You are on page 1of 2

KABANATA III : ANG DIMENSYON NG WIKA

INTRODUKSYON

Bahagi ng metalinggwistik na pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito. Ang
pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng
ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa
pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, pinag-aralan at iba
pa. samakatwid, may dalawang dimension ang baryalidad na wika ang dimensyong heograpiko at
dimensyonng sosyal wika ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal. (Constantino 2006)

DIMENSYONG HEOGRAPIKO

DAYALEK ang barayti ng wikang nalilikha dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang
aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na
ginagamit sa kapuluan n gating bansa.

Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang sumusunod:

a. Ibanag ng Isabela at Cagayan


b. Ilocano ng Ilocos
c. Pampango ng Pampanga
d. Pangasinan (Pangasinense) ng Pangasinan
e. Bicolano ng Kabikulan

Sa Visayas ay mababanggit ang mga sumusunod:

a. Aklanon ng Aklan
b. Kiniray-a ang Iloilo, Antique at Kanlurang Panay
c. Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay
d. Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa.

Samantala, ilan sa mga dayalek sa Mindanao ay ang..

a. Surigaonon ng Surigao
b. Tausug ng Jolo at Sulu
c. Chavacano ng Zamboanga
d. Davaoeno ng Davao
e. T’boli ng Cotabato

Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo
kundi maging sap unto o tono at istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog
ng mga naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika.
Iba ang pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang
panagagalog ng taal na taga-Maynila sa taga-Batangas, taga-bulacan at taga-Rizal.

KABANATA V MGA TEORYA AT PANANAW SA BARAYTI NG WIKA.

INTRODUKSYON

Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-aaral at pananaliksik


ang tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay ng pagpaplanong pangwika
na isinasagawa sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may mga isyung panglinggwistiko na
kaugnay ng pagkakaroon ng varayti ng wika. Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng
wika sa paniniwala ng mga linggwist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika. (Saussure
1916)

Ayon kay Roussean (1950) ang varayti at varyasyon ng wika ay dala ng tao na may iba’t ibang
lugar na tinitirahan, interes, Gawain, pinag-aralan at iba pa. sa pagdaan ng panahon, nagiging
ispesyalisado ang mga Gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at
wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.

Ang mga pagkakaibang ito ng/sa wika ay

You might also like