mundo
at mga natural na pangyayari, nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas, ipinapakita ang
ugnayan ng tao at ng diyos at diyos at tumutalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng
panahon at interaksyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig. Ikaapat, may temang
magpapaliwanag sa natural na pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao,
kapani-paniwalang panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan at mga aral sa buhay. Ikalima,
mitolohiya ay nakalap mula sa mga kompaylasyon at pananaliksik ng mga orihinal na poklor na
umiiral sa Rehiyon ng Caraga.
Ikalawang Yugto: Pagsasalin at Pagsusuri sa Pagsasalin
1. Pagpili ng mga tagasuri sa orihinal na salin gamit ang krayterya. Ang mga mananaliksik ay
pumili ng anim (6) na mga kalahalok na tagasuri ng mga salin sa Manobo batay sa mga sumunod:
(a) Propesyunal mula sa iba’t ibang etnolinggwistikong pangkat sa rehiyon ng Caraga (b)
nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Manobo at (c) mahusay at may kaalaman sa wikang
Filipino. Ang mga krayterya ay may kauganay sa pangangailang ang ebalwaytor at tagasuri sa
orihinal na salin ay may taglay na kaalaman at ginagamit ang wikang Manobo.
2. Paghingi ng pahintulot. Nakipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagtawag
sa telepono, text messaging, online messaging, video calls at sa pamamagitan ng elektronikong
sulat sa anim (6) na mga propesyunal na Guro sa Filipino na nagtuturo ng panitikan sa ikapitong
baitang ng iba't ibang paaralan sa sekundarya sa rehiyon ng Caraga upang ipaalam ang
isinagawang pag-aaral at makapagsagawa ng pananaliksik. Kinuha ang kanilang pahintulot o
pagsang-ayon sa pakikilahok sa pag-aaral bilang ebalweytor gamit ang Informed Consent Form.
Aktuwal na ipinadala ng mga mananaliksik ang Informed Consent Form at ang liham gamit ang e-
mail. Ipinaliwanag sa mga ebalweytor ang mga layunin ng pananaliksik at ang naging
partisipasyon nila sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga napiling mga pabula at mitolohiya ay
ipinaalam sa kanilang gagawing e-pabula at e-mitolohiya na gagamitin bilang kagamitang awdyo-
biswal sa pagtuturo. Ito ay ipapadala sa kanila sa pamamagitan ng elektronikong sulat. Kasama
rito ang pagpapadala ng links sa mga nakaimprinta na orihinal ay salin na bersyon ng mga at ang
tatalatanungan na ginamit sa pagsusuri at ebalwasyon. Ang mga mananaliksik ay nakipag-
ugnayan din sa mga ebalweytor sa pagdetermina ng eskedyul sa ginawang pagsusuri at
ebalwasyon. Nilaanan ng dalawa hanggang tatlong linggo ang pagtatasa sa mga nagawang lokal
na pabula at mitolohiya upang masiguradong maayos at tamang pagsusuri.
3. Paghahanda ng Talatanungan. Hiniram ng mga mananaliksik ang nalikhang talatanungan para
sa pagsasalin ni Rosemarie Boquil na naglalayong malaman ang opinyon ng bawat ebalweytor
sa pagsasalin ayon sa walong (8) krayterya: (1) Gramatika, (2) Pagbaybay, (3) Kaangkupan, (44
Terminolohiya, (5) Konsistensi, (6) Katatasan, (7) Kultural na pagkakakilanlan, at (8) Kabuuang
Impresyon. Sa hulihang bahagi ng bawat naisaling poklor ay may nakalaang espasyo para sa
mga komento at suhestiyon ng mga ebalweytor. Sa pananaliksik na ito, ang pag-assess ss mga
krayterya sa pag-ebalweyt ng salin ay batay sa intuitive assessment o batay sa pananaw ng
mga ebalweytor dahil ito ay ayon sa kanilang kasanayan at kaalaman sa wika ng espisipikong
etnolinggwistikong pangkat na kanilang kinabibilangan.
4. Pagrebisa ng mga salin batay sa kinalabasan ng pagsusuri. Nagkaaroon ng paglalagom sa mga
komento at suhestiyon ng nga tagasuri sa salin. Ito ang naging batayan ng mga mananaliksik sa
lalong pagsasaayos sa salin ng poklor na gagawing digital bilang pangunahing kagamitang
awdyo-biswal sa pagtuturo at pagkatuto.

Ikatlong Yugto: Yugto ng Debelopment

1. Paglatag ng mga pamantayan sa paglikha ng isang Awdyo-Biswal na Kagamitang


Pampagtuturo. Ginamit ng mga mananaliksik bilang basihan sa pagbuo ng mga awdyo-
biswal ang katangian ng epektibong instruksyunal na kagamitan ni Tomlinson (1998),
teoryang Cognitive theory of Multimedia) Learning ni Richard E. Mayer, 2005, Dual Coding
Theory ni Allan Paivio (1986) at Cognitive Load Theory ni John Sweller (1994).

2. Paglikha ng Iskrip. Sa mga napiling poklor na pabula at mitolohiya sa Tribong Manobo batay
sa pamantayan na determina, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sampung (6) iskrip na
magsisilbing blue print o gabay sa pagpalikha ng mga e-pabula at e-mitolohiya sa Tribong
Manobo. Ang iskrip ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

 Introduksyon (sa bahaging ito nagpapakilala ang tagapagsalaysay at pagbibigay ng


pambungad na katanungan ukol sa paksang tatalakayin);
 Paglalahad ng layunin (dito isinasaad ng tagapagsalaysay ang mga layuning
pampagkatuto na inaasahang makamit sa pamamagitan ng e-pabula at e-
mitolohiya);
 Pagtalakay ng paksa (magbibigay ang tagapagsalaysay ng maikling impormasyon
tungkol sa pabula at mitolohiya at mga konseptong may kaugnayan sa mga layuning
inaasahang matamo);
 Panonood ng pabula (magsisimula ang pagsasalaysay sa kwento ng pabula);
Pagninilay/Paglalahat/Pagsasanay (magtatanong ang tagapagsalaysay sa mga mag-
aaral patungkol sa napanood na pabula upang masukat kung talagang naunawaan
ang napanood);
 Pagpapahalaga at Kultural na Implikasyon (isinasaad dito ng tagapagsalaysay ang
mahahalagang aral na matutunan ng mga mag-aaral mula sa pabula at mitolohiya);
 Sanggunian (nakatala sa bahaging ito ang mga sanggunian ng mga ginamit na akda,
konsepto, larawan, at mga video clip sa pagbuo ng iskrip);
 Sipi ng akda at profayl ng impormante (inilagay sa bahaging ito ang orihinal at salin
sa Filipino ng akdang ginamit at ang profayl ng impormante na siyang nagsalaysay ng
akda).

Sa pagbuo ng ng iskrip ng mga e-pabula at e-mitolohiya sa Tribong Manobo ay


umalinsunod sa pinasimpleng disenyo ng 4A’s na banghay-aralin. Ito ay isinigawa alinsunod
sa teoryang Cognitive Load ni Sweller (1988) na nagsasaad na isa sa pinakamahalagang
patnubay para sa pagpapanatili ng atensyon ng mag-aaral sa pang-edukasyon na mga bidyo
ay gawin itong maikli. Isa sa mga dahilan kung bakit pinasimple lamang ang mga bahaging
ipapaloob sa iskrip ay dahil limitado lamang ang haba ng oras ng isang e-pabula batay na rin
sa sinunod na pamantayan ng kasalukuyang pag-aaral.

3. Pagbuo ng mga e-pabula at e-mitolohiya sa Tribong Manobo. (Lesson Guide). Ang mga
mananaliksik ay gumawa ng sampung (10) na awdyo-biswal gamit ang napiling limang (5)
pabula at limang (5) mitolohiya mula sa mga natipon na poklor at nakalap na orihinal na
poklor mula sa nakakatanda ng tribong Manobo. Ang mga pabula at mitolohiya ay nakasulat
sa orihinal na wika sa wikang Manobo. Ang pagsalin ng mga ito sa Filipino ay kabilang na sa
ginawa ng mga mananaliksik. Ang salin sa wikang Filipino ng bawat pabula at mitolohiya ang
ginamit bilang wika sa paggawa ng awdyo-biswal na kagamitang panturo.
Ikatlong Yugto: Yugto ng Balidasyon
1. Pagpili ng mga respondente gamit ang mga krayterya. Ang mga mananaliksik ay pumili ng
anim (6) propesyunal na guro na nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: (a)
Propesyonal na Guro na medyor sa Filipino, (b) Nagtuturo ng panitikan sa ikapitong baitang,
(c) Nagtuturo sa paaralan sa loob ng rehiyon ng Caraga, at (d) May tatlong (3) taon o higit na
karanasan sa pagtuturo ng Filipino. Ang mga nakalatag na krayterya ay kaugnay sa
pangangailangang ang ebalweytor at tagapagsuri ng ginawang ebalwasyon at pagsusuri sa
kaangkupan at gamit ng mga awdyo-biswal na kagamitang instruksyunal sa pagtuturo ng
pabula at mitolohiya ay kailangang may taglay na kaalaman sa panitikan at may kaalaman sa
mga katangian ng epektibong instruksyunal na kagamitan.

2. Paghingi ng pahintulot. Nakipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng


pagtawag sa telepono, text messaging, online messaging, video calls at sa pamamagitan ng
elektronikong sulat sa anim (6) na mga propesyunal na Guro sa Filipino na nagtuturo ng
panitikan sa ikapitong baitang ng iba't ibang paaralan sa sekundarya sa rehiyon ng CARAGA
upang ipaalam ang isinagawang pag-aaral at makapagsagawa ng pananaliksik. Kinuha ang
kanilang pahintulot o pagsang-ayon sa pakikilahok sa pag-aaral bilang ebalweytor gamit ang
Informed Consent Form. Ipinadala ng mga mananaliksik ang Informed Consent Form at ang
liham gamit ang e-mail. Ipinaliwanag sa mga ebalweytor ang mga layunin ng pananaliksik at
ang naging partisipasyon nila sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga napiling mga pabula at
mitolohiya ay ipinaalam sa kanilang gagawing e-pabula at e-mitolohiya na gagamitin bilang
kagamitang awdyo-biswal sa pagtuturo. Ito ay ipapadala sa kanila sa pamamagitan ng
elektronikong sulat. Kasama rito ang pagpapadala ng links sa mga nilikhang e-pabula at e-
mitolohiya na inimbak sa google drive at ang tatalatanungan na ginamit sa pagsusuri at
ebalwasyon. Ang mga mananaliksik ay nakipag-ugnayan din sa mga ebalweytor sa
pagdetermina ng eskedyul sa ginawang pagsusuri at ebalwasyon. Nilaanan ng dalawa
hanggang tatlong linggo ang pagtatasa sa mga nagawang lokal na pabula at mitolohiya upang
masiguradong maayos at tamang pagsusuri.

3. Paggawa ng talatanungan. Gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan na naglalaman ng


mga katanungang nagsilbing ebalwasyon kung ang anim na e-pabula at e-mitolohiyang nilikha
ay nagtatalaglay ng katangian ng epektibong kagamitang pampagtuturo na batay sa
pamantayan nina Tomlinson (1998), teoryang Cognitive theory of Multimedia ) Learning ni
Richard E. Mayer, 2005, Dual Coding Theory ni Allan Paivio (1986) at Cognitive Load Theory ni
John Sweller (1994).

Paggawa ng talatanungan. Gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan na

naglalaman ng mga mga talahanayan na kakikitaan ng ugnayan ng mga poklor at istandard na panitikan
sa sekondarya. Samantala, sa unang bahagi ng talatanungan ay naglalayong malaman ang bakgrawnd o
impormasyong demograpiko ng bawat valideytor tulad ng pangalan (opsyonal), edad, paaralan na
tinuturuan, kasarian, pinakamataas na natamong edukasyon, medyor, kabuuang bilang ng taon sa
pagtuturo, kontak na numero, at email. Sa pangalawang bahagi ginamit ng mga mananaliksik ang
modified likert scale para sa pagsagot sa kawastuhan at kaangkupan ng nakitang pagkakatulad
(pagkakatulad sa karakterisasyon, tagpuan, mga aral, at kultural na implikasyon) na may karagdagang
espasyo para mapaglagyan ng komento at suhestiyon sa pakikipagpanayam.

4. Pag-upload ng mga nilikhang e-pabula sa google drive. Gamit ang sariling account ng google
drive para sa kasalukuyang pag-aaral kung saan ang mga limang (5) e-pabula at limang (5) e-
mitolohiya sa Tribong Manobo kasama ang nagawang iskrip.

5. Pagpapadala ng links ng mga nilikhang e-pabula at e-mitolohiya sa Tribong Manobo at


talatanungan sa mga ebalweytor. Sa na determinang petsa kung kailan sinimulan ang
pagsusuri at ebalwasyon ay saka ipinadala ng mga mananaliksik sa mga respondente ang link
ng google form at ng google drive kung saan tinipon ang mga e-pabula at e-mitolohiya. Sinuri
ng mga respondente ang mga e-pabula at e-mitolohiya sa loob ng 2-3 linggo. Ginamit ang
onlayn messaging, video calls, google meet at zoom meeting, text messaging, at phone call
bilang komunikasyon sa isa’t isa sa mga pagkakataong mayroong mga kailangang liwanagin o
mga katanungan ang mga ebalweytor at mananaliksik sa isinagawang pagsusuri at
ebalwasyon sa mga e-pabula at e-mitolohiya.

Matapos ang pag-ebalweyt ng mga guro ang anim (6) na e-panitikan, ang mga
mananaliksik ay sinuri at inalisa ang mga naging resulta batay ibinigay na suhestiyon,
komento at tugon ng mga guro.

1. Pagrebisa at Pagsasapinal sa Mapa ng Intertektwalisasyon. Matapos ang


isang (1) buwan na pagsusuri, kinolekta ng mga mananaliksik ang mga
talatanungan at sipi ng mapa mula sa mga tagapagsuri. Nirebisa ang mapa
batay sa mga puna at suhestiyon ng mga tagapagsuri sa ugnayan at
pagkakatulad ng mga poklor at panitikan sa sekondarya.
(Rebisa before Pilot Testing)

1. Pilot na paggamit ng mga nabuong mga e-pabula at e-mitolohiya sa Tribong Manobo.


Matapos maihanda sa google drive at/o website maging sa compact disk at flashdrive ang
mga nabuong e-pabula, ginamit ito sa pagtuturo ng dalawampung (20) mag-aaral sa ika-7
baitang. Sa pagsasakatuparan nito, ginawa ang mga sumusunod:

• Paghingi ng Pahintulot, ang mga mananalikisik ay humingi ng pahintulot mula sa punong


guro ng paaralan at sa tagapayo ng mga mag- aaral sa ika-7 baitang ng Agusan del Sur
National High School sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham. Ang nasabing paaralan dahil
onlayn, isa sa mga ginagamit nilang paraan sa klase na angkop sa paraang ginamit ng mga
mananaliksik para sa pilot testing. Mula sa ibinigay ng tagapayo sa ika- 7 baitang na listahan
ng kanyang mga mag-aaral na nakakapasok sa kanilang onlayn na klase ay dalawampung
(20) mag-aaral lamang ang kinontak ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo ng
group chat sa messenger upang pormal na hingan ng pagsang-ayon na maging kalahok sa
pilot testing. Humingi rin ng pahintulot ang mga mananaliksik sa dalawang (2) gurong
tagamasid sa pilot na paggamit ng mga e-pabula at e-mitolohiya sa pamamagitan ng
pagpapadala ng liham at informed consent form.
• Paglikha ng mga Plano, lumikha ng anim (6) na plano na nagsilbing banghay- aralin para
sa onlayn na pagtuturo sa pilot na paggamit ng mga e-pabula at e-mitolohiya.
• Paglikha ng mga Worksheets, gumawa ang mga mananaliksik ng anim (6) na worksheets
na naglalaman ng sampung (10) aytem. Ito ay nagsilbing instrumento upang subukin ang
pagkatuto ng mga kalahok na mag-aaral pagkatapos ng talakayan sa pilot na paggamit ng
mga e-pabula at e-mitolohiya sa pagtuturo.
• Pagbuo ng Talatanungan, ang mga mananaliksik ay bumuo ng dalawang (2)
talatanungan sa google forms para sa mga gurong tagapagmasid at para sa mga kalahok na
mag-aaral sa pilot testing na naglalayong malaman ang kanilang persepsyon ukol sa mga e-
pabula at e-mitolohiya bilang awdyo-biswal na kagamitang pampagtuturo sa ikapitong
baitang.
• Pagmamasid sa Klase, habang nagmamasid ang guro at kapwa mananaliksik, ang bawat
isa ay nag-obserba base sa aksyon at pakikilahok ng mga mag-aaral sa loob ng klase kung
epektibo bang napaangat ang lebel ng motibasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
paggamit ng ma e-pabula at e-mitolohiya, ang mga ito nagbigay daan upang mas lumawak
ang ugnayan ng guro at mag-aaral, napatalas ba ng lebel ng pag-unawa mag-aaral sa mga
napaksang napili at ang daloy ba ng pagtuturo-pagkatuto ng loob ng klase ay kasiya-siya sa
mga mag-aaral dahilan upang epektibo silang matuto sa talakayan. Ito ay nakalahad sa
talatanungang ipinadala ng mga mananaliksik sa mga gurong tagamasid na kanilang
sinagutan at biniyang marka gamit ang batayang:
5- lubos na sumasang-ayon
4- sumasang-ayon
3- hindi gaanong sumang-ayon
2- hindi sumang-ayon
• Pagkatapos ng Pagtuturo at Pagmamasid, pagkatapos sagutan ng mga mag-aaral ang
mga katanungan sa pamamagitan ng oral, ang mananaliksik ng mga ang worksheets na
ginagawa. Ang mga talatanungan ay naglalayong matukoy ang opinyon at komento ng mga
mag-aaral sa napanood na mga e-pabula at e-mitolohiya. Nang matapos, isinagawa na ng
mga mananaliksik ang pagkaklaster sa mga nakuhang puna at resulta sa ginawang pakitang-
turo.

Pagkatapos ng pagsusuri at pag-aanalisa, ang mananaliksik ay ginawa ang rebisyon at


isinapinal na ang anim (6) na e-pabula at e-mitolohiya ng Tribong Manobo. Ginawan ng isang
kompendyum gamit ang Compact Disk (CD) at Flashdrive upang ma- access ang mga e-
pabula at e-mitolohiya off-layn. Inilagay sa kompendyun ang mga bidyu kalakip ang mga
iskrip nito. Maaaring din itong ma-acess onlayn ang mga e-pabula at e-mitolohiya ng Tribong
Manobo sa Google Drive.

You might also like