Professional Documents
Culture Documents
19-0477
Psych103
UMPUKAN
Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala paramag-
usap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa
bugsong pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang
lumapit paramakiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit. Sa
pagkakataong hindikakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero na ang tanging
magagawa’y manood at making sa mga nag-uumpukan; kung siya ay sasabat, posibleng
magtaas ng kilay ang mga nag-uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida.
Ayon kay 2013). Likas na sa umpukanang kwentuhan kung saan may pagpapalitan,
“pagbibigayan, pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban” (p. 11). Kagaya sa tsismisan,
walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap saumpukan. Subalit di kagaya sa una, ang
umpukan ay puwedeng dumako rin sa seryosongtalakayan, mainit na pagtatalo, masayang
biruan, malokong kantiyawan, at maging sa laro at kantahan.
TALAKAYAN
Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na
nakatuonsa tukoy na paksa. Ito ay maaring pormal o impormal at puwedeng harapan o
mediated o ginamitan ng anumang medya. Ang pormal na talakayan ay karaniwang
nagaganap sa mgaitinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at
programa sa radio kung saan pinipiliang mga kalahok. Sa kabilang banda, ang impormal na
talakayan ay madalas nangyayari saumpukan, at minsan sa tsismisan o di sinasadyang
pagkikita kay may posibilidad na hindi lahatng kalahok ay mapipili. Ang karaniwang layon
ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyungkinakaharap ng isang tao, isang grupo,
buong pamayanan, o buong bansa para makahalaw ngaral, magkaroon ng linaw at
pagkakaunawaan, maresolba ang isa o makakakawing na mga
problema at makagawa o makapagmungkahi ng deesisyon at aksiyon.
Para maabot ang layon, kahingian ang bukal sa loob na pagpapalitan, masinsinang
pagsusuri at pagtatasa, at pagtatahi ng mga opinion, kaalaman at proposisyon.
PANGBAHAY-BAHAY
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay
sa
isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohi
ya,
kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi
sa pagsali sa isang paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto,
kaisipan,Gawain o adbokasiya. Mainam din itong pamamaraan para pag-usapan ang mga
sensitibong isysa isang pamayanan.
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang
mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita. Gumagamit ng Kilos o Galaw ng katawan. Ayon
kay Albert Mehrabian (1971) 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay
di – verbal na komunikasyon. Ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim
na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
1. Kinesika (Kinesics) Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang
paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa
pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating
iparating sa iba.
KOMUNIKASYONG BERBAL
Ang sistemang berbal ay angpaggamit ng wika bilang paraan ng pagbabatid ng kahulugan
at pagpapahayag ng ating iniisip at saloobin. Ito rin ang ginagamit na tinupang lumikha at
magpanatiling magandang relasyon sa kapwa. Sa kabilang banda, nagagamit din ang wika
upang sirain at pigilan ang mga makabuluhang pakikipag-usap o pakikipag-palitangkuro at
maaring humantong sa d imagandang relasyon sa iba.
EKSPRESYONG LOKAL
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng
mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag- usap na ang kahulugan ay hindi ang
literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa
sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.)
Malay mo.
Sayang. (Sayang naman.)
Hay naku.
Susmaryosep!
Anak ng _____!