You are on page 1of 29

Reference: https://filipinotek.wordpress.

com

ANG MGA ESTRATEHIYA SA


PAGTUTURO NG WIKA AT ANG
PAMARAANG KOMUNIKATIB SA
PAGTUTURO NG WIKA
Posted on March 29, 2013 by filipinotek

PAMAGAT:  MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET:  MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG


PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

LAYUNIN:

1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa


pagtuturo at ang iba pang makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).
2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng
wika.
3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa
pagtuturo ng wika.
4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang
pamaraang komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.
 

1. I.   Ang mga Katangian ng Isang Mabisang  Estratehiya sa Pagtuturo


Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin
sa pagtuturo ng Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.


2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.
 

1. II.            Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika


 EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino
sa pagsapit ng taong 2000.
1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo
para sa lahat ng asignatura.
2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy
na ituturo bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na
magiging wika ng pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang
sa ikaapat na taon ng haiskul.
4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit
na mataas na larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo
sa edukasyong pangkolehiyo.
6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika
ay ituturo sa pamamagitan ng Filipino.
 

1. III.         Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika


Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

                   NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang


pinagtutuanan ng pansin

NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa


pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang
kasanayang KOMUNIKATIB?

 Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay


magkasamang  language competence (kaalaman sa wika) at language
performance(kakayahan sa paggamit ng wika).
 TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o
sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay
na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.
 

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita


at matanggap ng lipunan na binuo ni Hymes sa akronim na
SPEAKING.

SPEAKING ni Hymes. . . .
            S-Setting (saan nag-uusap)

P-Participants (sino ang nag-uusap)

E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)

A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati,


pangungumusta, pagtatanong)

K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)

I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)

N-Norms (ano ang paksa ng usapan)

G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

1. IV.        Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng


Wika
Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga
mag-aaral: personal, interpersonal, directive,
referential  at imaginative.

Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng


kayarian ng wika kundi binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang
umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa aspetong pambalarila.

Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng


inilalarawan sa dayagram.

1. V.   Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika


2. A.   Ano ang Pamaraang Komunikatib?
 Nag-ugat  sa notional-functional approach na pinaunlad ni David
Wilkins ng Britanya. (pokus sa mensahe kaysa sa porma o istruktura)
 Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.
1. B.        Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib
 Iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative
competence.
 Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril
Swain.
 Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative
competence
1. Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga
istruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
2. Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary. 
Nakakaunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika.
3. Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-
isang pangungusap kundi ng buong diskurso.
4. Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman
tungkol sa kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na
walang problema. (Coping o survival Strategies)
 

1. C.       Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang


Komunikatib
Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?

ü  Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an


konteksto ng talastasan.

ü  Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad


noong araw na ang gawain ng guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit
ng mga pagsasanay tulad ng  substitution drills, pattern practice at iba pa.

ü  Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano


kahusay sa pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang
nalalaman sa gramatika ng isang wika.

ü  Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na


tumatawag sa pakikipagtalastasan.

ü  Panlima, may iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi


maasahan na ang isang hindi negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng
pakikipagtalastasan.

EBALWASYON

1. I.   MALAYANG TALAKAYAN
1. A.   Paghambingin ang mga sumusunod:
1. estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran
2. language competence at language performance
3. socio-linguistic competence at discourse competence
4. linguistic competence at strategic competence
5. B.   Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang  ang
estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay dapat na nakaugnay sa
kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral? Maglahad ng mga
patunay.
2. Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t
ibang makabagong  kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo?
3. Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito
nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng wika?
4. II.      PAGLALAPAT
1. Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na
SPEAKING ni Hymes pagkatapos ay bumuo ka ng isang sitwasyon
na aangkop dito.
 

PAMAGAT:  MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET:  MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK:   ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM

LAYUNIN:

1. Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo


ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas ng pag-aaral.
2. Natatalakay at nasusuri ang iba’t ibang estratehiya/pagdulog na
nakapaloob sa binagong kurikulum sa iba’t ibang antas ng pagtuturo ng
Filipino.
3. Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng
pagtuturo ng Filipino sa batayang edukasyon.
4. Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa
mga naisin nitong mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas.
 

1. A.   Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng


kasanayang Akademik
–  Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa
batayang edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga


guro  sa kanilang mga estratehiya sa pagtuturo.
2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal
upang mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o
pangarap sa buhay.
3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-
aaral sa iba’t ibang disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-
media sources.
5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at
interpersonal at  ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa
Filipino.
Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga
sumusunod na obserbasyon:

(1)   Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang
tersyarya. Hindi pang-linggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa

(2)   Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang


kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo.

(3)   Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo


(kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang
sosyo-linggwistik.)

(4)   Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.

(5)   Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at


kaalaman sa maunawang pagbasa at malikhaing pagsulat.

(6)   Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang
sabdyek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at

(7)   Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)

 
Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang
framework.

ü  nilinaw na ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng


mag-aaral na pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)

ü  Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.

ü  bilang pantulong na sabdyek sa elementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat


na kasanayang makro at kaisipang Pilipino.

 lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong


ng iba’t ibang awtentikong materyal.
 lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at
kritikal na pag-iisip
ü  Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.

 Sa unang dalawang taon, ang pokus ay gramatika at pagbasa (1-2)


 sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)
ü  Maibubuod sa mga sumusunod na katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa
bagong kurikulum.

a)      May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga


kasanayan sa pag-aaral.

b)      Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo,


mga pagpapahalaga o values at mga kompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba
pang lawak ng makabayan.

c)      Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga


kasanayan sa batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.

d)     Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na


matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.

e)      May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.

f)       Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa


target na wika.
g)      Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng
mga alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto,
scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.

h)      Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto


at pag-oorganisa ng klase

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO

NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon


A. DESKRIPSYON

SAKLAW NG MGA LAWAK O


MGA LAWAK O KASANAYAN KASANAYAN

           Ang Filipino bilang isang            Para sa MABISANG


aralin o asignatura ay PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA
lumilinang  sa kasanayan sa KASANAYAN ay nililinang sa
PAKIKINIG, PAGSASALITA, pamamagitan ng mga sitwasyon
PAGBASA, PAGSULAT at PAG- ng iba’t-ibang kagamitan sa
IISIP. LUBUSANG PAGKATUTO.

          Bukod sa kasanayan sa            KONSEPTO NG SIBIKA AT


PAKIKINIG, PAGSASALITA, KULTURA, ang NILALAMAN ng
PAGBASA, PAGSULAT, ang Filipino sa una hanggang
FILIPINO bilang isang aralin ay ikatlong baitang
lumilinang sa kasanayan ng a. Maaaring gamitin ng Filipino
PAG-IISIP. ang nilalaman ng SK/HKS. Ang
  pokus ay nasa PAGLILINANG ng
mga kasanayan sa
PAKIKIPAGTALASTA-SAN.

      b.Inaasahang ang


mgaBATAYANG KASANAYAN sa
pagbasa ay matutuhan nang
lubusan sa tatlong unang
baitang.

 
2. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA  
PAGKATUTO 3. MGA INAASAHANG BUNGA  
 
1 Pagsasaayos MITHIIN
,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang  
. magkakatulad upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.  
 
            Nagagamit ang Filipino sa MABISANG
 
2 PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o pasulat) , nagpapamalas ng
 
. Pagtuon sa mga
kahusayan 
tiyak o batayang
sa pagsasaayos
kasanayan
ng iba’t-ibang impormasyon at
 
mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG
 
PANSARILI
Pagbibigay diin sa PAGBASAat PANGKAPWA at sa patuloy napara
at PAKIKIPAGTALASTASAN pagkatuto
sa upang
 
3 pag-unawa samakaangkop
mga BATYANG sa mabilis
KAISIPANnaOpagbabagong
KONSEPTO SA nagaganap sa daigdig.
 
. MATEMATIKA AT AGHAM.  
 
 

4. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO

PAGBABAGO

BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO

Dagdag na 20
I-III 60 80 minuto

Walang
IV-VI 60 60 dagdag

PAGBABAGO

1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng


oras ay 80 minuto samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay
60 minuto

2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na


naging 80 minuto. Walang dagdag sa Baitang IV-VI.
3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG
MINUTO SA BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG
KASANAYAN  sa pag-aaral ay natutuhan na sa unang tatlong
baitang..
 

5. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG


FILIPINO

PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE


METHOD
Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa
Filipino (Skills –Based Integration)
1.

HULWARAN 1

May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang


kasanayan sa isang aralin, kung saan sama-sama o sabayang
nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.

Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa


paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGSULAT AT PAG-IISIP.

Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng


MASTERI O LUBUSANG PAGKATUTO.

HULWARAN 2

Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang


ang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.

2.  PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA   


NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-
BASED INTEGRATION

TANDAAN

a.) SA BAITANG I-III

Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa


kasanayan sa Pakikipagtalastasan ang pokus.

TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT
PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA
                        KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO,
b.) ALAMAT AT IBA PA)

              Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD  sa paglinang ng


mga kasanayan sa Filipino.

                Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN  ay isang kwento.


Ang PAKSA o NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK  at EKAWP , sa
ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit
lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.

 
BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB
 
SA ORAS NG TALAKAYAN SA NILALAMAN NG
MGA TEKSTO O KAGAMITANG
c.) PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA
LUNSARAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN

 
3. INTERAKTIBONG PAGDULOG
(INTERACTIVE APPROACH)

GURO BATA BATA K-PANG

  1 2 PAGTUTURO
  Mahalaga para sa isang makabuluhan o
a.) makahulugang interaksyon (meaningful
interaction)

 
  Isang gawaing sama-sama (collaborative
b.) activity)

 
c.) Pagkakaroon ng komunikasyon o
pakikipagtalastasan

 
1.
)
  Pagpaphayag ng sariling ideya

 
2.
)
  Pag-unawa sa ideya ng iba

 
3.
)
  Nakikinig sa iba

 
4.
) Bumubuo ng kahulugan sa isang
  bigayang konteksto (shared context)
 
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon
MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA
SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON

1 Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang


. komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya angm
mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita,
pakikinig at pag-iisip.

Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa


komunikatibong pakikipagtalastasan , nararapat na may
kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng
2 kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-
. linggwistik at istratedyik.
 
Sa Unang Dalawang Taon
Sa Huling Dalawang Taon
               Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag
            
aaral ngAngmgapokus
tiyak ay
na ang
istrukturang
pagtatamogramatikal
ng mapanuring
ng Filipino
pag-iisip
bilangsa
pamamagitan
isang kasabay ng ng kritikal
pagtatamo na pagbasa
ng  wastong
at pag-unawa
kasanayansasaiba’t-ibang
maunawang
genre ng panitikan
pagbasa. Upang matamo
na nakasalin
ang mgasa ito,
Filipino.
pinagsanib ang mga
interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-
ibang uri ng teksto  
Satulad
Bawat ng mga
Taontekstong prosidyural, reperensyal,  
journalistic, literasi at politico-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –
ibang istrukturang gramatikal.  
  pasulat na
          Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa
komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang   uri ng
komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pinagtutuunan  ang isang
  liggong leksyon sa bawat markahan.

Sa Apat na Taon

Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng


kasanayan sa akademikong wika.

Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon

Ikalawang Ikatlong Ikaapat na


Unang Taon Taon Taon Taon

Ibong Adarna
  Florante at Noli Me El
Laura Tangere Filibusterismo
Ang Thematic Curriculum
          Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga
organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso at
iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral
sa higit na malawak at pangnilalamang tema.

Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic


Curriculum

1 Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na


. kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto.

Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong


2 ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa lugar ng
. paggawa at komunidad.

3 Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan


. awtentik.

4
. Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.

5 Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng


. hanapbuhay.

6 Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na


. mataas na edukasyon at paghahanapbuhay.

7 Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang


. interes
 

Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador

Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga


1 miyembro ng grupo ng mga propesyunal na may mga
. estratehiya sa pagkatuto.

2 Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga


. positibong  impak sa mga mag-aaral.
Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng
pamumuno sa pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga
3 mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa
. paaralan.
 

Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic


Curriculum

 Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa


1 maraming paraan gaya ng kurso, akademya klaster, magnet at
. ang buong paaralan.

Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib  sa ibang mga


2 reporma gaya ng integrasyon ng edukasyong bokasyunal at
. akademiko, transisyong paaralan-paggawa.

Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang


3 sekundarya ,bagamat maaari ring maging kapakipakinabang sa
. paaralang elementarya.

Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang


4 mapagsama angmga karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa
. paaralan at paggawa.

Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa


paggawa, maliit na produksyon at tradisyon ay binawasan ang
5 pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga
. aspekto.
Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng
Elemenytarya

Lapit/Pagdulo
g Tradisyunal Istruktural Komunikatib Who

   Isang    Sistemang Isang pormal na sis- Isang


Teorya/Prinsipy organismo pasalita, tema ang wika at may Globa
o nasusulat, arbitraryo at pang mga gamit ding wika
kumbensyun ang p

nasa
komunikasyon ang kasan
ang o
al ang wika wika, mekanikal g-ara
pagkilala at ang functional para ang w
pagbuo sa es
  pagkatuto at sa mga pang
huhubog sa mga komunikatibong
  kaugalian (habits) pangangailangan  

  Pagkilala at Pagtatamo ng Pagtatamo ng kasa- Pagta


Mga Layunin pagbuo ng mga nayan na na
mga kasanayan pang-
bahagi ng ling- -linggwistik ng m
pananalita,
was- gwistik (pagbuo -sosyo-linggwistik pagg
ng mga ponema,
tong gamit morpe-
-pang-diskors sana
ng salita
ma at
-pang-estratehiya sa iba
  pangungusap

  (akad
Magkahiwala  
y na pagsasa-
  kasyo
 
nay sa
pagbuo ng    
Patterns,
mga ba- substitution
   
hagi ng Drills,
pananalita mimicry,tag- Cooperative/interactti Coop
ve learning (dyadic
  memics (pokus sa ve le
anyo ng exchange, group work
  wika)magkahiwala information gap,task- solvin
y na pagtuturo ng oriented)
  wika at pagbasa ing s
ment

  intera

interaktibong pag- aaral

aaral ng wika at pagb

  pagbasa  

IBA’T-IBANG MODELO

Ang Modelong Batay sa Tema o Paksa ng Pag-aaral (Theme o


Topic CourseModel)

                                                             
Wika

 Agham

                                                           

                                                              Matematika

              Agham Panlipunan

 Iba pang saklaw ng nilalaman

Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered Courses Model)

 
Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct Model)
 

Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –


Based Instruction o CBI)

            Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at  


Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa Nilalaman
bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga
layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y tumutukoy sa
kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin ,
nang may porma at pagkakasunud-sunod ng
presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-
pokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang
gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika,
agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-
akademiko.

Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)

MGA ESTRATEHIYA

Ang estratehiyang metakognitib. Ito’y tumutukoy sa


pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa
(Royo,1992). Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto,
1 pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung paano natamo
. ang layunin sa pagkatuto.

Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang


materyal (pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o
paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong
impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga
2 kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa
. sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina.

3 Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa


. upang makatulong sa kanyang pagkatuto.
 

PARAAN/TEKNIK

Pagkatutong  Tulung-tulong (Cooperative Learning)

Ito’y isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya


ng edukasyon na humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang
sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin.
Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman
kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa
diskusyon/usapan.

Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong


na nilahad nina Johnson at Johnson (1986):

1
. Pagbuo ng pangkat

2
. Paggawa bilang isang pangkat

3
. Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat

4
. Pagbuo ng magkakaibang ideya.
 

Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat

 
 

 
Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema

PANGKAT

1. Pagbuo ng suliranin
2. brainstorming
3. paglinaw ng mga ideya
4. pagsang-ayon sa mga ideya
5. pagpapalawak ng mga ideya
6. pagtingin sa maaaring maganap
7. pagpuna sa mga ideya
8. pagbuo ng impormasyon
9. paghanap ng solusyon
 

Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung -Tulong

1. Pagsasatao (Role Playing)


2. Mag-isip, Humanap ng Kapareha at Makibahagi (THINK, PAIR, and
SHARE)
3. Brainstorming
4. Graphic Organizer
 

 
 

ANG FILIPINO SA BATAYANG ANTAS NG EDUKASYON

ni Clemencia C. Espiritu, Ph. D

Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002

Ang mga sumusunod ang naging batayan ng Kurikulum 2002

ü  Ang layunin ng edukasyong elementary, ayon sa Education Act of 1982

ü  batayang patakaran sa edukasyon sa isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987

ü  Governance of Basic Education Act of 2001 GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION


ACT OF 2001

Inilahad ang pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon:

ü  linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga


batayang kasanayan sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang
pampag-aaral at mga kanais-nais na halagahan(values) upang sila’y maging
mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging prodaktibo, magkaroon ng kamalayang
panlipunan, maging makabayan at responsableng mamamayan.

Sa nireistrukturang Kurikulum 2002, binigyang ibayong pansin ang pagsasanay para sa


pagtatamo ng mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga
halagahan at ang pagkilala sa iba’t ibang katalinuhan ng mag-aaral (multiple
intelligence)

Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya

 Mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang:


“Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan, (pasalita at pasulat):
nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa
patuloy na pagkatuto para makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig”
 Layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementary na linangin ang apat na
makrong kasanayang pangwika:pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat
gayundin ang pag-iisip, sa mga baiting I-VI, ang mga tiyak na kasanayang ito
ay lilinangin sa mga sitwasyong pangkomunikasyon, gamit ang iba’t ibang
materyal tungo sa pagkakaroon ng masteri.
 Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino sa mga baiting I-III
upang magkaroon ang mag-aaral ng sapat pag-unawa sa bawat aralin at
maisama ang barayti ng mga tekstong literari at di-literari sa mga gawain sa
pagbasa at pag-unawa.
 

Ang Filipino sa Antas Sekundarya

 Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga


sumusunod:
a)      Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementarya
hanggang tersyarya.

b)      Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.

c)      Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang

d)     Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng kontent at pagtalakay sa panitikan

e)      Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa


pagkatuto ng mga asignaturang itinuturo sa Filipino.

 Nagsagawa ang DepEd ng mga hakbang tungo sa pagrereporma ng


kurikulum. Sa antas Sekundarya, mithiin ng pagtuturo ng Filipino na “
makadebelop ng gradweyt na mahusay na komyunikeytor sa Filipino…”
 May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitan ng mga
tekstong hango sa mga asignaturang pangnilalaman tulad ng Aralin/Agham
Panlipunan, Agham at Teknolohiya. Literatura at iba pang kaugnay na
disiplina.
 bago makagradweyt sa batayang edukasyon, dapat taglay ng mag-
aaral hindi lamang ang mga kasanayang pangwikang batayan at
interpersonal, kundi pati ang mga kasanayang pangwikang kognitib at
akademik.
 

Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum

Ang WIKA sa dating KURIKULUM ay tinitingnan bilang asignatura na nakapokus sa


paglinang ng kaalamang panggramatika at ng apat na makrong kasanayang pangwika.

Sa binagong KURIKULUM ang WIKA ay itinuturing ito hindi lamang obdyek ng


pagkatuto o isang asignatura, kundi instrument rin para matuto ang mag-aaral ng
marami pang bagay bukod sa Filipino.

PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA

 Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino na:


a)      maituro ng holistic at natural ang wika

b)      malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang
kognitib-akademik na kasanayang pangwika.

c)      mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga


asignaturang pangnilalaman.

d)     malinang ang mataas na kasanayan sa pagbabasa at pagsulat

e)      malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga-aaral

f)       maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan.

MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

a)      Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga
ito sa nagbabagong layunin ng edukasyon
b)      Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang
pakikipagtalastasan.

c)      Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng


alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang
komunikatib.

d)     Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatib

e)      Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga


kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .

f)       Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas
ng pangangailangan.

g)      Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.

h)      Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin


sa proseso ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

i)        Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigay-


diin sa tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching.

j)        Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na


komunikatib.

Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at


estratehiya sa pagtuturo:

1. PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED


INSTRUCTION (CBI)
C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan,
Sibika at Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika.

C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa


paggamit ng input sa dalawang lawak.

C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at


pagtatamo ng akademikong kaalaman.
Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw

a)      Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika

b)      Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung
ginagamit itong instrument sa pagkatuto.

c)      Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon,


biswal, aktwal na pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa
mga aralin.

d)     Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.

e)      Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang


teknik, interaksyon sa materyal, kapwa mag-aaral at mga guro

f)       Hinihikayat/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

g)      Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

h)      Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.

i)        Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng


awtentikong materyal para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.

2. TEMATIK NA PAGTUTURO
Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:

“Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for


linking content and processes from a variety of disciplines. The theme provides
coherence and focus for accompanying activities. The theme enables learners to see
the meaningful connections across content or skills areas. .”

3. INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO


C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo.

C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng


tatsulok na ugnayang nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng
sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang komunikasyon.

C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:


 interaksyon sa guro
 sa kapwa mag-aaral
 sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral
4. KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT
PAGKATUTO
C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.

SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO

a)      Ilahad ang tunguhin ng gawain.

b)      Ilahad ang impormasyon.

c)      Pangkatin ang mga mag-aaral.

d)     I-monitor ang mga pangkat.

e)      Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.

f)       Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.

g)      Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa iba’t ibang katalinuhan.

h)      Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga


pagpapahalagang ito.

        Samakatuwid…

C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng


kurikulum lalo na ng 2002 sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at
integratib, nakapokus sa mga batayang kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng
iba’t ibang katalinuhan.

EBALWASYON

1. I.   MALAYANG TALAKAYAN
1. A.   Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang
salita/parirala sa Binagong Kurikulum:
2. tematik na pagdulog
3. interaktibong pagdulog
4. kooperatibong pagkatuto
5. kolaboratibong pagdulog
6. pagtuturong batay sa nilalaman
1. B.   Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na
tanong:
1. Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa
pagtatamo ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas?
Maglahad ng ilang patunayan.
2. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng
pagbabago o baguhin ang/sa kurikulum ng ating edukasyon?
Makabuluhan ba ito? Bakit? Patunayan ang iyong kasagutan.
3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic
Curriculum sa pagpapatupad ng binagong kurikulum sa batayang
edukasyon?
4. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang
kaugnayan nito sa pagtamo nang layunin ng binagong kurikulum ng
2002 sa batayang edukasyon?
“Tell me and I forget

Show me and I remember,

Involve me and I understand”

-Chinese Proverb

1. II.   PAGLALAPAT
2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa
antas elementary. Pumili ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag
kung bakit ang mga ito ang napili.

You might also like