You are on page 1of 6

MGA TANYAG NA MANUNULAT AT ANG KANILANG SAGISAG PANULAT

MANUNULAT SAGISAG PANULAT


(PSEUDONYMS / PEN NAME)
J. Zulueta Juan Totoó
Clemente Jose Zulueta M. Kaun
Dr. Pio Valenzuela Madlang-Away
Jose Ma. Sison Amado Guerrero
Luis Taruc Alipato
Juan Crisostomo Soto Crissot
Lope K. Santos Anak-Bayan at Doctor Lukas
Jose Turiano Santiago Tiktik
Moises Salvador Araw
Hugo Salazar Ambut
José Protacio Rizal Mercado y Alonso Dimas-alang, Laong-Laan, Agno, at
Realonda Calambeño
Mariano Ponce Naning, Tikbalang, at Kalipulako
Pascual H. Poblete Anak-Bayan
Jose Maria Panganiban Jomapa, at J.M.P.
Rafael Palma Hapon, at Dapit-Hapon
Jose Palma Ana-haw, Esteban Estebanes, at Gan Hantik
Apolinario Mabini Bini, at Paralitico
Juan Luna J.B., at Buan
Antonio Luna Taga-ilog
Sixto Lopez Batulaw
Jesus Lava B. Ambrosio Rianzares
Nick Joaquin Quijano de Manila
Emilio Jacinto Dimas-ilaw, at Pingkian
Amado Hernandez Amante Ernani, Herininia de la Riva, at Julio
Abril
Antonio K. Abad Akasia
Jose Abreu Kaibigan
Macario Adriatico Amaori, C. Amabri, at Felipe Malayo
Faustino Aguilar Sinag-Ina
Emilio Aguinaldo Magdalo
Virgilio Almario Rio Alma
Pascual Alvarez Bagong buhay
Aurelio Alvero Magtanggul Asa
Cecilio Apostol Catulo, Calipso, at Calypso
Francisco Arcellana Franz Arcellana
Pedro de Govantes de Azcarraga Conde de Albay
Francisco dela Cruz Balagtas Francisco Baltazar

UNIVERSITY OF EASTERN Malikhaing Pagsulat (ELECTIVE 1) 1


PANGASINAN
Asuncion Lopez Bantug Apo ni Dimas
Jose Ma. Basa Isaac Fernando delos Rios
Fernando Ma. Guerrero Fluvio Gil
Nestor Vicente Madali Gonzalez N.V.M. Gonzalez
Domingo Gomez Romero Franco
Salvador Vivencio del Rosario X at Juan Tagalo
Mariano del Rosario Tito-Tato
Severino Reyes Lola Basyang
Valeriano Hernandez Peña Ahas na Tulog, Anong, Damulag, Dating Alba,
Isang Dukha, Kalampag, at Kintin Kulirat
Epifanio delos Santos G. Solon

Severino de las Alas Di-kilala


Marcelo H. Del Pilar Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat,
Siling Labuyo, Kupang, Haitalaga, Patos,
Carmelo, D.A. Murgas, L.O. Crame D.M.
Calero, Hilario, at M. Dati
Jose dela Cruz Huseng Sisiw
José Corazón de Jesús Huseng Batute
Felipe Calderon Simoun, at Elias
Andres Bonifacio Agapito Bagumbayan, at May pag-asa
Gen. Vito Belarmino Blind Veteran
Bautista Ba Basiong

Mga Karagdagang Lupon ng Kaalaman:


1. Jose Rizal: Doktor ng mga panitik
Kilala si Rizal sa mga akdang nakasulat sa wikang Kastila, ngunit lingid sa
kaalaman ng nakararami, sumulat din siya ng mga tula sa Tagalog.
Isa sa mga pamana ni Rizal ang tulang “Sa Aking mga Kababata,” ang
kaunaunahang tulang isinulat niya gamit ang katutubong wika sa edad na walong taon.
Halaw ang mga sumusunod na linya na nagpapakita ng kanyang pagiging
nasyonalistiko simula pa noong kanyang kabataan: Ang hindi magmahal sa kanyang
salita/ Mahigit sa hayop at malansang isda/ Kaya ang marapat pagyamaning kusa/ Na
tulad sa inang tunay na nagpala.
Kabilang din sa kanyang mga tulang nakasulat sa Tagalog ang “Awit ni Maria
Clara,” na bahagi ng nobelang Noli me Tangere, at “Kundiman,” na nagpapakita ng
pag-ibig sa tinubuang bayan.
Sumulat din si Rizal ng liham para “Sa Mga Kababayang Dalaga ng Malolos”
noong 1889 upang suriin ang katayuan ng kababaihang Pilipina noong panahong iyon,
at bigyang-puna ang hiling nilang makapag-aral ng wikang Kastila.
Sa limang taon niyang pamamalagi sa Unibersidad mula 1877 hanggang 1882,
nakapagtapos siya ng Metapisika mula sa dating Faculty of Philosophy and Letters
(Faculty of Arts and Letters na ngayon) at nag-aral ng isang taon sa Faculty of Medicine
and Surgery. Tumungo siya sa bansang Espanya para ipagpatuloy ang pagkuha ng
Medisina, kung saan siya naging manunulat sa pahayagang La Solidaridad gamit ang
sagisag-panulat na “Laon Laan” at “Dimasalang.”

UNIVERSITY OF EASTERN Malikhaing Pagsulat (ELECTIVE 1) 2


PANGASINAN
2. Marcelo del Pilar: Patnugot ng reporma
Naging patnugot ng La Solidaridad si Marcelo Del Pilar gamit ang sagisagpanulat
na “Plaridel,” at itinatag ang Diariong Tagalog, isang pahayagang gumising sa
kaisipang makabayan ng mga mahihirap na Pilipino.
Sumulat si Del Pilar ng mga satira sa Tagalog laban sa mga Kastilang prayle,
gaya ng “Dasalan at Tuksuhan” at “Kaiingat Kayo.” Tinuligsa ng mga ito ang bulok na
pamamalakad ng mga dayuhang pari. Ilan sa mga linya ang “Amain Namin” (“Amain
naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman
mo, gilitin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit…”), “Aba Guinoong Baria” (“Aba
guinoong barya nakapupuno ka nang alkansya…”) at “Ang Mga Utos Nang Prayle”
(“Ang mga utos nang prayle ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang prayle na lalo
sa lahat…”)
Nagtapos ng kursong abogasya si Del Pilar sa Unibersidad noong 1880 at naging
isa sa mga pangunahing propagandista noong panahon ng Kastila.

3. Emilio Jacinto: Katipunerong manunulat


Kinilala bilang “Utak ng Katipunan,” nagsilbing kanang kamay ni Andres
Bonifacio si Emilio Jacinto sa pamamahala ng mga Katipunero noong panahon ng
Kastila. Kumuha si Jacinto ng abogasya sa Unibersidad mula 1893 hanggang 1896,
ngunit hindi niya ito natapos dahil sa pagsali niya sa kilusan.
Gamit ang sagisag-panulat na “Dimas-Ilaw,” naging patnugot si Jacinto ng Ang
Kalayaan, ang opisyal na pahayagang Tagalog ng lihim na samahan.
Kabilang din sa kanyang mga akda ang Kartilya, na naglalaman ng 13
panuntunan ng Katipunan tungkol sa pag-ibig at pagpapahalaga sa kapwa. Kabilang
dito ang mga panuntunan ukol sa pagkakapantay-pantay (“Maitim man o maputi ang
kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay…”) at pagpapahalaga sa kababaihan
(Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan, kundi isang katuwang
at karamay sa mga kahirapan nitong buhay…”).

4. Manuel Quezon: Patron ng wika


Bilang unang pangulo ng pamahalaang Komonwelt mula 1935 hanggang 1945,
malaki ang naitulong ni Manuel Quezon sa pagpapaunlad ng paggamit ng ating wika.
Sa tulong ng pitong kasapi ng National Language Institute, idineklara ni
Pangulong Quezon ang wikang Tagalog bilang wikang pambansa noong Disyembre 30,
1937. Dahil dito, kinilala siya bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”
Noong 1959, pinalitan ang Tagalog ng wikang “Pilipino” dahil sa pagtuligsa ng
ibang mga katutubo na gawin itong pambansang wika na bukas sa wika ng kanilang
rehiyon. Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1987, pinalitan ang wikang Pilipino ng “Filipino.”
Nakapagtapos si Quezon ng kursong abogasya sa Unibersidad noong 1903, at naging
pang-apat siya sa may pinakamataas na marka sa bar examinations.

5. Jose Villa Panganiban: Ama ng Varsitarian


Bukod sa pagtatag ng Varsitarian noong 1928, itinuturing na pinakamahalagang
naiambag ni Jose Villa Panganiban sa kaban ng panitikang Filipino ang
DiksyunaryoTesauro Pilipino-Ingles, na kinilala bilang pinakatiyak na akda ukol sa
Filipino bilang pambansang wika.
Ilan sa kanyang mga isinulat ang “Panitikan ng Pilipinas Sa Filipino At Mga Katutubong
Wikain,” “Panitikan Ng Pilipinas” at “Isip, Wika at Damdamin Sa Pilipino.”
Nakapagtapos si Panganiban sa Unibersidad ng Litt. B. in Journalism mula sa
dating Faculty of Philosophy and Letters noong 1929 at bachelor of Secondary
Education noong 1935.

UNIVERSITY OF EASTERN Malikhaing Pagsulat (ELECTIVE 1) 3


PANGASINAN
Bilang pag-alaala sa dating komisyoner sa Wikang Filipino, isinulat ni Dr. Vicente
Rosales, Sr., dating punong patnugot ng Varsitaiian, ang librong Jose Villa Panganiban
(1903-1972): A Personal Memoir.

6. Alejandro Abadilla: Pag-unlad ng sariling wika


Nagtapos ng Pilosopiya noong 1931, itinatag ni Alejandro Abadilla ang
Kapisanang Balagtas na naglalayong palaguin ang paggamit ng wikang Tagalog. Dahil
dito, binansagan siyang “Ama ng Makabagong Tulang Tagalog” ni Pedro Ricarte, kritiko
ng panitikan at tumanggap ng Gawad Palanca para sa Sanaysay noong 1983. Naging
patnugot si Abadilla ng magasing Panitikan, na naglayong maiangat ang kalidad ng
panitikang Tagalog.
Sa tulong din niya, naitatag ang Kapisanang Panitikan noong 1935, na binubuo
ng mga sakdalista at aristokrata. Kabilang sa samahan ang mga manunulat sina
Teodoro Agoncillo, Brigido Batungbakal, at Genoveva Edroza-Matute.
Nakilala si Abadilla sa kanyang mga nobelang Sing-ganda ng Buhay at Pagkamulat ni
Magdalena, gayundin ang koleksiyon ng mga tulang “Ako ang Daigdig at Iba Pang
Tula” at “Piniling mga Tula ni AGA.”

7. Ponciano B.P. Pineda: Tomasinong Filipinologist


Itinuring si Ponciano Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil
sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang
Batas. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga
sosyolinggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na
rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino.
Inilathala ni Pineda ang Diksyunaryo ng Wikang Filipino, na nagsilbing
pundasyon ng pambansang leksikograpiya.
Sa tulong ng dating kalihim ng Kagawaran ng Pilipino na si Jose Villa Panganiban,
nakapagtapos si Pineda sa Unibersidad noong 1948 sa kursong Associate in Arts. Bukod
dito, naging patnugot rin si Pineda ng Filipino sa Varsitarian.
Bukod sa pagiging isang magaling na awtor ng librong pang-akademiko, isa rin
siyang Filipinologist o eksperto sa kulturang Pilipino.
Kabilang sa kanyang mga akdang pambalarila ang “Pagpupulong: Mga Tuntunin
At Pamamaraan,” “Pandalubhasaan Sining Ng Komunikasyon,” at “Sining Ng
Komunikasyon Para Sa Mataas Na Paaralan.”
Pinarangalan ng Gawad Palanca si Pineda ng una at ikalawang gantimpala para
sa kanyang mga maikling kuwentong “Ang Mangingisda” (1958) at “Malalim ang Gabi”
(1953).
Bilang isang natatanging alagad ng sining, iginawad din kay Pineda ang Parangal
Hagbong ng Varsitarian noong 2001.

8. Rogelio Sicat: Masining na mamamahayag


Bilang isang manunulat at guro, nakilala si Rogelio Sicat sa kanyang maikling
kuwentong “Impeng Negro,” na nagtamo ng ikalawang gantimpala sa Gawad Palanca
noong 1962. Unang lumabas ang Impeng Negro sa pahayagang pampanitikang
Liwayway noong 1962. Tungkol ito kay Impeng, isang “Fil-Am” na tinutukso dahil sa
kanyang kulay at nasyonalidad.
Nagtapos si Sicat ng kursong Journalism sa Unibersidad noong 1964, kung saan siya
naging patnugot ng Panitikan ng Varsitarian. Kabilang sa kanyang mga akda ang Dugo
sa Bukang-liwayway, Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay, at Tatlo sa Tanghalan.

9. Bienvenido Lumbera: Makabayang kritisismo


Dahil sa kanyang mga akdang umaadhika sa pagsulong ng wika at panitikang
Filipino, hinirang noong Hunyo si Bienvenido Lumbera bilang Pambansang Alagad ng
Sining sa Panitikan.

UNIVERSITY OF EASTERN Malikhaing Pagsulat (ELECTIVE 1) 4


PANGASINAN
Isinulong ni Lumbera ang pagpapahinto ng English-only requirement sa pagtuturo. Ilan
sa kanyang mga akda ang , Likhang Dula, isang koleksiyon ng kaniyang mga tula, at
Abot-Tanaw: Sulyap at Suri sa Nagbabagong Kultura at Lipunan, isang akdang
kritisismo.
Kumuha si Lumbera ng kursong Journalism sa UST noong 1950 at naging patnugot ng
Panitikan sa Varsitarian noong 1953.

10. Cirilo Bautista: Makatang bilingual


Noong 1993, hinirang si Cirilo Bautista bilang “Makata ng Taon” ng Komisyon
ng Wika dahil sa kanyang tulang “Ulat Buhat sa Bulkan” na tungkol sa kanyang
panghihinayang nang mabaon sa mga abo ng bulkan ang kanyang pinaghirapang mga
katha. Napatunayan din niya ang kahalagahan ng pagsusulat sa parehong wikang
Ingles at Filipino dahil sa kanyang magagandang akda tulad ng Ilang Aeta Mula sa
Botoan.
Nakapagtapos si Bautista na magna cum laude sa kursong Literature noong
1963. Kabilang sa kanyang mga naisulat ang tulang “Kirot ng Kataga,” na tungkol sa
kanyang pagtuligsa sa gobyernong mapaniil at abusadong mga dayuhan; at ang
nobelang Galaw ng Asoge na tumutukoy sa masalimuot na bagyo sa pulitika at lipunan
noong dekada sisenta at sitenta.

11. Leonardo Mercado: Ama ng Filipinong Pilosopiya


Bukod-tanging nakilala si Leonardo Mercado sa kanyang pagsulat tungkol sa
Pilosopiya, Teolohiya at Linggwistikong Filipino mula pa noong dekada ‘70.
Tatlong dahilan ang nagtulak kay Mercado na magsulat tungkol sa Pilosopiyang
Filipino. Kabilang dito ang paniniwala niya sa religious nationalism o pagkilala sa mga
paring Pilipino.
Naging inspirasyon din kay Mercado ang panahon bago ang Batas Militar. Nagtapos ng
doctorate in Philosophy sa Unibersidad noong 1973, tumatak sa kanyang isipan ang
pagiging utak-kolonyal ng mga Pilipino. Sa kanyang artikulong “On Filipino Identity and
Intellectual Colonialism,” idiniin ni Mercado na ang pagiging makanluranin ng ating
sistema ng edukasyon ang siyang dahilan kung bakit nawawala ng pagkakakilanlan
ang mga Pilipino.
“Malalaman ang pilosopiya ng isang kultura sa pamamagitan ng pag-aaral ng
wika nito,” aniya sa Varsitarian.
Dagdag pa niya, mabisang instrumento ang Pilosopiyang Filipino sa pagkakaroon ng
inkulturasyon, o pag-aangkop ng kultura.
Nagkamit si Mercado ng Catholic Writer’s Award noong 1995, at naitalaga siya
bilang kalihim ng Episcopal Commission for Interreligious Dialogue ng Catholic Bishops’
Conference of the Philippines mula 1999 hanggang 2005. Kasalukuyan siyang direktor
ng Divine Word Missiological Education and Research Office at nagtuturo sa UST
Graduate School.
Kabilang rin sa kanyang mga akda ang Essays on Filipino Philosophy, Filipino
Face of Christ, Inculturation and Filipino Theology, Political and Legal Philosophies:
Western, Eastern and Filipino, The Filipino Mind, at Elements of Filipino Ethics.

12. Michael Coroza: Makata ng bagong henerasyon


Pinagkalooban si Michael Coroza ng Gawad Pagkilala ng Komisyon sa Wikang
Filipino noong Abril 2005 bilang pagpapahalaga sa kanyang mga naiambag sa
panitikan.
Nagkamit siya ng apat na parangal mula sa Gawad Don Carlos Palanca para sa
Panitikan para sa kanyang sanaysay na “Si Nanay, Si Lolo Ceferino, Ang Lira, at si Eliot
o ang Henesis ng Aking Pananaludtod” (2002), at tatlong tulang “Putol” (1991), “Ako,
Bana, Ama” (1998), at “Mga Lagot na Liwanag” (2001).

UNIVERSITY OF EASTERN Malikhaing Pagsulat (ELECTIVE 1) 5


PANGASINAN
Nakapagtapos si Coroza sa kursong Philosophy noong 1990 at naging patnugot
ng Filipino sa Varsitarian noong 1990. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa UST Graduate
School.
Isinalin din ni Coroza sa wikang Filipino ang ilan sa mga akda nina Nick Joaquin, N.V.M.
Gonzalez, Bienvenido Santos, at dating pangulong Diosdado Macapagal.

13. Josephine Acosta-Pasricha: Indolohistang Pilipino


Bilang isang indolohista o eksperto sa kulturang Indian, isinalin ni Josephine
Pasricha sa wikang Filipino ang epikong Ramayana ni Valmiki, at ang pitong aklat ng
Ramacharitamanasa ng makatang si Tulasi Dasa. Naging patnugot din siya sa
pagsasalin sa Filipino ng Kama Sutra nina Marvin Reyes at Paz Panganiban.
Kasalukuyang nagtuturo si Pasricha ng Katolikong peminismo sa UST Graduate School.
Nakapagtapos si Pasricha sa kursong Philosophy noong 1964, masters in
Philosophy noong 1976 at doctorate in Philosophy noong 2000 sa Unibersidad. May-ari
rin siya ng isang travel agency at madalas nagpupunta sa ibang bansa para ikonteksto
sa kaniyang mga estudyante ang kultura ng dayuhan sa Filipino. Nagsilbing
instrumento ang mga Tomasino sa pagbabago at pagyaman ng wikang Filipino sa
kanilang mga naging kontribusyon. Sa pagsulat at pagbigkas gamit ang sariling wika,
naipakita nila sa mga Pilipino ang kahalagahan ng sariling pagkakilanlan, sa puso,
salita, at diwa. Raychel Ria C. Agramon at Lee V. Villanueva.

UNIVERSITY OF EASTERN Malikhaing Pagsulat (ELECTIVE 1) 6


PANGASINAN

You might also like