You are on page 1of 4

MIDTERM EXAMINATION

DULAANG FILIPINO

PANGALAN:
KURSO:

UNANG BAHAGI

PANUTO. Piliin ang titik ng tamang kasagutan.

1. Ito ay tumutukoy sa mga kilos na madalas ay nasa loob ng panaklong na gumagabay sa


aktor kung paano kumilos. Halimbawa ay “pagdighay nang malakas” ng binata, o
“pagkuyakoy at pag-iling” ng ina.
A. stage direction B. tauhan C. tagpuan D. diyalogo-aside

2. Ito ay tumutukoy sa pangunahing tauhan na pangunahing tauhan sa isang dula, kwento,


o pelikula.
A. antagonista B. protagonista C. dinamikong tauhan D. estatikong
tauhan

3. Tukuyin kung anong sangkap ng dula ang mababasa sa ibaba.


Waiter: Magandang hapon, miss, paano kita matutulungan?
Customer: Magandang hapon, mayroon ba kayong regular na hamburger?
Waiter: Siyempre, mayroon itong 200 gramo ng karne, keso sa cheddar, bacon, mga
hiwa ng kamatis at mga sarsa.
Client: Magaling. Gusto ko ng isa, samahan mo na rin ng isang soda.

A. soliloquy B. monologo C. diyalogo D. tsismisan

4.   Tukuyin kung anong sangkap ng dula ang mababasa sa ibaba.


Crispin? Basilio? Mga anak nasaan kayo? Ah! Alam ko, ipagluluto ko kayo ng
handaan at kakantahan ko kayo ng kundiman. Crispin? Basilio? Nasaan na kayo?
Umuwi na kayo. Crispin? Basilio? Umuwi na kayo mga anak, gusto niyo bang mag-
alala ang inyong ina? Crispin! Basilio!
Nasaan na ang mga anak ko? Crispin, Basilio… Ikaw, nakita mo ba ang mga anak
ko? Baka napansin mo sila… maari bang sabihin mo sa akin kung nasaan sila?
Parang awa mo na, Ginoo... ituro mo… maawa ka na sa akin.

A. soliloquy B. monologo C. diyalogo D. tsismisan

5. Tukuyin kung anong sangkap ng dula ang mababasa sa ibaba.

HAMLET: “Mabuhay o mamatay – iyan ang tanong:


Mas mabuti bang isipin
Na naghirap sa dagok ng kapalaran
O bakahin ang dagot ng problema … ”
1
A. soliloquy B. monologo C. diyalogo D. tsismisan
6. Ito ay tumutukoy sa pasaring, patama, pabulong ng mga tauhan ukol sa ibang tauhan.
Sa teatro, tanging mga manonood lamang ang nakaririnig nito at hindi ang ibang tauhan sa
dula.
A. stage direction B. tauhan C. tagpuan D. diyalogo-aside

7. Ito ay terminolohiyang ginagamit bilang “imaginary wall” na pumapagitan sa mga aktor at


manonood kung saan nagiging invisible para sa mga gumaganap ang mga manonood.
A. point of view B. fourth wall C. imahinasyon D. third wall

8. Tukuyin kung anong sangkap ng dula ang mababasa sa ibaba.


Magbubukas ang entablado at makikita ang mahabang print-out ng HAPPY
30th BIRTHDAY ATE LENY, nakapaskil sa dingding sa sentro, napapagitnaan ng
dalawang pinto; isa para sa kusina at isa para sa silid. Isang litrato ni Leny ang
katabi ng print out na ito.

Sa ibaba nito ay isang mesa na kakikitaan ng birthday cake na may kandilang


hindi pa nasisindihan. May mga pagkaing nagalaw na, tanda nang papatapos nang
handaan.

A. tagpuan B. tauhan C. musika D. ilaw

9. Ito ay maayos na pagkakasunod-sunod ng mga aksiyon sa isang kwento.


A. tagpuan B. tauhan C. banghay D. tema

10. Ito ay isang espesyal na parikala na nagaganap sa ilang dula. Nagaganap ito kung ang
mga impormasyon na matagal nang alam ng mga manonood/mambabasa ay hindi pa rin
alam ng mga tauhan sa entablado.
A. diyalogo B. dramatic irony C. stage set D. tauhan

11. Siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

A. direktor B. prodyuser C. tauhan D. manonood

12. Ito ay tumutukoy sa mga saksi sa isang pagtatanghal. Hindi maituturing na dula ang
isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao.

A. direktor B. prodyuser C. tauhan D. manonood

13. Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa
eksena.

A. Yugto B. Tanghal-eksena C. Tagpo D. Kabanata

14. Ang bumubuo sa isang yugto. Ito ay maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan
ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari.
A. Yugto B. Tanghal-eksena C. Tagpo D. Kabanata

2
15. Ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula.

A. Yugto B. Tanghal-eksena C. Tagpo D. Kabanata

16. Ito ay isang uri ng dula kung saan masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob,
at ang bida ay laging nagtatagumpay.

A. Trahedya B. Melodrama C. Proberbyo D. Komedya

17. Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang
kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

A. Trahedya B. Melodrama C. Proberbyo D. Komedya

18. Kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsan ay eksaherado ang
eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong madala ang
damdamin ng mga manonood nang sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.

A. Trahedya B. Melodrama C. Proberbyo D. Komedya

19. Ito ay isang uri ng dula kung malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang
matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida.

A. Trahedya B. Proberbyo C. Melodrama D. Parsa

20. Ito ay isang uri ng dula kung saan puro tawanan at walang saysay ang kwento, at ang
mga aksyon ay puro “Slapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at
maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.
A. Trahedya B. Proberbyo C. Melodrama D. Parsa

IKALAWANG BAHAGI

A. Sumulat ng isang soliloquy tungkol sa isang mag-aaral na nabu-bully ng kanyang


mga kaklase. (20 puntos)

3
B. Iguhit sa kahon ang naiisip na stage set para sa dulang “Bakit Babae ang
Naghuhugas ng Pinggan?”. Lagyan ng angkop na mga label at maikling
paglalarawan ang iguguhit. (20 puntos)

You might also like