You are on page 1of 2

Ondevilla, Arminda D.

Ika- 5 ng Pebrero, 2020


BSEDFIL-III

PAGSASALING-WIKA – ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang
wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.

Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at


estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago,
2003).

KASAYSAYAN

  UNANG YUGTO NG KASIGLAHAN: PANAHON NG MGA KASTILA SA PILIPINAS


Ayon kay Savory, noong panahon ng Kastila nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin sa Pilipinas. Kaakibat nito ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Tulad ng nakasaad sa kasaysayan, naging bantilawan o urong – sulong ang naging
sistema ng pagpapalaganap ng wikang Kastila dahil hindi konsistent ang Pamahalaan ng Espanya sa pagtuturo ng wika sa
mga Pilipinong nasakop nila. Lumaganap sa masang Pilipino ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng katutubong – wika.

IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN: PANAHON NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS


Nagtuloy – tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga orihina na akda sa nasusulat sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga
pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga nasusulat sa Ingles. Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal sa mga teatro.
Ito ang pinakatanyag na libangan ng mga tao nang mga panahong iyon sapagkat hindi pa uso ang telebisyon o sinehan.

Sa panahon ng mga Amerikano nagsimulang pumasok sa Pilipinas ang mga salin sa iba’t ibang genre ng panitikan
mula sa kanluran. Nagbago rin ang papel na ginagampanan ng pagsasalin nang pumalit sa Espanya ang Amerika bilang
mananakop. Kung relihiyon ang ginamit na sandata ng mga Kastila para masakop ang Pilipinas, ang ginamit naman ng
mga Amerikano ay Edukasyon, kung saan napilitan ang mga Pilipino na pag – aralan pagsulat at pagsasalita sa Ingles.

IKATLONG YUGTO NG KASIGLAHAN: PAGLINANG AT PAGTUPAD SA PATAKARANG BILINGGWAL


Dito nagsimula ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales na pampaaralan na nasusulat sa Ingles, gaya ng aklat,
patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay ng pagpapatupad sa Patakarang Bilinggwal sa sistema ng Edukasyon.
Kaugnay nito, mas marami ang kursong itinuro sa Filipino kaysa sa Ingles.

IKAAPAT NA YUGTO NG KASIGLAHAN


Dito nagsimulang isalin ang mga katutubong panitikan na di – Tagalog. Nararapat lang na isagawa ang mga ito kung
hinahangad nating makabuo ng panitikan na matatawag na “Pambansa.” Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na
magkatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary Language
Teacher Education ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon
ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin. Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang
mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol,
Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular
upang magamit sa ikalawang bahagi ng proyekato.

Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-seminar na nilahukan ng mga piling
tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa.
Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na
wikain ng bansa.

Sa kabuuan, mahalagang mabatid natin ang pinagmulan ng pagsasalin sa Pilipinas at Daigdig. Makatutulong ito
upang higit na bigyang – pansin at halaga ang pagsasalin. Makatutulong din ito sa mga tagapagsalin sa hinaharap upang
linangin at paunlarin pa ang dapat linangin.

You might also like