You are on page 1of 8

Tanong 1.

Bakit po kailangang gumamit ng Wikang Filipino bilang wikang pantulong sa


Pagtuturo ng asignaturang Technology Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 2. Una sa lahat kailangan nating gumamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo kasi pagsolo
lang na ingles ang gagamitin mo sa pagtuturo sa mga bata baka hindi na madali, kaya kapag
Ingles kailangan pa nating siyang itranslate sa Filipino para mas madaling maintindihan yung
mga sinasabi ko.

Tanong 2. Sa paanong paraan ninyo ginagamit ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng Asinaturang
Technology and Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 2. Ginagamit ko ang wikang Filipino sa T.L.E sa mga hakbang, meron kasi yung mga
bagay dun na kailangan mong ipaintindi sa kanila sa Tagalog o sa Wikang Filipino.

Tanong 3. Sa iyong palagay mas maiintindihan po ba ng mga estudyante ang paggamit ng


Wikang Filipino sa pagtututro ng asinaturang Technology and Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 3. Oo kasi meron na akong karanasan, meron kasi yung time na nagtuturo ako ng solong
ingles ayon yung bata hindi na madaling makuha o kaya natapos yung topic na naibigay sa kanya
kasi yun pala hindi niya maintindihan kung ano yung mga hakbang pero nung inulit ko sa
wikang Filipino o ilokano nakuha agad ng bata.

Tanong 4. Ano po ang negatibong epekto sa mga mag-aaral na katulad po namin ang paggamit
ng Wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng asignaturang Technology and
Livelihood Education (T.L.E) kumpara sa Ibang wika?

Sagot 4. Epekto? Siguro kung sa epekto nito, magandang epekto nito ay madaling mong ibigay
sa kanila, ipahiwatig sa kanila. Meron din naman siyang masamang maidudulot kunwari kapag
gumamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo, meron din siguro yung mga batang English speaking
mas gusto nila ingles kaysa sa Filipino.
Tanong 5 . Para po sa iniyo masmadali po bang magturo gamit ang Wikang Filipino? Bakit?

Sagot 5. Madali kasi yun nga kung gusto mo talaga ng epektibo yung pagtuturo gumamit ka ng
wikang Filipino kasi sa pagtuturo naman hindi naman napaka bihasa ka sa pagsasalita ng ingles,
kailangan gumamit rin ng salita na maiintindihan rin nila.

Tanong 6. Kailan nagiging hamon ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pantulong sa
pagtuturo ng asignaturang T.L.E?

Sagot 6. Yun nga kung meron mga Ingles na mahirap talagang isalin Ano pero sa T.L.E kasi
wala namang mahirap eh kasi kumbaga wala namang 5XY parang ganon sa Mathematics.

Tanong 7. Nagagamit ba ng maayos ang wikang pantulong? Sa paanong paraan?

Sagot 7. Oo kasi pag ginamit ko yung Wikang Filipino sa pagtuturo. Hindi lang yung
tinutuungan mo yung isang mag-aaral kumbaga parang pinapalawak mo rin o kaya
pinagyayaman mo rin yung sariling atin.

R1
Tanong 1. Bakit po kailangang gumamit ng Wikang Filipino bilang wikang pantulong sa
Pagtuturo ng asignaturang Technology Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 1. Para bigyan diin ang isang bagay kailangan gumamit ng Wikang Filipino upang mas
madaling maintindihan. Kasi kaming mga T.L.E na guro ang pokus namin ay ang skills o
kakayahan hindi ang language acquisition.ang aming pokus on the tranfers of skills. Kapag
isinalin mo sa ng ingles na salita sa Wikang Filipino mas mabilis na natututunan ng isang mag-
estudyante at masmabilis pang malaman ang mga hakbang, kagamitan, at sangkap sa pagluluto.

Tanong 2. Sa paanong paraan ninyo ginagamit ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng Asinaturang
Technology and Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 2. Sinasalin katulad lamang ang mga paksa masmabilis na matutunan kapag naisalin sa
Wikang Filipino at pinapayagan pa nila ang kanilang mga estudyante sa pagsagot ng kanilang
essay gamit ang wikang Filipino o tagalog upang maipaliwanag ng isang bata yung kaalaman na
natutunan nila at pumapayag pa ang mga ibang programa sa paggamit ng wikang Filipino gaya
na lamang kapag ikaw ay tersiyarya pwede kang gagamit ng wikang Filipino gaya ng mga
assessment ng Tesda, pwede ang Filipino as a medium of communication para mas klaro ang
pakatuto.

Tanong 3. Sa iyong palagay mas maiintindihan po ba ng mga estudyante ang paggamit ng


Wikang Filipino sa pagtututro ng asinaturang Technology and Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 3.Oo, masmadali maiitindihan katulad lamang ng pagsalin, owning of understanding, doon
pa natin matitignan kapag isinalin niya sa mother tongue o sa bilinggwal niya.

Tanong 4. Ano po ang negatibong epekto sa mga mag-aaral na katulad po namin ang paggamit
ng Wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng asignaturang Technology and
Livelihood Education (T.L.E) kumpara sa ibang wika?

Sagot 4. Wala akong nakikitang negatibong epekto, kase una sa lahat skills oriented yung
asignatura namin, hindi kami language acquisition, sa amin kase ang importante, ma pa Ingles,
Filipino o Iloko hangga’t kaya nilang i-demonstrate yung mga kaalaman na natutunan nila ayos
kami doon, wala kaming pakialam sa grammar, sa pagbuo ng pangungusap sa Ingles, kase nga
po sa amin ay skills lang po talaga. Negatibong epekto, wala akong nakikita . Ang importante ay
maipahayag nila yung skills learn, lalo na kapag nasa industriya kana kunyari yung house keeper
na nag house keeping NCII, kahit magaling siyang mag Ingles kung hindi naman siya marunong
maglinis hindi ka parin po mahahire. So, sa amin talaga, wala talaga akong nakikitang
negatibong epekto doon, kase ituturo naman ng Language teacher yung tamang lengguwahe na
gagamitin, sa amin skills yung focus namin. Kapag hindi tama yung pagkakabuo ng
pangungusap ng bata sa Ingles hindi na kasalanan ng T.L.E teachers, pero kung mali yung
pagkatuto sa skills, iyon po yung magiging kasalanan namin. Kung kaming mga T.L.E teachers
ang papipiliin, mas maganda na gamitin ang Bilingwal para mas mabilis.

Tanong 5. Para po sa inyo, mas madali po bang magturo gamit ang Wikang Filipino? Bakit?

Sagot 5 .Para sa akin oo, katulad nga ng sinsabi ko, kung puro ka Ingles sa T.L.E hindi mo na
maipopokus ng mabuti yung skills. Kumbaga sa T.L.E subject ka lang makakakita ng Guro na
hindi magaling sa Ingles, pero magaling sa skills. Gaya nga ng sinabi ko na kapag mali yung
pagkatuto ng bata sa Ingles hindi na namin kasalan iyon. So, sa amin accuracy ng skills transfer
yung focus namin hindi language acquisition. Kaya para sa akin mas mabuti na Filipino yung
gamit na panturo o medium of instructon namin, kesa nabubulol ka sa Ingles yung gusto mo
lang namang palabasin ay maganda yung pagkakaluto.

Tanong 6. Kailan nagiging hamon ang paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang
pantulong sa pagtuturo ng asignaturang T.L.E?

Sagot 6. Ang hamon para sa aming mga guro sa paggamit ng wikang Filipino ay ang
pagsasalin. Kagaya ng Mother Sauces, halimbawa nito ay Bechamel, problema naming mga
guro kung paano ito isasalin sa Filipino o Iloko dahil ang Bechamel ay isang French
Language. Ganon kahirap kapag T.L.E Teacher ka. Pati narin sa mga kagamitan, wala siyang
katumbas na Filipino Language, for example sa akin sa Beauty Care, meron bang katumbas
na acetone sa Filipino? Wala diba. Sa pagsasalin, yun yung nagiging hamon sa paggamit ng
wikang Filipino. Kailangan mo munang aralin talaga bago mo isalin sa Filipino.

Tanong 7. Nagagamit po ba ng maayos ang wikang pantulong? Sa paanong paraan?

Sagot 7.Sa akin oo, sobrang epektibo ang paggamit ng wikang Filipino, kase mahirap talaga
ituro ang skills kapag gumagamit ka ng linguaheng Ingles sa pagtuturo, eh sa amin skills lang
yung pinapalabas namin tapos gumagamit pa kami ng wikang Filipino sa pagtuturo, mas
napapadali at mas nagiging epektibo. Malaking tulong po talaga ang paggamit ng wikang
Filipino, lalo na kapag lumalabas kami at nagtuturo sa mga matatanda at sa mga out of
school youth sa mga komunidad na alam namang nating mababa yung pang-unawa nila sa
Ingles lalo na sa mga matatanda. Kaya sobrang laking tulong ng wikang Filipino sa aming
mga T.L.E.

R2
Tanong 1. Bakit po kailangang gumamit ng Wikang Filipino bilang wikang pantulong sa
Pagtuturo ng asignaturang Technology Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 1. Kinakailangan tayong gumamit ng Wikang Filipino lalo na sa ating Technology and
Livelihood Education kapag hindi naintindihan ng estudyante gamitin natin ang Wikang Filipino
hindi lamang Wikang Ingles.

Tanong 2. Sa paanong paraan ninyo ginagamit ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng Asinaturang
Technology and Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 2. Ito po ay ginagamit doon sa Technology Education sa pagtuturo ng Wikang Filipino


lalo doon sa mga area ng Technology katulad ng mga pagluluto, sa area na ito hindi lahat ay
ginagamitan ng Ingles dapat gamitin natin ang Wikang Filipino doon sa parte o area ng
specialization ng Technology and Livelihood Education.

Tanong 3. Sa iyong palagay mas maiintindihan po ba ng mga estudyante ang paggamit ng


Wikang Filipino sa pagtututro ng asinaturang Technology and Livelihood Education (T.L.E)?

Sagot 3. Oo, mas maiintindihan nila yong Wikang Filipino kaysa Ingles, mas madaling iexplain
sa mga bata ang mga Ingredients, mga Technolohiya ng pagluluto para sa skills ng mga bata.
Maliban pa sa pag-eexplain, doon pa sa paggamit ng Wikang Filipino doon sa pagsusulat at
ginagamit nila sa kanilang pagsasalita sa exchange of communication sa klase. Mas
maiintindihan nila yong Wikang Filipino.

Tanong 4. Ano po ang negatibong epekto sa mga mag-aaral na katulad po namin ang paggamit
ng Wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng asignaturang Technology and
Livelihood Education (T.L.E) kumpara sa Ibang wika?

Sagot 4. Walang epekto ang paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng asignaturang


Technology and Livelihood Education. Mas maigi pang gamitin ang Wikang Filipino sa
pagtuturo upang maintindihan ng ating mga estudyante. Kumpara naman sa ibang Wika
nakadepende ito sa Technology na ituturo natin. Halimbawa kung Regional Cuisine dapat
magsalita ng Ingles. Kung French naman dapat magsalita ng Mandarin.

Tanong 5. Para po sa iniyo masmadali po bang magturo gamit ang Wikang Filipino? Bakit?

Sagot 5.Sa pagtuturo ng wikang Filipino nasa midyum tayo, mas madali kung minsan at hindi
naman kung minsan masmaganda naman sa ingles kung minsan.

Tanong 6.Kailan nagiging hamon ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pantulong sa
pagtuturo ng asignaturang T.L.E?

Sagot 6. Depende doon sa paksa o area ng ating asignatura.

Tanong 7.Nagagamit ba ng maayos ang wikang pantulong?

Sagot 7. Offcourse nagagamit natin ng maayos ang Wikang Filipino sa pagsasalita, sa mga
komunikasiyon sa ating topic.
R3

You might also like