You are on page 1of 33

DALUMAT NG/SA WIKANG FILIPINO

AMBAGAN
AMBAGAN
Ang proyektong AMBAGAN ay proyekto ng FIT na
ginaganap tuwing ikalawang taon mula noong 2009. Ang
pinakaunang kumprensiya nito ay ginanap noong ika-5 at
6 ng Marso 2009 na kinatampukan ng mga panayam ng
mga eksperto hinggil sa mga salita mula sa mga wikang
Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Ifugao,
Kinaray-a, Magindanaw, Maranao, Kapampangan,
Pangasinan, Tagalog, Tausug, at Waray.
Kumikilala at tumatalima ang proyektong ito
sa probisyong pangwika sa Artikulo XIV,
Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng Filipinas na
nagsasabing “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika.”
Nagpapanukala ito ng isang estratehiya sa
pagpapayaman ng wikang Filipino—ang
paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo
ng iba’t ibang wika sa Filipinas upang
ilahok sa korpus ng wikang pambansa (
www.panitikan.com.ph mula sa
Buenaventura, 2013).
PAPEL NG AMBAGAN SA PAGPAPALAWAK NG WIKANG PAMBANSA (FILIPINO)

Tulad ng Sawikaan, ang Ambagan ay gumaganap din ng


malaking papel sa pagsulong ng pagdadalumat sa Pilipinas
 Ayon kay San Juan(2019), “ang Ambagan ay proyekto ng
nasyonalisasyon – ang pagiging ganap na pambansa - ng
wikang pambansa, ang pagtiyak na patuloy itong umuulad
batay sa iba pang wika sa Pilipinas at hinsi lamang salig sa
Tagalog, bagay na makatutulong nang malaki upang hindi na
muling magkaroon ng puwang ang mapanghating ideya ng
rehiyonalismo.”
PAMANTAYAN SA PAGPILI NG LAHOK SA AMBAGAN

a . Pagpapása ng abstrak na hindi lalabis sa 300 salita,


 b. kailangang maghanay ang mananaliksik ng mga salitang
may natatanging kahulugan sa kultura at kasaysayan ng
pinagmumulang etnolingguwistikong pangkat.
PAMANTAYAN SA PAGPILI NG LAHOK SA AMBAGAN

 c. Kailangang maipaliwanag ang metodong gagamitin sa


pangangalap, pagpapakahulugan, at pagbibigay ng
halimbawang gamit sa pangungusap o karaniwang pag-uusap.
 d. Kailangan ding mapangatwiranan kung bakit mahalagang
maging bahagi ng korpus ng Pambansang Wika ang mga
salitang ito.
AMBAGAN 2011
Inihandog nina Cles Rambaud at Ariel
Tabag ang mga salitang Iluko na maaaring
ibilang sa korpus ng wikang Filipino. Ayon sa
kanila, tiyak na makakikita ng terminong
Iluko na hindi tuwirang maisalin o mabigyan
ng eksaktong kahulagan sa wikang Tagalog
kahit hindi naman nagkakalayo ang mga
kultura nito.
“kabus” (kabilugan ng buwan),
“murmuray” (panunumbalik sa
normal ng mga sentido pagkagising)
“kibin” (magkahawak-kamay
habang naglalakad).
Inilarawan ni Lucena Samson
ang kagandahan ng wikang
Kapampangan at ang patuloy
nitong maiaambag sa wikang
Filipino.
“mánúcluan” (iskwater)
“tángî” (pag-aaring nakuha sa
panahon ng pagpapakasal ng mag-
asawa)
“síbul ning lugud” (walang
hangganang pagmamahal).
Si Kristian Cordero
ng mga salitang
Bikolano gaya ng:
“hablóndawani” (bahaghari)
“tuntón-balagón” (alitaptap)
“mangíndara” (mga sirena sa
lawa).
Ang presentasyon ng mga salitang
Tagalog-Batangas ay inilunsad ni
Renerio Concepcion. Isinalaysay
niya ang mga katangian ng wika ng
Batangas at ang kaibahan nito sa
ibang mga wika sa bansa.
“Nasa malimit na pataas-tono ng puntong
Batangas ang matitinding damdamin.
Sinasabi pa ngang ang isa sa mga
pekulyaridad ng salitang Batangas kapag
winiwika na ay ang matitigas na diin
habang pumupunto ang nagsasalita,” ani
Concepcion.
Ilan sa mga iniambag niya ay ang mga
salitang Tagalog-Batangas
“baysánan” (kasalan)
“hímatlúgin” (nanghihina ang katawan)
“malì-malì” (magugulatin).
Si Ruth Tindaan naman ang
nagprisinta ng mga salitang
Kankanaey tulad ng:
“gait” (kasama)
“benge” (palamuti sa buhok ng mga
kababaihan)
“inayan” (pagpigil sa isang tao sa
paggawa ng isang bagay at pangalawa
ito ay isang ekspresyon na
nagpapahayag ng pagkadismaya).
Ipinakilala naman ni
Rosario Butron-Dizon
ang mga salitang
Higaonon tulad ng:
“kaamulan” (piyestang
kultural)
“búuy” (lola sa tuhod)
“kapú-un” (pinagmulan ng
lahi).
Ang mga salitang Mansaka ay inihandog naman ni
Marilyn Arbes sa pamamagitan ng pagbibigay ng
karagdagang impormasyon ukol sa mga lugar na
gumagamit ng naturang wika.
“Isa sa mga katutubong nagtataglay ng sariling kultura
at may wikang nagagamit sa pakikipagkomunikasyon
ay ang tribu ng Mansaka na matatagpuan sa Rehiyon
XI partikular na sa mga lalawigan ng Comval Province,
Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental,”
aniya.
Ang mga salitang Mansaka
“takláy” (pulseras),
“búnong” (pagbibinyag)
“bayók” (pagsasalaysay ng mga
pangyayari sa nakaraan)
Ibinahagi ni John Teodoro
ang mga salitang
Hiligaynon na
kinabibilangan ng:
“pangayaw” (dayuhan)
 “inday” (pantawag ito sa mga
mahal mo sa buhay na babae katulad
ng kapatid, asawa, anak, pamangkin,
at kahit na malayong kamag-anak).
Idinulog naman ni
John Barrios ang mga
salitang Aklaonon.
“ílis”
(palitan)
“panakáyon” (biyahe)
“panáad” (pangako).
Ang mga lahok mula sa
Tagalog-Laguna ay
ipinahayag naman ni Edgar
Samar tulad ng:
“kinís”(magkasabay na
pamumula’t pamamawis)
“waswás” (ubos na ubos)
“himpíl” (paghuhugas ng pinggan).
Isinalaysay ni Genevieve Asenjo
ang mga salitang mula sa wikang
Kinaray-a. Pinatunayan niya na
kahit na hindi gaanong bantog
ang wikang ito, ang Kinaray-a ay
patuloy sa pag-unlad.
“Masasabi ko na nakaahon na sa panahon ng
'inferiority complex' ang Kinaray-a. Lumalakad ito
sa kasalukuyang panahon, kahit pa ba hinay-hinay,
na may kamalayan sa kaniyang maragtas, mulat sa
kanyang konteksto, at nakikisali, sumusugal, sa
mga posibilidad ng pag-aakda ng bansa sa
pamamagitan ng pagtatayo ng sarili nitong
pampanitikan-wika-kultural na infrastraktura,”
aniya.
Ang mga salitang Kinaray-a :
“búngkag” (paghiwalayin)
“pìnàlínpín” (palay na walang
laman)
“pásí” (trumpo).
Talasanggunian:
https://www.coursehero.com/file/52358987/tanggol-wika-metodo-at-dalumatpp
t/
https://varsitarian.net/filipino/20111003/
ambagan2011_patuloy_na_pagpapaunlad_ng_wika

You might also like