You are on page 1of 10

Dulaang Filipino

TEATRO – collaborative na anyo ng pinong sining na gumagamit ng mga live performer, karaniwang aktor o actress,
upang ipakita ang karanasan ng isang tunay o naisip na kaganapan bago ang isang live na madla sa isang partikular
na lugar, madalas na isang yugto.
Ang teatro artist na si Patrice Pavis ay tumutukoy sa theatricality, theatrical language, stage writing at ang pagiging
tapat ng teatro bilang magkasingkahulugan na expression na iba-iba ang teatro mula sa iba pang mga gumaganap
na sining, panitikan at ang mga sining sa pangkalahatan.
Ang bulwagan, dulaan , tanghalan o teatro ay ang sangay ng ginaganap na sining na may kinalaman sapag-arte ng
mga kuwento sa harap ng mga nakikinig naginagamit ang magkahalong salita, galaw, musika,sayaw, tunog at
panooring kahangahanga

Katangian ng mga klasikal


1) Trahedya kalian komedya ang klasipikasyon ng genre ay mahigpit
2) Lahat ay may prosody talatang drama
3) Paggamit ng maskara
4) Koro existence (depende sa artists)
5) Ginawa ito sa space-time ng isang outdoor festival.

Terminolohiyang Ginagamit sa Teaatro

• Act Ito ay mga malalaking pagkakahati sa dula.


• Apron ito ang pangalang binibigay sa bahagi ng entablado. Ito ay bahagi ng gilid ng awditoryum na telon.
• Asm Assistant Stage Manager
• Backstage Ito ay pinatutungkulan sa likod ng entablado kung saan hindi nakikita ng mga manunuod ang mga
aktor ng dula. Kabilang dito ang dressing room ng mga artista.
• Blackout Ito ang sandali ng pagtatanghal na patay lahat ang ilaw sa entablado.
• Blacks Ito ang terminong ginagamit sa damit ng mga crew habang nagtatanghal.
• Blocking Ito ay ang proseso ng pagsasaayos ng mga galaw ng mga artista sa ibabaw ng entablado.
• Box Office Ito ay unahan ng “HOUSE” na kung saan maaaring makabili ng tiket sa panunood ang mga
manunuod.
• Box Set Silid na may tatlong dingding na kung saan ang pangapat na haligi ay tinanggal
• Bump In Proseso na paghahanda sa teatro sa isang particular na produksyon. Kabilang nito ang pagbubuo ng
set, bahagi nito, damit at ilaw sa entablado.
• Call Ang ‘call’ ay terminong ginagamit upang tawagin ang lahat ng aktor sa tanghalan.
• Casting Ito ay proseso ng pagpili ng mga artista para sa isang dula.
• Curtain Call Ito ay paglabas ng mga aktor at magbibigay ng bow sa entablado.
• Downstage Patungkol sa isang bahagi ng entablado na malapit sa mga manunuod.
• Cue Ito ay terminong ginagamit ng Stage Manager na kung isang direktiba o utos na ginagamit sa mga tao sa
teknikal kabilang ang tao sa lights at sound.
• Dress Rehearsal Isang buong pagtatanghal ng dula. Ginagawa ito bago ang pagtatanghal.
• Flat Isang parihabang frame na nababalutan ng tela o plywood. Ginagamit sa isang produksyon sa dula na
ginagamit sa iba’t ibang pagtatanghal.
• Fourth Wall isang imahinasyong haligi o dingding sa dula na tiatangggalupang makapanood ang mga manunod
ng galaw sa isang silid.
• Front of House Ito ang pangkalahatang lugar na sakop na kung saan maaring daanan o gamitin ng mga
manunuod kabilang dito ang foyer, the bar, box office at mismo ang auditorium.
• Green Room Ito ang isang natatanging silid na kung saan maaaring mag-unwind ang mga aktor.
• House Ito rin ay ang tinatawag na auditorium
• Interval Ito ang saglit na pagitan ng mga nagtatanghal.
• Matinee Ito ay pagtatanghal sa umaga o sa hapon maliban sa pang-gabing pagtatanghal.
• Pre Set Terminong ginagamit upang ilarawan ang pagsasaayos ng mga ilaw at props sa entablado bago
magsimula ang dula.
• Proscenium Arch Ito ang terminong ginagamit sa ‘frame’ na ginagamt sa pagtatanghal.
• Run Ibig sabihin na buong haba ng pagpapalabas o pagtatanghal ng isang particular na produksyon.
• Stage Left/Stage Right Ito ay isang perspektibo ng aktor sa entablado kung saan ang aktor ay tumatayo sa harap
ng manunuod sa ibabaw ng entablado.
• Technical Rehearsal Ito ay natatanging pag-eensayo na naka-focus sa ilaw, set, sounds at music na gagamitin
sa pagtatanghal
• Theatre in the Round Ito ay isang porma ng teatro na kung saan ang manunuod ay nasa paligid ng nagtatanghal.
• Upstage Ito ay pagnakaw ng isang aktor sa isa pang aktor ng atensyon ng manunuod sa entablado.
• Wings Isang espasyo sa gilid ng entablado kung saan naghihintay ang aktor upang paghandaan ang kanyang
pagpasok sa entablado.

ELEMENTO NG TEATRO
1) Mga artista – sila ang mga propesyunal na tao na nagbibigay buhay sa isang karakter, nagbibigay kahulugan
sa isang tauhan, sumasalamin at naggaganyak ng mga konseptong kanilang sinisimbolo
2) Scenography – ang scenario ay isa sa mga element ng teatro na pinagsasama sa entablado. Ito ay ang mga
hanay ng mga bagay at dekorasyon na ginagamit upang kumatawan sa puwang kung saan nagaganap ang
mga kilos.
3) Madla/awdyens – isa sa mga element ng teatro na hindi napapansin dahil sa pasibo nilang papel nang hindi
paglahok sa paglikha ng isang dula kung kaya’t hindi ito namamalayan.
4) Iskrip – ang iskrip ang itinuturing na kaluluwa ng isang dula
5) Pag-iilaw/lighting – bagaman sa maraming dula, ang pag-iilaw ay inilalaan lamang upang posibleng makita
nang maayos kung ano ang nangyayari sa entablado, at higit sa lahat upang markahan ang sandal ng paglipat
mula sa isang eksena patungo sa isa pa
6) Pampaganda – ito ang element ng teatro na kosmetiko, bagaman hindi itot nagangahulugan na ang
pangunahing layunin ay ang pagandahin ang mga tauhan o kaya gawing kaakit-akit na karakter
7) Kasuotan – ang costume ay halos kapareho ng pampaganda dahil binubuo ito ng paglalapat ng produkto sa
mga actor upang maipahayag ang mga damdamin at ideya sa pamamagitan ng kanilang simpleng presensiya.
8) Tunog – ang tunog ay binubuo ng musika at mga pantulong na sound effects na makatutulong upang
maunawaan kung ano ang nangyayari sa kuwento.
9) Voice over – ay isang serye ng mga pahayag na inilalabas ng isang taong hindi kabilang sa kung ano ang
nangyayari sa kilos ng dula at hindi nakikita ng publiko.
10) Direktor – itinuturing na kalansay ng isang dula, siyang namamahala sa pagsasaayos ng mga binanggit na
element ng teatro, kapwa ang mga materyales

Brainstorming ng Naratibo – pagpapasya kung anong kuwento ang nais ibahagi. Pag-isip sa mga pangunahing
tauhan at kung paano tatakbo ang kaniyang kuwento.
Pagsasaalang-alang sa istruktura ng Dula – bago isulat ang dula, pagpasiyahan kung ano ang istruktura nito.
Magandang magsimula muna sa maikling dulang may isang yugto.

MGA PANGKAT PANDULAAN PARA SA MGA PAARALAN AT PAMANTASAN


Ang mga paaralan ay hindi ligtas sa mga iba’t iba mananakop. Maging sa larangan ng edukasyon ay kakikitaan ng
bakas ng impluwensiya ng mga dayuhan. Batay sa mga panitikang umusbong sa bawat panahon. Ang bawat
nailimbag o nalikhang akda ay naglalaman kasasalaminan ng ating kasaysayan. Sa kabila ng pag-unlad at
pagkawala ng ilang panitikan, isa sa maituturing na anyo ng panitikan na mula sa panahon ng katutubo hanggang
sa kasalukuyan na patuloy na namamayapag ay ang dulaan. Ang dulaan ay mula pa ating ninuno na bagamat
nabahiran ng mga mananakop ang estilo at wika, nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyan. Ito ay patuloy na
umunlad kung kaya’t ang dating dulaan na nasa tanghalan o isang lugar lamang napapanood, ngayon ay maging sa
paraalan at malalaking entablado ay bumibida, maging sa online at tanghalan sa ibang bansa ang dulaang Pilipino
ay tunay na kakaiba. Ang dulaan ay mainam na paraan at daluyan sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
Madalas natin itong maranasan sa paaralan na ipinapagawa buhat sa isang akda o sitwasyon na gagawan ng iskrip,
ito ay nakakahubog sa kakayahan at kasanayan ng mag-aaral. Ngunit ito ay may higit pang halaga sa
naging kasaysayan at sa kung ano ang ating natatamasa ngayon. Kaya ang ilang paaralan at pamantasan
ay patuloy sa mga gawaing pandulaan para kanya-kanyang pagpapahayag at adhikain.
⮚ ATENEO THEATER GUILD – pinamunuan ni Rolando Tinio. Gumamit ng wikang Filipino sa pagtatanghal.
⮚ DULAANG SIBOL ng MATAAS NA PAARALAN NG ATENEO – pinamumunuan ni Onofre “Mr.
Pagsi” Pagsanghan.
⮚ UP Repertory
✔ Muling nabuo ni Behn Cervantes.
✔ Nagtanghal ng mga dulang maka-Pilipino.
✔ May layuning makapagbuo ng isang manonood na kikilala sa at tatangkilik sa sining ng tanghalan bilang
tagapaghatid ng katotohanang pangsosyal at panlipunan. Ninais din nilang hasain ang mag-aaral na may hilig at
nais sa pag-arte.
✔ Muling binuhay ng pangkat na ito ang pagtatanghal ng mga tradisyonal na uri ng drama tulad ng dublo, tibag,
sarswuela at moro-moro.
✔ Ilan sa itinanghal ng UP Repertory ang sumusunod:
1. (1973) KAHAPON,NGAYON, AT BUKAS ni Aurelio Tolentino
2. PAGSAMBANG BAYAN – ni Bonifacio P. Ilagan
⮚ DULAANG UP
✔ Nabuo noong ikalawang semester ng taong 1975-1976.
✔ Ang pagkakatatag ng Dulaang UP dahil sa mga mag-aaral na nais kumuha ng kurso sa pag-arte sa Pamantasan
ng Pilipinas.
✔ Nakakitaan ng panibagong sigla at nagtanghal sila ng orihinal na dulang Pilipino na naglalarawan ng katutubong
buhay.
✔ Ilan sa itinanghal na mga dula ng Dulaang UP:
✔ PAGKAHABA-HABA MAN NG PRUSISYON, SA SIMBAHAN PA DIN ANG TULOY – salin ni Lilia Antonio ng
dulang MUCH A DO ABOUT NOTHING ni William Shakespeare. Ito ay idinirihe ni Tony Mabesa.
✔ ANG BUNDOK – dulang isinulat ni Amelia Lapeña-Bonifacio at idinirihe ni Behn Cervantes.
✔ ISANG GABI SA PILING NI BB.RITA GOMEZ AT NG MGA ARTISTA NG DULAANG UP – direksyon ni Tony
Mabesa.
✔ BOD-A-BIL – sa direksyon ni Chris Millado
✔ MARJORIE – ni Isagani Cruz at sa direksyon ni Ben Ramos.
✔ ULILANG TAHANAN – ni Wilfredo Ma. Guerrero sa direksiyon ni Cris Vertido. ✔ A TEATRO MULAT NG
PILIPINAS PRODUCTION – sa panulat at direksyon ni Amelia Lapeña-Bonifacio.
✔ ESTADOS UNIDOS VERSUS – isang produksiyon ng UP Repertory Company, sa direksyon ni Behn Cervantes.
⮚ DULAANG GURO PANGLINGKOD BAYAN
✔ Mas kilala din sa pangalang TEACHERS COMMUNITY THEATER
✔ Mula sa Dalubhasang Normal ng Pilipinas (Philippine Normal School)
✔ Itinatag at pinangasiwaan ni Propesor Natividad “Naty” Crame-Rogers noong 1976. ✔ Ito ay maging instrument sa
pagpapaunlad ng mga guro sa sining ng pakikipagtalastasan dahil ang pagtuturo ay isang sining na pasalita.
✔ May layuning magpalakad ng mga programang magpapaunlad ng mga pamayanan sa pamamagitan ng maunlad
ng pagtuturo.
✔ Ito ay isang grupong pang-edukasyong may misyong mapaunlad ang likas na kakayahan ng tao sa pamamagitan
ng pagsali sa mga drama.
✔ Gumamit ng dulaang pangkaunlaran (Development Theater) upang mapabatid sa mga baryo at mga lalawigan
ang mga proyektong pangkaunlaran ng ating bansa. ✔ May dalawang layunin ang Dulaang Guro Panglingkod
Bayan:
1. Makalikha ng dakilang panitikang madula na maaaring magamit sa paglinang ng edukasyong makatao gayon din
sa pagbibigay ng edukasyon sa larangan ng drama at sining ng teatro sa pamamagitan ng mga pagtatanghal ng
isang dramang klasiko sa loob ng isang taon.
2. Upang magtanghal ng mga dulang Pilipino sa mga lalawigan nang sa gayon ay makapagbigay ng kasiyahang
pangkalinangan sa pamamagitan ng mga dulang napapalooban ng mga saloobin, damdamin, kaisipan at kulturang
Pilipino.
✔ Ang dulang ipinalabas ng grupong ito sa kanilang mga paglalakbay at tinaguriang FOLK PLAY TROUPE ay
binubuo ng mga sumusunod:
1. BAKIT ANG BABABE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN – isang nakakikiliting adaptasyon ni Nicanor Agudo
mula sa kuwentong-bayan panitikan ni Felomina Colendrino.
2. THE LOVE OF VIRGIL AND CELY – dula tungkol sa pagliligawan at pag-aasawahan ng mga Pilipino noong
unang panahon, isinadula ni Nicanor Agudo batay sa maikling kuwento sa Ingles ni Lazaro Espinoza.
3. PANHIK-LIGAW – adaptasyon ni Dads Habito mula sa THE MARRIAGE PROPOSAL ni Anton Chekhov.
4. PITONG TAON – sinulat ni Fidel Sicam, isang komedya tungkol sa pamilyang Pilipino. 5. RAJAH MALAKAS AT
DEWI MAGANDA – ni Antonio Bayot, adaptasyon para sa drama musical ni Naty Crame-Rogers. Tampok sa dula
ang mga musika nina Lucrecia R. Kasilag, Crsipina C. Garcia at Myrna Saeng.
6. THE CRADLE SONG – dulang itinanghal sa Little Theater CCP para sa ika-100 pagdiriwang ng PNC sa
Graduate Level-21.
7. TIKLOK – dulang kung saan itinampok ang mga mag-aaral ng PNC sa Graduate Level na ang Espesyalisasyon
ay drama at sining Teatro.
8. Ang TUWA (Tanghalang Umiibig sa Wastong Aral) at EDIFY (Educational Drama dor Ideals of the Youth) –
itinanghal noong 1981 na naglalaman ng mga sumusunod na dula: a. SMALLEST OF ALL – kasaysayan ni Santa
Bernadette
b. THE CHRISTMAS NIGHTINGALE – pangunahing produksyon batay sa isang alamat ng bansang Poland.
c. ANG PANAWAGAN – sa panulat nina Naty Crame-Rogers at Genoveva Matute, musika ni Crispina C. Garcia
d. ANG KUWENTO NI PUSONG – isang kuwentong bayan na pambata
e. SNOWHITE AND THE SEVEN DWARFS
⮚ TEATRO TOMASINO
✔ Ang pangkat na ito ay binuo ng mga mag-aaral ng iba’t ibang departamento at kolehiyo ng pamantasan.
✔ Naging mabilis ang pagdami ng mga miyembro ng Teatro Tomasino. Mula sa 25 ay naging 57 pagsapit ng
Oktubre, 1977.
✔ Ang unang dulang itinanghal nila ay ang ANG AWIT NA HINDI MATAPUS-TAPOS ni Orlando Nadres.
⮚ DE LA SALLE UNIVERSITY DRAMATIC GUILD
✔ Ang pangkat na ito ay ginamit ng DLSU sa paglinang ng kasanayan ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong
drama at sining ng tanghalan kung saan sina Manny Castaneda, Jose Javier Reyes, Adul De Leon at Tony Espejo
ang mga pawing propesyonal na artista, manunulat at director ay nagtuturo.
✔ Kabilang sa mga produksiyong lumikha ng magandang pangalan para sa DLSU Dramatic Guild ay ang mga
sumusunod:
1. THE ROYAL HUNT OF THE SUN (1968(
2. TEA-HOUSE OF THE AUGUST MOON (1970)
3. GOODBYE, MY TITSER, GOODBYE, isang improbisasyon (1970)
4. AN ENGLISH TEA PARTY ni Paul Dumul (1971)
5. DOBLE CARA
6. HOY BOYET ni Tony Perez (1971)
7. PANTAGLEIZE (1971)
7. WHAT SHALL WE DO WHEN WE ALL GO OUT? Ni Jose Javier Reyes
8. WEDDING NIGHT ni Isagani Cruz
⮚ DULAANG PAMANTASAN (PLM Playhouse)
✔ Isa sa mga samahang pandulaang pampamantasan ay umusbong noong huling dekadang animnapu.
✔ Ito ay itinatag ni Dr. Rustica Carpio noong 1968, siya ay iginagalang na propesor ng drama at sining ng teatro.
✔ Layunin ng pangkat na ito ay paunlarin ang talento at kakayahan ng mga kasapi sa iba’t ibang aspekto sa sining
ng tanghalan.
⮚ DULAANG PUP
✔ SAMAHANG DUNGKAL ang unang taguri sa pangkat nang ito itinatag noong Enero 16, 1976 ng mga guro ng
Departamentong General Studies at Business Teacher Education ng Philippine College of Commerce na naging
Polytechnic University of the Philippines nang malaunan.
✔ Hunyo, 1976 nang pinalitan ito ng pangalan at ginawang Dulaang PUP.
✔ Ang pamunuan ng komiteng nagtatag sa pangkat ay binuo ng mga sumusunod: Jose Manalo (Pangulo); Samuel
Fernandez (Pangalawang Pangulo); Albino C. Amoguis, Jr. (Kalihim); Adoration Victorino at Virginia A. Ravin (mga
Taga-Ingat Yaman); Norma Martinez at Margerie Vieeca (PRO); at Dorotheo Dumlao (Tagapayo).
✔ Layunin ng grupo ang tuklasin at linangin ang mga malikhaing talento ng mga mag-aaral at guro; mapanatili ang
mabuting pagtitinginan at pagsasamahan ng mga mag-aaral at propesor sa pamamagitan ng teatro; magtaguyod
ng mga kultural na pagtatanghal para sa kapakanan ng mga mahihirap ngunit matatalinong mag-aaral; at magdaos
ng mga kultural na proyektong pampamayanan.
✔ Kabilang sa mga dulang itinanghal sa Dulaang PUP ang mga sumusunod:
1. WEDDING DANCE
2. NEW YORKER SA TONDO
3. DEAR TITA ROSIE
4. MIR-I-NISA
5. THREE SPECIAL LOVE STORIES
6. BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN?
⮚ TEATRO DE LETRAN
✔ Binubuo ng dalawapu’t limang kasapi, ang pangkat pandulaan na ito ay naka-base sa Letran University,
Intramuros, Maynila.
✔ Ito ay nag-aanyaya ng mga tagapanayam sa larangan ng drama at sining ng teatro; nagdaraos ng mga
seminar-palihan na ang magiging bunga ay ang pagtatanghal ng mga produksiyon.
✔ Ang pangulo ng pangkat noong 1981 ay si Yvett Soriano at si Merlinda Boleis, kalihim ng dekano, naman ay
nagsilbing tagapayo.
✔ Ilan sa prosuksiyon ng pangkat ay ang mga sumusunod:
1. PAMAMANHIKAN
2. CHAMPAGNE NI DIXIE CUP
3. SAYLENT MUBIS SA QUIAPO
4. MAY TAO SA PUNDIDONG BITUIN
✔ Ang huling tatlong dula na nabanggit ay maga orihinal na dula ng Teatro de Letran.
⮚ TAMBULI
✔ Bilang samahang pantanghalan ng Araneta Foundation University, layunin nitong magtanghal ng mga dula sa
wikang Ingles at Filipino.
✔ Ilan sa mga produksiyon ng pangkat ay:
1. PANHIK-LIGAW
2. LOVE OF VIRGEL AND CELY
3. OF COCKS AND HENS
4. THE VIGIL (1970)
5. TURN RED THE SEA (1970)
⮚ ASSUMPTION DRAMATIC SOCIETY
✔ Ang pangkat na ito ay nakabase sa Assumption Convent, San Lorenzo Village, Makati. ✔ Sinasanay ng pangkat
na ito ang mga kasaping mag-aaral upang lumikha ng mga propesyonal na produksiyon.
✔ Sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga batikang aktor at director buhat sa iba’t ibang propesyonal na pangkat
pantanghalan tulad ng PETA, Repertory, at MET, ang mga kasapi ng pangkat ay nagkakaroon ng malawak na
pananaw at karanasan tungkol sa mga gawaing pantanghalan.
✔ Kabilang sa mga dulang itinanghal ng pangkat sa ilalim ng patnubay ng tagapayong si Ma. Paz Lagdameo ay:
1. MY FAIR LADY
2. BECKET
3. SOUTH PACIFIC
4. WEST SIDE STORY
5. BEST OF BROADWAY
6. SEVEN NUNS
⮚ UCC DULAANG KAYUMANGGI ENSEMBLE
✔ Ang University Cultural Committee (UCC) Dulaang Kayumanggi Ensemble ay naitatag bunga ng pagsisikap ni
Reynaldo Palma.
✔ Ang pangkat na ito ay naka-base sa University of the East, Caloocan at binubuo ng mga mag-aaral na mahilig
sap ag-arte at mga gawaing pantanghalan at handing magpakasakit upang ang teatro sa ating bansa ay maging isa
sa pinakamakapangyarihan at mabisang midyum ng komunikasyon at pagbabagong pampamayanan.
✔ Sa bawat semester ng panuruang taon, ang pangkat ay lumiilikha ng tatlong produksiyon.
✔ Noong 1980, itinanghal ng pangkat ang LUPA, BUKID AT SAKA; ECHOES OF MANILA; TAPOS NA ANG
PALABAS ni Fely Dagdagan; at LALAKI , BABAE AT MARAMI PANG IBA ni Orlando Nadres.
✔ Enero, 1981 ipinalabas nila sa UE, Caloocan Social Hall ang EKSEMTED. Ito ay sinundan ng pagdaraos ng Play
Festival noong Pebrero 1981 na nagtampok sa mga dulang TOURIST VISA ni Rikki Pascua; ABO ni Remy Acosta;
ANDONG ni Gilbert Santiago; LUKSA nina Bertubem, Roni at Fely Dagdagan; at BATIK SA TADHANA ni Ed Oliva.
⮚ DRAMA-RADIO UNITED GROUP (DRUG) NG DWU TACLOBAN
✔ Base sa Divine Word University of Tacloban, na dati ay may pangalan na Saint Paul’s College.
✔ Noong 1949, pawing mga dulang Ingles ang itinatanghal nito na pinapangasiwaan ni Padre Kunkel, isang paring
Amerikano.
✔ Hanggang sa kasalukuyan ay nagtatanghal sila kaya lamang ay nagbago ng ilang ulit ang pangalan ng grupo.
✔ Nagtanghal sila ng mga adaptasyon ng mga dulang Ingles tulad ng ROMEO AND JULIET, OUR TOWN at iba
pa.
✔ Si Clarita Filipinas ang naging unang tagapangasiwa ng unang mga taon ng DRUG, at ito ay nagsimula na ang
mga kasapi ay walo lamang.
✔ Ilan sa mga dulang Ingles na ipinalabas ng DRUG simula noong 1976 ay:
1. OUR TOWN
2. HANSEL AND GRETEL
3. FOREVER
4. THE THREE RATS
5. THE GLASS MANGERIE
4. WAITING FOR GODOT
5. THE WORLD IS AN APPLE
6. CHAIRS
7. THE BOOR
8. THE WELL-REMEMBERED VOICE
⮚ BUHILAMANG KAMBAYOKA – SUGBU
✔ Si Edgar Lopez ang tagapagtatag ng Buhilamang Kambayoka- Sugbu.
✔ Ang grupong ito ay bumuo ng produksiyon ng ANG DALAGA SA MAYI na itinanghal sa Arnaz Coliseum noong
Hulyo, 1981.
✔ Noong 1982 naman ay idinirihe ni Edgar Lopez ang mga dulang LALAKI, BABAE, AT MARAMI PANG IBA ni
Orlando Nadres at ang BAYAN-BAYANAN ni Bienvenido Noriega Jr.
⮚ PANGKAT KALINANGANG KAYUMANGGI
✔ Itinatag noong Hulyo 23, 1977 ni Alberto Garcia, pangulo ng Central Luzon Polytechnic College sa Lungsod ng
Cabanatuan.
✔ Ang grupo ay pinapamunuan ni Diosdado Pascual. Ang mga dulang kanilang itinanghal ay ang mga sumusunod:
1. SINO BA KAYO – komedya ni Julian Cruz Balmaceda, sa direksiyon ni Boots Pascual (1977)
2. PINTIG – isang trilohiya ng tatlong dulang may isang yugto:
a. ANG PANAUHIN ni Leon Maria Victoria
b. TAG-ANI ni Amelia Lopeña-Bonifcaio
c. MOSES, MOSES ni Rogelio Sikat
3. A DOCE JUNIO – sarsuwelang may iisahing yugto ni Leon Maria Victoria.
4. VIDA – dulang may iisahing yugto ni Wilfredo Pa. Virtusio
5. SA KANTO NG MABINI AT HENERAL TINIO – isang trilohiya ng mga dulang may isang yugto:
a. AMA NG KAHAPON, ANAK NG BUKAS ni Azucena Uranza
b. MAY KATWIRAN ANG KATWIRAN ni Rolando Tinio
c. SAPANG PALAY ni Reuel Aguila
⮚ TECHNOLOGICAL APPECIATIVE MOVEMENT OF THE ARTS (TAMA)
✔ Naka-base sa Mapua Institute of Technology.
✔ Sumibol sa isang matinding pangangailangan- ang pagkamulat at pagpapahalaga sa sining teatro at iba pang
anyo ng sining na nangangailangan ng pagpapaunlad ng mga aspetong teknikal.
⮚ IPAG (Integrated Performing Arts Guild of MSU-Iligan Institute of Technology) ✔ Ito’y itinatag ni Steven P.
Fernandez .
✔ Ilan sa mga ipinalabas nila ay:
1. A STSR IS BORN – isang adaptasyon mula sa pelikulang ganoon din ang pamagat, sa direksyon ni Steven
Fernandez.
2. ITO BA ANG ILIGAN? – tumatalakay sa mga suliranin ng Lungsod ng Iligan
3. KASTILYO NI KARDO – ni Jose Ibarra Angeles na isinalin sa Cebuano, ay tungkol sa pakikipagkapuwa-tao.
4. A HAND PUPPET SHOW AT A SHADOW PUPPET SHOW
5. ANG HAWLA – ni Nonilon Queaño, tungkol sa buhay ng isang kaminero.
⮚ KOTA – (KAGAHAY-AN DE ORO THEATER ASSOCIATION)
✔ Itinatag at pinamunuan nina Fr. Francisco Demetrio, Margarita Torre, Teresita Pil, Nannette Roa, Bebot Rodinas
at Raul Balan noong Marso, 1973 sa Xavier University, Lungsod ng Cagayan de Oro.
✔ Ilan sa mga produksiyon na kanilang ginawa ay ang mga sumusunod:
1. KALBARYO (Semana Santa, 1973) – sa direksyon ni Joy Soler, salin sa Cebuano mula sa Calvary ni Yeats.
2. LUKAY (Linggo ng Palaspas, 1974) – itinanghal sa umaga, araw ng palaspas sa mga lansangan ng Lungsod ng
Cagayan de Oro sa pamamahala ni Frank G, Rivera. 3. OSANA, OSANA – ipinalabas noong gabi ng araw ng
palaspas, Lunes Santo noong 1974, sa direksyon ni Frank Rivera. Itinanghal sa Amphitheater ng Liwanag
Divisoria.
⮚ TEATRO KABATAAN
✔ Nabuo dahil sa matinding pagnanasang makatulong sa kaunlarang pangkalinangan ng mga kabataang Pilipino
sa pagsusumikap ni Lennie Tinio Alindada.
✔ Naka-base sa Cabrini School, isang paaralang pang-elementarya na matatagpuan sa likod ng terminal ng
Pantranco sa Francisco Del Monte, Lungsod ng Quezon. ✔ Naging pambukas na produksiyon ng grupong ito ang
CREATION, isang kontemporaryong dula na sinaniban ng mga awitin, sayaw at tula na ipinalabas noong Marso
27-28, 1975.
✔ Ang mga sumusunod ay nagbigay-daan sa pagning-ning ng TK. Sa pagbukas ng panuruang taong 1976-1977,
itinanghal nila ang LIKHAAN na binuo ng tatlong dula: 1. GINTONG PALAYOK ni Bong Concepcion
2. KAHAPON, MADILIM ni Pallu Ballein
3. ANG AMING BUHAY AY ISANG MANYIKA ni Badette Trinidad.
⮚ KANKANTI THEATER ENSEMBLE
✔ Itinatag bilang sangay ng PETA sa Pangasinan ni Rex Catubig noong unang bahagi ng dekadang pitumpu.
✔ Itinanghal sa Theater-in-the-Ruins sa Dagupan ang ANG PAGLILITIS NI MANG SERAPIO ni Paul Dumul,
HANGGANG DITO NA LAMANG AT MARAMING SALAMAT ni Orlando Nadres at ang mga orihinal na dulang
isinulat ng mga miyembro ng samahan sa pamumuno ni Mara Goyena.
✔ Karamihan ng mga dulang orihinal ng pangkat ay nasa wikang Ilokano at Pangasinense.
⮚ TEATRO KABATAAN NG KUATRO (TK-4)
✔ Isang samahan ng mga kabataang naninirahan sa Project 4, Lungsod ng Quezon na pawang mahihilig sa
pag-arte.
✔ Itinatag noong ika-8 ng Nobyembre. 1978 upang ilapit ang tanghalan ng mga tao at ang mga tao sa tanghalan;
upang sumalamin sa kasalukuyang katotohanan; upang bukurin ang mga kabataan sa pamamagitan ng tanghalan;
at upang hanapin, tuklasin at paunlarin ang mga natatagong talino sa larangan ng tanghalan sa Project 4.
✔ Ilan sa binigyang buhay ng pangkat ay ang mga sumusunod:
1. SARILING LOTE
2. SARILING BAHAY
3. RAMONA REYES NG FORBES
4. SINO BA KAYO
5. HIBIK NG KULTADO
6. BANDA SA DULO
✔ Sariling dula :
1. KALAYAAN
2. SA TIGANG NA LUPA
3. PIRA-PIRASONG LANGIT
- isinulat ni Nards de Guzman III
1. TANGING DAKILA
2. ANG AMA
3. PANANAGUTAN
4. MAALALA MO KAYA?
- isinulat ni Ret Teleron
⮚ SAMAHANG WALANG PANGALAN
✔ Ang pangkat na ito ay isnag dulaang-bayan na binubuo ng mga mag-aaaral at mga mandudulang walang
sinasanibang samahan.
⮚ SIKAP (SINING AT KULTURA NG PASAY)
✔ Ang pangkat panteatrong pampamayanan na ito ay may 40 kasapi na nanininirahan sa Lungsod ng Pasay.
Pinangangasiwaan ng kanilang director na si Arman Cuneta.
⮚ TEATRO KALBURO
✔ Produkto ng Arena Theater, si Juanito Rigonan ay may istudyo sa Pamilhang Bayan ng Sta. Mesa.
✔ Dito itinatag niya ang Teatro Kalburo na nagtanghal ng mga dulang TUSO MAN ANG MATSING, PAMANHIKAN,
PASION at NEW YOKRKER IN TONDO.
⮚ AKAP (DULAANG KABATAANG PILIPINO)
✔ Pinamumunuan ni Ronald Constantino Juan, ang pangkat na ito ay nagtatanghal ng mga orihinal na dulang
Pilipino at mga adaptasyon sa Pilipino ng mga dula sa wikang Ingles.
⮚ TOP PRODUCTIONS (TEN OUTSTANDING PERFORMERS)
✔ Pinamunuan ni Julie Borromeo, ito ay itinatag noong 1981.
✔ Ang mga dulang broadway na itinaghal nila ay pumapaksa sa mga pangkatang sakto (group sex) sa mga
magkapareha. Halimbawa ay I LOVE MY WIFE na itinanghal sa PhilAm noong 1981 at MAN OF LA MANCHA na
ipinalabas sa CCP.
⮚ PHIMICA PLAYHOUS
✔ Ang Philippine Movement for Intellectual and Cultural Affairs (PHIMICA) ay itinatag noong kalagitnaan ng
dekadang animnapu ng mga kabataang bagong gradweyt sa kolehiyo.
✔ Naka-base sa Pope Pius XII Center sa United Nations Avenue.
- TEA AND SYMPATHY ni Robert Anderson sa direksyon Manny Villanueva - MAY DAY EVE at GUARDIA DE
HONOR ni Nick Joaquin
- MY THREE ANGELS sa direksyon ni Manny Villanueva
⮚ MINDANAO STATE UNIVERSITY – Sining Kambayoka
✔ Pagtatanghal ng mga dula sa wikang Ingles sa Lungsod ng Marawi.
✔ Kabilang sa itinanghal ng MSU Dramatic Club sa pamumuno ni Lyra Blanco ay ang: 1. THE FANTASTICKS
2. THE HOUSE OF BERNARDA ALBA
3. THREE SISTERS
✔ Pagpasok ng dekadang pitumpu, isang mag-aaral ng Departamento ng Physics-Science Training Center ang
nag-buo ng isang pangkat na tinawang niyang PLAYERS’ COMPANY (PLAYCOM).
- WAIT UNTIL DARK
- OH DAD, POOR DAD
⮚ UNIVERSITY OF MINDANAO – Kulturang Atin
⮚ THEATERS ARTS PHILIPPINES
✔ Pinamumunuan nina Mark Anthony Villaracho at Ray Ventura, ang pangkat na ito ay nagtanghal ng iba’t ibang uri
ng dula.
✔ Dalawa sa mga dula nila ay GREASE ON STAGE at DE-KALIBRE
⮚ TEATRO (Theater Education and Arts Training Organization)
✔ Itinatag upang makatulong sa pagpapaunlad at magtaghal ng mga makabuluhang dula para sa mga mamamayan
ng Lungsod ng Cebu at iba pang mga lalawigan sa Kabisayaan. ✔ Ang pamgkat na ito ay may layuning magamit
ang teatro sa pakikipagtalastasan sa mga manonood at magbigay ng kasiyahan lalo na sa ikatataas ng antas ng
edukasyon ng mga mamayan.
✔ Naitatag dahil sa pagsusumikap nina Dennis Estrada, Bien Fernandez Jr., Nestor Horfilla, Orlando Magno at
Becky Salera.
✔ Itinanghal ng pangkat na ito ang mga sumusunod na dula:
1. PAGTUAW SA KATAWHAN, JUAN POSONG ng University of San Carlos
2. JUAN TAMBAN at HAGIT sa direksyon ni Al Santos
3. ZACARIAS TARTANILLA sa direksyon ni Dennis Estrada at Becky Salera
4. JUAN POSONG MEETS PALTOS V sa direksyon ni Nestor Horfilla
✔ Sa taong 1981, itinanghal ng TEATRO ang PANUNULUYAN sa pagtataguyod ng Cebu Central Colleges,
ANTI-GONE sa pagtatangkilik ng USC at JOE HILL na itatanghal nang libre para sa pamayanan ng Cebu.

Mga kilalang Sagisag/taguri Nagsilbing Obra


Mandudulang
Pilipino
Severino Reyes Ama ng Lingguhang Liwayway at Ama ng
Dulaang Pilipino – Lola Basyang -Walang Sugat (isang sarswela tungkol sa
kalupitan ng mga Kastila.Ang hangarin ay
Kumita siya ng unang liwanag sa Sta. Cruz, pagbabagong sosyal).
Maynila noong Pebrero 11, 1861. Siya’y - R.I.P.
ikalimang anak ng mag-asawang Rufino -Kalupi
Reyes at Andres Rivera. Tinapos niya ang - Filipinas para los Filipinos
Batsiler sa Pilosopiya at Letras sa Unibersidad - Puso ng isang Pilipina
ng Santo Tomas. Nagsimula siya sa pagsulat - Bagong Fausto
sa Tagalog noong 1902. Nakilala siya sa -Alma Filipina
tawag na Don Binoy at gumamit ng sagisag na - Tatlong Babae
Lola Basyangsa kanyang mga kuwento sa - Tatlong Bituin
Liwayway. Siya at tinaguriang “Ama ng - Mga Pusong Dakila
Lingguhang Liwayway” at “Ama ng Dulang
Pilipino”. Nagtatag ng “Gran Campania de Dulang may Panunuya
Zarswela de Tagala”. Napatanyag bilang “Lola -Filotea
Basyang -Ang pag-aasawa ni San Pedro
-Opera Italyana
-San Lazaro

Aurelio Tolentino Ama ng Dulang Kapampangan


- Kahapon, Ngayon at Bukas
Siya’y ipinanganak sa Guagua
Pampanga noong Oktubre 15, 1868. - Luhang Tagalog
Nagsimula siya ng pag-aaral sa Malolos, -Sinukuan
Bulacan at nagpatuloy sa San Juan de Letran -Sumpaan
at Unibersidad ng Santo Tomas. Natapos niya -Bagong Kristo
ang Batsiler ng Pilosopiya sa U.S.T Ang mga -Manood Kayo
dulang isinulat niya ay makabayan at may
diwang mapanghimagsik kaya’t ilang ulit
siyang nabilanggo. Siya ang pumulot ng
salitang “dula” mula sa Bisaya at pinagkunan
naman ng salitang dulaan na kasingkahulugan
ng “teatro”.

Patricia Mariano Itinuring na isa sa pinakamahusay na -Ipinalalagay na ang dulang “Lakangbini” ang
mandudulang Tagalog. Ang mga paksa ng kanyang obra maestro.
kanyang mga dula ay punong-puno ng -Ang Anak ng Dagat (maipapantay sa obra
simbolismo at marmansa ang kanyang istilo. maestro niyang Lakangbini )
Nakasulat siya ng may animnapung dula.
Siya’y naglingkod sa senado ngunit hindi - Ako’y Iyo Rin
naging dahilan ito upang talikuran niya ang - Ang Tulisan
pagsusulat. Ipinalalagay na ang dulang - Silanganin
“Lakangbini” ang kanyang obra maestro. - Ang Dalawang Pag-ibig
- Luha’t Dugo
- Si Mayumi
- Ang Unang Binhi

Hermogenes Ama ng Sarswelang Pilipino -Dalagang Bukid


Ilagan Nagtayo ng ‘Campania Ilagan na nagtatanghal - Ang Buhay Nga Naman
ng mga dula sa kalagitnaang Luzon. - Ang Buwan ng Oktubre
-Bill de Divorcio
Isinilang sa Bigaa, Bulakan, noong ika-19 ng - Dahil kay Ina
April 1873. Isa sa mga sagisag -Dalawang Hangal
tagapagtaguyod ng Sarswelang Pilipino at - Despues de Dios
tinaguriang “Ama ng Sarswelang Pilipino”. - El Dinero
Inorganisa niya ang “Campania Lirico – -Ilaw ng Katotohanan
Dramatica Tagala de Gatchalian y Ilagan - Kagalingan ng Bayan
(naging Campania Ilagan kinalaunan), ang - Venus ( Ang Operang Putol)
unang kampanyang sarswela. Ang “Dalagang - Wagas na Pag-ibig
Bukid” ay isa sa lalong tanyag na sarswela, na - Sangla ni Rita
hanggang ngayon, kung inaalala ang - Isang Uno’t Cero
sarswelang nakalipas, ay siyang unang - Centro Pericultura
dumarating sa gunita ng mga tao at mga - Panarak ni Rosa
naghahangad na muling magbuhay - Lucha Electoral
sadakilang nakalipas.
Francisco “Soc” Binansagang “Soc” o Socrates dahil sa - Sa Pula, Sa Puti
Rodrigo ipinakita niyang katalinuhan nang nag-aaral
pa siya sa Ateneo.

Isa sa mga nagtatag ng samahan ng


mandudulang Dramatic Philippine. Itinanghal
ang kanyang sinukat na “Sa Pula, Sa Puti” na
sadyang kinawilihan ng mga manonood dahil
sa tema nitong may kinalaman sa bisyong
sabong. Isang dulang may katutubong kulay
na pamilyar sa kapaligirang buhay Pilipino.
Akda.

Pagtatanghal o Drama

Mga tai sa loob ng produksyon istaf – stage manager, playwright


Tao na bumubuo at nagsusulat ng script – producer, instructional, settings

PAUNANG PAGSUBOK: YUNIT II


1. Isang collaborative na anyo ng pinong sining na gumagamit ng mga live performer, karaniwang aktor o actress,
upang ipakita ang karanasan ng isang tunay o naisip na kaganapan bago ang isang live na madla sa isang
partikular na lugar, madalas na isang yugto isa sa maraming paraan ng pagkukwento. Teatro
2. Siyaý tumutukoy sa theatricality, theatrical language, stage writing at ang pagiging tapat ng teatro bilang
magkasingkahulugan na expression na iba-iba ang teatro mula sa iba pang mga gumaganap na sining, panitikan
at ang mga sining sa pangkalahatan. Patrice Pavis
3. Ito ang pangalang binibigay sa bahagi ng entablado. Ito ay bahagi ng gilid ng awditoryum na telon. Apron
4. Ito ay pinatutungkulan sa likod ng entablado kung saan hindi nakikita ng mga manunuod ang mga aktor ng
dula. Kabilang dito ang dressing room ng mga artista. Backstage
5. Ito ay pinatutungkol sa lahat na may kinalaman sa dula mula sa ‘crew’ ang iba pang tao na may ginagampanan sa
pagtatanghal. Company
6. Ito ang isang natatanging silid na kung saan maaaring mag-unwind ang mga aktor. Green Stage
7. Isang imahinasyong haligi o dingding sa dula na tiatangggalupang makapanood ang mga manunod ng galaw
sa isang silid. Fourth Wall
8. Isang buong pagtatanghal ng dula. Ginagawa ito bago ang pagtatanghal. Dress Rehearsal
9. Ito ang terminong ginagamit sa ‘frame’ na ginagamt sa pagtatanghal. ProsceniumArch
10. Ito ang saglit na pagitan ng mga nagtatanghal. Interval

Terminolohiyang Ginagamit sa Teaatro


• Act Ito ay mga malalaking pagkakahati sa dula.
• Apron ito ang pangalang binibigay sa bahagi ng entablado. Ito ay bahagi ng gilid ng awditoryum na telon.
• Asm Assistant Stage Manager
• Backstage Ito ay pinatutungkulan sa likod ng entablado kung saan hindi nakikita ng mga manunuod ang mga
aktor ng dula. Kabilang dito ang dressing room ng mga artista.
• Blackout Ito ang sandali ng pagtatanghal na patay lahat ang ilaw sa entablado.
• Blacks Ito ang terminong ginagamit sa damit ng mga crew habang nagtatanghal.
• Blocking Ito ay ang proseso ng pagsasaayos ng mga galaw ng mga artista sa ibabaw ng entablado.
• Box Office Ito ay unahan ng “HOUSE” na kung saan maaaring makabili ng tiket sa panunood ang mga
manunuod.
• Box Set Silid na may tatlong dingding na kung saan ang pangapat na haligi ay tinanggal
• Bump In Proseso na paghahanda sa teatro sa isang particular na produksyon. Kabilang nito ang pagbubuo ng
set, bahagi nito, damit at ilaw sa entablado.
• Call Ang ‘call’ ay terminong ginagamit upang tawagin ang lahat ng aktor sa tanghalan.
• Casting Ito ay proseso ng pagpili ng mga artista para sa isang dula.
• Curtain Call Ito ay paglabas ng mga aktor at magbibigay ng bow sa entablado.
• Downstage Patungkol sa isang bahagi ng entablado na malapit sa mga manunuod.
• Cue Ito ay terminong ginagamit ng Stage Manager na kung isang direktiba o utos na ginagamit sa mga tao sa
teknikal kabilang ang tao sa lights at sound.
• Dress Rehearsal Isang buong pagtatanghal ng dula. Ginagawa ito bago ang pagtatanghal.
• Flat Isang parihabang frame na nababalutan ng tela o plywood. Ginagamit sa isang produksyon sa dula na
ginagamit sa iba’t ibang pagtatanghal.
• Fourth Wall isang imahinasyong haligi o dingding sa dula na tiatangggalupang makapanood ang mga manunod
ng galaw sa isang silid.
• Front of House Ito ang pangkalahatang lugar na sakop na kung saan maaring daanan o gamitin ng mga
manunuod kabilang dito ang foyer, the bar, box office at mismo ang auditorium.
• Green Room Ito ang isang natatanging silid na kung saan maaaring mag-unwind ang mga aktor.
• House Ito rin ay ang tinatawag na auditorium
• Interval Ito ang saglit na pagitan ng mga nagtatanghal.
• Matinee Ito ay pagtatanghal sa umaga o sa hapon maliban sa pang-gabing pagtatanghal.
• Pre Set Terminong ginagamit upang ilarawan ang pagsasaayos ng mga ilaw at props sa entablado bago
magsimula ang dula.
• Proscenium Arch Ito ang terminong ginagamit sa ‘frame’ na ginagamt sa pagtatanghal.
• Run Ibig sabihin na buong haba ng pagpapalabas o pagtatanghal ng isang particular na produksyon.
• Stage Left/Stage Right Ito ay isang perspektibo ng aktor sa entablado kung saan ang aktor ay tumatayo sa harap
ng manunuod sa ibabaw ng entablado.
• Technical Rehearsal Ito ay natatanging pag-eensayo na naka-focus sa ilaw, set, sounds at music na gagamitin
sa pagtatanghal
• Theatre in the Round Ito ay isang porma ng teatro na kung saan ang manunuod ay nasa paligid ng nagtatanghal.
• Upstage Ito ay pagnakaw ng isang aktor sa isa pang aktor ng atensyon ng manunuod sa entablado.
• Wings Isang espasyo sa gilid ng entablado kung saan naghihintay ang aktor upang paghandaan ang kanyang
pagpasok sa entablado.

PAUNANG PAGSUBOK YUNIT III


1. Ang mga ito ay naglalarawan at nagsasalaysay ng iba’t ibang aspekto ng pang-araw-araw na kabuhayan at
kultura ng bawat tribo. Maaaring ang mga ito’y nauukol sa pagibig, kamatayan, pakikidigma, pag-aani ng palay o
paggaya sa mga kilos o galaw ng mga hayop (Casanova, 2001). Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag.
Sinasabing mga sayaw-ritwal na ito nag-ugat ang sining ng ating dula.
2. Alin sa mga nabanggit na halimbawa ng dula ang hindi kabilang sa Katutubong Dula ?
Paglakad ng Estrella at Birhen
3. Alin sa mga nabanggit na halimabawa ng dula ang hindi kabilang sa Dula sa Panahon ng Kastika?
Dung-aw
4. Itoý dula na itinatanghal sa entablado ngunit maari rin itong ganapin sa bakuran o labas ng bahay. Tungkol sa
relihiyon ang karaniwang paksa ng mga dula na nakilala sa panahon ng Kastila.
Panlibangan
5. Ipinapakita sa dulang ito ang paglalaban ng mga Kristiyano at Muslim na laging nagwawakas sa pagtatagumpay
ng mga Kristiyano at pagpapabinyag ng mga muslim. Moro-moro
6. Itinatanghal sa dulang ito ang buhay at pagpapakasakit ni Hesus. Ginaganap ito tuwing mahal na araw.
Senakulo
7. Dulang musikal o isang melodramang may 3 yugto na ang mga paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho,
paghihiganti, pagkasuklamat iba’t iba pang masidhing damdamin. Sarswela
8. Isa ring larong paligsahan sa pagtula. Ginaganap ang larong ito kung may pagtitipon bilang pakikipagdalamhati sa
namatayan. At kung sino man ang binata na makakita ng singsing ay siyang pakakasalan ng prinsesa at maging
kabiyak. Karagatan
9. Ang mga halimbawa ay Dula Sa Panahon ng Amerikano maliban sa _________? Dulang Bayok at Embayoka
10. Isang pamalagiang kompanya ng drama sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1987.
Itinatag ito ng Pilipinong mandudula, mansasalinwika, direktor, at edukator na si Rolando S. Tinio, na naglingkod
dinbilang Direktor na Pangsining nito. Teatro Pilipino

PAUNANG PAGSUBOK
1. Siya at tinaguriang “Ama ng Lingguhang Liwayway” at “Ama ng Dulang Pilipino”. Severino Reyes
2. Isang sarswela tungkol sa kalupitan ng mga Kastila.Ang hangarin ay pagbabagong sosyal Walang Sugat
3. Siya ang pumulot ng salitang “dula” mula sa Bisaya at pinagkunan naman ng salitang dulaan na kasingkahulugan
ng “teatro”. Aurelio Tolentino
4. Siya’y naglingkod sa senado ngunit hindi naging dahilan ito upang talikuran niya ang pagsusulat. Ipinalalagay na
ang dulang “Lakangbini” ang kanyang obra maestro. Patricia Mariano
5. Isa sa mga sagisag tagapagtaguyod ng Sarswelang Pilipino at tinaguriang “Ama ng Sarswelang Pilipino”
Hermogenes Iligan
6. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga halimbawa ng dulang may panunuya na isunulat ni Severino Reyes maliban
sa _________? Walang Sugat
7. Itinanghal ang kanyang sinukat na “Sa Pula, Sa Puti” na sadyang kinawilihan ng mga manonood dahil sa tema
nitong may kinalaman sa bisyong sabong. Isang dulang may katutubong kulay na pamilyar sa kapaligirang buhay
Pilipino. Francisco “Soc” Rodrigo
8. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga halimbawa ng dulang may panunuya na isunulat ni Mariano Iligan maliban sa
_________? Filotea
9. Isang dulang sadyang kinawilihan ng mga manonood dahil sa tema nitong may kinalaman sa bisyong sabong.
Sa Pula, Sa Puti

10. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga halimbawa ng dulang may panunuya na isunulat ni Hermogenes Iligan
maliban sa _________? Bagong Kristo

PANUNANG PAGSUBOK: YUNIT V


1. Ang taong may pananagutan sa pangangasiwa ng konstruksyon, pag-mount, rigging, at paglilipat ng senaryo.
Master Carpenter (Scene Shop Foreman)
2. Ang taong responsable para sa disenyo, konstruksyon, at pagtatapos ng iba't ibang pandekorasyon at functional
props na ginagamit sa isang produksyon. Property Master
3. Ang taong tumutulong sa direktor sa panahon ng mga pagsasanay at namamahala sa lahat ng aktibidad sa
backstage sa sandaling nabuksan ang pag-play; ay dapat maging isang miyembro ng AEA sa mga propesyonal
na kumpanya Stage Manager
4. Ang taong may pananagutan sa pagkuha, pag-install, at pagpapanatili ng lahat ng kagamitan sa pag-iilaw at
pangangasiwa ng mga tauhan na nag-hang, nakatuon, at nagpapatakbo ng mga kagamitan sa pag-iilaw. Master
Electrician
5. Ang taong may pananagutan sa pagtatayo ng mga costume at pangangasiwa ng tindahan ng kasuutan. Wardrobe
Supervisor
6. Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood. Tagapamahala ng Tanghalan
7. Ang pamumuno sa isang dula ay isinasaalang-alang ang mga katangian maliban sa Batay sa Konsepto
8. Ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan to naghahatid ng mensahe tulad ng pagtaas o pagbaba ng
kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos ay ng bibig, sunod ay sa mukha,
pagkatapos ay sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng barso, kamay at mga daliri. Kumpas
9. Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura. Tindig
10. Ang akrostik na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan. S T A G E

You might also like