Professional Documents
Culture Documents
Mga Ninuno:
*Domingo Lamco, sa panig ng ama
(negosyanteng Instik);
*Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng
Tondo na namuno sa isang bigong pag-
aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah
Sulayman ng Maynila)
Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
Ninong: Padre Pedro Casañas
Paboritong kura paroko/parish priest:
Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng
pagrespeto sa karapatan ng ibang tao)
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
Buong Pangalan:
Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso
Realonda
Jose Protacio - First Name
Jose:
Sa karangalan ni San Jose, patron ng mga
manggagawa, asawa ng Birheng Maria,
tatay sa lupa ni Hesukristo
Protacio:
Sa karangalan ni San Protacio (isang
martir; kapistahan/feast day niya tuwing
Hunyo 19)
Mercado:
Tunay na apelyido ng kanyang ama;
nangangahulugang “pamilihan/market” sa
wikang Español
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
Rizal:
Apelyidong pansamantalang pinagamit
kapalit ng Mercado upang makaiwas sa
gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza;
konektado kay Padre Burgos si Paciano
kaya delikado ang apelyidong
Mercado;
mula sa salitang Español na “ricial”
(luntiang lupang tinatamnan ng
trigo/green fields of barley)
Alonso:
tunay na apelyido ng ina noong dalaga
pa/maiden name; middle name ni Jose
Rizal
Realonda:
middle name ng kanyang ina noong dalaga
pa; galing sa lola ni Rizal
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
Mga Kapatid:
1. Saturnina -
Panganay sa kanilang magkakapatid.
2. Paciano –
Tanging lalaking kapatid ni Jose;
tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose
sa Europa; naging heneral ng Hukbo ng
Rebolusyong Pilipino
3. Narcisa -
Matiyagang naghanap ng lugar kung
saan si Jose Rizal ay inilibing
4. Olympia –
Namatay sa 13 oras na panganganak
5. Lucia -
Pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang
mga kababayan
6. Maria -
Pang-anim at nakatatandang kapatid ni
Jose Rizal
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
7. Concepcion –
*Namatay sa sakit sa edad na 3 taon
*Greatest Heartbreak ni Rizal
8. Josefa –
Naging pangulo ng pangkababaihang
grupo ng Katipunan
9. Trinidad –
Tinuruan ni Jose ng Ingles; pinagbigyan
ng lamparang naglalaman ng teksto ng Mi
Ultimo Adios
10. Soledad -
Bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak
sa taong 1870.
Unang guro ni Rizal: Ang kanyang ina
(nagturo ng alpabetong
Kastila/abecedario; pagdarasal sa Latin at
panimulang pagbasa)
Unang pighating naranasan: Pagkamatay
ni Concepcion (Concha) na lagi niyang
kalaro TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
PAG AARAL NI RIZAL
Buhay-High School:
Sa Ateneo Municipal (nasa loob ng
Intramuros, Maynila noon); paboritong
paaralan ni Jose; pinatatakbo ng mga
Heswita/Jesuit
Tulang sinulat sa paglaya ng ina: “Mi
Primera Inspiracion” (My First
Inspiration/Ang Una Kong Inspirasyon)
Unang Guro sa Ateneo: Padre Jose Bech
Paboritong Guro sa Ateneo: Padre
Francisco Sanchez (humikayat sa kanya na
ipagpatuloy ang pagsusulat)
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
PAG AARAL NI RIZAL
1877
Nagtapos sa Ateneo; sobresaliente o
excellent ang marka sa lahat ng
asignatura; tumanggap ng diplomang
Bachiller en Artes (katumbas ng high
school diploma ngayon)
Abril 1877:
Abril 1877:
Pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas
(UST) para magkolehiyo; pinatatakbo ng
mga Dominikano/Dominicans; kumuha ng
Pilosopiya at Letra sa unang taon batay sa
gusto ng ama; lumipat sa Medisina nang
sumunod na taon, batay sa payo ni Padre
Pablo Ramon, rektor ng Ateneo
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
ACHIEVEMENTS
1879
Tulang nagwagi ng unang gantimpala
“A la Juventud Filipina” (Sa Kabataang
Pilipino/To The Filipino Youth); dito
binigyang-diin ni Jose na ang mga
kabataan ang pag-asa ng bayan
Dulang nagwagi ng unang gantimpala
“El Consejo de los dioses” (Ang Pulong ng mga
diyos/The Council of the gods); tungkol sa pag-
aaway-away ng mga diyos at diyosa sa Bundok
Olimpo sa kung sino kina Homer
(Griyegong/Greek sumulat ng “Iliad” at
“Odyssey”), Virgil (nagsulat sa Latin ng
“Aeneid”) at Miguel de Cervantes (Kastilang
nagsulat ng “Don Quijote de la Mancha”) ang
pinakamahusay; nagwagi ito sa
patimpalak/contest na inorganisa ng Liceo
Artistico Literario de Manila para sa paggunita
sa ika-400 taong kamatayan ni Cervantes
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
1882
Nagpasyang sa ibang bansa na lang mag-
aral dahil:
1. Di gaanong mahusay ang pagtuturo sa UST
noon
2. May diskriminasyon sa UST; minamaliit ang
mga Pilipino
3. Galit sa kanya ang mga Dominikano dahil sa
pagtatatag niya ng Compañerismo
(kapatiran/fraternity ng mga Pilipino)
4. Gusto niyang gamutin ang mata ng ina (mas
maganda ang turo sa Europa)
Mayo 1882
Naglakbay papuntang Europa, mula sa Maynila
Ruta mula Maynila (sa pamamagitan ng
barko/ship):
1. Singapore
2. Colombo, Sri Lanka
3. Aden, Yemen
4. terminal sa Suez Canal (Ehipto/Egypt)
5. Italya
6. Pransya
7. Espanya (dumating: Hunyo
TALATURU KU 1882)
GENERAL EDUCATION
“Amor Patrio”
(Pag-ibig sa Bayan o Love of Country);
Unang sinulat sa Europa: Sanaysay/essay.
Gumamit ng sagisag-panulat o pen name na
Laong Laan (“matagal nang inalay”) isinalin sa
Tagalog ni Marcelo H. del Pilar, na gumamit
naman ng pen name na Dolores Manapat;
lumabas sa “Diariong Tagalog” (unang
dyaryong Tagalog sa Pilipinas)
Nobyembre 1882
Pumasok sa Universidad Central de Madrid/UCM;
kumuha ng kursong Pilosopiya at Letra at
Medisina; habang nasa UCM ay umanib siya sa
“Circulo Hispano-Filipino” at sa Masonerya o
Freemasonry. Talumpati sa Madrid: binigkas sa
karangalan nina Juan Luna at Felix Resureccion-
Hidalgo, 2 pintor na Pilipinong nagwagi sa
Pambansang Eskposisyon sa Sining (ng Espanya)
para sa “La Spolarium” at “Virgenes Expuestas Al
Populacho,” na parehong masining na tumuligsa
sa masamang pamamahala ng mga Kastila
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
1884
Binigyan ng lisensya sa medisina; bago
pumunta sa Paris, dinalaw muna ang mga
kaibigan niyang sina Maximo Viola at Pardo
de Tavera na nasa Barcelona
1885
Pumunta sa Paris, Pransya upang magsanay
sa klinika ni Dr. Louis de Weckert; naging
bahagi ng “La Solidaridad” (dyaryo ng
Kilusang Propaganda)
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
Sa Alemanya/Germany:
· Nakilala si Prof. Ferdinand Blumentritt
(Austrian na ethnologist na nananaliksik
tungkol sa wikang Tagalog) na siya niyang
naging pinakamatalik na kaibigan/best friend
· Nagsanay sa ospital na pangmata ng
University of Heidelberg sa pamamahala ni Dr.
Otto Becker
· Habang nasa Heidelberg, sinulat ang tulang
“A las Flores del Heidelberg” (Sa Mga Bulaklak
ng Heidelberg/To the Flowers of Heidelberg);
nagpapakita ng pangungulila sa sariling bayan
· Tinapos at pinalimbag ang “Noli Me Tangere”
sa Alemanya; pinautang siya ng pera ni
Maximo Viola (kaibigan niyang taga-San
Miguel, Bulacan) para sa pagpapalimbag ng
unang 2,000 kopya/sipi ng Noli; bago umuwi
sa Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga
Pilipino sa nobela, ay naglakbay muna siya sa
Europa kasama si Maximo Viola
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
Pagbalik sa Pilipinas:
· Nanggamot at naging makatarungan sa
paniningil (depende sa katayuan o status ng
pasyente ang singil); nakilala bilang Dr.
Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya)
· Pinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero; pinag-
iingat siya nito sa mga tumutuligsa sa Noli;
binigyan siya ng gwardya (Jose Taviel de
Andrade)
· Tinuligsa ng mga prayle ang Noli: sumulat ng
liham-pastoral si Padre Jose Rodriguez na
pinamagatang “Caiingat Cayo” (Mag-ingat
kayo/Beware!); pinag-iingat at
pinagbabawalan niya ang mga tao na basahin
ang sinulat ni Jose na diumano’y subersibo
(laban sa gobyerno) at heretikal (kontra sa
Simbahan)
· Ipinagtanggol din ni Padre Vicente Garcia si
Rizal
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
Pagbalik sa Pilipinas:
· Sinagot ni Marcelo H. del Pilar ng “Caiigat
Cayo” (Maging Igat Kayo/Be Like Eels) ang
batikos ni Rodriguez; pinayuhan niya ang
mga tao na maging parang igat/eel (isang
uri ng madulas na isdang mahirap hulihin)
ang mga tao upang di sila mabitag o ma-
trap sa kasinungalingan ng mga prayleng
galit kay Rizal
· Nagpasya si Rizal na muling maglakbay sa
ibang bansa upang mas malayang
makakilos (sa Pilipinas, mahirap magsulat
o bumatikos dahil malakas ang
impluwensya ng mga prayle)
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
Hulyo 1896
Pinayagan siya ni Blanco na pumunta sa
Cuba; nakaalis ang bapor nila sa Maynila pero
nasa Singapore pa lamang ang barkong
sinasakyan niya’y muli siyang ipinaaresto
(September 30). Nang makarating sa España
ang kanilang barko ay inilipat siya sa isang
barkong militar at ibinalik sa Pilipinas para
ikulong sa Fort Santiago (sa loob ng
Intramuros).
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
Disyembre 8, 1896
Pinamili siya ng magiging abogado niya sa
isang listahan; pinili niya si Luis Taviel de
Andrade
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION
TALATURU KU
GENERAL EDUCATION