You are on page 1of 6

Topic 1 : TEATRO O TANGHALAN

MGA TERMINONG GINAGAMIT SA TEATRO

1. ACT - Ito ay mga malalaking pagkakahati sa dula.

2. APRON - Ito ang pangalang binibigay sa bahaging entablado. Ito ay bahaging


gilid ng awditoryum na telon.

3. ASM - Assistant Stage Manager

4. Backstage – ito ay pinatutungkulan sa likod ng entablado kung saan hindi


nakikita ng mga manunuod ang mga actor ng dula. Kabilang dito ang dressing
room ng mga artista.

5. Blocking – Ito ay ang proseso pagsasaayos ng mga galaw ng mga artista sa


ibabaw ng entablado.

6. Box office – ito ay unahan ng “House” na kung saan maaaring makabili ng tiket
sa panonood ang mga manonood.

7. Blackout – ito ang sandal ng pagtatanghal na patay laahat ang mga ilaw sa
entablado.

8. Blacks – ito aang terminong ginagmaait sa damit ng mga crew habang


nagtatanghal.

9. Bump In – proseso ng paghahanda sa teatro sa isang particular na produksiyon.


Kabilang nito ang pagbuo ng set, bahagi nito, damit ilaw sa entablado.

10. Call – ang call ay terminong ginagamit upang tawagin ang lahat ng actor sa
tanghalan

11. Casting – Ito ay proseso ng pagpili ng mga artista para sa isang dula.

12. Company – ito ay pinatutungkol sa lahat na may kinalaman sa dula mula sa


“Crew” ang iba pang tao na may ginagampanan sa pagtatanghal.

13. Curtain Call – ito ay paglabas ng mga actor at magbibigay ng bow sa entablado.

14. Downstage- patungkol sa isang bahagi ng entablado na malapit sa mga


manonood.

AshLeigh28
15. Dress Rehearsal – Isang buong pagtatanghal ng dula. Ginagawa ito bago ang
pagtatanghal.

16. Green Room – ito ang isang natatanging silid na kung saan maaaring mag-
unwind ang mga actor.

17. Pre-Set – terminong ginagamit upang ilarawan ang pagsasaayos ng mga ilaw at
props sa entablado bago magsimula ang dula.

18. Proscenium Arch- ito ang terminong ginagamit sa “frame” na ginagamit sa


pagtatanghal.

19. Technical Rehearsal- ito ay natatanging pag-eensayo na naka-pokus sa ilaw,


set, sound, at music na gagamitin sa pagtatanghal.

20. Theatre in the round – ito ay isang porma ng teatro na kung saan ang
manonood ay nasa paligid ng pagtatanghal.

21. Wings- ito ay isang espasyo sa gilid ng entablado kung saan naghihintay ang
actor upang paghandaan ang kanyang pagpasok sa entablado.

Topic 2: PAGHAHATOL NG ISANG DULA


I. ANG PAGBABALANGKAS NG BANGHAY
- Ang banghay ay parang tao na may dalawang sangkap: katawan at kaluluwa.

a. Katawan
- Para magkaroonng kaisahang porma ay kinakailangang mabuo nang naaayon
sa masining na pagsasaayos ng mga bahagi:

1. eksposisyon o ang panimulang sitwasyon


2. pahiwatig o ang tahasan o di tahasang babala o hamon na magpapakita sa puwersa
o panganib o balakid na masusuong.
3. komplikasyon
4. kasukdulan
5. kakalasan
b. kaluluwa
Ang banghay na matagal nang tinutukoy ni Aristotle ay puwersang nagpapatakbo
o nagpapakilos sa mga pangyayaring nilahad sa iskrip
1. sa direksyon ng taga-iskrip
2. diyalogo ng tauhan
3. pahiwatig o iniisip na saloobin o isasagawa ng mga tauhan

AshLeigh28
II. MAKABULUHANG PAGPAPAHAYAG NG PAKSA
- Ang paksa ang pinakaistarter sa makinasyon ng pag-akda

III. PAGKAKALIKHA NG MGA TAUHAN


Ang tauhan ay mahirap ihiwalay sa banghay. Kung ang banghay ang
kaban ng kasaysayan, ang tauhan ang susi. Kung wala ang susi ay hindi
mabubuksan ang kaban.
IV. PAGKAMALIKHAIN
- Ang paglikha ay isang pag-iiba o pagbabago ang anyo ng isang bagay o kaisipan na
paggawa.
A. Istilo - Sa pagsusulat ng dula-dulaan, ang istilo ay makikita sa pagkakalikha ng
diyalogo.
B. Teknik
Ang teknik ay walang iba kundi ang mga ginagamit na takaran sa kakayahang
makapaglahad nang ganap na masining at maagham ang kalalabasang kabuuan ng
lahat ng mahahalagang sangkap ng isang likha.
C. Ang Katangiang Pantanghalan
Tulad ng nasabi na sa unahan, maitatanghal ang dula-dulaan, batay sa istilo at teknik
ng pagkakalikha nito.

Topic 3: ANG SINING NG SABAYANG PAGBIGKAS


ANDRADE: 1984
1. Ang sabayang pagbigkas ay isang na pagpapakahulugan sa anumang anyo ng
panitikan.
Ano ang implikasyon ng pakahulugang ito sa sabayang pagbikas?
Ang pagbabasa at pagsusuri ng isang teksto nang sabayan ay maituturing na sabayang
pagbigkas? Paano ito maituturing na sabayang pagbigkas? Isang koro o pangkat ang
bumibigkas nang malakas
2. Ang sabayang pagbigkas ay isang matimbang at maindayog na pangkatang tinig
na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang masining at madamdamin
3. Ang sabayang pagbigkas ay isang pamamaraan ng masining na pagbigkas.
Ang sabayang pagbigkas ay pandulaang pagtatanghal. (Pat Villafuerte, 2012)

AshLeigh28
Kahalagahan ng Sabayang Pagbigkas
1. Nalilinang ang kasanayan sa mabisang pakikipagtalastasan.
2. Napagtutuunan ng pansin ang paraan ng paggamit ng wika.
3. Nasasanay sa wastong pagbigkas ng mga salita at pangungusap.
4. Nagagamit bilang estratehiya sa pagtuturo ng wika pagbasa at
panitikan.
5. Naipapamalass ang pagiging masining, malikhain at nagagamit ang
kritikal na pag-iisip sa panahon ng pagpaplano, pagpapasya at
pagtatanghal
6. Naipapanaig sa diwa at puso ang halaga ng pagkakaisa,
pamumuno, paggalang sa opinion at karapatan ng iba, pagkakaroon ng
tiwala sa sarili at sa kapwa atbp.
URI NG SABAYANG PAGBIGKAS
1.Payak o madamdaming pagbigkas
*Isang simpleng pagtatanghal ng sabayang pagbigkas.
*Limmitado ang kilos
*Tinig ng mambabasa
2. Walang Kilos

*Tanging ang ulo at ang mahahalagang bahagi ng


mukha lamang ang ginagamit sa pagbabasang walang kilos.

*Pinapagalaw ang kilay, mata, bibig atbp.

*tinig, bigkas at ekspresyon ng mukha.

3. Madulang Pagbigkas

* ito ay isang pang-teatrong pagtatanghal.


ANYO NG SABAYANG PAGBIGKAS
1.Syncronized
2.Choreographed
3.Structured
4.Theatrical

AshLeigh28
PAMARAAN NG PAGBUBUO NG SABAYANG PAGBIGKAS
1.Pumili ng paksa. Ang piyesang gagamitin ay dapat na angkop sa okasyon.
2.Bumuo ng iskrip. Ang iskrip na gagamitin ay dapat lapatan ng mga bantas, hudyat,
simbolo, guhit upang madaling mabigyan ng interpretasyon.
3.Pumili ng mga kalahok. Nakasalalay sa tinig ng koro ang husay ng pagbigkas.
4.Suriin at pangkatin ang tinig ng mga kalahok. Ang tinig ng mga mambibigkas ay
maaaring mauri sa tatlo: matinis, karaniwan, at Malaya.
5. Pag-usapan ang nilalaman ng piyesa. Ipaunawa sa mabibigkas an persona ng
tula, ang kahulugan ng pamagat, ang nilalaman ng piyesa, ang layunin ng mayakda at
kaisipang haid bawat saknong at kabuuan ng piyesa.
6. Ituro ang wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalagang matutunan ng mga
mambibigkas kung bakit may mga salitang dapat bigkasin nang mahina, malakas,
mabilis, mabagal, atbp.
7. Lapatan ng wastong pagkumpas ang ilang piling mga salita. May kumpas na
ginagamitan ng isang kamay. Ang paggamit ng dalawang kamay sa pagkumpas ay
nangangahulugang kasaklawan.
8. Pagbubuo ng mga Blockings. Ito ang pagbabagobago ng mga pormasyon at
posisyon ng mga mambibigkas. Ang pormasyon ay kinapapalooban ng: tuwid na hanay,
pahilis na hanay, pormasyong V at pabaliktad na V, pabilog, tapatan, talikuran atbp.
Ang posisyon namay ay kinapapalooban ng: nakatayo, nakaupo, nakaluhod, nakadapa
atbp.
9. Paglalapat ng koryograpi. Kinakailangang maituro sa mga mambibigkas ang
koryograpi.
10. Run through/ Raising up to Performace. Ito ang pagtatakda ng serye ng mga
pagsasanay.
11. Technical dress Rehearsal
12. Pagsasagawa ng Critic Presentation.
13. Pinal na Pagsasanay.Pinakahuli sa lahat ng mga itinakdang araw ng pagsasanay.

PARAAN SA PAGTUTURO NG SABAYANG PAGBIGKAS


- Conventional - Pinakatradisyonal na pamamaraan ng sabayang pagbigkas.
- Stylized - Ang paggamit ng mga element ng Teatro para sa isang mdulang
pagbigkas.

AshLeigh28
- Grouped
- Individualized • Individual na pagsasanay.
- Recorded (audio-Visual)

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TAGAPAGSANAY SA


SABAYANG PAGBIGKAS
- Pagiging masining o malikhain
- Pagkakaroon ng disiplina, tiyaga at determinasyon
- May sapat na kaalaman, kakayahan, karanasan at
- May sapat na kaalaman at kakayahang panteknikal

AshLeigh28

You might also like