You are on page 1of 2

GROUP 4:

BOMBASE, ROBESSA
CANCILLAR, MARY ANN

ENTABLADO

 Ang dula ay isang mahalagang anyo ng sining at panitikan na naglalayong magbahagi ng


mga kwento, mga karanasan, at mga saloobin sa pamamagitan ng pagtatanghal sa
entablado.
 Ang entablado ay ang lugar na pinagtatanghalan ng mga dula. Marami at iba iba ang mga
mukhang makikita na nag bibigay buhay sa iba’t ibang papel sa bumubuo sa dulaan.
Maayos, dahal dahan at organisadong inihahanda ang lahat: sapat na ilaw, akmang tunog
at mga ‘props’ na nag-dadag kulay sa pagkakabuo ng dula. May mga tagapanuod ka, taga
obserba at taga palakpak din.
 Ang "entablado" ay ang partikular na plataporma o estruktura kung saan isinasagawa ang
pagtatanghal sa dula. Ito ay isang konkretong lugar na may elevated stage, backdrop, at
iba pang elements na makakatulong sa pagbuo ng eksena. Ang "entablado" ay ang pisikal
na lokasyon kung saan ang mga aktor ay nagtatanghal.

TANGHALAN
 Ang tanghalan ay mas pangkalahatang termino na tumutukoy sa buong espasyo kung
saan isinasagawa ang pagtatanghal. Ito ay kinabibilangan ng entablado, likod na kurtina,
set design, at pati na rin ang lugar kung saan nakaupo ang mga manonood. Ang
"tanghalan" ay naglalarawan ng kabuuang pook o espasyo kung saan nangyayari ang
pagtatanghal.
 Tanghalan - Anumang lugar na pinagkasunduang pagtanghalan ng isang dula
ay tinatawag na tanghalan.

 Tanghalan ang malalaking mga teatro at gusali gaya ng mga teatrong pantanghalan sa
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP at iba pang mga propesyonal na teatro o
gusaling tanghalan.
 Tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dulang panlansangan
 Tanghalan ang bahaging unahan ng silid-aralan na pinagtanghalan ng mga mag-aaral
sakanilang klase
 Tanghalan ang tawag sa isang bahagi ng sala napinagtatanghalan ng sala
theatre.
 Tanghalan ang isang bahagi ng kahit na anong bukas na lugar(open space) kung ito ay
ginamit upang pagtanghalang dula na may mga manonood at may mga
artistang gumaganap o nagtatanghal.

PANGKALAHATAN
 Sa pangkalahatan, ang "entablado" ay isang bahagi ng "tanghalan" dahil ito ang
konkretong lugar kung saan ang mga aksyon ay nangyayari, at ang "tanghalan" naman
ang mas malawak na termino na sumasaklaw sa buong espasyo ng pagtatanghal.
Entablado at Tanghalan: Katanungan

1-5. Ano ang pagkakaiba ng entablado at tanghalan sa isang dula?


6-10. Ano ang kahalagahan ng entablado at tanghalan sa isang dula?

You might also like