You are on page 1of 3

I.

Maramihang Pagpipilian:
Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot sa mga sumusunod na pahayag at katanungan sa unahan
ng bawat bilang.

D 1. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong
ang mga naninirahan dito ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. Ito ay
patunay na ang wika ay,
a. Arbitraryo c. Sinasalitang tunog
b. Nagbabago d. Masistemang balangkas

D 2.Sa pagkakaiba ng mga bansa at pangkat, nagkakaiba ang wika sa daigdig. Ito ang paliwanag kung
bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa isang wika. Dahil dito, ang wika ay,
a. Pinipili c. Nagbabago
b. Isinasaayos d. Nakabatay sa kultura

B 3. Ito ang ipinalit sa mapagsamantalang mukha ng kapitalismo.


a. World Trade Organization c. Globalisasyon
b. Borderless World d. Demokrasya

A 4. Inihaharap sa atin ang globalisasyon na may Utopiang ipinangangako – isang mundong wala nang
hangganan. Ang ibig sabihin nito ay ,
a. Mapayapang bukas c. Pantay na kakayahan ng bawat bansa
b. Pantay na kompetisyon d. Pagbubukas ng mga pamilihan

A 5. Kapag pinagyaman ang wika at panitikang katutubo, may lakas ang kalooban ng mga Pilipino
sapagkat ,
a. Magagamit na panlaban sa pang-aakit ng globalisasyon.
b. Magiging daan sa pagkakaisa.
c. Magsusulong sa kaunlaran.
d. Manghihikayat sa pangingibang bansa.

C 6. Ang wika at panitikan ang buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan.


a. Nakatatak ito sa kamalayan ng buong sambayanan.
b. Hinihimok tayo ng globalisasyon na baguhin ang sistema.
c. Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga karanasan sa kolonisasyon.
d. Magdadala sa atin ng tunay na pag-unlad.

B 7. Bawat indibidwal ay may may istilo sa pamamahayag at pananalita tulad ng lagi nating naririnig
kay Noli De Castro; “Magandang Gabi Bayan”.
a. Dayalek c. Etnolek
b. Idyolek d. Sosyolek
C 8. Ito ang pinaghalong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal
na wika.
a. Etnolek c. Creole
b. Balbal d. Dayalek

C 9. Tumutukoy sa paraan kung paano nag-uusap ang mga tagapagsalita. Halimbawa ay ang paraan ng
pagsasalita sa klase ay hindi maaaring gamitin kapag nakikipag-usap sa kaibigan.
a. Larangan c. Modo ng Diskurso
b. Pidgin d. Tenor ng Diskurso

B 10.Ang barayti ng wika na ito ay nagyayari dahilan sa pagkakaroon ng iba’t ibang pangkat na etniko.
a. Sosyolek c. Dayalek
b. Etnolek d. Idyolek

II. Pagkilala
Panuto: Isulat ang wastong salita na inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag.

Wika 1. Ito ang napakahalagang salik ng sangkatauhan.


Globalisasyon 2. Ito ang pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na
naghahanap ng pamilihan ng kanilang labis na produkto.
Teoryang Behaviorism 3. Ang teorya sa pagkatuto ng wika na ang kilos at gawi ng isang tao ay
nahuhubog sa pagkontrol ng kapaligiran.
Teoryang Kognitib 4. Nakaugnay ang pagkatuto ng wika sa kakayahan ng isang tao
na mag- isip.
Block-Box 5. Katawagan sa likhang-isip na aparato.
Dimensyong Heograpikal 6. Nagkakaroon ng baryasyon ng wika dahil sa lokasyong kinalalagyan
ng mga taong gumagamit nito.
Dimensyong Kontekstwal 7. Ito ay baryasyon ng wika na nagaganap dahil sa pagkakaiba ng
pananalita batay sa sitwasyon.
Sosyalek/Sosyolek 8. Barayti ng wika na ginagamit ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga
mamamayan sa lipunan.
Pidgin 9. Tinatawag din itong lenggwahe ng wala ninuman.
Register- Tenor ng Diskurso 10.Tumutukoy ito sa kung sino ang kausap at ano ang relasyon ng mga
taong nag-uusap sa isang sitwasyon.

III. Pag-isa-isahin ang mga sumusunod:

a. Tatlong (3) paraan o proseso sa pagkatuto ng wika:


1. Teoryang Behaviorism
2. Teoryang Inobatib
3. Teoryang Kognitib

b. Tatlong (3) dimension ng pagkakaiba ng wika:


3. Dimensyong Heograpikal
5.Dimensyong Sosyal
6. Dimensyong Kontekstwal

c. Tatlong (3) kategorya ng register ng wika:


7. Larangan
8. Modo ng Diskurso
9.Tenor ng Diskurso

d. Uri ng barayti ng wika:


10. Idyolek
11. Dayalek
12. Sosyolek
13.Etnolek
14. Balbal
15.Pidgin

Inihanda ni:

Gng. TERESITA M. TUBONGBANUA


Guro ng Asignaturang Fil.

You might also like