You are on page 1of 12

IPAKILALA

ANG IYONG
SARILI
Bb. RAGENIE P. ABADIANO
Guro sa Filipino 8
 Messenger: Ragenie Pesante Abadiano

 Cellphone Num: 09101029972

abadianoragenie22@gmail.com
INTRODUKSYON
sa
FILIPINO 8
Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo

F8PN-Ia-c-20
Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang napakinggan.

F8PB-Ia-c-22
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

F8PD-Ia-c-19
Nakikilala ang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na ginamit sa napanood na pelikula o
programang pantelebisyon
UNANG
LINGGO
Aralin 1: MGA KARUNUNGANG-BAYAN: BUGTONG,
SALAWIKAIN, KASABIHAN, AT SAWIKAIN

PAGTUKLAS

Mababatid mo sa bahaging ito ng modyul ang mga karunungang-bayan


na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Matutuklasan mo rin dito kung
paano nakaaapekto ang mga karunungang-bayan ng kahapon sa ngayon
at sa kinabukasan.
 
Gayundin, matutuklasan mo kung paano mapananatili at mapauunlad
ang mga karunungang-bayan na minana pa sa ating mga ninuno.
Gawain 1: Kaisipan at Saloobin Mo, Ibulalas Mo

Panuto: Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa sikat na salawikaing


“Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo.” Isulat ang iyong sariling
pagkakaintindi sa salawikaing ito sa inyong kwaderno sa Filipino. Isulat sa loob ng
tatlo hanggang limang pangungusap.
Buong atensyon ang hinihiling ng bahaging ito ng modyul upang malaman at
maunawaan mo ang mga karunungang-bayan na lumaganap sa Panahon ng
Katutubo at masalamin sa mga ito ang mga kultura nating mga Pilipino na
kailangang yakapin at payabungin sa kasalukuyan.
 
Upang higit na magkaroon ng tiyak na direksyon at higit na maayos Ang magiging
daloy ng impormasyong iyong malalaman, makatutulong ang pagbibigay-atensyon
sa nilalaman ng grapikong pantulong ayon sa tamang pagkasunod-sunod ng
pagtalaky sa mga ito.
 
TANDAAN

 
Ang bawat karunungang-bayan ay may
ginagampanang malaking papel upang makita
ang epekto ng panitikan kasalukuyan at sa
kinabukasan at kung paano ito mapananatili at
mapauunlad.
Basahin at unawain mo ang mga Karunungang-bayan na
Umusbong at Lumaganap sa Panahon ng Katutubo Upang higit na
malaman at maunawaan ang iba’t ibang saklaw ng karunungang-
bayan na naging palasak sa Panahon ng Katutubo, at makita ang
kahalagahan ng mga ito kahapon, ngayon, at bukas, iyong
basahing mabuti ang teksto sa ibaba.
 
 

Mga Karunungan-Bayan na Umusbong at


Lumaganap sa Panahon ng mga
Katutubo
BUGTONG – ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay
binibigkas nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang bugtungan ay
nilalaro ng mga naglalamay sa bahay nang namatayan upang magbigay-aliw at upang
di antukin ang mga nagpupuyat. Nang lumaon, ang bugtungan ay ginagawa rin kung
may handaan o pistahan. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.

Mga Halimbawa:
 
1. 1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.

1. Sagot: Langka

2. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.

Sagot: Bayabas
3. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.

Sagot: Saging

4. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis

Sagot: Sili

You might also like