You are on page 1of 5

panitikan sa panahon ng propaganda

1. PANAHON NG PAGBABAGONG ISIP

2. KALIGIRANG KASAYSAYAN

3. •Tatlong paring martir noong Pebrero 17, 1872. •Diwang liberalism sa pamamagitan ng pagbubukas
ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. •Ang pagkakadala sa kapuluan sa liberal na lider na si Jose Ma.
De la Torre.

4. ANG KILUSANG PROPAGANDA

5. •Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal: •Jose Rizal •Marcelo H. del Pilar •Graciano Lopez Jaena
•Mariano Ponce •Jose Ma. Panganiban •Pedro Paterno atbp.

6. LAYUNIN NG KILUSANG ITO: •Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa


ilalim ng batas. •Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

7. LAYUNIN NG KILUSANG ITO: •Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng


Espanya. •Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko.

8. LAYUNIN NG KILUSANG ITO: •Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita,
pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

9. MGA TALUKTOK NG PROPAGANDA

10. JOSE RIZAL MARCELO H. DEL PILAR GRACIANO LOPEZ JAENA

11. JOSE RIZAL •Ginamit ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang bilang sagisag panulat.

12. MGA AKDA

13. 1. NOLI ME TANGERE •Ito ang kaunahan at walang kamatayang nobela na nagpasigla nang malaki sa
Kilusang Propaganda at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. •Inilantad ang mga
kasamaang naghahari sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas. •Tumalakay sa mga sakit ng lipunan.

14. 2. EL FILIBUSTERISMO •Karugtong ng Noli. •Naglalantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama


rito ang katulong ngunit higit na makapangyarihan, ang simbahan.

15. 3. MI ULTIMO ADIOS •Ito ay kanyang isinulat nang siya ay nakakulong sa Fort Santaigo. •Ipinalagay
ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.

16. 4. SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINOS •Hinggil sa kasamaan ng mga Pilipino. •Isang sanaysay na
tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.

17. 5. FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS •“ANG PILIPNAS SA LOOB NG SANDAANG TAON” •Ito ay
sanaysay na nagpapahiwatig na ang panahon ng interes ng Europa ay mababawasan , samantalang ang
impluwensya ng Estados Unidos mararamdaman. •Hula ni Rizal, “kung may sasakop muli sa Pilipinas,
walang iba kundi ang Estdos unidos.

18. 6. A LA JUVENTUD FILIPINO •“SA KABATAANG PILIPINO” •Isang tula na inihandog niya sa mga
kabtaang Pilipinong nag- aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas.
19. 7. EL CONSUEJO DE LOS DIOSES •“ANG KAPULUNAGN NG MGA BATHALA” •Ito ay isang dulang
patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.

20. 8. JUNTO PASIG •“SA TABI NG PASIG” •Isinulat niya ito nung siya ay 14 taong gulang.

21. 9. ME PIDEN VERSOS •“HINILINGAN NILA AKO NG TULA” (1882) – “A LAS FLORES DE HEIDELBERG”
(1882) •Ang dalawang tulang ito nagpapahayag ng mga di pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

22. 10. NOTAS A LA OBRA SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS POR EL DR. ANTONIO DE MORGA •“MGA
TALA SA AKDANG PANGYAYARI SA PILIPINAS NI DR. ANTONIO DE MORGA”

23. 11. P. JACINTO: MEMORIAS DE UN ESTUDIANTE DE MANILA •“P. JACINTO: MGA GUNITA NG ISANG
ESTUDYANTE SA MANILA”

24. 12. DIARYO DE VIAJE DE NORTE AMERIKA •“TALAARAWAN NG PAGLALAKBAY SA HILAGANG


AMERIKA”

25. MARCELO H. DEL PILAR

26. •Kilala sa kanyang sagisag panulat na: •PLARIDEL •PUPDOH •PIPING DILAT •DOLORES MANAPAT
•SILING LABUYO

27. •Itinatag ang “diyaryong tagalog” noong 1882, na pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa hindi
mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila.

28. •Nang dumating siya sa Espanya ay hinalinhan niya si Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad na
naging tagapamansag ng mga banal na mithiin na ikapagkakaroon ng mga kaluwagan sa pamahalaan ng
mga Pilipino.

29. MGA AKDA: 1. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA - salin sa sa tulang “amor patrio” ni Rizal na
napalathala noong Agosto 20, 1882 sa “Diaryong Tagalog”.

30. 2. KAIIGAT KAYO – ito ay isang pabiro at pauyang tuligsa sa tugon ni P. Jose Rodriguez sa Noli ni Rizal;
inilathala sa Barcelona noong 1888.

31. 3. DASALAN AT TOCSOHAN – akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na
inilantad sa Barcelona, 1888.

32. “Amain namin sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin
ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyong inarao-
arao at patawarin momkami sa iyong pag- ungal para nang taua kung kami’y nacucualtahan, at huwag
mo kaming ipahintulot sa inyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila. Amen

33. 4. ANG CADAQUILAAN NG DIYOS – isang hawig katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na
inilathala sa Barcelona. Nagtataglay ng Pilosopiya sa kapangyarihan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga,
at pag-ibig sa kalikasan.

34. 6. DUPLUHAN…DALIT…MGA BUGTONG – ito’y katipunan ng maiiksing tula at pang-aapi ng mga


prayle sa Pilipinas.
35. 7. LA SOBERANA EN FEILIPINAS – isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di makatarungang
ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino. 8. POR TELEPONO 9. PASIONG DAPAT IPAG-ALAB NG PUSO NG
TAONG BABASA

36. GRACIANO LOPEZ JAENA

37. •Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa ng mga
makabagong Pilipino na tinitipon at inililimbag sa imprenta ni Remegio Garcia, dating may=ari ng
tindahan ng aklat, “Manila Flatica.”

38. MGA AKDA: 1. ANG FRAY BOTOD – tinulligsa ang mga Prayle na masiba, ambisyoso at immoral ang
pagkatao.

39. 2. LA HIJA DEL PRAILE at ang EVERYTHING IS HAMBUG - Ito ay ipinaliwanag ni Jaena ang mga
kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.

40. 3. SA MGA PILIPINO – isang talumpati na ang layunin mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
Malaya, maunlad, at may karapatan.

41. 4. TALUMPATING PAGGUNITA KAY KOLUMBUS – noong ika-391 anibersaryo sa pagkakatukals ng


Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.

42. 5. EN HONOR DEL PRESIDENTE MORAYTA DELA ASUNCION HISPANO PILIPINO – pinuri ni Jaena si
Hen. Morayta sa pagpapantay- pantay niya sa mga tao.

43. 7. EN HONOR DE LOS ARTISTAS LUNA Y RESURRECCION HIDALGO – matapat na papuri sa kanilang
mga iginuhit na mga larawan ng mga kalagayan ng mag Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

44. 7. AMOR A ESPANA O ALAS JOVENAS DE MALOLOS (Pag- ibig ng Espanya sa mga kababaihan ng
Malolos). Pag- aral sa mga Kastila ng mga babae na ang guro ay Gobernador ng lalawigan ang
magbibigay.

45. •8. EL BANDOLERISMO EN PILIPINAS – ipinagtanggo niya na walang tuklisan sa Pilipinas at dapat
magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailanagang (Pilipinas) baguhin upang hindi mahirapan
ang Pilipinas.

46. 9. HONOR EN PILIPINAS (Karangalan sa Pilipinas) – ang pagwawagi sa mga eksposisyon nina Luna,
Resurreccion, at Padro de Tavera na ang katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

47. 10. PAG-AALIS NG BUWIS SA PILIPINAS 11. ISANG PAGLINANG SA “INSTITUCION NG PILIPINAS” 13.
MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS – tinutukoy ang maling pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas – 1887.

48. IBA PANG MGA PROPAGANDISTA

49. ANTONIO LUNA 1.NOCHE BUENA – naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino. 2.SE DIVIERTEN
(naglilibang sila) – isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng
mga nagsisipagsayaw.

50. 3. LA TERTULIA FILIPINA (sa piging ng mga Pilipino) – naglalahad ng isang kaugalian Filipino na
ipinalalagay niyang lalaong Mabuti kaysa kaugaliang Kastila.
51. 4. POR MADRID – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya
ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisilangan ng selyo.

52. 5. LA CASA DE HUESPEDES (Ang pangaserahan) - naglalarawan ng isang pangaserahan na ang


kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumite, kundi upang maihanap ng mapapangsawa
ang kanyang anak.

53. 6. IMPRESIONES – ito’y isang paglalarawan ng ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag- aaral na
naulila sa amang kawal.

54. MARIANO PONCE •Ay nagging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng


Kilusang Propaganda. •Ang kanyang mga sagisag panulat ay: TIKBALANG, KALIPULAKO at NANING.

55. MGA AKDA: 1. MGA ALAMAT NG BULAKAN – naglalaman ng mga alamat at kwentong-bayan ng
kanyang bayang sinilangan. 2. PAGPUGOT KAY LONGINO – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan
ng Malolos, Bulakan. 3. SOBRE FILIPINAS 4. ANG MGA PILIPINO SA INDO-TSINA

56. PEDRO PATERNO •Isang iskolar,dramateryo, mananliksik, at nobelista ng Kilusang Propaganda.

57. 1.NINAY – kaun-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino. 2.A MI
MADRE (Sa Aking Ina) – nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malingkot ang isang
tahanan kung wala ito. 3.SAMPAGUITA Y POESIAS VARIAS – Katipunan ng kanyang mga Tula.

58. JOSE MA. PANGANIBAN •Ikinubli ang pangalan sa sagisag panulat na JOMAPA •ANG LUPANG
TINUBUAN •SA AKING BAHAY •SU PALAN DE ESTUDIO •EL PENSAMIENTO

59. ANG PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK

60. •Hindi ipinagkaloob sa mga Pilipino ang hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi
ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala at nagging mahigpit pa ang pamahalaan
at simbahan.

61. TALUKTOK NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK: •Ang kinilalang taluktok o pinakalider ay sina Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini.

62. ANDRES BONIFACIO •Kilala bilang “ama ng demokrasyang Pilipino” ngunit higit sa lahat, bilang “Ama
ng Katipunan” •Umanib sa “La Liga Filipina”

63. MGA AKDA: 1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa sampung
utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilayang ito. 2. HULING PAALAM – salin sa tagalog ng “Mi Ultimo
Adios” 3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo
H. del Pilar.

64. APOLINARIO MABINI •EL VERDADO DECALOGO (Ang Tunay na Sampung Utos) – ito ang ipinalalagay
na kanyang pinaka “obra maestra” na ang pinakahangarin niya rito ay magpalaganap ng nasyonalismong
Pilipino. •EL DESAROLLO Y CAIDA DE LA REPUBLIKA FILIPINA (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang
Pilipino) •SA BAYANG PILIPINO •PAHAYAG

65. EMILIO JACINTO •Ay kinilalang “Utak ng Katipunan”, sapagkat tumayo siya bilang kanang-kamay ni
Bonifacio. •Sagisag panulat: DIMAS ILAW
66. MGA SINULAT: 1.KARTILYA NG KATIPUNAN 2.LIWANAG AT DILIM – kalipunan ng kanyang mga
sanaysay na may iba’t ibang paksa, tulad ng kalayaan, paggawa, paniniwala, pamhalaan, at pag-ibig s
bayan.

67. Buhat sa liwanag at dilim: Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningi. Ang liwanag ay
kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung
tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak
ng dumampot. Ang ningning ay madaya.

68. JOSE PALAM Y ELASQUEZ •Ang kanyang mga tula ay tinipon sa isang akalat na pinamagatang
“MELANCOLICAS.” •Siya ang may titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

69. PAHAYAGAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN: 1. HERLADO DE LA REVOLUCION – naglalahathala ng


mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawing
gumigising sa damdaming makabayan. 2. LA INDEPENDENCIA – pinamatnugutan ni Antonio Luna na
naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas.

70. 3. LA REPUBLIKA FILIPINA – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898. 4. LA LIBERTAD –


pinamatnungutan ni Clemente Zulueta.

You might also like