You are on page 1of 3

Ramos Arabella C.

(Report)

 Dulang Pansilid Aralan (Chamber Theater)


 Chamber Theater ay binuksan noong Disyembre 1, 1998 upang ipagdiwang ang 275 anirbersaryo
ni Ekaterinburg.
 May element ng dula at element ng salaysay.
 Isang dramatikong pagtatanghal na isang uri ng panitikan sa pamamagitan ng diyalogo o iskrip.
 Sa dulang pasalaysay ay minimal lamang ang mga taauhan at ang paggamit ng stage props.
 Ito ay isang paraan ng isang imahinasyon ng pagtakas ng mga tao mula sa reyalidad papunta sa
mundo ng mga pantasya.

Mga Sangkap sa Chamber Theater

1. Paksa- Temang nakapaloob


2. Iskrip o Dayalogo- tumutukoy sa binabasa ng mga tauhan na kalahok sa pagtatanghal
3. Tagapagsalaysay- taong inatasan na magbasa sa linya ng bawat sitwasyon o pangyayari sa
isinasagawang pagbasa.
4. Aktor at Aktres- mga taong gumanap sa Chamber Theater

Mga dapat taglayin ng isang mambabasa;

 Magandang Tinig
 Tamang ekpresyon ng mukha
 Tiwala sa sarili

 Dulang Adaptasyon o Dulang Halaw


Ito ay tinuturing na pinaka malayang anyo ng pagsasalin dahil may mga pagkakataon na malayo
na ito sa orihinal. Kdalasan na ginagamit ito sa salin ng tula at dula, na kung minsan ay tono na
lamang ang pangkalahatang mensahe ang nalipat sa salin. Sa paraang ito tila sinasantabi ng
tagasalin ang orihinal.

 Tula-Dula
 Ang tulang dula na pangtanghalan ay dramang sinusulat bilang isang bersyo para wikain. At ang
dula ay isinasagawa sa tanghalan kung kaya ito ay tinawag na dulang pangtanghalan.

 Ang uring ito ng tula ay hindi lamang sumasaklaw sa moro-moro o kemedya, tibag, panuluyan ,
sarsuwela, sinakulo kundi gayon don sa mag-isang salaysay (monologo), lirikong dula, tulang
dulang katatawanan, tulang dulang kalunos-lunos, melodramang dula at dulang parsa.

Ilang halimbawa ng Tulang Dula

1. Melodrama- dulang nagtatapos sa kasiya-siya sa mabuting tauhan ngunit ang uring ito may may
malulungkot na sangkap, kung minsan ay masasakit na pananalita at damdamin.
2. Trahedya- Ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing
tauhan. Isang halimbawa nito ang “Ang trahedya sa Balay ni Kadil
3. Parsa- mga magkakabit-kabit o magkakadugtong dugtong na mga pangyayari sa isang
dulang nakakatawa.
4. Saynete- dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng pangunahing
tauhan at sa paguugali ng tao tulad ng pagiging mabait at pagiging masiyahin.

 Sabayang Bigkas
Pagsasanib tinig ng mga kalahok o ng isang grupo upang maihatid ang isang akda ng may
laks, pwersa, tono at emosyon na pakikinggan ng mga manunuod. Dahil sa sabayang
bigkas ay mas nabibigyang buhay ang mga akda dahil sa interpretasyon ng isang grupo
na magkakasabay basahin ito.

Apat na anyo ng Sabayang Bigkas


 Ang pagbasa ng madamdaming pagpapakahulugan
 Sabayang bigkas na walang kilos
 Ang sabayang pagbigkas na may maliit na angkop ng kilos
 Ang madulang sabayang pagbigkas o Tula-Dula

 Dramatic Monologue
Ito ay isang pormulong patula kung saan ang isang solong tauhan na nakikipag na nakikipag
usap sa isang tahimik na tagasuri sa isang kritikal na sandali, nagpapakita ng kanyang sarili at
dramatikong sitwasyon.

Bakit ito tinawag na Dramatikong Monologo?


Ang dramatikong monologo ay tumutukoy sa isang uri ng tula. Ang mga tulang ito ay dramatiko
sa diwan a mayroon silang kalidad sa teatro.

Tatlong Kategorya ng Dramatikong Monologo


 Romantic Monologue- Kung saan nagsasalita ang isang tauhan tungkol sa romantikong relasyon,
alinman sa nakaraan sa kasalukuyan o ninanais ay tinatawag ding isang romantikong monologo.
 Conversational Monologue- Ang dramatikong monologo na ipinakita ng nagsasalita na para
bang bahagi ito ng isang pag uusap.
 Philosophical Monologue- Kung saan inilarawan ng tauhan ang kanilang personal na pilosopiya
o teorya sa mundo.
 Readers Theater
 Ang readers theater ay isang dramatikong pagtatanghal ng isang uri ng panitikan sa
pamamagitan ng dayalogo o iskrip.
 Isang paraan ng imahinasyon ng pagtakas ng mga tao sa reyalidad papunta sa mundo ng
pantasya.

Mga sangkap ng readers theather

1. Iskrip o Dayalogo
2. Paksa
3. Aktor o Aktres

You might also like