You are on page 1of 4

I.

Pamagat, Direktor, at Buod


Ang dulang Noli me Tangere: Isang Opera na direksyon ni Alexander Cortez ay tungkol sa isang binatang si Crisostomo Ibarra na bumalik sa Pilipinas galing sa ibang bansa. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay may inihandang salu-salo at doon niya nakilala si Padre Damaso. Di niya nagustuhan ang pari. Hindi sinang-ayunan ni Padre Damaso ang pagmamahalan ni Crisostomo Ibarra at ni Maria Clara kayat nahirapan ang magkasintahan nadagdagan pa ang kanilang paghihirap ng nalamang ama pala ni Maria Clara si Padre Damaso. Habang nangyayari ang mga kaguluhan kay Crisostomo Ibarra ay ang pagmamalabis ng mga prayle kina Basilio at Crispin na mga taagasilibi sa simbahan ang nagtulak kay Sisa, na kanilang ina, na masiraan ng bait. Nagtapos ang kwento noong namatay si Sisa, pinaghahabol si Crisostomo Ibarra, at nagpakasal si Crisostomo at Maria Clara.

II.

Mga Orihinal na Tauhan at Ginampanan Ginampanan


Crisostomo Ibarra Maria Clara Padre Damaso Sisa Elias Kapitan Tiago Tia Isabel Basilio Crispin Padre Salvi Teniente Guevarra Albino/Alfonso Linares Donya Victorina Espadaa Don Filipo

Orihinal na Tauhan
Ivan Niccolo Nery Elainne Vibal Jonathan Velasco Joy Tamayo Michael Bulaong Greg de Leon Aissa Guilatco Matthew Anenias Jhizelei Deocareza Onyl Torres Ralph Perez Michael Galang Tanya Corcuera Pablo Molina

III.

Pagsusuri

A. Pag-arte Nauunawaan ba ang gumaganap? Nauunawaan ang mga gumanap sa operang ito dahil maayos ang pagbigkas nila sa mga salita at naririnig sa buong teatro ang kanilang boses. Malinaw din ang kanilang bigkas sa mga salita kayat masasabing naunawaan ito ng mga manunuod. Ginagampanan ba niya ang kaniyang papel ng buong puso at may kompiyansa? Nagampanan ng mga tauhan ng maayos ang kanilang papel dahil may sapat na lakas siya sa pagganap niya sa tauhan. Alam din ng mga tauhan ang kanilang mga linya ng buong puso. Kasiya-siya ba ang kanyang interpretasyon sa kaniyang papel? Maganda ang interpretasyon ng mga tauhan sa kanilang papel sapagkat malinaw ang pagkakaganap nila batay sa kanilang timbre ng boses, kanilang mga kilos at ang mga galaw. Nakakaantig din ang kanilang pagganap dahil punung-puno ito ng damdamin at masasabing nasiyahan ang mga manunuod dito. B. Direksyon Nagpapakita ba ng sapat na respeto ang direktor sa may akda upang bigyang-buhay sa kanyang trabaho ang talagang layunin ng may-akda sa dula o iskrip? Masasabing nagpakita n respeto an director sa may-akda ng dula sapagkat binigyan buhay niya angg akda gamit ang mga angkop na istilong ginamit niya sa dula. Maayos din ang mg galaw at ayos ng mga tauhan sa entablado na nagpapatunay lamang na pinaghandaang mabuti ang dula.

Tagumpay ba ang director sa pagpapakita ng matinding tunggalian na nagtatapos sa kasukdulan? Tagumpay ang director sapagkat mula pa lammang sa lam ng entablado ay maganda na ito pati na rin ang bilis ng daloy ng dula at ang mga galaw ng tauhan dito. C. Produksyon Ang pagkakaayos ba ng entablado ay angkop sa dula at sa istilo ng paglalahad nito? Mayroon bang pagtatangka na maglagay ng mga bagay na may simbolismo sa mga set o props? Ang pagkakaayos ng entablado ay angkop na angkop sa dula at sa istilo ng paglalahad nito. Ang ibang bagay din na nasa entablado ay mayroong sinisimbolo sa dula. Angkop ba sa mga tauhan ng dula ang kanilang mga suot at meyk-ap? Ang mga suot at meyk-ap ng mga tauhan ay angkop sa kanila. Binibigyan buhay nila ang mga tauhan dahil sa kanilang angkop na kasuotan an ang ayos ng kanilang buhok at ang kanilang mga meyk-ap. Sa kalahatan, ang pamamahala ba sa entablado ay nagpapakita ng maayos na pagpaplano at pagsakatuparan ng planong ito? Ang ayos ng entablado ay nagpapakita na maayos na pinlano ng director at iba pang namahala ang dulang ito. Naisakatuparan nila ang plano sapaglat kitang-kita ang bunga ng kanilang paghihirap.

D. Obserbasyon, Reaksyon, at Konklusyon


Ang dulang Noli Me Tangere: Isang Opera ay isang magandang dula. Ito ay nakakaenganyong panuorin ngunit mayroon din itong mga parting medyo nakakaantok. Nakakaaliw ito panuorin sapagkat nakakamangha ang angking galling ng mga tauhan. Ito ay madaling maintindihan at maganda rin ang ayos ng entablado. Pinapakita nito ang buhay ng mga

Pilipino noon at ito ay may kakayahang ibalik ka sa oras kung kalian naganap ang pangyayari sa dula. Ito ay isang matagumpay na dula.

You might also like