You are on page 1of 17

YUNIT 1

ANG KOMUNIKASYON KAHALAGAHAN NG


KOMUNIKASYON

❖ Sa pamamagitan ng komunikasyon,
PAKIKIPAGTALASTASAN
natutugunan at nagagampanan niya
Ito ay galing sa salitang ugat na ang kanyang pang-araw-araw na
TALASTAS na ang ibig sabihin ay ALAM at pangangailangan at obligasyon.
sa kabilaang panlaping PAKIKIPAG at AN
na ang ibig sabihin naman ay tumutukoy sa ❖ Napatataas at napapanatili niya ang
proseso o paraan ng pagsasagawa nang pagkakilala sa kanyang sarili.
hindi isahan kundi dalawahan o higit pa.
❖ Nalilinang ang kakayahang
mapaghusay ang kanyang
pakikipag-ugnayan at
KOMUNIKASYON pakikipagpalitan ng impormasyon.
Ito ay isang sining at paraan ng
paghahatid o paglilipat ng impormasyon,
ideya at kaalaman ng isang tao sa kanyang ANG TRANSAKSYONAL NA
kapwa tao. Ito ay tinatawag ding proseso ng PROSESO NG KOMUNIKASYON
paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng
 
ideya, impormasyon, karanasan at mga
saloobin. 1. ang komunikasyon ay nasa
kalagayang laging nagbabago.
Ayon kay Webster, ang
komunikasyon ay isang mabisang paraan 2. Ang mga elemento ang isang aktong
pakikipag-ugnayan at pakikipag-unawaan. komunikasyon ay may direktang
Komunikasyon ang nagbibigkis sa mga tao ugnayan sa isa’t isa.
para sila magkaisa at magkaunawaan.
3. Ang pagbabago sa alin mang
elemento sa proseso ng
komunikasyon ay nagbubunga ng
Sa kabuuan, masasabi na ang
kaukulang pagbabago sa iba pang
komunikasyon ay isang mahalagang bahagi
element.
ng buhay ng isang tao. Malaking panahon
ang iniuukol ng isang tao sa 4. Ang bawat kalahok sa isang
pakikipagtalastasan. Sa lahat ng komunikasyon ay aktivong kumikilos
pagkakataon, siya ay nagpapaliwanag, at nag-iisip.
nagsasalaysay, nangangatwiran,
naglalarawan, nag-uutos, nagtatanong
nagpapahayag ng damdamin, at dahil dito, KOMPONENT NG KOMUNIKASYON
mahalagang matutuhan ng lahat ng tao ang
1. Konteksto. Ito ay tumutukoy sa mga
mabisang paraan ng pagpapahayag upang
kalagayan kung saan nagaganap ang
sila ay ganap na magkaunawaan.
komunikasyon. Ito ay may limang
dimension:
Kontekstong Fisikal. Tumutukoy ito sa
kondisyong pangkaligiran na gaya ng
temperature, liwanag, level ng ingay
gayundin ang oras, ang layo o pagitan
ng nag-uusap at ang posisyon ng
kanilang pagkakatayo o pagkakaupo. 

Kontekstong Sosyal. - Tumutukoy ito


sa relasyong namamagitan sa mga
kalahok sa komunikasyon.

Kontekstong Historikal. - Nagpapakita


ito ng ugnayan ng magkakasunod na
episode ng komunikasyon sa mga
usapan ng mga kalahok.

Kontekstong Sikolohikal. - Tumutukoy


URI NG KOMUNIKASYON
ito sa kalagayang emosyunal at
damdaming nasasaloob ng mga taong Komunikasyong Verbal.
kalahok sa komunikasyon.
Ito ang uri ng komunikasyong
Kontekstong Kultural. - Tumutukoy ito pinakagamitin sa lahat ng pagkakataon at
sa paniniwala, buhay na kinalakihan at larangan, at ito rin ang komunikasyong
kinagawian. gumagamit ng wika. 

2. Partisipants. Ito ang mga taong Komunikasyong Di Verbal.


kalahok sa komunikasyon at umaaktong
Ito ang komunikasyong hindi
tagahatid at tagatanggap ng mensahe.
gumagamit ng wika. Sa pamamagitan ng
3. Mensahe. Ito ang pinag-uusapan. galaw ng katawan, pagtingin, tikas o tindig,
ekspresyon ng mukha, naihahatid ang
4. Tsanel / Midyum. Ito ang rutang
mensahe sa kausap.
dinaraan ng mensahe.
MGA ANTAS NG
5. Fidbak. Ito ang tugon ng tagatanggap
KOMUNIKASYON
sa mensaheng inihatid ng nagpasimula
ng komunikasyon. Intrapersonal. - Ito ay nagaganap sa isang
indibidwal kapag siya ay nag-iisip.

Interpersonal. - Ito ang komunikasyong


nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit
pang tao.

Pampubliko. - Ito ang komunikasyong


isinasagawa sa harap ng maraming
tagapakinig.

Pangmasa. - Ito ang komunikasyong


gumagamit ng midyum na pangmasa.
Pang-organisasyon. - Ito ang 2. Teoryang Yum-yum. - Nagsasabi na
komunikasyong naglalayong maging ang tao’y likas na tutugon sa pamamagitan
mabisa at mahusay ang pagpapalakad sa ng pagkumpas o paggalaw sa alinmang
isang organisasyon. bagay na nangangailangan ng aksyon.

Pangkultura. - Ang komunikasyong ito ay 3. Teoryang Pooh-pooh. - Ang unang mga


nagaganap upang maitanghal o maipakilala tao ay natutong magsalita dahil sa hindi
ang kultura ng isang bansa. sinasadyang pagbulalas ng kanilang
masidhing damdamin.
Pangkaunlaran. - Layunin ng
komunikasyong ito na mapabilis ang pag- 4. Teoryang Yo-He-Ho. - Ang pagsasalita
unlad at pagsulong ng isang bansa. ng tao ay bunga ng pwersang
pangkatawan.
YUNIT 2
5. Teoryang Ding-dong. - Ang lahat ng tao
ANG WIKA
o mga bagay sa paligid ay kusang lumilikha
WIKA ng sariling tunog.

Ang wika ay instrumento ng 6. Bibiliya (Genesis 11:1-9)


komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika,
TUNGKULIN O GAMIT NG WIKA
naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan
at saloobin sa ibang tao. Nagagamit niya ito 1. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba
sa iba’t ibang aspekto ng kanyang buhay (Controlling). - Ito ay nagpapahayag ng
gaya ng pang-ekonomiya, pampolitika, pakikiusap, pag-uutos, pagmumungkahi at
pang-edukasyon at panlipunan. Sa ganitong pagtatangi.
paraan, nalilinang niya ang kanyang sarili at
2. Pagbabahagi ng Damdamin (Share
ang kanyang kapaligiran sa pamamagitan
Feelings). - Ito ay nagpapahayag ng
ng wikang ginagamit niya.
damdamin ng pakikiramay, pasasalamat,
PANLAHAT NA KATANGIAN NG WIKA pagpuri at iba pa.

1. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. 3. Pagbibigay o Pagkuha ng


Imformasyon (Informing). - Ito ay
2. Ang wika ay arbitraryo.
nagpapayahag ng pagtukoy, pag-uulat at
3. Ang wika ay dinamiko. pagtatanong.

4. Ang lahat ng wika ay nanghihiram. 4.Pagpapanatili ng pakikipagkapwa at


pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa
5. Ang lahat ng wika ay may sariling (Ritualizing). - Ito ay nagpapahayag ng
kakanyahan. pagbati, pagbibiro at paghingi ng
6. Ang wika ay kaugnay ng kultura. paumanhin.

PINAGMULAN NG WIKA 5.Pangangarap/Paglikha (Imagining). - Ito


ay naglalayong makapagsaysay at
1. Teoryang Bow-Wow. - Nagsasabi na makapagkwento.
ang wika raw ng tao ay nagsimula sa
panggagaya sa tunog ng kalikasan.
MGA ANTAS NG WIKA
1. Salitang Pabalbal o Panlasangan. - nararapat ba o hindi na tawaging
Ang salitang ito ay maituturing na TAGALOG ang Wikang Pambansa.
pinakamababang antas. Hindi dalisay ang Naniniwala ang marami na ito ay hindi
salitang ito. Ito ay pana-panahon kung pambansa sapagkat sinasaklaw lamang nito
sumulpot at nagiging popular. Kung mabilis ang mga lugar na tagalog.
ang pagsulpot nito, madali rin itong
1959 – Pinalabas ng Kalihim Jose E.
maglaho.
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
2.Salitang Kolokyal. - Ito ang salitang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong
ginagamit sa mga imformal na usapan at Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
isinasaalang-alang dito ang mga salitang kailanma’t tutukuyin ang Wikang
madaling maintindihan. Ito rin ang mga Pambansa, ang salitang PILIPINO ay
salitang ginagamit sa pang-araw-araw na siyang gagamitin.
pag-uusap.
1987 – Sa pagdaan ng panahon, dumanas
3. Salitang Panlalawigan. - Ito ang mga ng maraming pagbabago ang wikang
salitang ginagamit ng tao sa isang particular pambansa. Itinakda ng KONSTITUSYON
na pook. Maaaring mamatay ang mga ito 1987 na ang wikang pambansa ng Pilipinas
kung bihira o hindi ginagamit. ay tatawaging FILIPINO. Ang pagbabago sa
ispeling nito ay patunay na ang wikang
4. Salitang Pambansa o Lingua Franca. -
pambansa ay patuloy na sumusulong at
Ito ang mga salitang kilala o higit na
lalong umuunlad.
ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon
at kalakalan. Ang ganitong uri ng wika ay Manuel L. Quezon – pinagtibay niya ang
hindi rin maituturing na dalisay. Pambansang Wika ng Pilipinas na Filipino,
ito ay ayon sa 1935 Saligang Batas ng
5.Salitang Pampanitikan. - Ito ang uri ng
Pilipinas.
wikang ginagamit sa mga akdang
pampanitikan gaya ng tula, kwento, Enero 12, 1937 – hinirang ni Pangulong
sanaysay at iba pa. Quezon ang lupon na bubuo sa Surian ng
Wikang Pambansa.
6. Salitang Pang-Edukado. - Ito ang
wikang nasa pinakamataas na antas 1. Jaime Carlos de Veyra – Tagapangulo
sapagkat mabisa ang paggamit ng wikang (Bisayang Samar)
ito. Ang wikang ito ay ginagamit sa salid-
2. Cecilio Lopez – Kalihim at Punong
aralan ng mga paaralan, kolehiyo,
Tagapagpaganap (Tagalog)
pamantasan o sa mga formal na talakayan.
Mga Kagawad
Yunit 3
1. Santiago Fonacier – (Ilokano)
ANG WIKANG FILIPINO
2. Felimon Sotto – (Bisayang Cebu)
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
3. Felix Salas Rodriguez – (Bisayang
1937 – Simula nang ipalabas ang
Hiligaynon)
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
noong Disyembre 13, 1937, hindi na 4. Casimiro Perfecto – (Bikol)
matapos-tapos ang pagtatalo hinggil sa
5. Hadji Butu – (Muslim)
6. Jose Zulueta – (Pangasinan) mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang
7. Zoilo Hilario – (Kapampangan)
paggamit ng Filipino bilang midyum ng
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWP) opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Ang bagong katawagan sa dating Surian ng
Wikang Pambansa (SWP), ay masigasig sa Seksyon 7 Ukol sa layunin ng
pagbuo ng mga kapakipakinabang na komunikasyon at pagtuturo, ang wikang
programa at patakarang makatutulong sa opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles
lalo at mabilisang pagsulong ng wikang hangga’t walang ibang itinadhana ang
Filipino batay sa itinagubilin ng provisyong batas.
pangwika sa Konstitusyong 1987.
Ang mga wikang panrehiyon ay
PROVISYONG PANGWIKA SA pantulong na mga wikang opisyal sa mga
KONSTITUSYONG 1973 rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga
wikang panturo roon.
Artikulo XV, Seksyon 3
Dapat itaguyod nang kusa at
Ang Saligang Batas na ito ay dapat opsyonal ang Kastila at Arabic.
ipahayag sa English at Pilipino, ang dapat
na mga wikang opisyal, at isalin sa bawat Seksyon 8 Ang konstitusyong ito ay
dayalektong sinasalita ng mahigit na dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at
limampung libong taong-bayan, at sa dapat isalin sa mga pangunahing wikang
Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan, panrehiyon, Kastila at Arabic.
ang tekstong English ang mananaig.
Seksyon 9 Dapat magtatag ng Kongreso
Ang Pambansang Asemblea ay ng isang komisyon ng wikang Pambansa na
dapat na gumawa ng hakbang tungo sa binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng mga rehiyon at mga disiplina na
panlahat na Wikang Pambansa na magsasagawa, mag-uugnay at
makikilalang Pilipino. magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa
PROVISYONG PANGWIKA SA kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
KONSTITUSYON 1987 pagpapanatili.
Artikulo XIV, Seksyon 6-9 YUNIT 4
Seksyon 6 MGA ISYUNG PANGWIKA
Ang wikang pambansa ng Pilipinas TAGALOG / PILIPINO / FILIPINO : MAY
ay Filipino. Samantalang nalilinang ito, PAGKAKAIBA BA?
dapat payabungin at pagyamanin pa batay
sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba WIKANG TAGALOG – Ito ay isang wikang
pang wika. natural, may sariling mga katutubong
tagapagsalita.

Alinsunod sa mga tadhana ng batas WIKANG TAGALOG BILANG WIKANG


at sang-ayon sa nararapat na maaring PAMBANSA
ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng
Nasangkot ang Tagalog sa Lahat ng mga katinig ay binibigkas ng
pambangsang arena ng ideklara ni may patinig sa dulo. Kapag ang isang katinig ay
Presidente Manuel L. Quezon ang wikang binibigkas na may E o I sa dulo, nilalagyan ng
pambansa na batay sa TAGALOG noong tuldok sa itaas ng titik at kapag O o U, ang
Disyembre 30, 1937 (Kautusang tuldok ay inilalagay sa ibaba. Samantala,
Tagapagpaganap Blg. 134). nilalagyan ng tandang krus o ekis sa kanang
WIKANG PILIPINO - Pinalabas ng Kalihim paibaba pagkatapos ng titik kapag ang katinig ay
Jose E. Romero ng Kagawaran ng pabitin. Ang guhit na patayo ay inilalagay sa
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran pagitan ng mga salitang ipinaghihiwalay at
Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na dalawang guhit naman sa pagitan ng mga
nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang pangungusap.
Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO
ay siyang gagamitin. Ang Alfabetong Filipino

TAGALOG IMPERIALISM – Nakondisyon Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng


na ang mga tao sa Tagalog kung kaya’t 28 na letra na ganito ang ayos:
kahit na nabago ang tawag sa wikang
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ,
pambansa (Pilipino, Filipino), Tagalog pa rin
NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
ang itinatawag dito ng mga Pilipino at mga
dayuhan. Sa 28-letrang ito ng alfabeto, 20 letra
Yunit 5 ang nasa dating ABAKADA ( A, B, K, D, E, G, H, I,
L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y ) at 8 letra ang
ANG ORTOGRAPIYANG FILIPINO dagdag dito ( C, F, J, Q, Ñ, V, X, Z ) na galing sa
ANG ALIBATA o BAYBAYIN mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
Bago pa man dumating ang
mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino Ang tawag sa mga letra ng alfabetong
ay matatawag nang sariling Sistema ng Filipino ay ayon sa tawag-Ingles maliban sa Ñ
pagsulat o palatitikan. Ito ay tinatawag na (enye) na tawag-Kastila.
Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 na
katinig at 3 patinig. Ang Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa


Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang
pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod
ng mga letrang bumubuo sa salita, pantig,
daglat, akronim, simbolong pang-agham at iba
pa.

Ang Pasulat na Pagbaybay


Mananatili ang isa-isang tumbas ng 1. Sa pag-uulit ng salitang – ugat o mahigit sa
tunog at letra sa pagsulat na pagbaybay ng mga isang pantig ng salitang-ugat.
salita sa wikang Filipino. Gayon pa man may
Halimbawa:
tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng
walong (8) dagdag na letra. Araw – araw dala – dalawa

Mga Digrapo Isa – isa sari – sarili

Ang digrapo ay kombinasyon ng 2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at


dalawang letrang pinagsama para katawanin ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig
ang isa o dalawang tunog. na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng
ibang kahulugan.
1. Digrapong CH
Halimbawa:
a. Panatilihin ang digrapong CH kapag ang salita
ay hiniram sa orihinal na anyo. Mag – alis pang – ako may – ari

Halimbawa: Nag – isa mang – uto nag – ulat

Chopseuy parachute chateau 3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng


dalawang salitang pinagsama.
Chips charter Chavez
Halimbawa:
b. Palitan ang digrapong CH kung ang tunog
ay /ts/ sa hiniram na salita. Pamatay ng insekto - pamatay – insekto

Halimbawa: Kahoy sagubat - kahoy – gubat

Chalk – Tsok channel – tsanel Humigit at kumulang - humigit – kumulang

Chocolate – tsokolate checklist – tseklist Dalagang tagabukid - dalagang-bukid

2. Digrapong SH Subalit kung sa pagsasama ng dalawang salita


ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan
a. Panatilihin ang digrapong SH kapag ang salita
ng gitling ang pagitan nito.
ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
Halimbawa:
Dalagambukid hanapbuhay
Shampoo Shangri-la Sharon
Buntunghininga bahaghari
b. Palitan ang digrapong SH ng SY kung ang
tunog ay /sy/ sa hiniram na salita. 4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao,
lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,
Halimbawa:
sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang
Workshop – worksyap shooting – syuting pagbabago sa ispeling.

Scholarship – skolarsyip censorship – sensorsyip Halimbawa:

Mga Alituntunin sa Paggamit ng Gitling ( - ) Maka – Diyos Mag-Sprite


Taga – Batangas Mag-Zonrox Ginagamit ang kudlit (‘) kapag may
nawawalang titik sa dalawang salitang pinag-
5. Kapag nilagyan ng panlapi ang salitang hiram
ugnay. Kinakaltas ang titik a sa pang-ugnay na at
at pinanatili ang orihinal na baybay.
at sa panandang ay kapag ikinakabit sa mga
Halimbawa: salitang nagtatapos sa a, e, I, o, u.

Nag – jet I - channel Halimbawa:

Ni – raid in – ambush Ama at ina ama’t ina

6. Kapag ang panlaping ika – ay iniunlapi sa Bayan at tahanan baya’t tahanan


numero o pamilang.
Tayo ay aalis. Tayo’y aalis.
Halimbawa:
Tahanan ay maligaya. Tahana’y maligaya.
Ika – 3 n.h. ika – 20 pahina
Ikaw ay kumain. Ika’y kumain.
Ika – 10 ng umaga ika – 3 na edisyon
Ang Gamit ng Tuldik
Ika – 9 na kabanata ika – 2 na buwan
Ginagamit ang tuldik para maipakita
7. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng kung saang bahagi ng salita naroon ang bigat ng
fraksyon. pagkakabigkas. Bagamat opsyonal ang paggamit
nito, mahalaga ring matutuhan ito ng mga mag-
Halimbawa:
aaral para maiwasan ang pagkakaroon ng
Isang – kapat ( ¼ ) dalawang kahulugan ng mga salitang
magkatulad sa ispeling gayundin sa mga
Tatlong – kanim ( 3/6 )
diksyunaryo.
Lima’t dalawang – kalima ( 5 2/5 )
Halimbawa:
8. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang
Bukas (di nakasara) bukas (kasunod na araw)
apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Hamon (palaman sa tinapay) hamon (simula o
Halimbawa:
sanhi ng away)
Gloria Macapagal – Arroyo
Pito (bilang) pito (laruang
Marian Rivera – Dantes  hinihipan)

9. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang Tayo (kilos) tayo
linya. (panghalip)

Halimbawa: YUNIT 6

Patuloy na nililinang at pinalalawak ang KALIKASAN AT ESTRUKTURA NG WIKANG


paggamit ng Filipino. FILIPINO

Gamit ng Kudlit ( ‘ ) ANG PONEMA


Pinakamaliit na yunit ng tunog ng isang Ang diptonggo ay magkasamang tunog ng
wika na nakapagpapaiba ng kahulugan. patinig at malapatinig sa isang pantig. Ang mga
diptonggo sa wikang Filipino ay ang mga
Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan
sumusunod: iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy.
Ito ay mga pares na salita na
Halimbawa
magkatulad ang bigkas maliban sa isang
ponema subalit hindi nagbabago ng kahulugan. Giliw aliw

/e/at/i/ Luray tunay

Lalake lalaki Ilaw hikaw

Babae babai Kasoy aruy

/o/at/u/ Mga Kambal Katinig o Klaster

sampo sampu Ang klaster ay ang magkasunod na


ponemang katinig sa isang pantig. Ito ay
pito pitu
maaaring Makita sa unahan, gitna o sa hulihang
/r/at/d/ pantig ng salita.

marami madami Halimbawa:

maramot madamot Sa unahan sa gitna sa hulihan

Mga Pares na Minimal kwento eskwela sandwits

Ito ay mga pares na salita na drama kontrata nars


magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban
braso konklusyon beysment
sa isang ponema, at dahil dito ay nagbago ang
kahulugan. ANG MORPEMA

Pinakamaliit na yunit ng salita na


/p/ at /b/ /t/ at /d/ nagtataglay ng kahulugan.
Pala bala lapat lapad Mga Anyo ng Morpema
(spade) (bullet) (fitted) (width) 1. Morpemang Panlapi
  Tinatawag din itong di malayang morpema
/k/ at /g/ /ng/ at /n/ sapagkat kailangan nito ang ibang morpema
gaya salitang-ugat upang magkaroon ng
Titik titig ngawa nawa kahulugan.
(letter) (stare) (laud talk) (may it be so) 2. Morpemang Salitang-Ugat

Ito ay tinatawag ding malayang morpema


Ang Mga Diptonggo
sapagkat ang salitang-ugat ay nagtataglay na ng
kahulugan na gaya halimbawa ng mga salitang Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan.
buhay, lakas, batas at bayan.
Uri ng Pangungusap Ayon sa KAYARIAN
3. Morpemang Binubuo ng Isang Ponema
1. Payak na Pangungusap – ito ay
Senador – Senadora nagpapahayag ng iisang kaisipan.

Doctor – Doktora 2. Tambalang Pangungusap – ito ay


binubuo ng dalawa o higit pang sugnay
Kundoktor – kundoktora
na makapag-iisa.
Ang Mga Panlapi
3. Hugnayang Pangungusap – ito ay
Unahan Gitna Hulihan binubuo ng isang sugnay na makapag-
iisa at isa o dalawang sugnay na di
Kalahi dumalaga aklatan
makapag-iisa.
Tag-araw pinilit
4. Langkapang Pangungusap – ito ay
pistahan binubuo ng dalawa o mahigit pang
sugnay na makapag-iisa at dalawa o
Kinain
mahigit pang sugnay na di makapag-iisa.
Kabilaan Laguhan
Uri ng Pangungusap Ayon sa TUNGKULIN
Paaralan santinakpan
1. Paturol na Pangungusap – ito ay
Palaisdaan magdinuguan tinatawag ding pasalaysay. Ito
nagsasalaysay ng isang katotohanan o
SINTAKSIS
pangyayari. Ito ay binabantasan ng
Ito ay ang pagsasama-sama ng mga tuldok.
salita para magkaroon ng kahulugan sa loob ng
2. Pangungusap na Patanong – ito ay
pangungusap.
nagpapahayag ng pagtatanong o pag-
Pangungusap uusisa. Ito ay gumagamit ng tandang
pananong.
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita
na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay 3. Pangungusap na Pautos – ito ay
binubuo ng panlahat na sangkap, ang panaguri nagpapahayag ng pag-uutos o
at ang paksa o simuno. nakikiusap. Ito ay gumagamit ng tuldok
tulad ng pasalaysay.
Mga Ayos ng Pangungusap
4. Pangungusap na Padamdam – ito ay
1. Karaniwan – nauuna ang panaguri kaysa nagpapakilala ng isang matinding
simuno. damdamin ng pagkabigla, pagkainis o
Bumili ng bagong sasakyan si Peter. pagkagalit. Ito ay gumagamit ng
tandang pandamdam.
2. Di – Karaniwan – nauuna ang simuno kaysa
panaguri at kadalasan ay makikita ang Mga Makrong Kasanayan
panandang “ay”.
PAGSASALITA 1. Daglian o Biglaan. Ito ang uri ng
talumpati na hindi nabigyan ng sapat na
PAKIKINIG
panahon ang mananalumpati na
PAGBASA maghanda sa kanyang sasabihin.
Nalalaman lamang niya ang paksang
PAGSULAT
tatalakayin sa oras ng kanyang
PAKIKINIG – 45% pagtatalumpati.

PAGBASA – 16% 2. Maluwag. Sa uri ng talumpating ito, ang


mananalumpati ay nabigyan ng
PAGSASALITA – 30%
kaunting panahon para paghandaan sa
PAGSULAT – 9% kanyang isipan ang isang balangkas na
magagamit niyang patnubay sa kanyang
Yunit 7
pagtatalumpati.
PAGSASALITA
3. Handa. Ang uri ng talumpating ito ay
Maraming tao ang nagtatagumpay sa nagaganap sa mga formal na okasyon.
hangarin sa buhay dahil sa kanilang kasanayan Ang mananalumpati ay nagkaroon ng
at kakayahang magsalita nang mabisa, mapang- mahabang panahon para paghandaan
akit at kapani-paniwala. Saanmang sektor ng ang kanyang talumpati. Nagkaroon din
lipunan, higit na may oprtunidad ang isang siya ng pagkakataon na makilala nang
taong mahusay magsalita. lubusan ang kanyang mga tagapakinig,
makapili ng angkop na kagamitan o
Ang isang taong mahusay magsalita ay estratehiya na magagamit niya upang
nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: a. higit na maging kawili-wili ang kanyang
siya ay may maayos na kaanyuan, b. may bibigkasing talumpati.
matatag na damdamin at malalim na kaisipan, c.
may sapat na kaalaman sa wika, gramatika at MGA LAYUNIN NG TALUMPATI
retorika, d. may magandang tinig at wastong
1. Magbigay-aliw o Manlibang
intonasyon, e. maayos at malinaw kung
bumigkas ng mga salita at f. may kakayahang 2. Nagpapabatid o Nagbibigay ng
mapanatili ang interes ng mga nakikinig. Kaalaman

ANG TALUMPATI 3. Pumupukaw ng Damdamin o Lumilikha


ng Impresyon
- isang anyo ng panitikan na inihanda
upang basahin o bigkasin sa harap ng mga 4. Nanghihikayat at Umaakit
nakikinig. Layunin ng talumpati na makahikayat
KAILANGAN ANG MAY DISIPLINANG
at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa
KABATAAN
pamamagitan ng malinaw at maayos na
paglalahad ng pangangatwiran. Alcomtiser P. Tumangan

URI NG TALUMPATI Hindi marunong gumalang sa mga


nakatatanda. Tamad at walang tiyaga sa
paggawa. Walang sikap sa pag-aaral at walang ninyo iabot sa akin ang inyong mga kamay at
inaatupag kundi ang bumarkada magpakaligaya ako’y akayin sa tama at matuwid na landas?
sa buhay. Talagang walang disiplina! Maghahalukipkip na lamang ba kayo at
panonoorin habang ako’y nalulunod sa ilog ng
Narinig ko ang masakit na pasaring na
kasamaan?
ito. Ako na isang kabataan ay nasasaktan ngunit
walang magawa. Ibig kong sumigaw ng sumigaw Huwag po… iabot nyo sa akin ang
at lunurin sa alingawngaw ng aking hiyaw ang inyong mga kamay at sagipin ako sa kumunoy
masasakit na bintang. ng kapariwaraan. Alam kong may pag-asa pa
akong magbago…may panahon pa upang
Subalit ano ang aking isisigaw? Ano ang
magbagong – buhay.
aking itututol? Hindi ba’t totoong tayong mga
kabataan ay pabaya at walang disiplina sa sarili? Sabay po tayong magbago. Ako na
Hindi ba naman talagang wala tayong paggalang inyong tinuruan at kayo na nagbigay sa akin ng
sa nakatatanda at wala tayong tiyaga sa pag- mga halimbawa at modelo. Landasin po natin
aaral? Hindi ba’t totoo naman na mahilig lang ang maaliwalas na bukas at maningning na
tayong bumarkada at hanapin ang layaw ng pangarap.
ating katawan? Hindi ba’t totoo namang sa
Narito po ako at nakahanda. Maaari po
murang edad ay marunong na tayong
ba?
manigarilyo, uminom ng alak at magsugal?
Yunit 8
Ngunit ako lamang ba ang dapat na
sisihin sa aking kawalang-disiplina? Ikaw… PAKIKINIG
kayo… hindi ba’t tinuturuan niyo ako ng mga
SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN
maling halimbawa ng pamumuhay? Kanino ko
ba natutuhan ang mga ginagawa ko ngayon, PAGSASALITA PAKIKINIG
kundi sa iyo…sa inyo?
Ang sining ng pakikipagtalastasan ay
Tinuruan niyo akong mahalin ang mga binubuo ng pagsasalita at pakikinig. Ang
kulturang Kanluranin kaya ginaya ko ang mga dalawang gawaing ito ay magkaugnay at hindi
kabataang Amerikano na hindi na marunong maaaring paghiwalayin. Hindi magiging efektiv
mamupo at humalik sa kamay ng mga at makabuluhan ang isa kung wala ang isa. Kahit
nakatatanda. Ipinakita niyo sa akin kung paano gaano kahusay ang pagsasalita, kung hindi
magkamal ng salapi sa pamamagitan ng graft marunong makinig ang mga nakikinig,
and corruption. Tinuruan niyo akong maging mawawalan di ito ng saysay.
tamad at umasa na lamang sa pagsusugal para
Paano nakatutulong ang “PAKIKINIG”:
magkasalapi na walang tumutulong pawis mula
sa aking noo at mga bisig. Hindi ba’t tinuruan 1. Sa loob ng klase
niyo rin akong maghari-harian at manghamak
2. Sa tanggapan o pagawaan
ng pagkatao at karapatang pantao ng aking
kapwa? 3. Sa loob ng tahanan
Sa halip na hamakin at kutyain, bakit 4. Sa ating bansa
hindi ninyo ako turuang magbago? Bakit hindi
Pakikinig – ay ang kakayahang malaman at 5. 5. Pagtugon sa mensahe. Ito ang
maunawaan ang sinasabi ng kausap upang ito reaksyon o sagot sa mga sinabi o
ay matugunan nang wasto at maayos. Ang itinanong ng kausap.
pakikinig ay hindi madaling gawain. Ito ay hindi
MGA LAYUNIN NG PAKIKINIG
lamang pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng pandinig, nangangailangan din 1. Nakikinig para malibang.
ito ng masusing pag-unawa, persepsyon at
2. Nakikinig para makapagnilay-nilay o
interpretasyon sa mensaheng tinanggap
makapag-isip.
PROSESO NG PAKIKINIG
3. Nakikinig para makalikom ng mga
PAGTANGGAP NG MENSAHE impormasyon o kaalaman.

4. Nakikinig para magsuri.

PAGTUON NG ATENSYON SA TINANGGAP NA MGA URI NG PAKIKINIG


MENSAHE
1. Di – Aktivong Pakikinig o Passive
Listening. Ito ang uri ng pakikinig na
hindi gaanong binibigyan ng matamang
PAGMEMEMORYA
pagtuon ng atensyon ang mensaheng
naririnig.

PAGTUGON SA MENSAHE 2. Masigasig o Matamang Pakikinig. Ito


ang pakikinig na ang hangarin ay
1. Pagtanggap ng mensahe. Sa bahaging
maunawaan nang lubos ang nilalaman
ito ginagamit ang tainga bilang
ng usapan upang makuha ang
mahalagang kasangkapan sa
mahahalagang detalyeng binabanggit
pagtanggap ng mensahe.
ng tagapagsalita.
2. Pagtuon ng atensyon sa tinanggap na
3. Kritikal o Mapanuring Pakikinig.
mensahe. Ang mensaheng tinanggap sa
Layunin ng pakikinig na masuri o
pamamagitan ng kasangkapan sa
maevalweyt ang kawastuan at
pandinig ay magiging malinaw kung
katotohanan ng mensaheng
pakikinggang mabuti ang tinanggap na
napakinggan.
mensahe.
4. Masaya o Malugod na Pakikinig. Ito
3. 3. Pagbibigay-kahulugan sa mensahe.
ang pakikinig na may saya at lugod gaya
Ang pag-unawa sa mensaheng
halinbawa ng pakikinig ng musika, dula,
tinanggap ay nakasalalay sa
kwento atbp.
interpretasyon o pagbibigay-kahulugan
ng nakikinig. MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA
SA PAKIKINIG
4. 4. Pagmememorya. Ito ang pagtanda at
paggunita sa mensaheng tinanggap. 1. Kapaligiran
2. Kakayahan at Katangian ng MGA KATANGIAN NG PAGBASA
Tagapagsalita
1. Ang pagbasa ay isang kumplikadong proseso.
3. Kakayahan at Katangian ng Nakikinig
2. Ang pagbasa ay binubuo ng dalawang
4. Mensahe magkaugnay na paraan (two way process).

3. Ang pagbasa ay isang viswal na proseso.

Yunit 9 4. Ang pagbasa ay isang aktivong proseso.

PAGBASA 5. Ang pagbasa ay kinapapalooban ng


sistematikong panglinggwistika.
PAGBASA
6. Ang pag-unawa sa binabasa ay may
- ayon kay Goodman, ito ay isang
kaugnayan sa nakaraang kaalaman at karanasan
psycholinguistic guessing game
(prior knowledge and background experiences).
- ito ay ang pagkilala at pag-unawa sa
URI NG PAGBASA
mga simbulong nakalimbag
a. Malakas na Pagbabasa – karaniwang
- Ang pagbasa ay ang tiyak at maayos na
ginagawa sa harap ng mga tagapakinig
pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita
gamit ang mata at malakas na boses.
upang makabuo ng ng kahulugan at kaisipan.
Layunin nito na magbigay ng
PROSESO NG PAGBASA imformasyon, maglibang at magbigay-
aral sa mga tagapakinig.
PERSEPSYON
b. Tahimik na Pagbabasa – ito ay pansarili.
Sa bahaging ito, kinikilala ang mga simbolong
Mata lamang ang pinagagana habang
nakalimbag.
nagbabasa. Hangarin ng nagbabasa ng
magkaroon ng buong konsentrasyon sa
binabasa upang maunawaan ito ng
KUMPREHENSYON
lubos.
Pag-unawa sa mga mensaheng inihahatid ng
URI NG TAHIMIK NA PAGBASA
mga simbolo.
a. Pahapyaw na Pagbasa – may
kaugnayan sa mabilis na paggalaw ng
APLIKASYON mga mata sa nalimbag na materyal
upang humanap ng imformasyon.
Paglalapat at pagpapahalaga sa mga kaisipang
inilalahad ng awtor. b. Masusing Pagbasa – nangangailangan
ng maraming kasanayan. Sa
pamamagitan ng pagbasang ito,
INTEGRASYON matututunan ang mabilis na pagbasa,
maingat na pagbasa ng mga talata at
Pag-uugnay ng mga bago at dati nang karanasan
at kaalaman ng bumabasa.
pagtuklas ng mga kaugnayan ng bawat 5. Gumamit ng diksyunaryo sa pagtukoy sa
isang talata sa kabuuan ng teksto. kahulugan ng mga salitang hindi
lubusang nauunawaan.
MGA PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA KAISIPAN
6. Sikaping iwaksi ang lahat ng nakakasira
1. Context Clues. Ito ay tumutukoy sa
o nakakaabala sa gawaing pagbabasa.
kahulugang buhat sa pagkakagamit sa konteksto
o pangungusap. 7. Ugaliin ang madalas na pagbasa.
Sinasabing ang kahusayan at katatasan
2. Kasingkahulugan. Ito ay tumutukoy sa mga
sa wika ay matatamo sa pamamagitan
salitang pareho ng kahulugan.
ng pagbabasa.
3. Kasalungat. Ito ay tumutukoy sa mga salitang
Yunit 10
kabaligtaran ng kahulugan.
PAGSULAT
4. Homorapo. Ito ay nangangahulugan ng mga
salitang pareho ang ispeling at bigkas ngunit PAGSULAT
magkaiba ng kahulugan.
Ayon kay Xing at Jin:
5. Heterograpo. Ito ay mga salitang pareho ng
❑  Ang pagsulat ay isang komprehensib na
ispeling ngunit magkaiba ng bigkas at
kakayahang naglalaman ng wastong
kahulugan.
gamit, talasalitaan,pagbubuo ng
6. Kayarian ng Salita. May mga payak na kaisipan, retorika at iba pang mga
salitang maaring lagyan ng panlapi, ulitin o element.
gawing tambalan.
❑ Komprehensib ang pagsulat sapagkat
7. Denotasyon. Ito ang kahulugang hango sa bilang isang makrong kasanayang
diksyunaryo. pangwika, inaasahang masususnod ng
isang manunulat ang maraming
8. Konotasyon. Ito ang kahulugang iba sa
tuntuning kaugnay nito.
karaniwang pakahulugan. Maaaring maging
matalinhaga o may ikalawang kahulugan. ❑ Maituturing ito bilang isang mataas na
PATNUBAY SA MABISANG PAGBABASA uri ng komunikasyon  sapagkat esensyal
dito ang napakaraming element at
1. Tiyakin ang layunin sa pagbabasa. rekwayrment ng gramatika at
2. Alamin ang nararapat na teknik na bokabularyo.
makatutulong sa paghahanap ng Ayon kay Badayos:
imformasyon o detalye sa binabasa.
❑ Ang kakayahan sa pagsulat ng mabisa
3. Kilalanin ang may-akda. ay isang bagay na totoong mailap para
4. Itala ang mahahalagang imformasyon sa nakararami sa atin maging ito’y
hinggilsa aklat o tektong binabasa. pagsulat sa unang wika o pangalawang
wika man.
❑ Sa pagkakataong ito, maaari nating ✔ Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa
tanggapin na ang pagsulat ay isang personal “esteem”.
kasanayang pangwika na mahirap
✔ Ang pagsulat ay nakapanghihikayat sa
matamo. Subalit mayroon tayong
pagkatuto sa maraming larangan na
magagawa…na pag-aralan ang wasto at
gumagamit ng iskil sa pag-awit, sa
epektib na pagsulat.
paggamit ng sining viswal at sistemang
Ayon kay Keller: kinistetiko.

Ang pagsulat ay isang biyaya, ✔ Nakapagpapagaling ng iskil sa pagbasa.


isang pangangailangan at isang kaligayahan
✔ Tumutulong sa mga mag-aaral na
ng nagsasagawa nito.
magkaroon ng inisyativ sa paghahanap
❑ ISANG BIYAYA sapagkat ito ay isang ng impormasyon.
kasanayang kaloob ng Maykapal at
✔ At upang makasunod sa hinihingi o
eksklusib ito sa tao.
rekwayrment ng pag-aaral.
❑ ISANG PANGANGAILANGAN sapagkat MGA LAYUNIN NG PAGSULAT
ang kasanayang pakikinig,pagbasa, at
pagsasalita ay may malaking EKSPRESIV. - Personal pagsulat para
impluwensya upang maging ganap ang maipahayag ang sarili
pagbabago ng ating pagkatao. INFORMATIV. - Upang mabigyan ng
❑ ISANG KALIGAYAHAN sapagkat bilang mahahalagang informasyon, datos at ebidensya.
isang sining, maaari itong maging PERSWEYSIV. - Upang makapanghikayat,
hanguan ng satispaksyon ng sinuman sa mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga
kanyang pagpapahayag ng nasa sa isip o ebidensya o katibayang inihayag.
nadarama.
FORMULARI. - Isang mataas istandardisadong
❑ Ang PAGSULAT pagsulat katulad ng mga kasulatan / kasunduan
sa negosyo / bisnes at iba pang transaksyong
Ang pagsulat ay paraan ng
legal, political at pang-ekonomiya na may
interkomunikasyon ng tao sa
sinusunod na format.
pamamagitan ng arbitraryong simbolo
na minamarkahan upang makabuo ng IMAGINATIV. - Upang mabigyang ekspresyon
isang Sistema. Ang pagsulat ay daan ang mapanlikhang imahinasyon ng manunulat
upang magamit/madebelop ang iskil sa sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, iskrip at iba
pagbasa at pagrereserts at pagdevelop pa.
sa mas mataas na lebel ng pag-iisip.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
⮚ Paghahanda sa pagsulat
✔ Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa
talino dahil sa ginagawang analisis at ⮚ Aktwal na pagsulat
sintesis sa mga nakuhang impormasyon.
⮚ Pag-eedit at pagrerebisa
MGA BAHAGI NG TEKSTO

▪ Panimula: Paksa at Tesis

▪ Nilalaman: Istruktura

▪ Wakas: Paglalagom at Konklusyon

PROSESO NG PAGSULAT AYON KAY RAINES

o Ituon ang atensyon sa isang tiyak na


ideya at hindi sa isang paksa lamang.

o Pagpasyahan ang tiyak na layunin ng


pagsulat.

o Mangalap ng mga impormasyong


makakatohonan.

o Planuhin ang papel at pumili ng mga


materyales mula sa mga nakalap na
impormasyon.

o Gumawa ng burador o draft.

o Baguhin o irebisa ang burador.

You might also like