You are on page 1of 3

PAHAYAGAN (tabloid)

Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-
araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago
matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang
pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na
ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa
kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay
Ingles ang midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang
presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin
sa radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa
TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa
ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap
talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan.
Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa
Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa
broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong
binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized
journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito
kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita
ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-
circulate sa bansa.

PAGSUSURI SA MGA TABLOID SA PILIPINAS


Ang pahayagan ang isa sa mga pinagmumulan ng mahahalagang impormasyong
hinahanap ng publiko. Kadluan ng mga isipang uhaw sa kaalaman, at dumidilig sa tigang
na paniniwala at prinsipyo.
Bakit nga ba hindi ito tatangkilikin ng masa? Bukod sa mura na, hindi ito tulad ng mga
balita sa radyo at telebisyon na hindi mo na maaaring balikan kapag naipalabas o
naibalita na.
Kabilang sa mga pahayang naghahatid ng serbisyo-publiko sa mamamayang Pilipino ay
ang People’s Journal, Everybody’s Newspapaer; People’s Tonight; People’s Taliba,
Diyaryo ng Makabagong Pilipino; Balita; at Tempo, The Nation’s Fastest Growing
Newspaper. Ito ay ilan lamang sa mga tabloid na naglipana sa bangketa, nag-aamot ng
pansin mula sa mga matang nagtitingin-tingin sa mga naglalakihang ulo ng mga balita.
Subalit alin nga ba sa mga pahayagang ito ang kaparat-dapat sa mata ng publiko? Ano ba
ang ipinagkaiba ng mga ito sa isa’t-isa, at ano ang impluwensyang hatid nito sa lipunan?
Isa-isang binusisi at sinuri ang bawat pahina ng limang napiling pahayagan. Inihalintulad
ito sa bawat isa. Ang mga ito ay mga isyung inilabas noong Enero 25, 2012, Miyerkules.
Sa limang pahayagan, karamihan sa mga balita ay ukol sa isinasagawang paglilitis kay
Chief Justice Renato Corona sa senado. Sa pahayagang Tempo, iniulat nito ang
pagkabagot ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na noo’y kadadalo lamang sa pagdinig.
Samantala, sa pahayagang Balita, binigyang diin din ang pagdinig sa Senado, lamang,
ang inilahad nito ay ang paggamit ng Tagalog sa paglilitis na pinagkasunduan naman ng
mga senador.
Ang pahayagang Balita at Tempo ay parehong pagmamay-ari ni Emilio Yap, isang
negosyante at nagmamay-ari din ng Manila Bulletin. Ang tatlong pahayagang ito ay
kapwa inilathala ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Sapagkat ito ay pahayagan
mula sa iisang kumpanya lamang, aasahan mo nang halos iisa lamang ang nilalaman ng
bawat pahayagan. Lamang, ang Balita ay nasa wikang Tagalog, at ang Tempo naman ay
ang isinaling bersyon nito sa Ingles, subalit may iba pa ring balitang hindi makikita sa
Balita.
Sa kabilang dako, bagama’t naglabas din ng balita ang People’s Journal kaugnay ng
nagaganap na pagdinig kung saan ipinahayag ni Enrile na payag siyang palitan sa pwesto
ng mga kasamang senador bilang pinuno ng paglilitis, mas pinagtuunan ng pansin ng
pahayagan ang kontrobersyal ding pondong nalikom buhat sa mga magniniyog na Pinoy
mula noong 1973 hanggang 1982 na aabot sa P100B.
Ang People’s Tonight naman ay naglabas ng artikulo ukol sa ginawang pagpaslang sa
isang 13-taong gulang na batang babae sa Camarines Sur. Samantalang ang People’s
Taliba ay nag-ulat tungkol sa 15 mangingisdang pinagbabaril habang sa karagatan ng
Basilan.
Iba-iba ang mga naging ulo ng balita ng limang pahayagan. Maliban dito, nagtalakay din
sila ng iba’t-ibang isyu sa lipunan. Sa unang pahina ng pahayagan, ang People’s Taliba,
People’s Journal, at People’s Tonight ay naglabas ng mga tumamang numero sa lotto
noong araw na iyon, pati na rin ang kasalukuyang lagay ng panahon, samantalang ang
dalawa pang pahayagan ay ulat-panahon lamang ang mayroon. Kapansin-pansin din ang
larawan sa unang pahina na kung hindi mga pulitiko ay mga mukha ng mga artista.
Pagdating sa editoryal o opinyon, ang Tempo at Balita ay magkapareho ng nilalaman.
Ang pagdiriwang ng ika-79 kaarawan ni dating Pangulong Cory Aquino, samantalang
samu’t sari naman ang tinalakay sa pahayagan ng People’s Taliba, People’s Journal, at
People’s Tonight. Ang mga pahayagan ng People’s ay kapwa inilathala ng Philippine
Journalists Inc.
Binubuo ng 16 pahina ang People’s Journal; 12 ang People’s Taliba; 16 din naman ang sa
Balita, gayundin ang sa People’s Tonight, at Tempo.
Pare-pareho ang bahagi ng limang pahayagan: Balitang metro/probinsya, pambansa;
editoryal o opinyon, showbiz, libangan, at sports. Ang balitang metro/probinsya ay
naglalaman ng mga lokal na balitang nangyari sa metro o sa mga probinsya, samantalang
ang pambansang balita naman ay ang may kaugnayan sa pangyayari sa gobyerno ng
Pilipinas. Sa editoryal naman lumalabas ang mga komentaryo o opinyon ng mga
kolumnista sa mga kasalukuyan at maiinit na isyu ng lipunan. Nakapaloob din dito ang
mga karikatyur o mga guhit na nagrerepresenta sa isang pangyayari o sa isang tao. Sa
showbiz, sa pahayagang People’s Tonight, matatagpuan ito sa huling pahina ng
pahayagan, hindi katulad ng tipikal na tabloid na makikita ito sa gitnang bahagi. Kabilang
sa mga naging isyu sa pahayagan ang pagpapakasal ni Roman Romulo kay Shalani
Soledad, ang paglipat ni Iza Calzado sa other network, ang balitang pag-ayaw ni Claudine
sa kapuso, paninira ni Tine kay Biggel sa PBB, paglipat ni Carmina Villaroel sa
kapamilya, binyag ng anak nina Ogie at Regine Alcasid, at marami pang iba.
Subalit kapansin-pansin ay ang bilang na dami ng mga produktong ineendorso sa limang
pahayagan, hindi tulad ng Manila Bulletin, Philippine Daily Inquirer at Philippine Star na
halos mapuno na ng mga patalastas ang isang buong pahina na tila natabunan na ang mga
balita. Ilan sa mga produktong ineendorso sa limang tabloid ay ang mga pelikula na
tampok sa bawat pahina ng showbiz. Kabilang din dito ang Chic-Boy, Choco Bites, Black
water, Philtrust Bank, CEU, at Sense & Style.
Sa kabuuan, hindi pa rin maitatago ang kagustuhang kumita ng mga kompanya ng
pahayagan sa pamamagitan ng mga patalastas, subalit nandoon pa rin ang nag-uumapaw
pagnanais ng patnugutan, ang tanging layunin na maghatid ng serbisyo publiko. Ang
maghandog ng tama at patas na balita at impormasyon sa masang Pilipino at magpamulat
ng mga diwang natutulog sa pansitan. Sa mga pahayagang ito, nalaman kong ang hatol
kung sino ang may kredibilidad at integridad ay nakasalalay mismo sa kamay ng mga
mambabasa. Ito ay matatagpuan sa pagbabasa at paghihimay-himay sa mga detalye at
nakapaloob na mensahe sa bawat artikulong hain sa bawat pares ng matang babasa. Ang
mga pahayagan ay may iba’t-ibang anggulong ipinapakita sa bawat isyu ng lipunan,
mayroong sumasalungat, mayroong sumasang-ayon. Anuman ang desisyon ng isang tao
ukol sa isang isyu ay nakabase pa rin sa kanyang paniniwala at prinsipyo. Lamang,
tayong mga mambabasa ay dapat marunong sumuri sa kung ano ang maaaring idulot sa
atin ng ating mga binabasa, kung sino ang sumulat, at kung ang hatid nitong
impormasyon ay nakatotohanan at maaaring panghawakan.
MAGING MATALINONG MAMBABASA SAPAGKAT ANG MALI O HINDI
MAKATOTOHANANG IMPORMASYON AY MAAARING MAKALASON SA
ATING ISIPAN…
- See more at: http://ajenerrodelas.tumblr.com/post/16581695247/pagsusuri-sa-mga-
tabloid-sa-pilipinas#sthash.VVO7HfDi.dpuf

You might also like