You are on page 1of 24

Kaligirang

Pangkasaysayan ng
Tanka at Haiku
TANKA AT HAIKU
Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo
ng tula na pinahahalagahan ng
panitikang Japan. Ginawa ang Tanka
noong ikawalo siglo at ang Haiku
noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito
layong pagsama-samahin ang mga
ideya at imahe sa pamamagitan ng
kakaunting salita lamang
.
TANKA
TANKA
Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa
kalipunan ng mga tula na tinawag na
Manyoshu o Collection of Ten Thousand
Leaves.

Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t


ibang anyo ng tula na karaniwang
ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
Ang pinakaunang Tanka ay
kasama sa kalipunan ng mga
tula na tinawag na Manyoshu
o Collection of Ten
Thousand Leaves.

Antolohiya ito na naglalaman


ng iba’t ibang anyo ng tula na
karaniwang ipinahahayag at
inaawit ng nakararami.

Manyoshu
TANKA
Sa panahong lumabas ang Manyoshu,
kumawala sa makapangyarihang
impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino
ang mga manunulat na Japan. Ang mga
unang makatang Japanese ay sumusulat sa
wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang
wikang Japanese sa pagsasalita at wala pang
sistema ng pagsulat.
TANKA
Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo,
isang sistema ng pagsulat ng Japanese ang nilinang na
mula sa karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan
ang tunog ng Japanese. Tinawag na kana ang
ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “
hiram na mga pangalan”. Noong panahong nakumpleto
na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga
makatang Japanese ang wika nila sa pamamagitan ng
madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang
pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Japanese na ang
Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na
matatawag nilang sariling-sarili nila.
Ang tanka ay
• May limang taludtod na
tatlumpu’t isa (31) ang
kabuuang bilang ng mga pantig.
• May hating 5-7-5-7-7 (ang ibang
TANKA
tanka ay may hating 7-7-7 -5-5),
pero puwede ring magkapalit-
palit basta’t tatlumpu’t isa (31)
pa rin ang ka buuang bilang ng
pantig.
Karaniwang katangian ng tanka ay magsaad
ng damdamin tulad ng pagbabago, pag-iisa, o
pag-ibig. Puno rin ng damdamin ang tanka.
Nagpapahayag ng pangakong pagmamahal.
Ng forever, ika nga. Sa halip na sabihing
“masaya akong kasama ka,” papalitan ito ng
“aliw ng puso.” Sa gayon, sasakto ring limang
pantig. Damhin mo rin ang drama ng huling
pantig – hindi ka na luluha. Pagpapahiwatig
ito na dumanas ng maraming lungkot o hirap
ang minamahal.
Halimbawa ng Tanka

Katangi-tangi
Ikaw at ikaw lámang,
aliw ng puso,
iingatan ka lagi,
hindi ka na luluha
Halimbawa ng Tanka

Ako’y gutom na
Para sa pagbabago
Ng ating bayan
Para sa ating bukas
Para sa kabataan
Halimbawa ng Tanka

Walang magawa
Ika’y nasa puso na
At di aalis
Habang tumitibok pa
O, ang mahal kong sinta
HAIKU
HAIKU
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi
ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang
bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Japanese.
Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.

Noong panahon ng pananakop ng mga


Japanese sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang
Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludturan.
HAIKU
Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng
taludtod na may wastong antala o paghinto Kiru ang tawag dito o
sa English ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating
panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting
word”.

Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling


tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na
paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na
mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang
berso. Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal
na pagwawakas.
HAIKU
Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang
kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na
nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay “ unang
ulan sa pagsisimula ng taglamig”.

Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka


ang kultura at paniniwala ng mga Japanese upang lubos na
mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.
Ang haiku ay mas maikli
kaysa sa tanka. May
labimpitong (17) pantig lamang
at may hati ng taludtod na 5-7-
5. Pero puwede ring
magkapalit-palit ang kabuuang
pantig basta labimpito (17) pa
rin ang kabuuan.
Gaya ng tanka, puno rin ng emosyon ang
haiku. Karaniwang paksa ng haiku ang
kalikasan at pag-ibig.
Sa haiku, nakikiusap o inuutusan ng
persona (ang nagsasalita sa tula) ang ulan na
pawiin ang lungkot na kaniyang nadarama.
Sa halip na kalungkutang nararanasan ng
mga oras na iyon, “puso kong lumbay” ang
ginamit. Pansinin na nasa unang katauhan o
first person ang nagsasalita sa haiku.
Halimbawa ng Haiku

Ang payo ko lang


Makipagkaibigan
Sa maiinam.
Halimbawa ng Haiku

Gabing madilim
Kulay ay inilihim
Kundi ang itim
Halimbawa ng Haiku

Pinakatunay,
Na kaibigang taglay,
Ang Poong Buhay!
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku
Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t
isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang
hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-
7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng
pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.

Samantala, ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka.


May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong
taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod
ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan
ng pantig ay labimpito pa rin.
Pag-aralan ang tanka at haiku. Punan ng
wastong sagot ang mga kahon sa ibaba.
Punuin ang talahanayan. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

You might also like