You are on page 1of 43

Mga Haiku at Tanka

Quarter 2
Aralin 1
Ito ay may maikling estilo ng tula na
binubuo ng tatlong linyang may sukat na 5-
7-5 pantig o kabuuang 17. May mga
haikung may pagtutugma, at mayroon ding
wala.

Matsuo Basho
H - Kilalang manunulat dahil sa mga
A sulatin niyang pumapaksa sa kalikasan o
kapaligiran
I
K
U
Tubigang sinauna,

Lumundag ang palaka,

At ang tubig, “Plok”

Pagpapakahulugan:
1. Sinaunang tubigan – tumutukoy sa matanda o luma na
2. Palaka – sumasagisag sa kabataan at kasiglahan

Sa malawak na pagpapakahulugan, maaaring nais ipahiwatig ng may-akda na:


paminsan-minsan, ang ating nakalakihang tahimik na buhay ay maaring gulantangin
ng isang bagay na magbibigay sa atin ng saya o bagabag.
Sa berdeng sanga,

Ay may dumapong uwak,

Gabi, taglagas.

Pagpapakahulugan:

Magkataliwas ang sinisimbolo ng berdeng sanga at ng uwak.


Ang isa ay kabataan o kasiglahan, ang isa naman ay paparating na
gabi, o taglagas o katandaan.

“sumasapit ang panahon, tayo ay darating dinsa taglagas ng ating


buhay. Tatanda rin tayo”.
Nalalampasan ko

Na’ng buhay nilang lahat.

Napakalamig !

Tumutusok na lamig.

Sa aming silid, ang namayapa


kong asawa

Dumadalaw sa aking paanan.


Mabining dumating ang niyebe.

At kumapag,unang-una,

Saaking ilong.

Pahiram ng balikat,

Simbilis ng kulog-kidlat,

Na maging unan ko sa
paglalakbay.
Isang popular na anyo ng kalikasang
panulaang Hapon. Ang tanka ay salitang
Nihonggo na ang ibig sabigin ay “maikling
awit”

Nagtataglay ang tanka ng limang taludtod


na may sukat na 5-7-5-7-7 bilang ng pantig.
T Ang unang 3 taludtod ay tinatawag na kami-
mo-ku, na nangangahulugang “nakataas na
A parirala”. Ang dalawang huling taludtod ay
tinatawag na “nakabababang parirala”
N
K
A
Sa puting buhanginan

Ng aplaya sa munting pulong ito

Sa dagat Silangan,

Ako, na may guhit ng mga luha ang mukha

Ay nakikipaglaro sa alimango.
-Ishika Takuboku
Nakatayo ako roon

Ang lamig ngayong umaga’y

Ginulat ako!

Mahinhing hamog:nakasalansan sa ilalim

Mga lagas na dahon ng kaki.


-Ito Sachio
Tulad ng bumubulang batis,

Ang huni ng ibon

Sa mga puno ng pino

At ng sereso:kinukumutan

Ang bundok, tanghali.


-Wakayama Bokusui
Sa pagtunghay ko

Sa Bundok Yoshino

Karilaga’y nasa lahat ng dako.

Ngayon, ang mga sakura

Doon ay namumukadkad.
-Masaoki Shiki
Mga Uri ng tayutay
PAG-UUGNAY O
PAGHAHAMBING
SIMILI (PAGTUTULAD)

-nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay


sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad,
par, parang para ng, animo, kawangis ng, gaya ng, tila,
kasing-,sing-,
HALIMBAWA:

Tila parang isang rosas ang ganda niya.

Siya ay parang isang leon kung magalit

Tila yelo sa lamig ang kamay ng binata dahil sa pagkagulat.

Animo’y maamong tupa ang mukha ni Juan kaninang siya ay


pinapagalitan.
METAPORA (PAGWAWANGIS)

Tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng


pangatnig. Nagpapahayag ito ng katangian ng bagay na
inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang
kagaya o katulad.
Halimbawa:

Siya ay langit na hindi kayang abutin nino man

Ang mga nangangalaga sa kalikasan ay mga anghel sa


kagubatan.

Ang kagandahan niya ay kislap ng mga bituin sa gabing


madilim.

Isang maamong tigre ang kanyang itsura nang siya ay


pinagalitan ng kanyang ina.
METONIMYA ( PAGPAPALIT-TAWAG )

Ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa


pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais
ipahayag.
Halimbawa:

Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na anghel.

Iniligtas niya ako, siya ang aking Superman.

Ang palasyo ay nag anunsyo na walang pasok bukas.


SINEKDOKE (PAGPAPALIT-SAKLAW)

Nagbabanggit sa isang bahagi, konsepto o kaisipan, upang


sakupin tukuyin ang kabuuan.
Halimbawa:

Apat na mata ang pagtukoy na tumitig sa kanya.

Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa inang bayan.

Ayokong nang makita ang pagmumukha mo sa pamamahay na


ito.
PAGLALARAWAN
EKSAHERASYON (PAGMAMALABIS)

Ito ay lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng


isang tao, bagay,pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.
HALIMBAWA:

Bumaha ng luha sa burol ng ama dahil sa hindi pagtanggap ng


mga anak sa pagkawala ng kanilang ama.

Namuti ang buhok ni Pedro kakahintay sa kanyang kaibigan.

Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.


APOSTROPE (PAGTAWAG)

Pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang


nakikipag-usap sa ibang buhay na ta na malayo o isang taong
oarang naroon at kaharap gayong wala naman.
HALIMBAWA:

Halina’t giliw ko’t gapos ko’y kalagin kung mamatay ako’y


gunitain mo rin.

Pag-asa, nasaan ka na?

Lungkot, bakit lagi mo akong binabalot?

Kamatayan, bakit di pa wakasan yaring buhay?

O araw, sumikat ka at bigyang liwanag ang aking daraanan.


EKSLAMASYON (PAGDARAMDAM)

Isang paglalabas o pagpapahayag ng matinding damdamin.


HALIMBAWA:

O, araw na lubhang kakila-kilabot! Araw na sinumpa ng galit ng


Diyos!

Paparating na ang mahal na Hari. Mabuhay! Mabuhay!

Matitikman ninyo ang batas ng isang api!


OKSIMORON ( PAGTATAMBIS )

Nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong


mapatinglad ang bisa ng pagpapahayag.
HALIMBAWA:

Nakakabinging katahimikan ang kanyang nadatnan.

Winakasan na upang magsimula.

Masaya ako sa iyong pagkatalo dahil tama lang yan sa iyo.


PAGSASALIN NG
KATANGIAN
PERSONIPIKASYON (PAGSASATAO)

Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga


katangiang pantao- talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos
tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang-diwa.
HALIMBAWA:

Malamig na hangin ang humaplos sa aking pisngi.

Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.

Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

Masayang umaawit ang mga ibon sa sanga.


PAGSASATUNOG
ONOMATOPEIA (PAGHIHIMIG)

Ito ang ginagamit ng mga salitang kung ano ang tunog


siyang kahulugan.
HALIMBAWA:

Ang lagaslas ng batis ay isang uri ng huni ng kalikasan.

Umalingawngaw ang putok ng isang baril sa aming baryo.

Humahalinghing siya sa sakit ng hagupit na kanyang natanggap.

Malakas na pagaspas ng kawayan ang aking narinig kagabi.


ALITERASYON (PAG-UULIT)

Magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit


na mga salita I talidtod o saknong na nagbibigay ritmo sa
pagbigkas ng tula.
HALIMBAWA:

Ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang mapatid.

Dito nakabangon ang naglulugami at napasa-tuwa

Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na


pagpapasiya sa kanyang pusong umiibig.
ACTIVITY TIME
PANUTO: Sabihin kung anong uri ng tayutay ang mga
pangungusap.
1. Nabiyak ang kanyang damdamin sa sobrang pagdadalamhati.
eksaherasyon

2. Sumasayaw ang mga alon sa karagatan. Personification

3. Nagliliyab ang mga mata ng galit na galit na lalaki. Pagmamalabis

4. Maraming puso ang nadurog nang mamatay ang kinikilala nilang ama.
Pagpapalit saklaw
5. Lumuha ang langit nang masawi ang kanyang lola.

Pagbibigay katauhan
6. Binigyan mo ng kulay ang mundo kong matamlay.
pagwawangis
7. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang
elemento. pagtawag

8. Ang palasyo ay nagproklamang gumamit ng mask at


faceshield kapag lalabas ng bahay. Pagpapalit-tawag

9. Hindi pa tapos ang labang ito! pagdaramdam

10. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila dibdibin ang tinig ng


Poong Bathala. Pag-uulit
Gawain 2.1 TAYUTAY

Sumulat ng pangungusap na may tayutay ayon sa ibinigay


kong paksa. Kayo ang mamimili kung anong uri ng tayutay ang
inyong gagamitin.

HALIMBAWA:

PAKSA: NANAY

Siya ay isang bituing kumikinang sa madilim na gabi.


(PAGWAWANGIS)
PAKSA

1. PABANGO 8. KULAY

2. SAMPAGUITA 9. BABAE

3. BIBIG 10. MAINGAY

4. KAMAY 11. KATAHIMIKAN

5. AMOY 12. MUNDO

6. PAGKAIN 13. PAMILYA

7. LIBRO 14. PAGMAMAHAL

You might also like