You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Province of Rizal

Pililla Campus
COLLEGE OF EDUCATION

Pamagat ng Kurso: FIL3 – Pagsusuri at Pagsusulat ng Akdang Pampanitikan


Instraktor: Christian L. Nievera
Mag-aaral: Armel V. Esquelito
Kurso, Taon at Seksyon: BSE-ENG 1B
Indibidwal na Gawain: 2 Pamagat: SURING-AWIT

Panuto: Pumili ng isang makaluma at isang makabagong awiting Tagalog na binuo ng


mga sumusunod na batikan o bantog na mang-aawit/kompositor at grupo sa Pilipinas.
Suriin ang dalawang napiling awitin gamit ang balangkas.

AWITING MAKALUMA

I. Pamagat: “Anak” Madaming nakakarelate sa awiting anak, dahil


maraming mga anak na sinusuway ang kanilang magulang at nagbibisyo.
II. Kompositor: Freddie Aguilar. Ang mga awitin niya ay tungkol sa
pagmamahal sa kapwa,magulang at sa suliranin ng lipunan.
III. Tauhan: Anak, Ama, at Ina
IV. Tema o paksa: Ang awit ay tungkol sa anak na kung saan ay
nagkaroon ng bisyo, na isa sa mga suliranin sa lipunan.
V. Tono: Malungkot at nanghihinayang
VI. Mensahe: Pahalagahan mo ang mga paghihirap na iyong magulang.
Huwag mo sayangin ang iyong buhay dahil lang sa mga bisyo. Respetuhin mo
ang iyong magulang. Isipin natin bilang anak na ginagawa nila ang lahat para
satin, dahil ang unang tatanggap sa mga anak sa huli ay walang iba kundi ang
ating mga magulang. At ang huling mensahe ng awitin ay, nagsasabi na nasa
huli ang pagsisisi.
VII. Teorya: Teoyang Sosyolohikal dahil ipinakita sa awitin ang suliranin ng
lipunan at yun ang bisyo.
Teoryang Romantisismo dahil ipinakita dito ang pagmamahal
ng magulang sa anak.
Teoryang Bayograpikal dahil ipinakita sa kanta ang buhay ng
anak at pano ito pinalaki hangang sa ito ay lumaki na.

AWITING MAKABAGO

I. Pamagat: “MAPA” Ang kantang ito ay sikat na sikat sa mga kabataan,


lalo na sa mga anak at estudyante na nais bigyan na magandang buhay at
suklian ang paghihirap na kanilang mga magulang.
II. Kompositor: SB19 at Ben&Ben. Ang awitin nila ay tungkol sa napapanahon
ngayon na tinatangkilik na mga kabataan ngayon, madalas ay patungkol sa
pagibig,suliranin at nagbibigay inspirasyon.
III. Tauhan: Anak, Mama, at Papa
IV. Tema o paksa: Ang awitin ay tungkol sa anak na gustong suklian ang
paghihirap ng kanyang magulang.
V. Tono: Nagbibigay inspirasyon
VI. Mensahe: Nag bibigay inspirasyon sa mga tao na maging
mapagpahalaga sa lahat ng ginawa ng ating mga magulang para sa atin at
suklian sila sa lahat na kanilang paghihirap.
VII. Teorya: Teoryang Romantisismo dahil ipinakita dito ang pagmamahal
ng ina at ama sa kanyang anak at sa huli ibigay din ng anak ang kanyang
pagmamahal sa kanyang magulang bilang sukli.
Teoryang Arkitaypal dahil ipinakita sa awitin na ang mga
magulang natin ay isang “mapa” sa atin na nagbibigay daan upang tayo ay
makapaglakbay.
Teoryang Bayograpikal ipinakita sa kanta ang buhay na anak
ng siya ay bata pa hanggang siya ay lumaki.

You might also like