You are on page 1of 43

WIKA

at
KULTURA
Aralin 1
WIKA
Sistema ng mga arbitraryong vokal-simbol na
ginagamit ng mga miyembro ng isang
komunidad sa kanilang komunikasyon at
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa
WIKA at KULTURA
KULTURA- kabuuan ng isip, damdamin,
gawi, kaalaman at karanasan na
nagtatakda ng maangking kakanyahan
ng isang kalipunan ng tao

WIKA- ang pahayag-pahiwatig, impukan-


kuhanan at daluyan ng kultura
UKOL
sa
WIKA
at
KULTURANG PILIPINO
ZEUS A. SALAZAR
WIKA at KULTURA
Ang totoo, wika at ang napapalob at
kinapapalooban nitong kultura ang
bumubuo ng tinatawag na ethnos sa
Griyego o Volk sa Aleman na ang ibig
sabihin ay isang bayan o pamayanan
(komunidad) na may pagkakabuklod
dahil sa sariling wika at kultura
WIKA at KULTURA
Malapit-lapit ang pagkakaugnay na ito ng
wika at kultura sa isang kahawig na
konsepto na maaaring mas malawak o
may mas makitid na saklaw. Ang tinutukoy
na konsepto ay ang “nasyon” o ”bansa”
na siyang pagkakabuo sa kasaysayan ng
isang kulturang ipinahihiwatig ng iisang
wika sa loob at sa bisa ng isang estado
WIKA at KULTURA
Ang ethnos o bayan (bilang kabuuang may sarili at
natatanging wika at kultura) ay isang umiiral na
pagkakultura,

samantalang

ang bansa ay isang nagbubuklod na kabuuang


pangkultura na resulta ng isang pagsulong sa
kasaysayan na humahantong sa pagkabuo ng isang
estado
WIKA at KULTURA
Ang kultural na pagkakabuklod na ito ay
naipahihiwatig at nakikilala, higit sa lahat
sa larangan ng wika.
WIKA at KULTURA
Kaya, mula sa pinakamaliit na
pagkakabuong kultural hanggang sa
pinakamalawak, ang nagpapakilala ng
identidad sa labas (at pati na sa loob
bilang kamalayan sa “sariling atin”, ng
pagka-tayo) ay ang wika.
WIKA at KULTURA
Wika ang nagpapahayag ng diwa mismo ng
kinauukulang kultura

Ang wika ay hindi lamang tangi at di-maiiwasang


kasangkapan sa pakikiugali sa loob ng isang
kabuuang kultural, kundi ang pinakabalangkas pa
ring pagkakaunawa ng realidad—kung paano
nadarama, inuuri, isinasaayos at natatarok upang
hubugin ng isang kultura ang mga katotohanan, ang
lahat ng bagay
WIKA at KULTURA
Alam ng sinumang madalas maglakbay na siya’y
mananatiling walang muwang sa labas ng alinmang
kulturang hindi niya kinabibilangan hangga’t hindi
niya naaangkin, kahit paano, ang wika nito.

Hangga’t hindi naitutugma ang kanyang pananalita


sa katumbas nitong kilos, asal at damdamin,
mamamalagi siyang parang manikang nagsasalita o
kaya’y tulad ng mga tauhan sa isang sinkronisado o
dinoblehang pelikulang banyaga.
WIKA at KULTURA
Ang pinaka-elemental na damdamin, ang
pinakaubod ng loobin ng bawat isa, ay
maipapahayag lamang sa wikang
kinagisnan, o kaya’y sa wikang humubog
sa kanyang katauhan– ang wika sa
kanyang tunay na kultura.
WIKA at KULTURA
WIKA- ang impukan-kuhanan ng isang
kultura

Dito natitipon ang pag-uugali, isip at


damdamin ng isang grupo ng tao

May mga konseptong walang kapareho


sa iba pang kultura
WIKA at KULTURA
Sa kaisipan, ang wika ay batis-ipunan at salukan ng
kaisipan ng isang kultura

Hal: guru, yinyang, nirvana, zen

Ang wika ay impukan kuhanan din ng nakaraan at


kaalaman ng isang kultura

Hal: typhoon (mula sa tai fung ng Tsino)


catsup (ke-tsap mula sa Amoy)
WIKA at KULTURA
Hindi lamang ang kaalaman ng isang
panahon kundi ang buong kaalaman ng
isang kultura ang taglay ng wika, ng
nakaimbak na wika
WIKA at KULTURA
Bawat kultura o malawakang kabuuang
kultural ay nakapag-iimbak at
nakapagpapalawak lamang ng buong
kaalamang panlipunan sa pamamagitan
ng wika at ang kaalamang ito ay
nakabakas sa wika
WIKA at KULTURA
Ang kulturang nakapag-aangkin ng
kaalaman mula sa lahat ng dako sa
pamamagitan ng kanyang wika bilang
impukan-kuhanan ay siyang nabubuhay,
namamalagi at nakapagpapanatili sa
kanyang kabuuran (essence).
Oras na ang isang pagkawika-at-kultura
ay huminto o mapahinto sa pag-aangkin
ng karanasan ng iba at maging paksa na
lamang ng pag-aaral o pampayamang
kuhanan pa nga ng iba, ang kabuuang
kultural na ito ay mamamatay o patay na.
Ang kaalamang iniimpok at hinahango sa
wika upang mapatatag at mapalawak ay
siyang pinakabuhay nito mismo at ng
kulturang ipinapahayag nito.
WIKA at KULTURA
Ang wika ay daluyan ng kultura

Wika ang natatanging paraan upang


matutuhan ng isang tao ang kulturang
kinabibilangan niya at kahit na iyong hindi
sa kanya
Habang nasasanay ang bata sa wika ng kanyang
ka-kultura, unti-unti siyang nahuhubog sa isip, gawi,
dadamin at karananasan ng mga ito—mula sa mga
pinakasimpleng kanta sa sanggol at bugtong
hanggang sa mga katas-taasang katha at likha ng
diwa at kaluluwa, sining, agham at literatura.

Kaya nga balintuna, halimbawa, na ang isang


batang Pranses ay mag-aaral ng kanyang sariling
kultura sa loob ng kanyang bansa sa Ingles o
alinmang wika.
Bawat bata, bawat tao ay isinasakultura,
pinadadaluyan ng kultura ang kanyang
ethnos, sa pamamagitan lamang ng
sariling wika
WIKA at KULTURA
May tatlong (3) implikasyon ang gamit ng
wika bilang daluyan ng pagpapasakultura

Una: ang isang tao ay maaaring matuto


ng maraming wika at sa ganito ay
mapapasama sa iba’t ibang kultura, tulad
halimbawa ng polyglot.
Gayunman, kahit matindi ang relasyon ng
polyglot sa lahat ng kulturang dala ng
mga wikang alam niya, ang mga
pagkawika-at-kulturang ito’y mananatiling
hiwalay sa loob ng kanyang pagkatao at
hindi kailanman magkakahaluhalo, kahit
may “interperensiyang linggwistiko-kultural.
May tatlong (3) implikasyon ang gamit ng
wika bilang daluyan ng pagpapasakultura

Ikalawa: ang problema ng “partisipasyon”.


Ang pagkaalam ng wika ay nangangahulugan ng
pagiging miyembro ng kultura nito. Ang tao ay
maaaring makiugali sa maraming kultura. Datapwat
ang pakikibahagi sa mga kulturang ito ay hindi
nangangahulugan ng lubusang partisipasyon sa
lahat.
Walang taong makapag-uukol ng buong
panahon sa lahat ng kultura niyang alam.

Isa o dalawang kultura lamang ang


mapagkakalooban niya ng buong
pagkatao, ang mabubuhusan niya ng
buong pagtangkilik at pagmamalasakit.
WIKA at KULTURA
May tatlong (3) implikasyon ang gamit ng
wika bilang daluyan ng pagpapasakultura

Ikatlo: kung maaangkin ng isang kultura an


isang tao o grupo ng tao, hindi mangyayari
ito sa isang buong kultura. Liban siguro kung
ito’y patay o kasalukuyang nilululon ng isang
napakalaking sibilisasyon bilang isang sub-
kultura bago lubusang malusaw
Kung ang kultura man ay nakiki-ugnay sa
iba’t ibang kultura, ang tanging dahilan ay
ang pagkakatagpo at pakikipagpalitan sa
heyograpiya at kasaysayan.

Ang pagkawika-at-kultura ay isang


kabuuang hindi mahahati o mapag-hahati-
hati.
WIKA at KULTURA
Bukod sa pandaluyang gamit sa
pagpapasakultura ng mga kasapi ng
isang ethnos, wika ang tanging paraan din
upang mapayaman, mapalawak at
mapaunlad ang sariling kultura.
WIKA at KULTURA
Bunga ng pagiging impukan-kuhanan ng
wika, nagaganap ito, higit sa lahat, sa
pamamagitan ng partisipasyon at
interaksiyon ng bawat isa.
WIKA at KULTURA
Wika ng daluyan ng kultura, hindi lamang
tungo at mula sa tao bilang
mapanlikhang tagaganap at taga-
ambag sa kinabibilangang kultura kundi
mula, at bilang ganti, at kakikilanlang
ambag sa sangkatauhan at sa
kasaysayang pandaigdig, tungo sa ibang
pagkawika-at-kultura.
WIKA at KULTURA
Walang makapagpapakilala sa isang
kultura kundi ang nalikha nito sa sariling
wika
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Sa wikang Filipino iniingatan ang malaking
bahagi ng nakaraan, lalo na mula noong
mabuo ang lipunan at estadong Pilipino,
hindi lamang sa mga dokumentong
personal, opisyal o panliteratura kundi
maging sa bokabularyo mismo ng wika
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Nakalakag din sa Filipino ang malaking
parte ng kaalaman ng lipunan lalo na
iyong makabuluhan sa nakararami.

Ang pinakapruweba nito ay ang


paggamit ng bayan sa wikang Filipino sa
lahat ng larangan ng buhay na walang
kinalaman aspektong dulot ng sistema ng
edukasyon sa wikang Ingles.
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Para maging epektibo sa kani-kanilang
trabaho, hindi kailangang mag-Ingles pa
ang magsasaka, mekaniko, mangingisda,
tindera, maglalako, tsuper, manggagawa,
at iba pang tunay na tagapagpagalaw
ng buhay-lipunan.
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Ang mga nag-oopisina sa Makati, Filipino
rin ang palasak na pananalita, bagama’t
napipilitan ang lahat na isulat ang mga
opisyal na sulat komunikasyon sa Ingles, na
kadalasa’y bali-bali o pauga-uga.
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Kalimitan, ang kaalamang itong dala ng Pilipino
tungkol sa kabuhayan at pamumuhay ng lahat ay
kaila sa mga “edukado” sa Ingles, na dahil dito ay
nahihirapang iangkop ang kanilang nalalaman sa
pangangailangan ng bayan.

Sila ay napapalayo hindi lamang sa pagkakultura-at-


wika kundi sa mga problema mismo sa lipunan
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Sila ay napapalayo hindi lamang sa pagkakultura-at-
wika kundi sa mga problema mismo sa lipunan:

Ang kawalan ng epekto ng mga “intelektuwal” ay


lalong lumulubha dahil sa pagkakalayo sa sariling
kultura, ang pinakamasaklap na uri ng pagkatiwalag
o alyenasyon
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Sa ugali at damdamin, ang pagkakalayo sa bayan
dahil sa Ingles, sa kabutihang palad ay di gaanong
malubha.

Karamihan sa mga nag-i-Ingles-inglesan ay


nagsasalin lamang mula sa Filipino o kaya’y mula sa
isang katutubong wika
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Mahalagang bigyang-diin ang katotohanang pati
na sa pag-Ingles natin, ang ugali at damdaming
napapaloob sa ating wika ay namamayani pa rin sa
personalidad ng nagsasalita

Nagpapahiwatig ito na hindi kailanman


makapapasok ang Ingles sa katauhang Pilipino
sapagkat ang mga gawi at damdaming
nakabalangkas sa ating wika ang siyang nasa buod
nito.
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Ganito rin sa pag-iisip at kaisipan

Ang pinakamahalagang katibayan nito ay ang


pangyayaring lahat ng “karaniwan” at pang-araw-
araw na komunikasyon (ibig sabihi’y iyong pasalita at
hindi tungkol sa burokrasyang mana natin sa mga
Amerikano) ay isinasagawa, higit sa lahat sa Filipino
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Kapuna-puna’y nagaganap ito sa lalo na sa mga
Pilipino sa ibayong-dagat, dahil marahil doon nila
direktang nalalaman ang kaibahan ng isip-Pilipino sa
ibang kabuuang kultural
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Ang pagpapahalaga, ang pagpapalalim at
pagpapalawak ng mga konseptong taal sa ating
wikang Pambansa (at sa mga wikang katutubo sa
ating lipunan bilang tagapagpalawak at
tagapagpayaman) ay magiging batayan hindi
lamang ng pagpapahayag ng sariling pilospiya at
pananaw sa daigdig at kalikasan, kundi alinmang
tunay na orihinal na ambag sa paglilinang ng
kaisipang unibersal.

You might also like